bc

Don't Get Tired

book_age12+
771
FOLLOW
4.8K
READ
revenge
drama
comedy
bxg
humorous
witty
male lead
office/work place
betrayal
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Complete

Of all the things Yuki doesn't like are those overconfident men. Arrogant in short. Those who think of themselves as too handsome to handle. Even if they have something to brag about, she still doesn't like that kind of behavior. But can she avoid this kind of guy?

What if apart from they're on the same company, they also are assigned to the same department? Will she try to get along with him? Or will she avoid him? What if she falls in love with him? What if despite her tried avoiding him, he's the one making a move to get closer to her? Will she play the game and gamble?

Of all the things Yujin doesn't like are the overconfident women. Those who think of themselves as perfect. Those who are thinking that everyone around them will fall in love with them? What if the woman he hated fell in love with him? Is there any chance that he will love her back? Or will he fell for her?

Is this his chance of getting serious? Or will he continue to annoy her? What's the reason behind him annoying her? Why is he so disgusted with her? Why does he have to tease her if he hates her? What is the reason behind it? Why does he need Yuki to fall in love with him?

Will there be love between them? Or will it cause pain to each other? Is there any hope that revenge will replace love? But who will take revenge? And why will someone take revenge?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 – Coffee?
"Coffee?" nakangiting tanong sa akin ng lalaking bigla na lang lumapit at hindi man lang humingi ng pahintulot para kausapin ako. Kapal din e, ‘no? Ewan ko ba. Naiirita ako sa kanya. Feeling ko lagi na lang siyang nagpapapansin sa akin. Nagsimula ang lahat since day one nang pumasok siya rito sa opisinang ito. Hindi ko naman siya feel kausap pero palagi siyang nakikipag-usap. Parang ang angas pa ng dating niya. Iyon bang mayabang kung umasta. Although may ipagyayabang naman siya. But Still. Mayabang pa rin. Mayroon naman akong nagustuhan sa kanya kahit papaano. Pinaka-nagustuhan ko ay ang manipis niyang lips. Pero naisip ko rin na baka naman insecure lang ako dahil hindi ganoon ang akin. Pakiramdam ko ay parang ang kapal ng labi ko. Pero ewan ko rin. Para kasing lagi akong inaakit na halikan 'yon. Oops! Of course, I can't. Hello? Why would I do that? First of all, hindi kami close. And second ay ayaw ko sa maangas na tulad niya. Hindi ko siya type. Hinding-hindi. Never. "Huwag kang mag-alala. Hindi ko pa 'to nagagalaw kung 'yon ang iniisip mo." sabi niyang muli sa akin. Talaga ba? Parang mas kailangan kong mag-alala dahil sinabi mo ‘yan. Baka mamaya ay may gayuma na ‘yan tapos hindi ko pa alam. I'm not sure kung ilang segundo ko na siyang tinititigan or should I say pinagmamasdan ang lips niya. Ang moist kasi at parang... Hay nako. Huwag na nga. Nag-iimagine na naman ako. "No thanks." tanggi ko. Gusto ko rin naman talagang tanggapin ‘yon. Kaya lang ayaw kong isipin niya na close na kami kaagad pagtinanggap ko iyon. At isa pa ay may coffee na rin naman akong in-order. Pero kung pipilitin niya ‘ko syempre ay tatanggapin ko na. Sayang din ang libre. Mahal pa naman dito sa coffee shop na 'to. But I love the coffee here kahit mahal. "Puwede bang maki-share ng seat?" at talaga namang makulit siya 'no? Tinanggihan mo na nga iyong kape kahit na gustong-gusto mo na’ng tanggapin tapos nagpupumilit pa rin siyang makipag-usap. "Uhm... Hindi puwede." mabilis at mariin kong tanggi. Hindi ko siya bibigyan nang pagkakataon na makipag-close sa akin. No way! Syempre naman ayaw ko nga nang maangas tapos kakausapin ko pa siya. Baka mamaya puro kayabangan lang rin naman ang ikukuwento nito sa 'kin. Baka sa halip na magkasundo kami ay awayin ko pa siya. "Gano’n ba? Taken ka na ba? Este, I mean ‘yong seat kaya ayaw mong magpa-upo?" aba naman at bumabanat pa siya. As if naman. Hindi niya ako madadala sa ganyang mga style niyang bulok. Pa-fall pa ‘tong si Kuya. "Oo. Para sa 'yo taken na 'yan. So, if you'll excuse me and my precious moment with my coffee." hindi direktang pagtataboy ko sa kanya. Sabi ko na lang din kahit wala namang nakaupo ro’n. I don't feel like talking to him. Papatalo ba ‘ko sa kanya syempre hindi. Hindi ko alam kung may pagkamatigas rin talaga ang ulo niya. O sadya yatang manhid ang isang ito at hindi talaga siya umaalis sa kinauupuan niya. "Didn't you hear me? I said, that seat is taken." pag-uulit ko. Inirapan ko pa siya para masindak dahil sa inis ko. At talagang umabot sa pinakataas ng noo ko ang kilay ko. Nakakagigil siya ha. Kabago-bago niya lang sa office na 'to pero feeling close na. Kung akala niya ay basta-basta lang akong babae. Well, excuse me sa kanya. Hindi ako gano’n. "Aalis na lang ako kaagad pagdating ng nakaupo rito." sabi niya pero hindi ko talaga siya matagalan. Baka kapag hindi ako nakapagpigil ay mahalikan ko siya este mas matarayan ko pa siya. "Fine." walang gana kong sabi. "Sige. Dito ka na lang. Ako na lang ang lilipat." nanlaki ang singkit niyang mga mata sa sinabi ko. Maliit na nga ay mas lumiit pa lalo pa nang makita niyang tumayo ako sa kinauupuan ko. Nakita kong bahagya siyang nataranta at napakamot pa sa ulo. Hindi na niya nagawa pang magsalita nang dahil sa pagkagulat. Lumipat ako sa dakong likuran ng coffee shop kung saan ay mas tago sa tao. Hindi kasi ako mahilig makipag-usap sa tao. Kaya rin siguro call center ang napili kong maging trabaho. Hindi naman sa takot ako sa tao. Hindi ko lang feel makihalubilo sa kanila. Hindi pa man ako nakauupo ay naunahan na niya ako. Gusto kong sumigaw sa inis. Nanggigigil na talaga ako pero pilit kong tinitiis dahil nakakahiya sa mga tao sa paligid. Baka maging center of attraction pa ako dahil do’n. At para naman mas makapagpigil ako sa inis na nararamdaman ko, sa halip na maupo ay agad akong dumeretso sa exit door dala ang coffee ko. Coffee addict kasi ako. Hindi bale nang hindi ako kumain huwag lang mawawala ang coffee ko sa katawan. Isa rin ito sa dahilan kung bakit mabilis ako makatulog sa gabi. Sabi nila baka raw mag-palpitate na ako sa kaadikan ko sa kape. Pero parang gasolina ko na ang kape. Para bang hindi ako makaaandar nang walang kape sa katawan ko. Parang sasakyan na stuck up lang. Ganern. Hindi ko na siya nilingon pa. Hindi ko rin naman napansin na sinundan pa pala niya ako. Wala yatang pakiramdam ang isang ito. "Are you numb? O wala ka lang talagang pakialam na kung gusto o ayaw kitang kausap?" kailangan yatang deretsahin ko na siya para tumigil na siya kasusunod. Nakakainis na kasi ‘yong pagbuntot-buntot niya sa ‘kin. It doesn't flatter me at all. Yes. He's cute. I admit. But as I said I don't like him. Sa halip na sumagot ay hahaplos-haplos lang ito sa batok niya na parang may sasabihin pero hindi niya lang masabi. "Diyan ka na nga. Naubos na ang break time ko dahil sa 'yo." papadyak akong lumabas ng coffee shop papunta sa elevator. I know na hindi niya ako tatantanan dahil magkatabi lang ang seat namin sa opisina. But I don't care. Hangga't maiiwasan ko siya ay iiwas ako. Ewan ko ba. May mga ganoon talagang pagkakataon na kahit na wala siyang ginagawa sa 'yo ay inis na inis ka kaagad. Mabuti naman at hindi na niya ako sinundan pa. Pero ramdam ko at kita sa gilid ng mga mata ko na inihahatid niya ako nang tingin papunta sa elevator. Ilang segundo lang ay nagbukas na agad ang pinto ng elevator. Naramdaman kong nasa likuran ko lang siya. Pero hindi siya sumakay. Nang magbukas ang kabilang elevator ay pumasok siya ro’n kasabay nang pagsara ng elevator na sinakyan ko. "Tss. Nakakairita. Ayaw na ngang kausap pero nangungulit pa." isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Sana naman hindi ko siya makasabay sa pagpasok sa opisina. Bakit ba naman kasi naging katrabaho ko pa siya? "Baks!" tawag ng kaibigan kong bakla sa ‘kin. Agad ko naman siyang nilingon. Siya ang best friend ko na wala pang isang araw ang lumipas ay crush na niya agad si Kuya. Iyong makulit na lalaki kanina. "Oh, Baks? Problema?" bakit ba kasi pabitin pa? Hindi na lang sabihin ang gustong sabihin. "Ano kasi..." itong baklang 'to sasaktan ko na 'to e. "Ano ba kasing problema, Taleo? Pabitin ka pa e." kunot-noo kong sabi. Baklang 'to. Itutuloy ko na sana ang paglalakad ko nang pagharap ko ay bumangga ako sa kung anong matigas na bagay. Hindi ko malaman kung bato ba ito sa tigas. Nawalan ako ng panimbang at muntik pang matumba. Mabuti na lang at agad namang may humawak sa akin at napigilan ang pagkahulog ko. Sino kaya ang masuwerteng nakasalo sa akin? Iki-kiss ko siya nang bonggang-bongga. Pagtingin ko ay hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Tyet na malagkit. Si Kuya pala. Nagbago na ang isip ko. Hindi ko na siya iki-kiss. Baka isipin pa niya e deads na deads ako sa kanya. Cute lang siya pero hindi ko siya type no! In fairness ang tigas. Ang tigas ng dibdib niya. Puwedeng isa pa? Joke lang naman. At syempre ito namang si bakla ay nagtitili. Sa halip na tulungan ako. Nabigla yata sa mga pangyayari at ang akala ay tutumba ako. Nakatakip pa ang mga palad niya sa mukha niya. Nakasilip naman sa nakaawang na pagitan nang malalaki at mahahaba niyang daliri. Tss. “Sana all sinasalo pagna-fall.” dinig kong sabi niya pero mas pinagtuunan ko nang pansin ang sumalo sa akin.  "Are you okay?" tanong niya. Ano, Kuya? Mai-in love na ba ako sa 'yo? Ikaw na ba ang knight in shining armour ko? Napapailing ako sa naiisip ko. No. Please no. Hindi puwede. Ayaw ko. Ang harsh ko do’n sa halip na magpasalamat ako ay kung ano-ano pa ang naiisip ko. "Yeah, I'm okay." simpleng sagot ko. Alangan namang magtatalon ako sa tuwa dahil sinalo niya ako. Pagkasagot ko ay agad siyang bumitiw sa pagkakahawak sa akin at umalis. Naglakad siya sa opposite ng direction ko. Akala ko ay aalis na siya. Pero hindi pa pala. May kung anong kinuha siya sa bandang likuran ko. "Nasa p***t mo nga pala." aba't bastos 'to ah! Deretsahan talagang sabihin na p***t? Hindi ba puwedeng sa skirt ko? "Bastos!" mabilis kong kinuha ko ang tissue sa kamay niya na ano raw? Nasa p***t ko? Pagkaagaw ko sa tissue ay agad ko siyang iniwan at naglakad papunta sa station ko. Pumantay naman sa paglalakad ko si bakla. “Iyon kasi dapat ang sasabihin ko. May tissue sa likod mo. Kaya lang naunahan ako nang kilig nung nakita ko si fafs. “Ayos ka rin e no? Inuna mo pa ‘yong landi. Nakakainis ka. Nakita mo na pala e. Pabitin ka pa kasi ng sasabihin.” angil ko kay Baks. Kung sinabi niya kaagad e sana hindi na ako napahiya. Tss. Pero alam kong naartehan siya sa ikinilos ko kanina. "Baks, arte mo ro’n. Ikaw na tinulungan tapos ikaw pa galit? Hindi mo ba siya type? Ako type ko siya. Akin na lang siya, ha. Pero sa tingin ko ay mukhang bet na bet ka niya." parang may pagka-inggit na panunukso ni bakla. "Sabi ni Jes e nakita niya kayo kanina sa coffee shop na magkasama. Kaya ba hindi ka sumabay mag-break sa amin? Uy! May admirer!" hindi pa natapos ang pang-aasar ni bakla. Intrigera talagang bading 'to. Pati na ‘yang si Jeslyn. Number one tsismosa sa opisina. Pakialam ko ba kung bet ako ni Kuya? Hindi ko naman siya bet. Sa iba na lang siya mangulit. Baka may pumatol pa sa kanya.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
456.1K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.3K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.7K
bc

My Stranger Husband

read
7.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook