bc

Your Hero Your Lover ( Tagalog / Filipino )

book_age18+
163
FOLLOW
1.3K
READ
billionaire
HE
arrogant
heir/heiress
blue collar
bxg
lighthearted
mystery
bold
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

Magbibihis pa sana si Mutya ng marinig ang bahagyang pag galaw ni Drake. Nagmamadali nyang dinampot ang tuwalya at itinapis ito sa hubad nyang katawan. Ang nais nya ay makaalis na agad sa kwarto ng amo habang tulog pa ito upang hindi sya nito makita. Mahimbing pa rin ang tulog ni Drake marahil ay epekto ng pampatulog na inihalo sa inumin nito. Isa-isa nyang pinulot ang kanyang mga damit at panloob. Isusuot na lang nya ito mamaya sa pinakamalapit na banyong madadaanan. Nasa resort sila ngayon at kabi-kabila ang palikuran. Ang mahalaga ay makaalis sya habang tulog pa ang amo. Dahan dahan nyang pinihit ang seradura ng pinto upang hindi sya makagawa ng ingay.

Laking gulat na lamang nya dahil hindi pa man nya tuluyang nabubuksan ang pintuan ay may tumulak na nito mula sa labas kasunod ang maraming kislap at tunog ng camera. Napakaraming reporters sa labas ng pintuan na kinatatayuan nya.

“Miss ikaw ba ang bagong girlfriend ni Drake Rufino?”

“Nasa loob ba sya?”

“Gano na kayo katagal?”

Sunod sunod na katanungan ng mga reporters. Sa takot ay napaurong sya. Hindi nya alam ang gagawin. Napatigil ang dalaga sa pag-urong nang bumangga sya sa matitipunong dibdib mula sa lalaking nakatayo sa kanyang likuran. Gising na si Drake.

“What’s going on here?” halata sa mukha na bagong gising pa ito. Nakapulupot sa hubo’t hubad nitong katawan ang puting kumot.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Hindi akalain ni Mutya na magagawa nyang pikutin ang among si Drake Rufino. Ito lang ang naisip nyang paraan upang hindi sya mapalayo sa binata ngunit ngayon ay parang gusto na nyang umurong. Tumikim sya ng konting alak kagabi para magkaroon ng lakas ng loob na ituloy ang planong pagpikot dito. Ngayong nawala na ang epekto ng alak ay katakot takot na kaba ang nararamdaman ng dalaga. Magbibihis pa sana sya ng marinig ang bahagyang pag galaw ni Drake. Nagmamadali nyang dinampot ang tuwalya na malapit sa kanya at itinapis ito sa hubad nyang katawan. Nais nyang makaalis na agad sa kwarto ng amo habang tulog pa ito upang hindi sya nito makita. Mahimbing pa rin ang tulog ni Drake marahil ay epekto ng pampatulog na inihalo sa inumin nito. Isa-isa nyang pinulot ang kanyang mga damit at panloob. Isusuot na lang nya ito mamaya sa pinakamalapit na banyong madadaanan. Nasa resort sila ngayon at kabi-kabila ang palikuran sa labas. Ang mahalaga ay makaalis sya habang tulog pa ang amo. Dahan dahan nyang pinihit ang seradura ng pinto upang hindi sya makagawa ng ingay. Laking gulat na lamang nya dahil hindi pa man nya tuluyang nabubuksan ang pintuan ay may tumulak na nito mula sa labas kasunod ang maraming kislap at tunog ng camera. “Miss ikaw ba ang bagong girlfriend ni Drake Rufino?” “Anung pangalan mo?” “Nasa loob ba sya?” “Gano na kayo katagal?” Sunod sunod na katungan ng mga reporters. Sa takot ay napaurong sya. Hindi nya alam ang gagawin. Napatigil ang dalaga sa pag-urong nang bumangga sya sa matitipunong dibdib mula sa lalaking nakatayo sa kanyang likuran. Gising na si Drake. “What’s going on here?” halata sa mukha ng lalaki na bagong gising pa ito. Nakapulupot sa hubo’t hubad nitong katawan ang puting kumot. Naguguluhan sya sa nangyayari. “Drake, sya ba ang bagong girlfriend mo?” malakas ang boses ng reporter na nagtatanong habang tuloy pa rin ang kislap ng mga camera. “What the f*ck!?!” gulat na gulat na wika ni Drake. Ngayon lang nya napagtuunan ng pansin ang babaeng nakatapis ng tuwalya sa harapan nya. "Oh sh*t!" bulalas ni Drake ng mapagtanto kung ano ang nangyayari. Hinila nya papasok ang babae at dali-daling isinara ang pinto. Litong lito ang binata sa nangyayari ngayon. Kagigisng lang nya at ganito agad ang bumugad. Tanging kumot lang ang ipinantakip nya sa hubad na katawan dahil nagmamadali syang tumayo kanina upang alamin kung ano ang kaguluhang nangyayari sa labas. “What the hell is going on?” malakas nyang pagkakasabi. Nilingon nya ang babae. Nakabalot ng tuwalya ang balingkinitan nitong katawan at mukhang hindi pa nasusuklay ang mahaba nitong buhok. Makapal ang kilay nito, mapupula ang mga labi at katamtaman ang tangos ng ilong. Ganun na lang ang pagkagulat nya nang mamukhaan ito. “Mutya?!?” hindi makapaniwalang wika ni Drake na nakatitig sa mukha ng dalaga. Hindi nya agad ito namukhaan dahil palaging nakatali ang buhok nito. “Anung ginagawa mo sa kwarto ko….. at bakit ganyan ang suot mo?” hindi nya akalaing makikita ang katulong sa ganitong itsura. Ang alam nya ay bata pa ito ngunit ngayon ay tanging maikling tuwalya lang ang tumatakip sa kabuuan nito at dahil sa pagkakaupo sa gilid ng kama ay tanaw nya ang ibabang parte ng pang-upo ng dalaga. Isang ganap na babae ang nasa harapan nya ngayon. Napayuko si Mutya. Hindi nya mapigilang mapahikbi. Hindi nya inaasahan na may mga reporter sa labas. Ang plano lang nya ay magising sila ni Drake na magkatabi nang sa ganun ay isipin nito na may nangyari sa kanila at pananagutan sya. Hindi nya alam kung saan nanggaling ang mga reporters at kung bakit nasa labas ang mga ito na parang nag-aabang talaga sa paglabas nila ni Drake. Tulirong nagpaikot-ikot ang binata. Hanggang ngayon ay hindi nya alam kung anong nangyayari. Wala syang maalala kagabi. Ang tanging natatandaan lang nya ay nag-iinuman sila ng girlfriend nyang si Audrey. Bigla syang inantok at hanggang doon na lang ang naaalala nya. Napaupo sya sa sofa at sapo sapo ang noo. “What are those reporters doing outside?” bulalas nya. “Hindi ko po alam.” umiiyak na tugon ni Mutya. Nilingon syang muli ni Drake. Muli nitong hinagod ang kanyang kabuuan. “Can you please put your clothes on for God’s sake!” angil ni Drake kay Mutya. Nagtatakbo ang dalaga sa banyo habang sinusundan sya ng tingin ng lalaki. “What have I done?” Napasabunot si Drake sa kanyang buhok. Right at this moment he knows he’s doomed. He’s lost and he knows that there’s only one person who can help him right now. Kinuha nya ang cellphone sa loob ng drawer at may tinawagan. Narinig nyang nagring sa kabilang linya. Hindi agad ito sumagot. Dalawang beses pa nya ito muling tinawagan. Nakahinga sya ng maluwag nang marinig magsalita ang nasa kabilang linya. “Dad, I need your help!” desperadong wika ni Drake ************************** Sa mansyon ng mga Rufino…. “You have to marry her!” ma-awtoridad na wika ni Don Antonio, ang ama ni Drake. Katabi nito ang asawang si Donya Agatha ang ina ni Drake na kanina pang walang imik. “I can’t do that!” malakas na tutol ni Drake. Hindi sya makapaniwala sa narinig at napatayo pa sa kinauupuan nito. “You should have thought about it before you stick your d*ck in it.” Kahit hindi sumisigaw ay nakakatakot pa rin ang boses ng matandang Rufino. There’s something about his presence and tone that will intimidate anyone around him. “She’s only seventeen and a minor.” patuloy ng Don at si Mutya ang tinutukoy nito. Samantalang si Mutya naman ay kanina pa yukong yuko sa kabilang upuan. Alam nyang kasalanan nya ang lahat. Naghahalong hiya at takot ang nararamdaman nya ngayon. Kanina pa syang lumuluha ngunit di nyang magawang umiyak ng malakas. Alam nyang wala syang karapatang magreklamo dahil kasalan naman nya kung bakit sila nagkakagulo ngayon. "Dad I have a girlfriend. You know all the sacrifices she did for me. I am deeply indebted to her. I owe her my life!” unti-unti nang namamaos ang boses ni Drake at namumula ang mga mata. Nagsisimula ng pumatak ang mga luha nito. Naaawa si Drake sa girlfriend kapag naiisip nya ang mararamdaman nito. “You would've ended up in jail if I hadn't paid off those reporters.” makikita ang pagpipigil ng emosyon sa mukha ng matanda. “Mutya’s turning 18 in two weeks. She’s gonna stay in Singapore until she’s legal.” patuloy ng don. Napasubsob si Drake sa kanyang mga palad. Para syang pinagsakluban ng langit at lupa. Nilapitan sya ng ina at hinagod hagod ang likod upang aluin. Alam ni Drake na wala na syang magagawa. Hindi nya kayang sirain ang reputasyon ng kanyang pamilya at kompanya na tatlong henerasyon nang nakatayo. Binalaan din sya ng kanyang ama na aalisin ang kanyang mana at karapatan sa kompanya. Aalisin din maging ang posisyon nya bilang COO ng Rufino Holding Company. Second-in-command sa kanyang ama si Drake. Si Don Antonio ang CEO nang kanilang kompanya. Isang taon na lang at magreretiro na ang matandang Rufino. Si Drake ang inaasahang papalit sa posisyon nito. Pinoproblema sa lahat ni Drake ay ang girlfriend nyang si Audrey. Hindi nya kayang saktan ang loob ng dalaga. Napakalaki ng naging sakripisyo nito. Handa itong mamatay para sa kanya at napatunayan nya ito noong iligtas sya sa sunog kahit hindi pa sya nito kilala. Hindi sya nito iniwan nung nanganganib ang buhay nya. Nandun din ang dalaga noong nagpapagaling sya sa ospital. Inalagaan sya nito hanggang sa tuluyang syang gumaling. Hindi deserve ni Aubrey ang mga nangyayari ngayon. Kung alam lang nyang mangyayari ito ay matagal na sana nya itong pinakasalan. Nakinig din sana sya kay Audrey na sisantihin ang katulong na si Mutya dahil may nararamdaman itong kakaiba at hindi maganda sa bagong kasambahay. Hindi naman kayang panoorin ni Mutya ang eksenang yun nina Drake at Donya Antonia dahil sa tindi ng konsensyang nararamdaman nya ngayon. Naawa sya lalo na sa donya dahil napakabait nito sa kanilang mga katulong. Kahit minsan ay hindi sila itinuring na mas mababa sa kanila. Napapikit si Mutya at huminga ng malalim. Aaminin na lang nya na walang nangyari sa kanila ni Drake na sya mismo ang pumasok sa kwarto nito at naghubad sa kanilang dalawa upang palabasin na nagalaw sya ng binatang amo. “A-ang totoo po….” kumakabog ang dibdib ni Mutya kahit handa na syang umamin at tanggapin ang kaparusahan. Bago pa man nya maituloy ang sasabihin ay nagsalita si Don Antonio. “Papakasalan mo ang anak ko. Hindi ka pwedeng tumanggi. Hindi mo alam kung paano ako magalit.” Madiing sabi ng don at walang kakurap kurap na nakatingin sa kanya. May kung anong takot na naramdaman si Mutya dahil sa himig nang pagsasalita nito. Matiim itong nakatingin sa kanya. Hindi nya kayang salubungin ang mga mata ng don kaya tumahimik at napayuko na lang ang dalaga. Matinding takot ang naramadaman nya lalo na sa tinuran nitong “Hindi mo alam kung pano ako magalit.” Isa yung pagbabanta na parang may malalim na ibig sabihin. Ang tinuran ng matandang amo ay sobrang tagos sa dibdib ni Mutya siguro ay dahil alam nya sa sarili na napaka laki ng nagawa nyang kasalanan sa mga ito. Alam nyang makapangyarihang tao si Don Antonio at hindi nya gugustuhing malaman pa kung anong kaparusahan ang gagawin nito oras na ipagtapat nya ang totoo. Hindi na sya muling nagsalita at umayon na lamang sa lahat ng sabihin ng don. Dahil sa takot ay indi na nya itinuloy ang pag-amin sa totoong nangyari noong gabing pikutin nya si Drake. Wala na rin syang nakikitang rason upang ipagtapat sa mga ito ang totoong dahilan kung bakit ginusto nyang pikutin ang binata at manatili sa buhay nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook