Teaser
If your best friend got you pregnant, would you accept his marriage proposal? Iyon ang tanong na gustong hanapan ng sagot ni Gella kaya gumawa siya ng checklist ng pros at cons ng pagpapakasal sa best friend niyang si Kelvin.
Why you should marry your best friend:
•Hindi na kayo nagkakahiyaan, kahit mautot ka pa kapag kasama mo siya.
•Kaya mo nang sagutan ang slum note niya para sa kanya.
•Ultimo paggalaw ng mga mata niya ay alam mo ang ibig sabihin kaya malabong makapagsinungaling pa siya sa 'yo. Pero alam naman niya kung kailan ka naligo at kung kailan hindi.
•Mahal mo siya at gusto mo siyang makasama habang-buhay. Period.
Pero sa ibaba ng listahan ay ang dahilan kung bakit kahit gusto niyang pakasalan ang best friend niya ay nag-aalinlangan pa rin siya.
Why you should not marry your best friend:
•Mahal mo siya nang higit pa sa isang kaibigan pero hindi ka niya mahal sa gano'ng paraan.
Nahihirapan siyang magdesisyon. Kaya ba niyang pakasalan ang best friend niya kahit alam niyang gagawin lang nito iyon dahil sa "responsibilidad" nito sa kanya?