bc

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)

book_age16+
354
FOLLOW
2.7K
READ
family
heir/heiress
drama
sweet
loser
detective
like
intro-logo
Blurb

Ngayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin.

Pero paano pagsasabayin ni Samantha ang personal niyang problema sa problema nila ni Alex kung ang isang nakaraan nito ay nagpakita sa kanila sa mansyon na mayroong isang masakit na rebelasyon para magulo ang kanilang nagsisimulang relasyon.

At paano pipili si Samantha sa isang desisyon sa pagbabalik ng isang tao na matagal niyang hindi naalala at kukumpleto sa kakulangang nararamdaman niya.

Ano ang uunahin niya ngayong alam niya na ang isang katotohanan pero meron siyang kailangang protektahan, ang puso niya o ang taong kailangan siya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
TAKBO. TAKBO. TAKBO. Hindi na malaman ni Samantha kung nasaan siya, ang alam lang niya ay takbo lang siya ng takbo dahil may humahabol sa kanya, hindi niya alam kung sino, tinatawag ang pangalan niya pero hindi niya kilala kung kaninong boses iyon, may tumatawag sa paligid niya pero hindi niya alam kung sino ito at kung nasaan ito, wala siyang makitang tao, wala siyang makitang humahabol sa kanya.  Takbo. Takbo. Takbo. Ilang oras na ba siyang tumatakbo? Gaano na ba kalayo ang narating niya? Bakit pakiramdam niya ay hindi siya umaalis sa lugar kung saan siya tumatakbo. Tumigil siya sa kanyang pagtakbo, tiningnan niya ang paligid, hindi siya pamilyar sa lugar, hindi niya pa nararating ang lugar na’to.  Puno, puno, puro puno, nagtataasang puno lang ang nakikita niya, wala siyang makitang bahay, wala siyang makitang ilaw.  Asan ako?  “Tulong! Daddy!??” Kahit ang sarili niyang sigaw ay hindi niya marinig, natatakot na siya, parang gusto niya ng umiyak, pero kapag umiyak siya, wala din siyang magagawa.  Naririnig na naman niya ang humahabol sa kanya, tumingin-tingin siya sa likod, pero wala siyang makita, walang tao, pero meron, meron… Takbo. Takbo. Takbo.  Nang bigla siyang nadapa —————— —————— NAGISING SI SAMANTHA na hinihingal dahil sa napanaginipan niya, kunuha niya ang lagayan ng tubig na nasa lamesang katabi ng higaan niya para uminom pero wala na pala iyong laman. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang bumaba ng kanyang higaan.  Mula sa silid niya na nasa ikalawang palapag ng mansyon ay dumeretso siya sa kanilang kusina para kumuha ng tubig. Ilang beses na siyang sinabihan ng kanyang ama na maglagay ng refregirator sa kanyang silid dahil lagi siyang nanaginip at para hindi na siya mahirapang kumuha ng tubig pero hindi siya pumayag dahil mas gusto pa din niyang maglakad kung sakaling hindi maganda ang mapanaginipan niya tulad ngayon.  Pagdating niya sa kusina ay agad siyang kumuha ng tubig at uminom, nang maubos ang tubig ay muli siyang kumuha ng tubig para dalhin sa kanyang silid.  Pagbalik niya sa silid, sa halip na humiga ay umupo muna siya sa gilid ng kanyang higaan.  Isang linggo na mula nang bumalik siya sa mansyon. Ang paalam niya sa kanyang ama ay isang taon muna siyang mananatili sa ibang bansa dahil gusto muna niyang mapag-isa pero isang buwan lang ang nilagi niya sa ibang bansa at sinundo pa siya ni Alex na hanggang ngayong ay hindi pa din nila napaguusapan kung ano ang namamagitan sa kanila.  Mula nang bumalik siya sa mansyon ay paulit-ulit na naman niyang napapanaginipan ang pagtakbo niya sa hindi pamilyar na lugar. Ang alam niya ay naalala niya na ang lahat ng nakaraan niya pero hindi niya alam kung bakit niya napapanaginipan ang paulit-ulit na pagtakbo niya.  Ilang minuto pa siyang umupo bago muling bumalik sa kanyang pagtulog.  —————— —————— KINABUKASAN AY MAAGA pa din siyang nagising dahil kailangan niyang pumunta sa kanyang restaurant. Pagdating niya sa kanilang kainan ay nandoon na ang kanyang ama.  “Good morning Dad” nakangiting bati niya at hinalikan pa ito sa pisngi.  “Good morning Hija” balik bati nito sa kanya na abala sa pagbabasa ng magazine.  “Good morning Samantha” bati naman sa kanya ni Manang Letty, ang mayordoma ng kanilang mansyon. “Good morning Manag Letty” nakangiting bati din niya dito. “Gusto mo ba ng kape?”  “Hindi na po, sa office na po ako magka-kape” Nagsimula agad siyang kumain dahil ayaw niyang mahuli lalo na’t meron siyang kakausapin na supplier. Nang matapos siyang kumain ay agad siyang nagpaalam sa kanyang ama para umalis.  Dahil wala ng banta sa kanilang kaligtasan ay pinayagan na siya ng kanyang ama na magmaneho ng sarili niyang sasakyan at wala na din siyang bodyguard.  Bago siya umalis ay napagusapan nila na magiging bodyguard pa din niya si Rebecca pero dahil mas kailangan ngayon ni Alex ng kasama ay ito ang binabantayan ngayon ni Rebecca. Si Alex na ngayon ang namamahala sa Construction business ng kanilang ama kaya mas marami itong katunggali ngayon sa negosyo. Madalas na itong abala dahil sa presentasyon nito sa boards og member at tulad ng kahapon ay maaga itong umalis ngayong araw kaya hindi na sila nag-pang-abot ngayong umaga.  Kung siya ang masusunod ay mas gusto niyang humiwalay ng tirahan hindi dahil sa hindi siya parte ng pamilya Madrigal kundi gusto lang din niyang matuto sa sarili niyang sikap pero hindi pumayag ang kanyang ama kaya sa mansyon pa din siya nakatira.  —————— —————— “GOOD MORNING LOISA” “Good morning Samantha”  Si Loisa na ang pumalit kay Aivee bilang sekretarya niya mula nang mangyari ang pagkidnap sa kanya. Isang buwan din ang lumipas nang matagpuan ang sunog na banggay ni Aivee na tinupok ng apoy dahil sa pagsabok ng sasakyan. Noong una ay hindi pa sila naniniwala na si Aivee iyon lalo na’t hindi na makita ang buong mukha nito dahil sa sunog pero nang ma-autopsy ang bangkay ay doon lang nila natanggap na kay Aivee ang bangkay na iyon. Sabi ng nakasaksi ay tila nagmamadali daw ang babae na makaalis kaya bumili ito ng second hand na sasakyan pero hindi na natingnan pa ang sasakyan dahil kinuha agad iyon at napag-alaman na meron palang sira ang sasakyan.  “Your coffee”  Hindi na niya napansin ang paglabas at pagpasok ni Loisa dahil sa lalim ng iniisip niya.  “Thank you Loisa, kamusta ka dito?”  “Nag-aadjust pa pero nag-eenjoy naman”   “Thanks for helping me Loisa”  “Anything for you Sis” nakangiting sabi nito. Noong una ay ayaw niya na si Loisa ang pumalit kay Aivee dahil ayaw niyang mahadlangan ang gusto ni Loisa. Pakiramdam kasi niya ay huminto ang buhay ng magkakaibigan niya dahil sa kanya, para lang makaalala siyang muli ay kinailangan ng mga itong mag-silbi sa mansyon. Pero sa huli ay si Loisa na din ang nagpasya na maging sekretarya niya dahil gusto nitong tumulong sa kanya at gusto din daw nitong maranasan na maging office girl na ikinatawa niya. “Kamusta ang renovation natin?” tanong niya dito na nakaupo na sa tapat niya. “I think kaya ng tapusin this month, yung conference na lang ang aayusin then paint na” sagot nito, meron din itong kape para sa sarili niya. Dahil sa pagkakasunog ng restaurant na ginawa ni Aivee ay hindi pa din nagbubukas agn restaurant hanggang ngayon, mga staff lang ng opisina ang pumapasok at ginagamit munang opisina ang restaurant sa baba bilang opisina. “That’s good, kailangan natin ipa-double time ang mga gumagawa para makapagbukas na uli tayo ng restaurant dahil baka mawalan na tayo ng staff kakahintay sa atin at malapit na din matapos ang construction site ng isa nating branch” “Don’t worry naka-monitor naman yung contractor natin para mapadali ang renovation, medyo magulo na din kasi sa baba”  Silang dalawa lang ni Loisa ang gumagamit ng taas dahil hindi naman napuruhan ang opisina niya kaya mas pinili niyang dito sila ni Loisa magtrabaho at para meron ding lugar kung meron silang pulong sa ibang tao.  “Thanks Loisa”  “You’re always welcome” nakangiting sabi nito. “By the way puyat ka na naman ba?” “Nanaginip na naman ako e”  “Same dreams?” “Yep”  “Hindi ka talaga familiar sa boses at lugar?” alam nito ang tungkol sa panaginip niya dahil nasabi na niya iyon dito dati. Umiling-iling siya. “Hindi e, sinusubukan kong alalahanin pero wala talaga akong maalala e”  “Wag mo na lang sigurong pilitin baka ma-stress ka at baka yan din yung reason kung bakit lagi mong napapanaginipan dahil pilit mong inaalala”  “Maybe” napabuntong hininga siya. “because of curiosity hindi ko mapigilan. Alam mo naman na kailan lang bumalik ang memory ko kaya kahit na maliit na panaginip ko feeling ko part pa din ng past ko na hindi ko naalala”  “It’s okay Samantha, don’t force yourself” nakangiting sabi nito.  Tumango-tango lang siya bilang sagot sa kanyang kaibigan.  “By the way, at 1 pm may meeting tayo sa meat supplier natin”  “Isa lang meeting natin?”  “Yep, why?”  “Tumawag sa akin si Alex, pupunta daw siya dito. Gusto niyang umalis kami ngayon since isa lang ang meeting natin pwede naman akong umalis ng maaga”  “So…” may halong pang-aasar sa tono ni Loisa. “…pag-uusapan niyo na ba ang namamagitan sa inyo?”  Bumuntong hininga siya. “I really don’t know”  “Come on Guys, hindi na kayo bata para magpakipot pa sa isa’t isa e obvious naman na gusto niyo ang isa’t isa”  “Let see, hindi ko din alam kung ano ang tinatakbo ng utak ni Alex”  “E ikaw, ano tinatakbo ng utak at puso mo?” mapang-asar uli nitong tanong. Napabuntong hininga lang siya at napailing iling dahil sa sinabi nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
215.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
64.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.0K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
41.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
24.3K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
84.3K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
32.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook