bc

Don't Mess With The Billionaire

book_age18+
362
FOLLOW
1.7K
READ
billionaire
fated
powerful
single mother
drama
twisted
bxg
city
love at the first sight
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Kumukulo ang dugo ni Lauren sa tuwing magkukrus ang landas nila ni Sebastian, ang lalaking nakilala niya sa bansang Peru minsang nagbakasyon siya doon. Napakayabang at walang modo kasi ng lalaking ito. Ipamukha ba naman sa kanyang hindi siya ang tipo ng babaeng magugustuhan nito.

Oo, aminin niya, makalaglag panga ang kagwapuhan nito pero nuknukan naman ng yabang sa sarili kaya imposibleng ito din ang lalaking magustuhan niya. Never even in her wildest dream.

Ngunit nagising nalang siya isang umaga na katabi na niya ito sa pagtulog. It's a one hell night of passion with total stranger. Hindi niya pinagsisihan iyon dahil sa isang mabigat na dahilan.

Ngunit paano kung magbunga ang isang gabing iyon?

Paano kung magtagpo uli ang landas nila ng lalaking ama ng anak niya?

With all his money and power, kaya nitong kunin at ilayo ang anak niya sa kanya.

Natatakot siya for two reasons:

Takot na mawala ang anak niya sa kanya at takot siya na tukuyang mahulog ang damdamin niya para sa lalaking walang gusto sa kanya?

Ngunit bakit lagi itong to the rescue sa kanya para protektahan siya sa mga taong gustong pumatay sa kanya? Does it mean na mahalaga siya rito dahil mahal siya o mahalaga lang siya dahil ina siya ng anak nito?

chap-preview
Free preview
Chapter I
"Hola Peru" Halos pigil na sigaw ni Lauren ng unang umapak ang paa niya pagkalabas na pagkalabas ng eroplano. Kalalapag lang ng sinasakyang eroplano ni Lauren sa Lima International Airport sa bansang Peru. Ang bansang pinangarap niyang puntahan simula pa noong madiskubre niya ang pamusong Machu Picchu. Iyon talaga ang pinakasadya niya sa pagpunta sa bansang Peru. Hila-hila niya ang may katamtamang lagguage pagkatapos makuha sa lagguage counter. At pasan naman sa likod ang kanyang itim na packbag. Kinuha niya sa bulsa ang kanyang cellphone at nagsimula ng magvideo. Hindi siya vlogger, gusto lang niyang irecord ang mga mga ginagawa niya at mga magagandang lugar na napuntahan para pag-uwi niya may maipapakita siya sa mga kaibigan niya. Ipopost din niya ito sa social media at higit sa lahat ay pwede niyang panuorin ito ng paulit-ulit sa tuwing mami-miss niya ang lugar na ito. "Hello guys, kararating ko lang dito sa Lima, Peru. I'm so excited to explore the place. Medyo kinakabahan ako dahil first time kung nag-out of the country travel pero... ouch" Nahinto si Lauren sa pagsasalita ng tumilapon ang bitbit niyang cellphone nang mabangga siya ng isang lalaking may karaykaray din na maliit na traveling bag. Kinuha muna niya ang cellophone na natapon at baka maapakan ng ibang pasaherong naglalakad bago haharapin ang lalaking bumunggo sa kanya. Biglang akyat ng dugo sa mukha niya ng makita ang cellphone na medyo nabasag ang screen nito. Hinanap ng mga mata niya ang lalaki para sana kausapin tungkol sa nangyari ngunit palabas na ito ng airport. Kumulo naman ang dugo niya. Imagine, diritso lang itong naglakad at hindi man lang humingi ng pasensya sa ginawa nito. Okay, let say, hindi sinadya iyon pero sana man lang humingi ito ng sorry. Nabasag pa ang harapan ng cellphone niya. Walang hiyang lalaking iyon. Naggagalaiti siyang mabilis na sinundan ang lalaking wala yatang konsensya sa katawan. "Hey, excuse me" sigaw na pigil niya sa akmang pagpasok ng lalaki sa isang magarang sasakyan na sumundo rito. Basi sa signage nito ay sasakyan ito isang sikat na 5 star hotel ng Lima. Kilala niya ang hotel dahil nagresearch siya at nakita niya ang pangalan ng hotel. "Yes?" Kunot-noong tanong ng lalaki sa kanya. Parang natulala naman si Lauren bigla ng mabungaran ang magandang mukha ng lalaki. Ang mata ang una niyang napansin dito. May malalalim itong mga mata na kay ganda pagmasdan. Hindi niya matukoy kung ito ba ay mata ng isang westerner dahil although malalim siya ay maitim naman. He looks asian pero hindi niya matukoy kung saang bansa. May medyo kahabaang pilik-mata at ang ganda ng pagkakapal ng kilay nito. Ang jawline nitong tamang-tama ang pagkakalagay sa mukha niya na lalong nakakaattract sa lalaki. May matangos na ilong at labing kay sarap halikan este basta halikan lang talaga ang pumasok sa isip niya. Sa kabuuan, para sa kanya. It's perfect. Parang wala na siyang mapipintas sa mukha nito except di yata ito marunong ngumiti. "Crazy" usal nito at pumasok na sa loob ng sasakyan ng hindi si Lauren nagsalita at nakatitig lang sa lalaki. "You broke my phone. You need to replace this." Saad niya ng makabalik sa kasalukuyan pagkarinig sa sinabi ng lalaki. "Did I what? Broke your phone? You're kidding me, right? Cut that crap miss." Isinara na nito ang pintuan ng sasakyan at sinabihan ang driver na aalis na sila. Iniwan siyang nakatulala. Kumukulo ang dugo niya sa galit sa lalaki. Napakawalang modo talaga ng lalaking iyon. Bastos. Hindi gawain ng isang lalaki ang ganoon. Bastos talaga. Mukha namang professional pero walang modo. Grr.. Naiinis din siya sa sarili dahil gusto sana niyang sagutin ang lalaki ngunit nagfreeze yata ang utak niya ng sandaling iyon dahil kailangan pa niyang e-digest sa utak ang sinabi nito dahil sobrang slang, di niya masyadong maintindihan ang sinabi nito dahil sa british accent nito at sobrang bilis na pagkakasabi nito. Makarma ka rin, walang hiya ka. Sa-isip-isip ni Lauren habang hinahabol ng tingin ang papalayong sasakyan. Inis na lumakad nalang siya papunta sa may taxi at nagpahatid sa tutuluyang hotel. Nakabook siya ng murang hotel sa airbnb. Hindi kalakihan ang kwarto ngunit napakalinis naman kaya wala siyang maiipipintas dito. Nagshower siya sandali at nagbihis pagkarating sa hotel bago siya lumabas para maghanap ng magandang kainan. Alas sais na ng gabi medyo nakakapagod ang mahabang byahe mula Maynila papuntang Lima, Peru pero ayaw pa niyang matulog. Gusto niyang mamasyal agad kaya umpisahan na niya ngayon gabi. Maglakad-lakad lang siya sa malapit at maghahanap ng magandang kainan. Street food would be fine. Sabi nila masarap daw ang mga pagkain sa Peru. Samalat sa friend niyang si google map at mabilis niyang nahanap ang isang lugar na kung saan maraming mapagpipilian ng makakain. Nakahilira ang mga street food vendor sa lugar na iyon. It gives her a feel of being in the Philippines ang kaibahan nga lang mas bongga ang mga street food nila dito. Ang linis ng mga pinaglulutuan. Tinikman niya halos ang lahat na sa tingin niya ay napakasarap na pagkain and of course pinipicturan din niya ito bago kainin. Pang ** lang. Pagtiyagaan nalang niya ang basag niyang cellphone. Ayaw niyang bumili ng bago. Sayang ang pera total pwede pa namang makapicture kahit na ang pangit na tingnan dahil sa basag na salamin. Kumukulo na naman ang dugo niya ng maalala ang walang modong lalaki. Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ng biniling street food ng mahagip ng tingin niya ang pamilyar na lalaki. Teka, speaking of the deviĺ I mean thinking of the devil, here you come. Sa isip-isip niya habang sinusundan niya ng tingin ang lalaki. Nakasuot ito ng shorts na tenernohan ng white longsleeve and brown shoes. Simple get up pero nag.uumapaw pa rin ang kagwapohan nito. Kahit anong sigurong suotin nito ay bagay na bagay dito. Bakit ba iyon ang napansin niya eh ang pangit ng ugali nito kaya pangit talaga ang lalaking iyon kahit saang anggulo tingnan. Palihim niya itong sinusundan ng tingin. Hindi ito bumili o timikim man lang ng pagkain. Tumingin-tingin lang ito. Nakita niya itong kumuha ng picture dalawang beses lang. Bitbit ang biniling pagkain ay hinarang niya ito. Dapat bayaran talaga siya nito sa cellphone na nasira nito or kahit palitan lang ang screen or sadyain kaya niyang banggain ito habang kukuha ng picture, iyong matapon talaga ang phone nito at mabasag para patas sila. Napangiti siya sa naisip.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
41.4K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.9K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.3K
bc

NINONG II

read
619.2K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook