bc

A NIGHT TO REMEMBER

book_age16+
31.3K
FOLLOW
134.5K
READ
billionaire
possessive
fated
goodgirl
heir/heiress
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

?READ AT YOUR OWN RISK?

SEXY ROMANCE

An islander with a good heart. A teacher who only wanted the best for her mother and brothers. A woman who secretly in love with her best friend. A happy and contented person.

Iyon si Mariella del Castillo. Siya ay nag–iisang tagapagmana ng mayamang negosiyante subalit mas pinili niya ang manatili sa poder ng kanyang ina at mga kapatid kaysa ang ilantad ang existence niya sa magulong mundo ng alta-sociedad.

Isang araw ay naiwan siya sa bayan sa kadahilanang hindi na niya naabutan sa pantalan ang sasakyang pan–dagat na siyang means of transportation para makauwi siya sa maliit na islang kanyang naging tahanan.

Gawa ng insidente ay napilitan si Mariella na sumama sa kanyang mga kaibigan na magpalipas ng magdamag sa bagong tayong five-star hotel and resort sa bayan.

Sa natatanging gabi na iyon sa kanyang buhay ay wala sa loob na isinantabi muna ni Mariella ang kanyang good image as a teacher at pagiging kabaro ni Maria Clara nang siya ay natukso ng alak. At hindi roon humantong ang c****x ng kapraningan niya sa gabing iyon dahil may kagimbal–gimbal pa siyang nagawa. Iyon ay ang magpatangay sa karisma ng isang binatang noon lang niya nakita sa tanang–buhay niya.

She only supposed to admire him, stared at him and praised his out of this world handsomeness from head to toe but what she did only leads her to A NIGHT TO REMEMBER.

Eszio Favian & Mariella del Castillo

chap-preview
Free preview
UMPISA
UMPISA Napapadyak na lamang sa buhanginan ang dalagang si Mariella habang tinatanaw ang malayo nang bangka na sana'y magdadala sa kanya pauwi sa kanilang tirahan. Dahil sa na-extend ang event na dinaluhan niya sa school na kanyang pinagtatrabahuan kaya ngayo'y naiwanan na siya ng pampasaherong bangka. Last trip na iyon dahil dilim na. Matamlay siyang napaupo sa isang bitak na bato malapit sa dalampasigan saka pinanood ang kakarampot na lamang na liwanag ng lumubog na araw sa guhit-tagpuan ng sunset. Hindi na namalayan ng dalaga kung gaano na siya katagal na nakaupo roon. Sinulyapan niya ang hawak na second-class niyang cellphone. Kapag ganitong hindi siya nakakauwi sa isla Lazaro de Uno ay karaniwang nakikituloy siya sa residence ng mga de Araujo kung saan ay dating tagapagsilbi ang kanyang Mamang. Ngunit lubos ang pag-aalinlangan niyang pumaroon dahil naroon ngayon sa bahay ng mga de Araujo ang Manilinyang nobya ng unico hijo ng mag-asawang de Araujo- si Quill na simula't sapol pa lang ay crush na niya. Tiyak na mato-torture na naman ang damdamin niya hanggang sa kaibuturan niyon kung sakaling makita na naman niyang magkasama si Quill at ang nobya nito. "Oh, Teacher Yeng, naiwanan na ho kayo ng bangka?" Napukaw si Mariella mula sa hindi kalalimang iniisip nang may lumapit na dalawang dalaga sa kanya. Sa hitsura ng mga ito ay mukhang may dadaluhan itong party. Simpleng ngumiti si Mariella sa dalawa bago tumango. Kilala naman niya ang mga ito dahil iyong isa ay anak ng head teacher ng pinapasukan niyang iskwelahan habang ang isa nama'y kapatid ng co-teacher niya. "Gano'n ba? Bakit hindi niyo na lang puntahan si Kuya Quill? Hindi ba at sa kanila kayo nakikituloy kapag hindi kayo nakakuwi?" Sinikap ni Mariella na huwag ipahalata ang bitterness na sumisibol sa katauhan niya. "Shai, hindi mo ba nakita si Kuya Quill kanina? Nandito kaya iyong girlfriend niyang taga Maynila. Alam mo naman iyon, ini-itsapuwera si Teacher Yeng kapag naliligaw dito iyong girlfriend niya." Napaismid si Mariella habang pinakikinggan ang usapan ng dalawang kadalagahan na para bang nakaligtaan na ng mga ito ang kanyang presensya. "So? Hindi hamak na mas maganda naman do'n si Teacher Yeng. Si Teacher Yeng kita mo namang natural ang ganda at maalindog tapos iyong nobya ni Kuya Quill mukhang sinukuan ng Gluta." Tuloy may sumibol na tuwa at pag-asa sa puso ni Mariella dahil sa sinabi ng isang dalaga. "Sandali, saan ba iyong punta ninyo?" Pagkuwa'y usisa ni Mariella sa dalawa. Nagningning naman ang mga mata ng dalawang dalaga na para bang may nahulog na mga ginto sa kanilang harapan. "Diyan po sa bagong tayong resort. May beach party kasi ngayon doon dahil birthday ng may-ari atsaka sinabay na rin po ang soft opening." Sagot ni Shai kay Mariella. "Oh.." Tinanaw ni Mariella ang parte kung saan nakatayo ang isang prominenteng hotel ng naturang resort. Mula nang inumpisahan itayo sa lugar na iyon ang nasabing hotel and resort ay ni isang beses ay hindi pa siya nakakalapit sa portion na iyon. Mukha ngang enjoy ang event dahil mula sa kinaroroonan niya'y natatanaw din niya ang nagsisidatingang mga panauhin na halatang hindi mga commoner katulad niya. "Astig pala iyong beach party mukhang mga millennials ang karamihan sa bisita. Hindi halatang senior citizen ang celebrant." Those lines were absentmindedly slipped off her mouth. Ibinaling muli ni Mariella ang atensyon nang naghagikhikan ang dalawang kausap niya. "Teacher Yeng, hindi po senior citizen iyong celebrant. Usap-usapan na nga ho rito sa buong metropolis na sobrang guwapo raw po no'ng may-ari atsaka binata pa raw. Kaya nga ho pupunta kami kasi gusto naming makita in person iyong sinasabi nilang Boss Fabian." "Guinoo! Alam ba ng mga Nanay niyo na pupunta kayo sa beach party na iyon?" Mariella snapped. "Opo, nagpaalam naman kami. Teka, bakit hindi na lang ho kayo sumama sa amin, Teacher Yeng?" Sounds great but.. "Magkano ang entrance fee?" Sa ganoong klaseng resort ay mukhang hindi bababa sa limang libo ang tatalbog mula sa bulsa mo bago ka makapasok. Naghagikhikan muli ang dalawang dalaga. "No problemo, Teacher Yeng. Wala ho tayong poproblemahin kung paano tayo makakapasok. Kami na pong bahala sa inyo." Totoo ngang walang naging problema ang pagpasok nila sa naturang resort. Iyon naman pala'y manliligaw ni Shai ang isang staff ng resort. This is not Mariella's usual crowd pero dahil sa nais niyang magliwaliw kahit ngayon lang kaya she'll just enjoy the night while it lasts. Sa una'y parang sunud-sunuran lang si Mariella sa dalawang kasama ngunit nang nakainom na siya'y parang may kung anong bagay ang nagpabunsod sa natutulog niyang wildness sa katawan. Dala na rin siguro ng impluwensya sa ininom na alak. When the party went bolder ay hindi na napigilan ni Mariella na makiparty sa gitna ng crowd. Bukod sa DJ ay may ilang local bands din na nagperform sa event. She didn't know that there's this superb kind of fun one's life until tonight. Idadaan na lamang niya ang kanyang problema kay Quill sa maboteng paraan. Nabalot ng matinding hiyawan ang buong event nang umakyat ang isang Italian hunky bachelor sa stage at nakisabay ito sa pagpi-perform ng tumutugtog na banda. "Zurick, over here! I love you." "Darling Z, let's spice up the night together." "Babe Z, I'm in room 409." "Zurick, I'm safe. You can have me tonight, honey." Hiyaw ng mga kababaihan. Dala ng kalasingan ay nakigaya na rin si Mariella sa mga ito kahit pa hindi naman niya kilala ang lalaking kinababaliwan ng mga party-goers. She really wants to enjoy. That's all. "Zurick, sa akin ka na lang! Hindi ka dehado sa akin dahil virgin ako. Yohoo!" Tila huminto ang paghinga niya nang dumapo sa kanya ang mga mata ng lalaking hinihiyawan ng madla. Napanganga siya nang pagkuwa'y kumindat ito sa gawi niya. Guinoo! Para sa akin ba ang kindat na iyon? Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. "The wink wasn't for you, don't assume." Halos mapalundag siya sa gulat nang may lalaking nagsalita mula sa likuran niya. Doon na siya tinamaan ng hiya dahilan upang mahimasmasan siya. Parang lalagnatin si Mariella nang lingunin niya ang lalaki. Parang tumigil ang paggalaw ng mundo nang tinitigan niya ang mukha ng lalaki. Hindi naman niya hilig ang pag-aralan ang pisikal traits ng kalalakihan pero kakaiba kasi ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Tuloy gusto niyang sisisihin ang sarili dahil sa dinami-rami ng ganito kaguwapong lalaki sa mundo ay sinayang niya lang ang pagtingin niya sa lalaking hindi man lang pinapahalagaan ang pagmamahal niya. "Have me met before? Who are you? Ramp model, celebrity?" Napamaang siya sa tanong ng lalaki. Parang slow motion sa paningin niya ang bawat kislot at galaw ng natural na pinkish nitong mga labi. Mahabaging Diyos! I-distansya niyo po ako sa tukso. "Are you a politician's daughter or something like heiress?" Ha? Gawa ng sobrang pagka-starstruck sa lalaki ay nakaligtaan na niyang magsalita. Lumitaw ang isang pilyong ngisi sa labi ng lalaki. Imbes na mabahala ay napakagat-labi pa si Mariella. "Sorry to ask this but.. are you mute?" Wala sa sariling napatango siya. "Oh.." Namilog ang mga labi ng binata. Tila may bumalatay na disappointment sa mukha nito. "So, I gotta go. Enjoy the night, Miss." Aksidenteng nahagip ni Mariella ang dahilan ng paninibugho ng puso niya. Parang tinarak ng isang daang punyal ang puso niya nang makitang kasama ni Quill ang nobya nito. Naalarma siya nang mahagip din siya ng mga mata ni Quill. Upang itago ang talunan niyang konsensya ay hinablot niya ang papatalikod na sanang lalaki at walang pasabing hinalikan niya ito. Her eyes went a shallow bowl-like wide when the drop-dead gorgeous stranger man unhesitatingly kissed her back with tongue pa. Hindi nito tinantanan ang mga labi ni Mariella habang may natitira pang oksiheno sa baga niya. A victorious and wicked grin attached to the man's sinful lips as he darted his lustful eyes on her. "Such a naughty move, Miss." Namilog ng husto ang mga mata ni Mariella nang pagkuwa'y hinawakan ng lalaki ang kamay niya at dinala iyon sa nakaumbok na bahagi sa harapan ng summer shorts nito. Parang may kung anong apoy ang dumanak sa buong ugat niya. "Be responsible enough to deal with what you've started. Now let's make a sensible deal. One round in bed or we'll negotiate your naughtiness in the middle of this crowd?" Oh no! Oh.. Lam. Ulam! ©MaribelleVerzosa

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.9K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.8K
bc

Contract - Tagalog

read
753.9K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
832.0K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.8K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
699.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook