bc

Luna Ville Series 1: Lovely Magic Fountain

book_age16+
704
FOLLOW
2.9K
READ
like
intro-logo
Blurb

"I can stop dreaming now, because finally, the reality where you're here beside me, that I can hold you like this, is better than any dream."

Desperada si Umi na makahanap ng prinsipe na tulad ng mga nababasa niya sa fairy-tale books. Pero sa kakamadali niyang magka-love life, muntik na siyang mapahamak.

Doon naman umentra si Alaude-ang mortal enemy niya na naging first heartache niya. Dahil sa malaking kasalan ang nagawa nito sa kanya, nag-a la "fairy godmother" niya ito sa paghahanap niya sa kanyang Prince Charming.

Kasama niya ito sa lahat ng kilig at pagkabigong naranasan niya sa mga palpak na lalaking dumaan sa buhay niya. Kaya nang dumating si Zagg, nag-alinlangan na sila. Hanggang sa mag-suggest ang mga kaibigan nila na gumawa sila ng "signs" na magsasabi kung si Zagg na nga ba ang lalaking nakalaan para sa kanya. Sumagot naman ang tadhana-nangyari ang lahat ng signs!

Pero kung kalian naman natagpuan na niya ang kanyang prinsipe, saka naman niya hinanap-hanap si Alaude. Kaya ba niyang kalabanin ang tadhana na nagsasabing si Zagg ang nakalaan para sa kanya para ipaglaban si Alaude na bigla na lang lumayo sa kanya?

chap-preview
Free preview
1st Chapter: Why Umi Hates Alaude
AND THEY lived happily ever after... Umi sighed as she slowly closed the book. Napangiti siya at maingat na ipinatong ang fairy-tale book sa mesa. The book was entitled The Little Rose and The Foxy Prince. Si Ate Melou ang author ng libro. "Ate Melou, ang ganda ng story. It was so magical." Ngumiti lang ang babae. "Thank you, Umi." Napangiti siya. Ate Melou was beautiful and had an angelic face that matched her good manners and kindheartedness. They were currently drinking tea at Magic Petals—Ate Melou's flower shop—which was in Luna Ville. Sumama sa aroma ng tsa ang mabangong amoy ng mga bulaklak sa paligid kaya naman nakaka-relax ang magkuwentuhan doon. "Gusto kong kumanta," biglang sabi ni Ate Melou. "Stop! Stop! Stop!" natatarantang pigil ni Umi. Bumakas ang pagtataka sa magandang mukha ng babae kaya nagpaliwanag agad siya. "I mean, magkuwentuhan na lang tayo." She laughed nervously. Ate Melou's singing voice was... never mind. Nangalumbaba na lang siya at muling bumuntong-hininga. "Sana mangyari din sa 'kin ang mga nababasa ko sa books mo, Ate Melou. Kailan ko kaya makikita ang Prince Charming ko?" "Prince Charming doesn't exist in the real world, little girl." Marahas na nilingon ni Umi ang pakialamerong iyon. Naningkit agad ang kanyang mga mata nang makita ang malaking bulto ni Alaude sa entrance ng shop. "Bakit ba nakikisali ka sa usapan ng may usapan?" Tumikhim si Ate Melou para sumaway. "Hello, Alaude. Napadaan ka?" Tuluyan nang pumasok ang lalaki at lumapit pa sa kanila. "Hi, Melou. I'm here to buy flowers, of course." Natawa lang si Ate Melou, halatang hindi naman na-offend sa pamimilosopo ng lalaki. "Sorry. Ngayon ka lang kasi tumapak dito sa shop ko. What kind of flowers do you need?" He shrugged. "Roses? I don't know. May customer kasi ako sa restaurant na balak yatang mag-propose ng kasal. He asked me if I could arrange everything. I agreed since loyal customer ko siya. Can you help me?" "Sure. Ako na'ng bahala." "A marriage proposal?" Umi sighed dreamily for the nth time. "How romantic." Walang-pasintabing umupo si Alaude sa katabi niyang silya. "You know what? The world where princes exist is the world where vampires sparkle like diamonds under the sun. Alam mo ba kung saan ang lugar na 'yon?" Tinapunan lang ni Umi ng masamang tingin si Alaude. Dinutdot naman ni Alaude ang kanyang noo. "Only in the minds of foolish teenaged girls." Tinapik ni Umi ang kamay ng lalaking nangingialam sa kanyang mukha. "Alam mo, kung madilim ang tingin mo sa mundo, 'wag mo akong idamay." Kumunot ang kanyang noo. "And I'm no longer a teenager!" Pinaikot lang ni Alaude ang mga mata. "Yeah, right. You have the maturity of a ten-year old kid who still believes in Santa Claus." "Alaude," saway ni Ate Melou. Tumayo na si Umi bitbit ang libro. "I need to get going, Ate Melou. Ayokong ma-pollute ng negative energy ng Alaude na 'yan." "Take care, little girl. I-text mo lang ako kapag may nakasalubong kang guwapong prinsipe na nakasakay sa puting kabayo, ha?" pahabol pang pang-aasar ni Alaude nang palabas na siya ng shop. Huminga nang malalim si Umi para kalmahin ang sarili bago muling pumihit paharap sa lalaki. "Go to hell, Alaude!" buong lakas niyang sigaw na nagpangiwi sa lalaki na bago pa makahirit uli ay nilayasan na niya. Kumukulo pa rin ang dugo ni Umi habang naglalakad pauwi. Kahit kailan talaga, napakalakas mang-asar ng Alaude na iyon! Gusto na niyang kalimutan na ang impaktong iyon ang unang lalaking nagustuhan niya. Na minsan sa kanyang buhay, naglakas-loob siyang magtapat ng nararamdaman para kay Alaude. Pero ang walanghiyang lalaki, walang-pakundangan siyang ni-reject! Malinaw na malinaw pa sa kanyang isipan ang mga salitang binitawan ng demonyitong iyon noon: "I'm not the prince for you, little girl. I never dreamt of being someone's Prince Charming in the first place." Iyon ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang tirisin si Alaude kapag nagkikita sila. Bukod sa napahiya siya sa lantarang pangre-reject ng lalaki anim na taon na ang nakalilipas, aaminin niyang nasaktan nang husto ang bata niyang puso. He was her first love after all.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
381.8K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

Contract - Tagalog

read
754.6K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook