bc

A NIGHT WITH MR. GRIFFIN (R18+)

book_age18+
2.2K
FOLLOW
56.0K
READ
billionaire
one-night stand
HE
age gap
confident
heir/heiress
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

WARNING MATURE CONTENT ? (SPG)

Ulilang lubos si Lyka Sarmiento. Kinupkop siya ng kanyang Tiyahin ngunit kalaunan ay pinalayas rin sila. Kasama niya ang kanyang dalawang nakababatang kapatid. Hanggang sa sumama si Lyka sa kanyang kaibigan para pumasok sa isang bar.Naging dancer siya at may nag-alok sa kanya ng malaking halaga para sa isang gabi. Pumayag siya at kinuha ang pera. Pagkatapos ng isang mainit na gabi ay kaagad na lumayo si Lyka. Pagkalipas ng dalawang taon ay bumalik siya sa Manila para maghanap ng trabaho. At natanggap siya bilang isang waitress sa isang kilalang restaurant.

Anong gagawin niya kapag nalaman niya na ang lalaking nakasama niya noon ay siyang bago niyang boss? Makikilala kaya siya nito? Pero paano kapag nalaman niya na may kakambal ito. Sino kaya ang ama ng anak niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
LYKA'S POV "Lumayas kayo dito!" Sigaw sa akin ng tiyahin ko. "Tiyang, maawa po kayo sa amin. Wala po kaming mapupuntahan." Umiiyak na pakiusap ko sa kanya. "Wala akong pakialam! Malas kayo sa buhay ko, kaya lumayas na kayo!" Sigaw niya ulit sa amin ng mga kapatid ko. "Tiyang, parang awa niyo na po. Nakikiusap po ako sa inyo, maawa ka sa mga kapatid ko." Umiiyak na saad ko sa kanya. "Wala akong pakialam! Alis! Umalis na kayo!" Paulit-ulit na sigaw niya sa amin. Wala kaming nagawa kundi ang umalis. Kasama ko ang dalawa kong kapatid. Simula nang mamatay ang mama namin ay doon kami tumira sa bahay ni Tiya Gwen. Pero malupit siya at kinawawa niya kami. Dala ang bag na may lamang damit namin ay naglakad kaming tatlo. Tinignan ko ang wallet ko pero tanging singkwenta pesos na lang ang meron ako. "Friend! Anong nangyari? Bakit kayo nandito sa kalye at ano ang mga dala niyo?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si Amira. "Pinalayas kami ni Tiyang." "Ang sama talaga ng ugali tiyahin mo na 'yon. Sumama muna kayo sa apartment ko. Doon muna kayo," alok niya sa akin. "Thank you, friend. Babawi ako kapag nagkaroon ako ng trabaho." Sabi ko sa kanya. "Naku, huwag mong isipin 'yan. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo rin." Nakangiti na sabi niya sa akin. "Maraming salamat talaga, friend." Niyakap ako ng kaibigan ko. Sumama kami sa kanya papunta sa inuupahan niyang bahay. Nalaman ko na sa bar siya nagtatrabaho. "Friend, may bakante ba sa inyo? Gusto kong mag-apply ng waitress." Tanong ko kay Amira. "Ang alam ko ay meron, sige sumama ka sa akin mamaya." aniya sa akin. Nagpapasalamat ako dahil mayroon. Sana ay matanggap ako para hindi ako umasa sa kaibigan ko. Nakakahiya kung sakaling maging palamunin kami sa kanya. Nang sumapit na ang gabi ay sumama ako sa kanya papunta sa bar. Katunayan ay ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar kaya nanibago ako. Laking pasasalamat ko dahil natanggap ako. "Lyra, marunong ka bang sumayaw?" Tanong sa akin ng manager nila. "Po?" "Sabi ko kung marunong ka bang sumayaw?" Pag-uulit niya na tanong sa akin. "M—Medyo po," nauutal na sagot ko sa kanya. "Alam mo maganda ka at mas malaki ang kita kung sasayaw ka." Sabi niya sa akin. "Magkano po?" Tanong ko sa kanya. "Depende, pero hindi baba sa sampung libo. Lalo na kapag nagustuhan ka nila. At kapag may extra service ay mas malaki ang bayad." Sagot niya sa akin. Napaisip ako sa alok niya. Kung sasayaw ako ay mabilis akong makakaipon. Gusto kong magka-pera para sa mga kapatid ko. Dahil ayoko ng magtagal pa dito kung sakali. Kaya pumayag ako. Kinakabahan man ako ay kailangan kong tatagan ang loob ko. Ako lang ang inaasahan ng mga kapatid ko. At kailangan ko itong gawin para sa kanila. Suot ang maikling palda at tanging bra sa pang-itaas ay litaw na litaw ang kurba ng katawan ko. Matangkad ako at masasabi ko na sexy ako. Ito rin ang dahilan kaya muntik na akong pagsamantalahan ng asawa ni tiyang. "Ready ka na ba, friend? Sa una ay kakabahan ka talaga pero kapag nasanay ka na ay sisiw na lang 'yan sa 'yo." Saad niya sa akin. "Kaya ko ito, para sa mga kapatid ko." Sabi ko sa kanya. Sinuot ko ang maskara ko para matakpan ang kalahati ng mukha ko. Ihinanda ko ang sarili ko dahil ako ang susunod na sasabak sa stage. Nang namatay ang ilaw ay naglakad na ako papunta sa gitna. At nang bumukas na ulit ang ilaw ay nakatutok ito sa akin. Kasabay ng nakakaakit na musika. Dahan-dahan akong sumayaw. Sinasabayan ng katawan ko ang ritmo ng kanta. Hindi ako kagalingan pero sa tingin ko ay sapat na itong ginagawa ko. Sa bawat galaw ng balakang ko ay kitang-kita ko ang pagnanasa sa mga mata ng mga lalaking nandito. Pero napukaw ang atensyon ko ng isang lalaki na nakaupo sa may isang sulok. Makisig ito at ubod ng gwapo. Nagtama ang mga mata namin kaya biglang bumilis ang t*bok ng puso ko. Pero kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya. Umiwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ko ang pagsayaw. Hanggang sa natapos na ako. Malakas na palakpakan at hiyawan ang narinig ko mula sa mga lalaking nanunuod. Kaagad akong bumaba sa stage at pumunta sa backstage. "Ang galing mo, Lyra. Marami ang gustong i-take out ka. Pero may isang nagbayad ng malaking halaga. Pumunta ka sa VIP room dahil hinihintay ka niya ngayon." Utos sa akin ng manager. "Sana all," narinig kong sabi ng mga kasamahan ko. Sumama ako at hindi ako nagreklamo pa. Iniisip ko na isang gabi lang lalo na nalaman ko ang halaga ng ibabayad niya. Binigay na sa akin ng manager ang tseke kaya wala na akong kawala. Malaki ang pera at sapat na para sa amin ng mga kapatid ko. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang gwapong lalaki. May hawak itong baso ng alak. Siya ang lalaking nakita ko kanina. Mas gwapo siya sa malapitan. "Come here," utos niya sa akin kaya dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kanya. "What's your name?" Tanong niya sa akin. "Lyra," kalmado na sagot ko sa kanya. "Alam mo naman siguro kung bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin. "Yes, sinabi na sa akin." Sagot ko sa kanya. Pinilit ko ring ikalma ang boses ko. "Good, now do your job." Seryoso na utos niya sa akin. Dahil sa sinabi niya ay hindi ko alam ang dapat kung gawin. Dahil wala naman akong karanasan sa ganitong bagay. First time ko ito. At alam ko na ito na rin ang una at huli ko itong gagawin. Dahil sa hindi ako kumikilos ay bigla niya akong hinila papalapit sa kanya. Kaagad kong naramdaman ang kuryente na nagmumula sa kamay niya kaya kaagad akong bumitaw sa kanya. "You smells so good." Pabulong na sabi niya sa tainga ko na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Akmang hahalikan niya ako sa leeg ng bigla na lang akong lumayo sa kanya. Pero hinila niya ulit ako at hinalikan sa labi. Nabigla ako at nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin. "Kiss me back, hindi ka ba kikilos?" Ramdam ko ang inis sa boses niya. Kahit na hindi ko alam ang gagawin ay hinalikan ko siya. Siya ang una kong halik. Ginaya ko ang galaw ng labi niya. Hahawakan niya sana ang dibdib ko pero pinigilan ko siya. "What?!" "Sorry," mahinang saad ko sa kanya. "Huwag kang umarte na para bang v*rgin ka pa?" Naiinis na sabi niya sa akin. Tama siya tinanggap ko ang bayad kaya wala akong karapatan na maghinarte na para bang v*rgin ako kahit na totoong birhen pa ako. Hindi kami nagtagal sa bar dahil dinala niya ako sa malapit na hotel. Pagpasok namin ay kaagad niya akong siniili ng halik sa labi hanggang sa inangkin niya ako buong gabi. Kinabukasan ay nagising ako na masakit ang buo kong katawan. Tumingin ako sa lalaking katabi ko. Mabilis akong bumangon kahit na mahapdi ang nasa pagitan ng mga hita ko. Kaagad kong pinulot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Sinulyapan ko muna ang lalaking mahimbing na natutulog. "Salamat sa malaking pera na binayad mo. Sana ay hindi na tayo magkita pang muli." Bulong ko sa kanya at mabilis akong lumabas sa hotel room.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.3K
bc

The Sex Web

read
132.3K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook