bc

That Hot Bachelor Next Door (R18+)

book_age18+
7.1K
FOLLOW
59.9K
READ
billionaire
sex
contract marriage
second chance
drama
sweet
bxg
city
virgin
waitress
like
intro-logo
Blurb

“Hinding-hindi kita mamahalin kahit ako pa ang ama ng nasa sinapupunan mo, Rose. Lagi mong tatandaan ‘yan!”— Benedict Montesilva.

Nag-apply bilang isang maid is Rose sa isang mayamang pamilya sa isang ekslusibong subdibisyon. Hindi niya akalain na sa pagkakataong iyon, magbabago ang kaniyang buhay pagkatapos niyang makipag-one night stand sa anak ng isang bilyonaryo na si Benedict Montesilva na nakatira lang sa tapat ng bahay ng kaniyang amo. Nang dahil sa pangyayari, ang akala ni Rose na mayapang buhay, napalitan pa ito ng poot at sakit pagkatapos siyang sisihin ni Benedict nang hindi natuloy ang kaniyang pag-alis upang pakasalan ang fiancé nitong nasa ibang bansa.

Hindi akalain ni Rose na impyerno pala ang buhay na naghihintay sa kaniya kapalit ng kabayaran niya sa isang gabing pagtatalik nilang dalawa ni Benedict. Magkakaroon pa kaya ng magandang buhay si Rose at ang magiging anak nito? May puwang pa kaya siya sa puso ni Benedict?

chap-preview
Free preview
ANG BAGONG YAYA SA CALIXTO MANSION
EPISODE 1: "Siguraduhin mo lang na hindi malilikot 'yang mga kamay mo at matulis 'yang bibig mo." "H-hindi ho, Ma'am. Mabait po ako at hindi rin po ako nagnanakaw," tugon ko sa Head Maid ng mansiyon ng mga Calixto. Tumigil na si Ma'am Belinda sa paglalakad at humarap sa akin. "Tanggap ka na sa trabaho. Pasalamat ka at apo ka ni Manang Claudia na pinagkakatiwalaan ni Senyora." "Maraming salamat po, Ma'am! Pagbubutihan ko po ang pagtatrabaho ko!" Hindi ko mapigilan ang tuwa sa mukha ko nang matanggap na ako sa trabaho. Kapag kasi hindi pa ako nakahanap ng matutulugan ko ngayon, wala na akong mauuwian. Pinalayas na ako ni Chang Magda at wala na rin akong ibang kamag-anak na puwede kong matuluyan. "Cha, dalhin mo na 'to sa maid's station at ikaw na lang ang mag-briefing sa kaniya," usal ni Ma'am Belinda sa isang babaeng katulong parang ka-edad ko lang din. "Baka dumating na si Senyora maya-maya, kailangan ko pang ayusin ang lunch nila. "Opo, Ma'am." Ngumiti na ang babae sa akin ay hinatak na ako papunta sa likurang bahagi ng mansiyon. "Hay nako, salamat naman at may kasama na ako ritong bagets na hindi masama ang ugali. Ibang-iba kasi ang mga humor ng matatanda kaya hindi ko makausap nang maayos." Napangiti na lang ako sa kaniya. "It's nice to meet you, Cha. Tama, 'di ba? Cha ang pangalan mo?" "Yup. It's Charisse but just call me Cha for short." "S-sige..." mahinang sagot ko. "Ako naman si Rose. Rose Manansala." "Well, Rose, welcome sa aming munting tahanan." Pumasok na kami sa loob ng isang kwarto at namangha ako dahil parang titira lang ako sa isang hotel sa sobrang ganda ng kwarto namin. Sobrang yaman nga talaga nitong amo ng Lola ko. Dahil nasa trabaho ang lahat ng ibang mga katulong, walang katao-tao rito ngayon. Inilagay ko na ang gamit ko sa isang cabinet at dahil may sari-sarili kaming mga kama, doon ko na muna inilagay ang isang bag ko. "Bilisan mo na diyan, Rose. Ipapakita ko pa sa’yo ang buong mansiyon bago ka magsimulang magtrabaho.” “Sige, sandali lang, Cha.” Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ko, sumunod na ako kay Cha at isa-isa na niyang ipinakilala sa akin ang ibang mga kasambahay at driver. Dinala niya rin ako sa kahit saang sulok ng mansiyon hanggang sa makarating na kami sa labas. Agaw pansin ang mas malaking bahay sa nasa tabi nito kaya naman hindi ko mapigilang mapatitig. “Grabe, ang lalaki pala talaga ng mga bahay rito. Akala ko nagbibiro lang si Lola…” mahinang usal ko. “Iyan ba, Rose?” turo nito sa kapitbahay. “Mansiyon ‘yan ng mga Montesilva. Mas mayaman sila sa mga amo natin kaya halatang mas malaki ang mansiyon nila. Gusto ko ngang makapasok diyan dahil sobrang pogi ng mga magkakapatid na Montesilva.” Natawa na lang ako sa sinabi nito. “Hindi ba’t meron ding pogi rito sa manisyon? Iyan ang sabi sa’kin ng Lola ko dati, e.” “Ah, si Sir Hadji. Oo, super pogi rin ‘yon kaso busy siya ngayon sa trabaho kaya madalang lang na umuwi rito. Pero kasi, gusto ko ‘yung maraming pogi kaya mas bet ko sa mansiyon ng mga Montesilva.” “Sira ka talaga, Cha,” natatawang tugon ko na lang sa kaniya. Iginugol ko ang lahat ng oras ko sa buong araw sa pagtulong sa paglilinis ng garden ng mga Calixto. Sa sobrang lawak ba naman ng garden nila na may mga landscaping ay inabot na ako ng hanggang alas-tres ng hapon. “Rose, magpahinga ka muna. Parang uubusin mo naman pati ang mga bulaklak diyan sa hardin.” Bahagya akong napalingon kay Cha nang tawagin niya ako. “Tatapusin ko na lang ‘to, Cha. Baka mapagalitan pa ako mamaya ni Ma’am Belinda—” Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang mayroong nahulog na frisbee golf sa garden na galing sa kabilang bahagi ng pader. Kung hindi ako nagkakamali, galing ito sa mansiyon ng mga Montesilva. “Charisse, to the kitchen!” “Wait lang, Rose, tawag ako ni Madam Belinda.” Wala na akong choice dahil umalis na si Cha kaya ako na lang ang naglakad papunta sa frisbee golf at kinuha ito. Hindi ko naman alam kung ibabalik ko ba ‘to sa kabilang bahay o hihintayin ko na lang na may pumunta rito. Akma na sana akong papasok sa loob nang mayroong nag-doorbell kaya kaagad akong napalingon. Baka hinahanap na nila itong frisbee golf. “Pinapakuha po ni Senyorito Benedict iyong nahulog daw po rito,” pahayag ng isang babae na nasa labas ng gate. “Walang nahulog dito, kaya umalis ka na—” “Meron, meron po!” pagputol ko sa ilang mga guwardiya at lumapit na sa kanila sabay tingin sa babae. “Ito ba ang hinahanap mo—” “Get it faster. What the hell is taking you long?!” Mayroong makisig na lalaki ang tumambad sa amin habang galit na galit ang mukha nito. Maya-maya pa ay napasulyap na ito sa akin at pumasok na sa loob ng gate sabay lapit nito. “Do you have something to give me?” “A-ah…” Hindi ko alam kung bakit halos hindi ako makapagsalita nang maayos. Pinilit kong igalaw ang mga kamay ko at inabot sa kaniya ang frisbee golf. “I-ito po, Sir—este Senyorito. Nakita ko pong naglaglag kanina sa gilid ng garden kaya—” “I did not ask for it,” mataray na pahayag niya sa akin at marahas na binuklas ang frisbee sa kamay ko. Pinakalma ko lang ang sarili ko kahit ang bastos ng lalaking ‘to. Tama nga namang walang perpektong tao. Kasi kung biniyayaan pa ang lalaking ‘to ng magandang ugali ay siguradong magiging unfair sa ibang tao. “What are you staring at?” Bigla akong napabalik sa diwa ko at hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya. “A-aahh, w-wala po—” “Senyorito Benedict! Napadalaw ka!” Biglang tumambad sa harapan namin si Ma’am Belinda sabay tulak sa akin papalayo. “Umayos ka nga, Rose. Hindi mo naman sinabi na nandito si Senyorito Benedict.” “H-hindi ko po alam…” mahinang sagot ko na lang at ayoko nang madamay. “Pasensiya na po kayo, Senyorito. Siya po kasi ang bago naming kasambahay rito at pumalit kay Manang Claudia,” paliwanag ni Ma’am Belinda. “She’s Lola Claudia’s granddaughter?” pagtatakang tanong pa ng bastos na lalaki. Tumango-tango na lang ako. “O-opo…” “I see. You’re nothing like her,” usal nito at tuluyan nang tumalikod sa amin at nilisan ang gate.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook