bc

My Ex-Boyfriend Is A Nerd

book_age16+
6
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
contract marriage
escape while being pregnant
CEO
drama
sweet
campus
office/work place
first love
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa isang scheming set-up ng kanilang campus queen, nakilala ng lahat si Hallerie bilang isa sa mga campus brat o 'yung mga studyanteng malakas ang loob na mang-api ng ka-school mate dahil sa kanilang family background.

Isang araw, kinailangan ni Hallerie na pumunta sa rooftop ng school building nila para sa isang reporting. Dito ay hindi n'ya inaasahan na aksidente n'ya palang masasaksihan ang break-up ng campus queen at ng kilalang campus nerd na si Hayden.

Sa kagustuhan ni Hallerie na makaganti at ilabas ang tunay na kulay ng ‘pinakamabait’ nilang campus queen, kinuhanan n'ya ng video ang buong pangyayari. Hindi n'ya alam na napansin pala ni Hayden ang ginagawa n'ya kaya naman nabigla na lang s'ya ng komprontahin s'ya nito. Ito rin ang dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan na nagresulta pa sa pagkamuhi nila sa isa't isa.

Ngayong nag-krus na ang landas ng isang campus brat at ng isang campus nerd, ano na kaya ang susunod na mangyayari?

Sa pagdaan kaya ng panahon ay matututunan din nilang mahalin ang isa't isa?

And what's the reason why they ended up as ex-lovers later?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“How can I explain the sorrow and my pain?” Hahaha! Parang unang linya lang ng kanta ni Stevie B na ‘Waiting For Your Love’ noh?! Yeah, kagaya sa kanta, hindi ko rin alam kung paano maipapaliwanag 'yung nararamdaman ko ngayon. I can't explain it dahil parang mas masakit pa 'to ngayon kaysa nang iwan ako ni mommy at ni nanny. Ngayon ko lang 'to naramdaman. 'Yung sa sobrang sakit kaya hindi ko na maipaliwanag kung bakit nasasaktan ako ng ganito. Tipong pilit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit nasasaktan ako eh ako naman 'tong loka na nang-iwan sa kanya, ako 'yung sira-ulong mas piniling magpakaduwag at saktan s'ya, kaya bakit ako nasasaktan? Why? Well, nagawa ko lang naman kasi s'yang saktan because I had no choice na kahit gaano ko pa s'ya kamahal, kailangan ko pa rin s'yang iwan. That's why I'm here! Ito ako ngayon oh! Durog na durog at mukhang tangang nag-e-emote sa gilid ng tulay habang nilalasap ang malakas na simoy ng hangin na mukhang nakikisimpatiya pa sa'kin. Ni hindi ko man lang napansing gabi na pala dahil sa ka-dramahan ko dito. “Hallie? Hey! Tulog ka na ba habang naglalakad?!” biglang may kumalabit na lang sa'kin kaya natauhan ako. Letse! Nakalimutan ko ring kasama ko pala dito si Candee. Tumingin ako sa kanya at dahan-dahang huminto sa paglalakad. S'yempre, napahinto din s'ya. Ano, iiwan n'ya akong mag-isa dito? “Ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi weird, alam mo ba 'yun?” naiirita n'yang tanong pero wala ako sa ulirat na lumapit sa kanya at yinakap s'ya ng mahigpit. “Ha-Hallerie..?” Hindi ko na napigilan pang humagulgol sa pag-iyak at alam kong naguguluhan na s'ya ngayon dahil dito. Wala kasi s'yang alam sa mga nangyari sa'min ni Hayden, na nag-break na kami. Di ko pa s'ya na-inform. “Bes, a-ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka umiiyak?” pagtatakang may halong pag-aalala ang tanong n'ya habang hinihimas ang likuran ko. Nagpatuloy lamang ako sa pag-iyak at hindi s'ya binigyan ng kahit simpleng sagot. Gusto ko kasing mapagaan man lang kahit ng kaunti ang loob ko bago ko ikwento sa kanya ang mga nangyari. Ito ang unang beses na yumakap ako kay Candee ng luhaan na para bang batang inagawan ng candy. Ayaw kong may nakakakita sa'king umiiyak ng ganito kahit s'ya pa 'yun pero ano bang magagawa ko? Sobrang sakit na talaga eh! Baka mabulol lang ako sa pagku-kwento kung hindi ko man lang mailalabas kahit ⅒ lang ng mga hinanakit ko. So kung hindi n'ya ako maiintindihan, ano pang saysay ng pagku-kwento ko sa kanya? “Shhh...Tahan na, tinitingnan na tayo dito ng mga tao oh...baka isipin nilang pinaiyak kita, bes!” pagmamaktol n'ya habang hinihimas na ng mabilis ang likod ko. Lintik! Ang sakit na ah! Gusto n'ya bang hilurin ang likod ko?! Ang sakit na nga ng heart ko tapos gusto n'ya pa yatang saktan pati ang lungs ko! Kaibigan ba talaga kita, Candee Luis Mercado? In the end, kumalas din ako sa pagkakayakap n'ya. Baka kasi matanggal na 'yung likod ko eh. Minsan nga lang ako mag-emote sa kanya ng ganito tapos sasaktan n'ya rin pala ako. Huhuhu... “Eh?” nanlaki na lang bigla ang dalawang kong mata nang makita kong na sa'kin na pala ang halos lahat ng atensyon ng mga tao dito na para bang may pinapanood silang isang teleserye. Napangisi na lang ako sa kanila at saka itinaas ng bahagya ang kanan kong kamay habang ikinakaway ito ng mabagal, “H-Hello.” Parang halos lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyang ginawa ko. Hehehe. Bakit ko pa ba hihintaying lamunin ako ng lupa kung pwede naman na akong tumalon dito sa tubig? “Bes, o-okay ka lang?” tanong ni Candee sa'kin ng mapasandal ako sa kanya. Bigla na lang kasi ako nawalan ng balanse tapos bahagya pang nag-blurred ang paningin ko sa paligid at parang gumugulo na din ang pandinig ko. Teka, mamatay na ba ako? “@#$@#$!” hindi ko na maintindihan pa ang sinasabi ni Candee. Parang gusto kong matulog pero hindi naman ako inaantok hanggang sa wala na akong makita at maramdaman na kahit na ano. •••• Takti naman oh! Kung makaiyak 'tong isang 'to akala mo mamamatay na ako! De bale mukhang malapit na rin naman mangyari 'yun. Ano ba kasing nangyari? Bakit kisame agad ng hospital ang bumungad sa pagdilat ko? “Bes, promise! Hindi ko na hihimasin ang likod mo! Huhuhu...Gumising ka na, bes! Ayaw kong makulong! Huhuhu...” ang OA naman ng isang 'to! Dahil sa kaka-emote n'ya, hindi n'ya napansing gising na pala ang bestie n'ya. Napaka-engot n'ya talaga! Kakalabitin ko na sana s'ya nang bigla na naman s'yang mag-emote. “Bakit ba naman kasi hindi pa dumadating 'yang boyfriend mo?! Matetege na ang jowa n'ya pero mukhang wala lang s'yang pakialam! Nasobrahan na yata s'ya sa pagiging nerd n'ya eh! Huhuhu...kawawa ka naman bestie, mukhang sa lamay ka na lang talaga n'ya dadalawin!” Mabilis pa sa alas-kwatro akong napabangon sa kama dahil sa sinabi n'ya. “Tinawagan mo ba si Hayden?!” biglaang tanong ko na nakapagpagulat sa kanya. “What the fxcking corpse!!!” napatalon s'ya sa kinauupuan n'ya dahil sa pagkagulat. Nang dahan-dahan na n'yang lapitan ang mukha ko na parang sinusuri n'ya kung multo ba ang kaharap n'ya ngayon ay tinampal ko na kaagad ang bibig n'ya. Sumpain ba naman n'ya ako?! Anong akala n'ya sa'kin, bangkay na biglang nabuhay?! “Bessssss!!!” hiyaw n'ya saka n'ya ako sinakal sa yakap. Aba't teka lang, gusto na yata talaga nitong mamatay na ako ng tuluyan eh! “Huhuhu...hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sa'yo!...Huhuhu...” paghagulgol n'ya. Mukhang nag-alala nga naman talaga s'ya sa'kin. Bahagya ko s'yang itinulak palayo sa'kin bago pa ako tuluyang maging malamig na bangkay dahil sa kanya. “Pwede bang sabihin mo muna sa'kin kung bakit ako naka-confine dito?” seryosong tanong ko. “Nawalan ka lang naman ng malay kagabi 'dun sa tulay tapos tinawagan ko kaagad 'yung boyfriend mong nerd para ipaalam sa kanya 'yung nangyari sa'yo. Ang sabi n'ya papunta na s'ya dito pero magtu-twenty-frour hours na, wala pa rin s'ya.” pagkukwento n'ya. Napataas na lang ang isa kong kilay ng mai-kwento n'yang tinawagan n'ya pala si Hayden. Tiktik talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan eh! Anak ng king kong! Hindi nga pala ako nakapag-explain sa kanya kagabi so wala pa pala s'yang alam na break na kami ng lalaking 'yun! “Sabi mo, sinabi n'yang papunta na s'ya dito kagabi eh hindi pa ba talaga s'ya dumadating o hindi mo lang talaga s'ya nakitang dumating?” pagdududa ko. Malay ko ba kung naglakwatsa s'ya kagabi tapos biglang dumating si Hayden. Alam kung mahal pa rin ako nu'n kaya imposibleng matiis n'yang hindi ako dalawin. “Che! Buong araw kaya akong nandito ni hindi na ako nakauwi sa bahay para maligo; hindi rin ako nakatulog tapos sasabihin mong baka dumating s'ya tapos 'di ko nakita? Ano 'yun! Marunong na pala s'yang mag-invisible ngayon?!” paghihimutok ni Candee. Napabuntong-hininga na lang ako. Siguro masama pa rin ang loob sa'kin ni Hayden hanggang ngayon. Pero hindi ko naman s'ya masisisi at saka mas maganda nga kung ganu'n di ba? At least hindi nasayang ang ginawa ko sa kanya kahapon. “Break na kami.” tatlong salitang lumabas sa letse kong bibig. Natahimik lamang s'ya at napatitig sa'kin. “Bes, may gana ka pa talagang mag-joke sa lagay mong 'yan?” Mukha ba akong nagjo-joke sa kanya? Dapat nga s'ya ang unang matuwa na break na kami kasi alam kung matagal na n'yang ayaw kay Hayden pero bakit mukhang hindi ganyan ang reaksyon n'ya? “Mukha ba akong komedyante sa'yo?” sarkastikong tanong ko sa kanya. “Well, kino-confirm ko lang kasi mahirap ng umasa noh! Mamaya gino-good time mo lang ako eh—But wait! Really?! Break na kayo?!” biglang lumaki ang mata n'ya nang ma-realized n'ya na hindi ako nagbibiro. Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. Hindi ko ini-expect na medyo naging malungkot ang reaksyon n'ya. Para s'yang may pinanghihinayangan na ipinagtaka naman ng utak ko. Anyare? “Wait a moment lang bes, tatawagin ko muna 'yung doctor para ma-inform s'yang gising ka na. Ayaw n'ya kasing sabihin sa'kin kung ano 'yung result ng test na ginawa n'ya sa'yo kasi hindi daw ako family member.” paglilihis n'ya ng usapan. Wow ha! Inililihis n'ya talaga 'yung usapan? Ako nga dapat ang umiiwas na pag-usapan ang tungkol sa break up namin ni Hayden pero mukhang mas affected pa s'ya sa'kin eh! •••• “Baka naman pwede n'yo ng sabihin sa pasyente 'yung lagay n'ya? Hindi naman po siguro malala 'yung sakit n'ya para kailanganin pa ng family members di ba?” magkasunod na tanong ni Candee na nagtataray sa doctor. Mukhang inis na inis talaga s'ya sa gwapitong doctor eh. At saka kung magkatinginan silang dalawa, akala mo kilala nila ang isa't isa. There must be something going on between them. “Don't worry, healthy naman po si Ms. Valencia and she just needs a proper rest.” nakangiting tugon ng doctor. Sabay kaming napabuntong-hininga ni Candee. Thank god, alam kong ayaw n'yo pa akong kunin kaya salamat talaga! “Then what's the reason why I fainted?” derektang tanong ko. Okay pala ako eh kung ganu'n bakit naman ako hinimatay? Dino-dog show ba ako ng doctor na toh?! No wonder na inis na inis sa kanya si Candee. “No big deal. Base on your test results, that's normal because you're six weeks pregnant, Ms. Valencia. Congratulations!” masayang sagot sa'kin ng doctor. “What did you say?! Pregnant?!” sabay naming sigaw ni Candee. “Yeah, that's why you have to be extra careful from now on, medyo maselan kasi ang first trimester mo.” saad pa ni Doc. Napatulala na lang kami ni Candee at nagkatinginan sa isa't isa. Parang sandaling nabalot ng katahimikan ang buong kwarto dahil sa ibinalita sa'min ng doctor. Hindi ko alam kung good news ba ang sinabi n'ya o kung dapat ba akong matuwa dahil talagang na-blanko na ang utak ko. I don't even know what am I, where am I or what am I doing... It's suddenly... Like the hell! Kaka-break lang namin ni Hayden kahapon tapos malalaman-laman kong preggy ako ngayon?! Anong ka-dramahan naman ba 'to? ————————————————————————— AUTHOR'S NOTE: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the author's imagination or are used fictionally. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental. COPYRIGHT © 2023 by Sweety Autumn. All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distribute, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

His Obsession

read
74.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook