bc

HIS FAKE RENTED WIFE

book_age18+
27
FOLLOW
1K
READ
billionaire
contract marriage
age gap
arrogant
heir/heiress
drama
bxg
enimies to lovers
musclebear
like
intro-logo
Blurb

“Can you love me the way that I love you?"

Isang simpleng dalaga si Veronica Samson. Pero magbabago ang lahat simula ng magkasakit ang kanyang ina. Napilitan itong pumasok sa isang bar.Tristan Zian Fordham isang mayaman na lalaki ngunit may kakaibang katauhan. Natatakot itong magmahal muli hanggang sa nakilala niya si Veronica. Aalokin niya ito bilang kanyang maging kabiyak kapalit ng tulong upang gumaling ang ina nito.Mamahalin ba ni Veronica ang lalaking may kakaibang mukha at pagkatao? O kakamuhian niya ito kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit siya nito pinakasalan? Magiging legal wife ba siya o mananatili na lang na isang Rented Wife?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
WARNING: THIS STORY IS A HEAVY DRAMA STORY AND MATURE CONTENT! KUNG HINDI PO KAYO MAHILIG SA MGA GANITONG STORY AY SKIP NA LANG PO NATIN. (PLEASE READ AT YOUR OWN RISK!) THANK YOU AND WELCOME TO MY STORY. "Ano payag kana ba sa alok ko?" Tanong ni Nancy sa kanyang kaibigan na si Veronica. "Sis, natatakot ako." "Paano ang inay mo? Kailangan ng pera sa operasyon niya diba? Saan ka kukuha ng isang daang libong peso." Tanong ng kaibigan ni Veronica sa kanya. Wala siyang balak na pumasok sa bar pero para sa kanyang ina ay gagawin niya. Kailangan ng malaking pera para sa operasyon ng kanyang ina. Isang bank teller si Veronica sa isang bangko ngunit kinakapos ang kanyang sahod sa lahat ng gastusin sa kanilang bahay. Siya lang kasi ang nagtatrabaho dahil napakabatugan nang kanyang kapatid na lalaki. At ngayon na nasa ospital ang kanyang ina ay wala siyang ibang choice kundi ang makipagsapalaran. Hindi niya kayang pabayaan ang kanyang inay. "Sis, sa tingin mo kakayanin ko ba?" Kabado na tanong ni Veronica sa kanyang kaibigan. "Oo naman sis, para kay Aling Bethy. Isang gabi lang sis, pagkatapos nito ay puwede kana bumalik sa dati mong trabaho. Alam ko na mahirap ito para sa 'yo pero ano sa tingin mo?" "Tama ka sis, isang gabi lang. Para kay inay, para sa operasyon niya." Buo na ang desisyon ni Veronica. Ibebenta niya ang iniingatan niyang puri para sa kanyang ina na may sakit. Suot ang sobrang ikli at manipis na damit ay nakaupo si Veronica sa isang silid. Hinihintay niya ang lalaking bumili sa kanyang puri. May pangamba man ay pinilit ni Veronica na pakalmahin ang kanyang sarili. "Kitty, ihanda mo ang iyong sarili dahil ihahatid ka sa VIP client natin. Galingan mo para makuha mo ang bayad," paalala sa kanya ng manager sa bar. Pinalitan ni Veronica ang kanyang pangalan bilang si Kitty. Ngayong gabi ay kakalimutan niya si Veronica at siya na muna si Kitty. Ilang sandali pa ay may lalaking dumating. "Hinihintay po kayo ni boss sa loob ng sasakyan." Saad1 no'ng lalaki sa dalaga. "O-Okay po," kabadong sagot ni Veronica. "Sumunod po kayo sa akin." Tahimik na sumunod si Veronica sa lalaki. Ilang sandali pa ay nakarating sila sa isang magarang sasakyan. Biglang napalunok si Veronica dahil pakiramdam niya ay hindi siya nababagay na pumasok sa loob ng sasakyan na iyon. Parang gusto niyang umatras. What if matandang lalaki na pala ang nakabili sa kanya. "Miss, pasok kana." Utos nang lalaki sa kanya. Huminga nang malalim si Veronica bago pumasok sa loob ng sasakyan. Pagpasok pa lang ay nalanghap na niya kaagad ni Veronica ang panlalaking pabango. Sobrang bango nito at nakakaakit na para bang dinuduyan siya. Hanggang sa hindi namalayan ni Veronica na nakatulog na pala siya. Dala na rin ng sobrang pagod. Habang ang lalaking bumili sa kanya ngayong gabi ay nakatingin lang at pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Napabalikwas si Veronica dahil nakahiga na siya sa isang malambot na kama. Ang huling naalala niya ay nasa loob siya ng sasakyan. Napatingin siya bigla sa lalaking nakatayo sa glass wall. "S-Sir, sorry po kung nakatulog po ako." Kabado na saad niya. "Hindi ako nagbayad para tulugan mo lang ako. Anong klaseng babae ka?" Naiinis na tanong sa kanya nang lalaki. "Sorry po, kailangan ko lang po talaga ng pera para sa opersyon ng inay ko. Gagawin ko po ang lahat ng nais niyo. Pasensya na po kayo dahil nakatulog po ako." "Are you sure? I have a offer for you," biglang sabi nang lalaki. Nagulat si Veronica noong humarap ang lalaki. Gwapo ito ngunit may malaking piklat sa kanyang kaliwang pisngi. "Stop staring at me!" Galit na sigaw nang lalaki kaya nagulat at yumuko na lang si Veronica. "Sorry po," hinging paumanhin ng dalaga sa lalaki. "I prepared the contract earlier. So read it at sabihan mo kung pumapayag ka," saad nang lalaki bago ibinigay kay Veronica ang isang pirasong papel. Kaagad na binasa ni Veronica ang mga nakasulat sa papel. Hindi siya makapaniwala sa halaga na inaalok sa kanya. "Isang milyon po para sa tatlong buwan na serbisyo ko?" "Yeah, take it or leave it?" Seryosong tanong nito kay Veronica. "Sige tinatanggap ko. Rentahan mo ako bilang asawa mo, sa loob ng tatlong buwan." Buo na ang desisyon ni Veronica. Oo mabilis ang naging desisyon niya pero kailangan niya ito. Wala ng lugar ang pagdadalawang isip dahil buhay ng kanyang ina ang nakasalalay dito. "Sign the contract now," utos ng lalaki sa kanya. "Puwede ko ba malaman ang pangalan mo?" Tanong ni Veronica sa lalaki. "Tristan Fordham," pakilala nang lalaki. "Veronica Samson." Pagkatapos na magpakilala ni Veronica ay kaagad niyang pinirmahan ang kontrata. Marami ang nakasaad sa kontrata nila. Sa loob ng tatlong buwan ay rerentahan siya nito bilang pekeng asawa. Nais lang raw nito na ipakilala siya sa parents nito. "Kapag maayos ang performance mo ay bibigyan kita ng another one milyon. No feelings involve. Gampanan mo ang trabaho mo. Give me the full details about your mom's condition. Ako na bahala sa gastos sa pagpapagaling niya." Pahayag nito. Sa sobrang tuwa ni Veronica ay kaagad niyang niyakap si Tristan. Nagulat naman ang binata dahil hindi niya inaasahan ang ginawa sa kanya ng dalaga. “Fvck!" Napamura siya ng wala sa oras. “Sorry po, masaya lang po ako. Salamat po," saad ni Veronica. "You still need to satisfy me tonight. Kasama 'yan sa kontrata mo. Nabasa mo naman siguro?" “O-Oo," nauutal na sagot ni Veronica sa lalaki. "Then do it now." Utos nito sa kanya. Ano ba ang dapat niyang gawin? Paano ba niya sisimulan? Sa halik ba? Sunod-sunod na tanong niya sa kanyang sarili. “What are you waiting for? Nandidiri ka ba sa akin? Nandidiri ka ba sa mukha ko?" Parang naiinis na tanong nito sa kanya. "Hindi po," nakayuko na sagot niya sa lalaki. “So, what are you waiting for?" Dahan-dahan siyang lumapit sa lalaki. Nakayuko pa rin siya. Hanggang sa nagulat siya dahil biglang hinawakan nang lalaki ang baba niya kaya naman napatingin siya sa mga mata nito. Nagkatinginan silang dalawa at hindi niya inaasahan na hahalikan siya nang lalaki. “Kiss me back," utos nito sa kanya. “Paano?" Gusto sana niyang itanong pero mas pinili na lang niya na tumingkayad at abutin ang labi ng lalaki. Hindi man niya alam ang dapat gawin. Pero tinanggap na niya na sa halagang isang milyon ay kailangan niyang maging isang “Fake Rented Wife."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook