bc

NIGHT IN THE CITY (COMPLETED)

book_age18+
883
FOLLOW
2.8K
READ
HE
opposites attract
arranged marriage
kicking
mystery
loser
rebirth/reborn
polygamy
like
intro-logo
Blurb

Kwento ng isang babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw na labag sa kanyang kalooban.

Ngunit ng gabing iyon, ay biglang nagbago ang kanyang buhay.

Si Ella 18 years old, Ni minsan hindi sya Naniniwala sa fairytale, Ngunit nabigyan sya ng pagkakataon na mabago ang buhay nya sa katauhan at katawan ni Ella Lee.Isang ulila na sa ama at ina, at bago mamatay ang kaniyang Lolo ay naipagkasundo siya sa isang lalaki na si Sam Kim, upang ipakasal.

Kapalit ng pagtulong ng matanda upang maisalba ang paluging kompanya nito. Subalit may mahal etong ibang babae at kasalukuyang kasintahan.

Makakatulong ba sa kaniya ang naging dati niyang buhay?

Samahan natin ang nakakaaliw at nakakaiyak na buhay ni Ella......

chap-preview
Free preview
MY BEGENNING
DISCLAMER THIS IS A WORK OF FICTION,THE NAMES, PLACES, EVENTS, BUSINESSES, CHARACTERS, INCIDENTS AND ANY RESEMBLANCES ARE ALL COINSIDENCES THIS IS MY OWN IMMAGINATIONS (Author-MODAVIN)  PLEASE DON'T READ IF, THIS IS NOT YOUR CUP OF TEA PLEASE DO NOT COPY OR DISTRIBUTE IN ANY WAYS WITHOUT MY CONSENT PLEASE ASK MY PERMISSION  THANK YOU!!!  STORY IS SUITABLE FOR MATURE READERS.....R18+ 27/6/22 ....................................................... CHAPTER 1 "Hoy Ella! gising akin na ang kinita mo kagabi?"  Pilit kong minumulat ang aking mga mata, dahil antok na antok pa ako kakauwi ko lang kanina galing sa Beer house...Napilitan akong gumising dahil sa malakas na sigaw at pag gising sa akin ni Auntie Loring. " Auntie sandali Lang po! at kukunin ko" "Nasaan ba nasa bag mo ba?"  "Opo! Auntie,"  Kinuha naman agad agad ni Auntie Loring ang bag ko na nakasabit sa likod ng pintuan ng aking maliit na kwarto...dati rati wala akong sariling kwarto noong panahong wala pa akong maibigay na pera kay Auntie Loring, natutulog lang ako sa sahig o sopa sa sala, pero mula ng may pakinabang na sya sa akin, pina-gawan nya na ako ng maliit na kwarto... Mula sanggol pa lang ako ayun kay Auntie Loring ay sya na ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Sabi nya balak daw akong ipalaglag ng aking tunay na Ina, kasi hindi daw sya pinanagutan ng lalaking nakabuntis sa kanya o ng ama ko... Anak daw ako ng kaibigan n'ya na namatay din ng ipinanganak ako. Sya daw ang nagsabi sa Ina ko na huwag akong ipalaglag at ibigay na lang sa kanya.Kaya mula pagkabata ay palagi niya sa akin sinasabing kong hindi dahil sa kaniya ay matagal na akong patay.Napakalaki daw ng utang na loob ko sa kaniya.  Nakaalis na si Auntie Loring pagkatapos makuha sa bag ko ang pera na nagkakahalaga ng limang libo lahat ng kinita ko kagabi nilimas nya at pagkatapos nyang makuha ang pera sa bag ko ay inihagis lang nya eto sa akin.. Sanay naman na ako, anong magagawa ko malaki ang utang na loob ko sa kanya, may dalawa syang anak na babae si Cora 24 at Kathy 25 years old....hindi rin maganda ang trato Nila sa akin Mula ng nagkaisip ako wala akong natatandaang magandang bagay na nangyari sa buhay ko. Grade three lang ang inabot ko ang Sabi ni Auntie Loring wala daw s'yang pera na Pampaaral sa akin..sapat na daw ang Marunong na akong magsulat at magbasa Ginawa Nila akong katulong taga linis ng bahay, taga laba,taga luto utusan at kong ano ano pa....hindi ko naman magawang magreklamo dahil alam ko na wala akong karapatan..at kapag nangangatwiran ako sampal kurot at palo ang mapapala ko.  18 years old na ako at dalawang taon na akong pokpok nagsimulang ako sa edad na 16, naalala ko pa ng dalhin ako ni Auntie sa kaibigan nyang bakla,  Tapos nakita ko binigyan ng bakla si Auntie ng maraming Pera. Saka ko lang nalaman ginawa na pala akong collateral Kasi Iniwanan ako ni Auntie Loring dun sa bakla at sa aking pagtataka binihisan ako ng magandang damit, Isa iyong mini dress na hanggang hita ang ang ikli at inayusan ako, nilagyan din ng makeup ang aking mukha... Tuwang tuwa pa naman ako kasi Gandang Ganda ako sa itsura ko Puring puri pa ako ng bakla kasi napakaganda ko daw at malaking bulas maganda daw ang hubog ng aking katawan ang mga mata nya ay nagniningning.  (...... sign ng peso hindi bituin.....)  Dinala nya ako sa isang napakagandang bahay. Yon pala eto pala yong tinatawag nilang Motel, dinala nya ako sa isang kwarto pumasok kami sa loob na may naghahantay na matandang lalaki mga nasa fifty five seguro sya o pataas at Sabi ng bakla sa kanya fresh na fresh yan at class A, kitang kita naman hindi ba mag add ka ng 10k. Kong Ayaw mo sa iba ko na lang sya ibibigay ang sabi niya dito.  Agad namang tumango ang lalaki at nagsabing payag na payag sya, ang mga mata ng lalaki ay hindi maalis ang titig sa akin na nuon ay wala akong kaalam-alam sa nangyayari at mangyayari sa akin.... Tumalikod na yong bakla nong nakita kong papa-alis na sya sumunod naman ako at bigla siyang humarap sya sa akin.. Saan daw ako pupunta, maiwan daw ako at ako'y kanyang itinulak bago pa nya isara ang pinto. Sinabi nya sa akin pakabait ka paligayahin mong mabuti si Mr. Davis ng umulit sya sayo, good customer yan. Babalikan kita mamaya  Ako na hindi ko maintindihan ang sinasabi nya nagulat na lang ako ng bigla akong kargahin ng matandang lalaki at ibinalibag sa kama....  At nangyari ang hindi ko inaasahang bagay paulit-ulit ang ginawang kahayupan sa akin ng matandang lalaki na iyon. Nagmakaawa ako sa kanya ng napakaraming beses pero, isa syang demonyong nagkatawang tao..  Tinantanan nya lang ako ng pagod na pagod na sya... Lupaypay ang kaawa-awa Kong katawan, wala na ring luha ang aking mga mata, nakatingin sa taas ng kisameng salamin, kitang kita ang kabuuan ng hubad kong katawan at ng matandang lalaki sa tabi ko habang nakayakap pa sa akin...  Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing iyon sa buhay ko. dahil hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa ang bangungot na ayaw akong lubayan....  Lingid sa kaalaman ko naka collateral ako sa bakla ng three hundred thousands sa loob ng dalawang taon ay magtratrabaho ako sa kanya. Isa syang tinaguriang mama Sang.. Kong sa mga artist may mga humahawak sa kanilang manager sa mga prostitute naman ay mama Sang kong tawagin naman ang kanilang handler.... Paiyak iyak pa nuon si Auntie Loring nagawa daw nya yun kasi mapapaalis na daw kami sa aming tinitirhan. Naisanla daw nya kasi eto dahil kinakailangan ng tuition fee ng dalawa nyang anak at iba pang mga gastusin sa bahay, mahina daw ang benta ng karne sa palengke... Mareremata na daw ang bahay at baka pulutin kami sa kalye...  Sa unang pagkakataon niyakap ako ng mahigpit ni Auntie Loring humihingi sya ng tawad at lumuluha pa sya sa nagawa nya sa akin,  "Ella, napakasakit sa akin ng ginawa kong iyon sayo. Ako na nag-alaga sayo mula baby ka pa halos hindi kita padapuan ng lamok at langaw sa katawan mo, ako na nagpupuyat kapag nagkakasakit ka, ako na kong saan saan naghahanap ng ipapadede sayo, ako na nagdadamit sayo, ako na tanging kasama mo hanggang sa lumaki ka,... Tapos ngayon na ako naman ang nangangailangan ng tulong mo nagagalit ka na sa akin." Ang ma emosyon nyang drama sa akin.  " Kong pwedeng ako na lang Sana, ay gagawin ko. Kaso sino naman ang magkakainteres pa sa akin matanda na ako amoy lupa na...seguro naman may awa ka sa akin ako na nagpalaki sayo."  Sa mga sinabi nyang iyon at sa nakikita mong luha sa kanyang mga mata, naantig ang puso ko.. Nagawa kong patawarin si Auntie, Ngunit sa buong pag-aakala ko ay tapos na, payag na ako magpagamit sa kahit sinong lalaki mabayaran lang ang pagkakautang namin dun sa bakla kay mama Sang....pero hindi pa pala tapos.  Nalaman kong may bisyo pala sya.. Sugal, at droga. Pinipilit nya akong kumita ng pera. Kaya ipinasok nya ako sa isang Beer house na kong saan nag-eentertain ng mga customer at sumasayaw ng sexy sa harapan ng mga kalalakihan... Bawat drinks may komisyon ako at kapag dancer ka may talent fee ka din, at kapag nag-patake out ka sa customer may pera ka rin... Depende na lang sa usapan nyo kong magkano.. Gabi gabi nag-uuwi ako ng five thousands to seven thousands pesos at lahat ng kinikita ko lahat ay kinukubra ni Auntie.  Wala syang pakialam kong kumain na ako o hindi pa.. Umaalis ako ng bahay para mag trabaho ng walang laman ang aking sikmura, walang pagkain para sa akin, wala silang itinitira o itinatabi at dumadating ako ng bahay na wala ding pagkain na para sa akin...  Kaya natuto akong mag tabi kahit onti para sa akin.. Pambili ng makakain at ng iba ko pang pangangailangan...  Bumalik ako sa aking pagkakatulog at dala ng puyat, pagkalasing at pagod madali din akong nakahimbing.. Halos sa araw araw ganito naman palagi ang cycle ng buhay ko, wala ng pagbabago at kahit dugo na ang iluha ko wala naman nang nangyayaring maganda. Nasanay na ang kawawa kong katawan at ang aking pagkatao...  Hinihintay ko na lamang ang aking kamatayan....ng makapgpahinga na ang pagod at kawawa kong katawan.. Naisip ko na dati ang magpakamatay tumalon sa ilog Pasig o kaya naman magpasagasa sa mabilis na train ng MRT..  Planado na ang lahat, Kong tatalon ako sa Ilog Pasig maganda mga alas tres ng madaling araw, wala masyadong mga tao at sasakyan na dumadaan...Kong sa train ng MRT naman ako magpakamatay syempre may guwardya duon pero may magagawa ba sila kong mabilis akong tumalon sa baba ng riles at ang MRT train ay mabilis ang takbo Segurado wasak na wasak ako...  Ewan ko ba bat naisipan ko pang magsimba mona sa Qiapo bago magpakamatay nasa bungad pa lamang ako dinig na dinig na ang sermon ng pari..  *Mga anak mahalin nyo ang inyong mga sarili gaya ng pagmamahal sa inyo ng ating mahal na panginoon.."  "Mahal daw? , sila lang hindi ako, ang pabulong kong Sabi sa sarili ko.. Naghanap ako ng mauupuan at nakahanap naman ako ng isang mahabang mauupuan at may isang matandang babae ang nakaupo . Huling Misa na din ng gabing iyon kaya ka kaunti na lang ang mga tao sa loob...  Patuloy ang sermon ng pari "Kong ano man ang nararanasan nyo ngayon lahat ng yan ay may dahilan batid ng ating panginoon ang lahat ng ating pighati at pagdurusa."  Sa narinig kong iyon mula sa paring nagsesermon nag-unahang pumatak ang aking mga luha. Parang gusto kong umatungal ng malakas kaso pinigilan ko lang dahil alam kong nasa simbahan ako.. Tahimik akong umiiyak habang nakikinig ay father.  " Tandaan nyo lahat tayo ay mahal nya. Sinusubukan lamang nya tayo kong hang-gang saan ang ating pananalig at kabutihan ng ating puso. Lahat ng problema sa buhay ay may solosyon. Matutong mag-antay at maniwala sa taas... Sa kanya!"  "Kaya ikaw na gustong wakasan ang buhay.."  Ng marinig ko iyon natawa na lang ako bakit nya alam.. Tiningnan ko pa si father kong sa akin ba sya nakatingin medyo hindi naman Pala.  "Huwag mo ng ituloy dahil may naghahantay sayong magandang buhay... Tandaan nyo kong kayo mismo ang tatapos sa buhay na ipinagkaloob sa inyo ng ating panginoon ang kaluluwa nyo ay mananatiling gagala dito sa lupa dahil hindi kayo tatanggapin sa Langit o sa impyerno. " " Ah kaya pala! Seguro sila yong mga nagiging mga multo, aswang, white lady na nagpapakita sa mga tao kasi nandirito pa sila sa lupa kong ako kaya ang maging multo ano kaya ang itsura ko nakakatakot Kaya? " Natapos ang Misa ng Pari nagbago din ang aking plano hindi na ako magpapakamatay... Bago ako lumabas ng simbahan nangako ako hihintayin ko na lang kusa akong mamatay At hihintayin ko din ang sinasabi ng magandang plano sa akin ng panginoon....... " Meron Kaya?"  .......................................................  Thank you guys for reading my works  Please do a vote and any comments  It's give me more encouragements to continue?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.4K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
243.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
39.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.4K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
24.3K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
69.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook