bc

BUTTERFLY LOVERS (completed)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
3.2K
READ
billionaire
contract marriage
fated
arrogant
goodgirl
genius
virgin
stubborn
substitute
Neglected
like
intro-logo
Blurb

WHAT THE!!!..... laking gulat ni Kios ng malamang VIRGIN pa ang babaeng nakuha nya upang maging fake wife...

Paanong ang isang prostitute ay Virgin pa? ....

Si Kios Valdemor ang pangalawang anak sa labas ng kanilang yumaong ama na si Don Gustavo Valdemor Isa sa mga tagapagmana ng Angkan ng mga Valdemor... At ang kapatid nya sa Ama na si Dave Valdemor.... Parehas silang illegitimate Son.. Dahil walang pinakasalan ang kanilang ama sa kanilang mga Ina...

Para maiwasan ang pagkakaruon muli ng illegitimate na Anak ng mga Valdemor gumawa ng Will ang kanilang Grandmother na may sakit at nalalabi na lang ng ilang buwan ang kanyang buhay sa mundong ibabaw

Ang Will nya Kong sino ang unang ikakasal ay syang magiging lehetimong main leader ng Angkan ng mga Valdemor...

Paano Kong si Dave Valdemor ay isang matinik sa mga babae at si Kios Valdemor naman ay may hinahantay na girl friend......

Sino sa kanila ang mauunang ikasal?

chap-preview
Free preview
FATE
THIS IS A WORK OF FICTION THE NAME, CHARACTERS, EVENTS,PLACES, BUSINESSES,AND INCIDENTS ARE EITHER THE PRODUCTS OF MY OWN IMMAGINATION(author MODAVIN) ANY RESEMBLANCES IS JUST ALL COINCIDENCES DON'T READ IF THIS IS NOT YOUR CUP OF TEA DO NOT DISTRIBUTE,COPY, PUBLISH,TRANSMIT WITHOUT MY LEGAL CONSENT PLEASE OBTAIN MY PERMISSION IT'S MATURE CONTEN R18+ INCLUDES s*x,HARS WORDS, AND OTHERS......... ....................................................... CHAPTER 1 Isang magandang babae ang bumababa mula sa itim na SUV van. Pagkatapos nyang mag ba-bye sa mga kasamahan sa loob ng van ay agad naman etong naglakad patungo sa isang Night Club bago pumasok may tinawagan mona eto. Huminto mona sya sa entrance ng Club. May dalawang security guard ang nagbabantay dito.Tumingin sila sa magandang babae, na naka-mini night dress, at naka high heels. Maganda ang mukha at hubog ng katawan. Nasa 5'7 ang height at mukhang edad 17 to 19, At may dala etong black bag pack. Eto si Gaile ang bida sa ating kuwento. Hindi alintana ni Gaile ang mga malalagkit na tingin ng dalawang guwardiya sa kan'ya. Sa halip ay nanatili syang nakatayo sa entrance ng Club. Hindi naman nagtagal ay may lumabas na babae at inakbayan si Gaile. Dinala ng babae si Gaile sa loob ng Club, at pinaupo sa isa sa mga bakanteng upuan na naroroon. "Hintayin mo ako dito at kakausapin ko lang si Boss." Ang wika ng babae kay Gaile.Tumango si Gaile bilang pag-sangayon. Maya-maya lamang ay bumalik na ang babae kay Gaile, at may inabot na sobre dito. Sumigla naman ang mukha ni Gaile. "Pasensya ka na talaga Gaile, yan lang ang na-bale ko ke boss 20k lang yan." "Maraming salamat Eve, malaking tulong na eto... Sige aalis na ako maghahanap pa ako ng pandagdag para sa operasyon ni papa." "Okay, Gaile. Ihatid pa ba kita sa labas o kaya mona?" Ang tanong ni Eve, Angel best friend ni Gaile. "Naku hindi na. Maraming salamat talaga dito bes." Pagkalabas ni Gaile ay may nakita syang lalaking panay ang suka at bigla etong natumba....Dali-dali naman nya etong pinuntahan at inalalayang makatayo. May sugat na natamo ang braso ng lalaki mula sa biglaang pagbagsak nito sa lupa. "Okay ka lang ba Mr.?" Ang tanong ni Gaile, sa lalaking tila lasing na lasing. "Dalhin mo ako sa aking kotse." Ang utos ng lalaki sa kanya. "Saan ba nakaparada ang kotse mo? " May kinuha eto sa bulsa nya ang de-remote na susi ng kanyang BMW na black car at pinindot nya eto.. Sa bandang kanan nila ay may nag-ingay na kotse tanda na Iyon ang kanyang kotse.. Kaya inalalayan ni Gaile, ang lalaki hanggang sa makapunta at makasakay sa kanyang kotse. "Grabe naman ang bigat mong lalaki ka, mukhang kailangan ko niti mamaya na maglagay ng salompas sa buong katawan. Minsan talaga hindi nakakabuti ang pagtulong sa kapwa tulad nito haizt!" May kinuha si Gaile na maliit na medecal kit sa kanyang back pack na dala. Kinuha nito ang kanyang braso at sinimulang linisin ang sugat ng betadine, at saka nilagyan ng gamot at binalutan ng malinis na gaza. "Marunong ka bang mag drive?" Ang wika nito sa kanya na nahihirapan. Nagisip mona si Gaile bago sumagot. " Marunong akong mag drive bakit ba?" "I-pagdrive mo ako." At ibinigay ng lalaki ang susi kay Gaile. "Ano? Hindi mo naman ako driver po, Para ipagdrive kita. Isa pa may kailangan akong gawing importante no." "I will pay you, just drive." Ang ma-awtorisado nitong sabi. "Ohh,, really you will pay me? kala mo ha ,ikaw lang marunong mag-English." "Yeah, just drive and I will pay you. Three thousands oh, no...It's five thousands, I know you like money right?" "Oh! NATURAL I LIKE MONEY, Talaga ba hindi ka nagbibiro? five thousands talaga.. Ok maniniwala lang ako sayo kapag ipinakita mo sa akin na may five thousands ka. Maraming mag manloloko ngayon kaya mabuti na ang segurado." Kumilos eto at may kinukuha sa compartment ng kanyang kotse. Isa etong brown envelope na medium size. Medyo maykakapalan eto. Binuksan at kumuha ng limang tig- iisang libo, at nilagay sa mga kamay ni Gaile. Hindi naman ka-agad nakapagsalita si Gaile na totoo pala ang sinabi sa kanya ng lalaki. Hawak-hawak na niya ngayon ang instant five thousands pesos." "Ano na? Just move pwede ba, Gusto ko ng umuwi bilis." "OK, Sir! eto na po, Palit po tayo ng pwesto, dyan ako sa driver seat.. At dito ka naman umupo. Ikabit nyo na ang seatbelt nyo po bosing para mabilis tayong makarating sa paroroonan natin po." "Buti na lang talaga at marunong ako mag drive. Sayang din etong 5k jackpot... Sir! Sya nga pala saan ba kita ihahatid?" "Ihatid mo ako sa bahay ko." "Aye, Sir, opo naman.Talagang Ihahatid kita sa bahay mo. Pero ang tanong,.saan nga po ba ang bahay nyo anong address po? " "Sa Green hills high." Ang pasigaw at naiiritang sabi nito. "OK! Po Sir! Masusunod.".. Nakarating sina Gaile, at ang lalaki sa Green hills high. Itinuro nito kong saan ang bahay nya.. May kinuha etong maliit na remote at itinutok sa gate at pinindot nya eto. Kusang bumukas ang malaki at mataas na gate. Kaya naman ipinasok na ni Gaile ang kotse sa loob. "Alalayan mo ako medyo nahihilo ako." Ang utos nito sa kanya na inaabot ang kaniyang leeg. "Ha! May attitude din talaga ang mokong na eto. Kong hindi lang malaki ang bigay mo na bayad hindi kita susundin." Ang bulong ni Gaile sa kanyang sarili.. Wala naman syang nagawa kong hindi ang alalayan ang lalaki papasok sa kanyang bahay. Sa bigat ng lalaki halos manakit ang balikat nya sa pag-alalay dito . "Dalhin mo ako sa kwarto ko." Ang muli nitong utos. "Ano? Kwarto?" Tumingin ang lalaki sa kanya at tumawa. " Ha!ha!ha! Bakit ano ba ang iniisip mo?. Huwag kang mag-alala hindi ako gumagamit ng mga prostitute." "Aray! naman. Ang sakit mo naman magsalita, okay ikaw na ang malinis." "Alalayan mo lang ako baka madulas ako sa hagdan. Dagdagan ko ng 2k yang 5k mo." Ang mabilis nitong sabi. "Aba naman, another 2k so may 7k na ako na maliwanag Yes, boss I'm coming." Ang nakangiti at masigla na niyang sagot sa kanya. Inalalayan ni Gaile ang lalaki kahit nahihirapan sya. Dahil sa malaking lalaki eto. Pagkadala ni Gaile sa kwarto ng lalaki hindi naiwasan ni Gaile ang magtanong. "Bakit naman kasi naparami ang inom mo ayan tuloy mahilo-hilo ka sa kalasingan mo. Ano ba kasi ang problema mo. Eh, lahat naman ng mga tao may dinadalang problema. Buti ka nga maraming pera ano pa ang proproblemahin mo? samantalang ako kahit yata sa demonyo baka maisipan ko nang ebenta ang sarili ko sa bigat ng problema ko." Nanahimik sandali ang lalaki at biglang tumingin kay Gaile. Bigla tuloy namula ang mukha ni Gaile sa ginawi ng lalaki. "CAN YOU BE MY WIFE? " Sa narinig ni Gaile panandalian syang nautal. Walang lumabas na boses sa kanyang bibig habang nakatingin sa lalaki. Dahil subra talaga niyang ikinagulat ang sinabi ng lalaki sa kanya. "I mean, be my fake wife.. six millions. Ibibigay ko sayo ngayon ang 1million kapag pumayag ka at ang five millions kapag kasal na tayo." "A-are you serious? O lasing ka lang?" "Hindi.. Malinaw ang aking isipan. Kong gusto mo dito ka matulog ngayong gabi. Bukas pag-gising natin muli natin pag-usapan." "Ano? Akala ko ba hindi ka pumapatol sa prostitute, eh bakit inaalok mo ako ngayon na matulog dito." "Hindi dito duon sa guest room. Ano payag ka? Kong ayaw mo maghahanap na lang ako nang iba." "Bakit ako? " "Simple kang, ikaw ang nandirito sa harapan ko. At alam kong kailangan mo ng pera tama ba? . Sa five millions pwede ka ng mamuhay ng desente kong gugustuhin mo. Hindi mo na kailangan gabi-gabing ikalakal ang iyong katawan." Muling natahimik si Gaile at sumagot ng "OK! DEAL." "Saan ang guest room?" "Dumeretso ka mula dito sa dulo. Kumaliwa ka, may makikita kang tatlong pinto. Bahala ka saan mo duon gustong matulog." Ang sabi ng lalaki kay Gaile. "Teka.. Baka pagkagising mo makalimutan mo na yang pinagsasabi mo kailangan may katunayan ako mahirap na." Inilabas ni Gaile ang kanyang cell phone at senettings sa video camera. Itinutok eto sa lalaki. OK, ano ulit ang sinabi mo sa akin ngayon ." "I'm, Kios Valdemer.. Inuutusan kitang matulog sa gueast room ngayong gabi.. At bukas pag-usapan natin ang tungkol sa kasal.. Ano ayos na ba? " "OK! Sige na matulog ka na. Pupunta na ako sa guest room Good night." Lumabas na siya ng kwarto ni Kios, at ngayon lang napansin ni Gaile na malaking bahay pala eto. Pinuntahan na niya ang sinasabi nitong mga kwarto. Nag mini-mini mini mo pa siya sa pagpili ng kaniyang papasukin. at ang huling naturo ng daliri niya ay ang pang-gitna. Dahan dahan niyang pinihit ang seradura at ng tuluyan etong mabuksan ay namangha siya sa ganda ng kwarto. Agad tinungo ni Gaile ang kama. Sinubukan kong gaano ba eto kalambot at hindi nga siya nagkamali subrang lambot nga nito. "Hindi nga ako nagkamali subrang lambot ng kutson. Pati mga cover at unan ay napaka lambot at ang bango-bango." Ang natutuwang wika niya sa sarili. Sunod naman hinanap ni Gaile ay ang banyo, at namangha din siya dahil maganda din eto. Combination ng black and white. At may malaking puting bathtub. May mga Ibat-ibang klase ng shampoo din ang nakalagay sa estante at may mga botelya din ng liquid body soap. Naisipan niyang maligo at dahil sa kasabikan na Maka-experience maligo sa napakagandang bathroom ay agad-agad naman siyang naghubad. Binuksan ang shower at inumpisahang basain ang kaniyang katawan. Masaya siyang naligo at pakanta kanta pa. Nabunutan na kasi siya ng tinik sa problemang dinadala. Dahil sa wakas ay may solusyon na ang lahat. "Ang operasyon ni Papa at ang tuition fee namin ng mga kapatid ko ay OK na." Ng matapos na siyang maligo ay kinuha niya ang dalawang towel na kulay puti. Na nakapatong sa isang rattan basket. Segurado naman siyang mga malilinis ang mga towel kasi nakalupi eto ng maayos at mababango. Ang isang tuwalya na medyo maliit ay ipinangbalot niya sa basa niyang buhok. At ang isang malaki ay sa kaniyang katawan naman ginamit at ipinalupot. Bago tuluyang lumabas ay senegurado niya monang malinis ang loob ng bathroom at walang nakasabit sabit na buhok sa sink. Naisip kasi niyang nakakahiya naman na nakigamit lang siya ng walang paalam... Tapos iiwanan niyang madumi. Pagbalik niya sa kwarto ay kinuha niya ang dala dalang itim na back pack. Binuksan eto at kinuha ang isang kulay gray na t-shirt, maong na short,panty at bra. Tinanggal ni Gaile ang tuwalyang nakatapi sa kanyang katawan upang simulan na mag-suot ng panty. Hawak hawak ninGaile ang kanyang panty at sisimulan ng isuot sana ng mapansin niyang may nakatayo sa may pintuan. *Ay! Bastos!.. Anong ginagawa mo dito.?" Agad na dinampot ni Gaile ang tuwalya na nasa kama at mabilis na ipinangtakip sa hubad na hubad niyang katawan. "Pasensya na, nakalimutan ko sayong sabihin na tanghali ako nagigising, at nasa bakasyon ang katulong ko. Kaya kong magigising ka ng umaga huwag na huwag mo akong iisturbuhin at kumain ka na. May pagkain sa ref o kaya magluto ka. Yun lang..sige aalis na ako.." At tumalikod na eto at isinirado ang pinto na parang walang nangyari. "Ano ang aking gagawin aalis na ba ako dito wala na akong mukhang ihaharap sa lalaking iyon... Pero kong aalis ako sayang ang 6millions.". Ang nababahalang sabi ni Gaile sa sarili. "Naku! Gaile be wise,,, wala yon sa kanya. Hindi bat hindi sya pumapatol sa prostitute. Kaya nga ikaw ang inalok nya hindi ba? " Pilit pinapaniwala ni Gaile ang kanyang sarili na wala lang iyon sa lalaki kay Kios. "Sa panahon ngayon wala ng hiya hiya.. Mahirap ng tanggihan ang grasyang nasa harapan mo na.. Alalahanin mo mahirap maghanap ng pera ngayon nasa mga kamay mo ang buhay ng iyong ama Gaile." Ang sabi ng munting tinig na naririnig nya sa kanyang isip na alam naman niya sa sarili na hindi pwedeng mag-inarte ngayon. Gaya nga ng sinabi niya kahit sa demonyo ay handa niyang ibigay ang sarili para sa tatay niyang nanga-ngailangan ng operasyon sa lalong madaling panahon. .......................................................... Thank you guys for reading my works!!! Please do a vote and leave comments. It's give me more encouragements to continue?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook