1: The Sale Deed
1. The Sale Deed
Hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng ilang minuto na nakatulala rito sa harapan ng abo ni Papa. Kanina ko pa tinititigan ang kulay itim na urn jar sa harapan ng altar na ginawa para sa kaniya. Isang linggo pa lang simula nang mamatay siya at halos hindi pa rin ako makapaniwala.
"Savanah!"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Ate Lisana. "B-bakit, Ate?"
"Ipinanganak ka ba na bingi?" tanong pa niya sabay irap sa akin. "I've been calling you countless times already!"
"P-paseniya ka na, Ate. I'm still mourning about papa's death..."
"Whatever! Pinapapunta ka ni Mommy sa living room kanina pa. Bilisan mo na riyan kung ayaw mong masaktan na naman." Naglakad na siya palayo sa akin.
Ate Lisana is my step-sister. Pagkatapos mawala ni Mama two years ago, Papa married Tita Carmela. Wala naman akong magawa dahil alam kong masaya si Papa sa piling niya pero hindi ko akalain na isang linggo pa lang siyang nawawala ay iba na ang trato nilang dalawa sa akin.
Napasulyap muna ako ng isa pang beses bago tuluyang umalis papunta sa sala. Nadatnan ko ang ilang mga hindi pamilyar na tao na naka-upo sa couch kasama sila Tita Carmela at si Ate.
"Alejandro's daughter is here!" usal ng isang babaeng may dala-dalang suitcase.
Lumapit na ako sa kanila at pinagmasdan ang mga nagkalat na papel sa mesa. "Uh, ano po'ng meron?"
"Sign that immediately!"
Napatingin na ako sa inabot sa akin ni Tita Carmela na documents. It was a sale deed. Babasahin ko pa sana ito nang bigla naman siyang napatayo at sinamaan ako ng tingin. "The people are getting impatient, Savanah. Sign that already!"
"Pero, Tita—"
"Mommy, should I fire Yaya Belen and Manong Pindo? I think we don't need them!" pagputol sa akin ni Ate Lisana kaya kinabahan bigla ako.
Alam nila ang kahinaan ko. Ayaw ko mang pirmahan, pero baka magsisi ako kapag pinalayas nila ang mga taong nandito na sa mansiyon simula noong ipinanganak pa lang ako. I can't afford to lose Yaya Belen and Manong Pindo dahil alam kong malaki rin ang pangangailangan nilang pera.
"P-pipirmahan ko na..." I sealed the document with my signature. Nanginginig ang mga kamay ko dahil iyon ang kompanya ni Papa ang gusto nilang ibenta.
"Wonderful!" Ibinalik na ni Tita Carmela ang mga dokumento sa babae. "You have now the complete ownership of Chateau La Vielle!"
"Thank you, Mrs. Armani! I appreciate your effort during the process of this agreement." Napaharap na rin sa akin ang babaeng may bitbit na suitcase sabay hawak sa magkabilang kamay ko. "I'm really sorry for your father's death, Savanah. I wish you good luck."
"T-thank y-you po..."
Hindi halos ako makapagsalita. Natatakot ako na hindi ko alam. Gusto kong ipaglaban ang karapatan ko bilang anak pero alam kong wala akong laban sa kanila.
"Ano'ng tini-tingin mo diyan? You can now leave the house!"
"P-po?" Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Tita Carmela. "Ano po ang ibig ninyong sabihin?"
Nilapitan na ako niya ako at tinaasan ng kilay. Marahan niya rin akong itinulak gamit ang kaniyang kaliwang hintuturo. "I want you out of this house!"
Akala ko ay mag-iiba lang ang pakikitungo nila sa akin pero hindi ko akalain na hahantong pa sa ganito ang mangyayari ngayon. "T-tita...wala na po akong ibang mapupuntahan kapag—"
"We doesn't care about any of that, Savanah," usal pa sa akin ni Ate Lisana na nasa likuran ko lang pala.
Parang noong nakaraang mga linggo lang ay nakikipag-usap pa ako kay papa para sa out of town namin, pero ngayon, wala na siya at wala na rin ang kompanyang pinaghirapan ng pamilya niya na ilang dekada na ang nakakalipas. Pagkatapos ngayon, mapapaalis na rin ako sa sarili naming bahay isang linggo pa lang na wala si papa.
"Pasensiya na po kayo, Ma'am Savanah, wala rin po kasi akong magawa para pigilan sila na huwag kang paalisin."
Napangiti na lang ako kay Manong. "Ayos lang po, Manong. Actually nga, mas pabor pa sa akin ang umalis dahil nalaman ko na ang mga ugali nila.”
“Ay nako, Ma’am. Kung alam lang—”
“Ssh, huwag n’yo na pong sabihin, Manong, baka mawalan pa kayo ng trabaho ng wala sa oras,” nakangiting biro ko pa sa kaniya. “Basta, sundin na lang po ninyo ang mga sinasabi nila at hindi po kayo paaalisin nun dito.”
Ayoko talaga kasing mawalan sila ng trabaho dahil kahit papaano ay halos isa o dalawang dekada na silang nagtatrabaho rito sa mansiyon. Sa masamang palad, napunta na ito sa kamay ng step-mother kong maitim din pala ang budhi.
Nang makalabas ako ng subdivision ay bitbit-bitbit ko ang isang maleta kong mga damit. Hindi manlang ipinadala sa akin nila Tita ang credit card ko, mabuti na lang dahil may laman pa namang cash ang wallet ko.
“Hay buhay, Savanah! Isipin mo na lang na pupunta ka sa isang camp kaya ka lalayas ngayon, okay?!”
Kahit na gustong-gusto na ulit tumulo ng mga luha ko ay binibiro ko na lang ang sarili ko. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta ngayon pero sigurado naman akong hindi na ako babalik sa bahay at pinamumugaran na ito ng mga ahas ngayon.
Joke lang!
Halos hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng pansamantalang tirahan dahil ilang taon ako rin ako sa France at doon nag-aral ng degree ko sa viticulture at oenology at hindi ko kabisado ang mga lugar dito.
“Ano ba ‘yan, kung mayroon lang sana akong babaeng kaibigan, pwedeng-pwede sana akong tumuloy…” Napabuntong-hininga na lang ako habang naghahanap ng bahay. “Ayon, house for rent!”
Napatakbo na ako sa kabilang street lang namin para magtanong-tanong. Hindi ko naman kilala ang mga neighbor namin dito lalo na at nasa higher ground ang bahay namin. Kumbaga, nasa VIP area kami ng subdivision.
Nag-doorbell na ako at wala pang isang minuto ay bumukas na ang gate. “Hello po! Magkano po sa renta?”
“S-savanah Armani?”
Nangunot naman ang noo ko sa unusual na tingin sa akin ni Ate. “Uh…may problema po ba?”
Paano niya ako nakilala?
“W-wala naman po. Ah, ito po ba? 45,000 pesos lang po per month. Two months advance three months deposit.”
“Oh, so magkano po?”
Kinuha na niya ang kaniyang cellphone at ginamit ito. Mukha siyang nagco-compute kaya naghintay na lang ako rito.
“225,000 pesos lang po, Miss!”
“P-po…”
Napatingin ako sa wallet ko na siguro ay nasa apat na libo lang ang laman. Napasinghal na lang ako at napangiti sa kaniya. “Sige po, thank you sa offer. Mauna na po ako.”
Ilang bahay rin na for rent ang tinanungan ko sa loob ng subdivision namin pero halos mahal lahat. Doon ko lang napagtanto na puro pala 500 sq/m pataas ang mga bahay rito kaya lumabas na lang ako.
“Saan po ang punta ninyo, Ma’am?”
“Uh, sa lugar na walang subdivision lang, Manong,” nakangiti kong tugon habang hirap na hirap sa pagbitbit ng maleta ko.
Inabot din ng halos kalahating oras ang byahe namin ni Manong Driver. Sa lugar kasi namin ay halos dalawampu ang subdivision na nakapaligid kaya wala ka talagang mauupahan na medyo swak lang sa budget.
Nakarating ako sa lugar halos halos magkadikit-dikit lang ang lahat ng mga bahay. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ibang-iba ito sa nakasanayan kong neighborhood. Halos lahat ng mga tao rito ay nakikipagtawanan at nakikipag-usap sa isa’t-isa.
Lumapit na ako sa isang ginang. “Hello po! Pwede po ba magtanong?”
“Ano iyon, ineng?”
“May alam po ba kayo rito na bahay o apartment na pwede ko po rentahan?”
“Aba! Tamang-tama,” ani Ate sabay senyas sa babaeng nasa hindi lang namin kalayuan. “Ito raw, magrerenta.”
Naglakad na rin palapit sa amin ang babae sabay tingin pa sa akin. “Oo, mayroon pang isang kwarto sa apartment. Wala nang advance, deposit lang.”
“Wow! Talaga po? Sige po, kukunin ko na.” Excited ko nang kinuha ang wallet ko habang tinitingnan ang pera ko. “Magkano po pala, Ate?”
“4,500 lang, Miss!”
Natigilan naman ako sa sinabi nito. “A-ah…4,500 po ba?” Parang ito na yata ang pinakamalas kong araw. Impossible na ring maghanap ng iba pang matutuluyan dahil palalim na rin ang araw kaya humagilap ako sa bag ko para makahanap pa ng pera. “S-sandali lang po, Ate…”
Biyayaan sana ako ni Lord kahit 500 pesos lang.
Nang may makapa ako sa kaliwang bulsa ko ay napatalon ako sa tuwa. Binunot ko na ito at may nakita akong bagong 500 pesos na nandoon. Masaya ko itong iniabot kay Ate. “Ito po, Ate. 4,500 po iyan,” nakangiting saad ko sa kaniya.
“Sumunod ka sa akin at dadalhin kita sa magiging kwarto mo.”