ACCIDENTALLY IN LOVE WITH A MAFIA

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH A MAFIA

book_age18+
170
FOLLOW
1.1K
READ
billionaire
HE
badboy
mafia
bxg
like
intro-logo
Blurb

Si Chloe Manalo—isang rebelde, sarcastic, at certified na college student—ay walang balak masangkot sa kahit anong gulo. Pero isang gabi ng maling desisyon, isang attaché case, at isang lalaking may nakakatakot na aura. Siya ay si Cade Montemayor. Tall, deadly, at may asul na matang parang nanunuot sa kaluluwa mo. He’s the mafia prince. Mysterious and Dangerous.Hindi alam ni Chloe kung paano siya napunta sa mundo niya... pero ang mas ikinalilito niya ay kung bakit kahit anong pilit niyang lumayo kay Cade, mas lalo lang siyang hinahatak pabalik.At ang mas nakakabaliw? Mukhang baliw din si Cade sa kanya.She just wanted a quiet life. Now she has a gun pointed at her head—And a mafia prince kneeling at her feet.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Napaihip ng hangin si Niko habang magkayakap ang mga palad niyang halatang nanlalamig sa kaba. Ilang beses siyang lingon nang lingon sa paligid, parang may kung sinong sinusundan siya. Parang may tinatakbuhan. Ako? Nakapamewang. Inis. Tinitigan ko siya na para bang any moment ay babatuhin ko na siya ng tsinelas. "Ano na, Niko? May klase pa ako bukas nang alas-otso. Hindi ako puwedeng gabihin ng ganito." Ngumiti siya. 'Yung tipong ngiting pilit, pero nananatili pa rin 'yung porma niya. Gano'n naman si Niko, laging cool kahit halatang kinakabahan. Kahit ngayong nanginginig ang labi niya, parang may tiwala pa rin siya sa sarili niya. "Relax, babe. Kaunting hintay na lang," bulong niya. Pa-sweet. Pa-cute. Pero hindi sapat para mawala 'yung inis ko. "Pucha naman, oh! Kung makakahuli tayo ni Mama, lagot tayo. Alam mo namang hindi ko puwedeng ipaalam 'to sa kanila, ‘di ba?" Napailing ako habang tumingala sa langit. "Ewan. Bakit ba kasi ako pumayag na sumama na naman sa raket na 'to." Tiwala naman ako kay Niko. Boyfriend ko siya. Walong buwan na rin. First boyfriend ko, for God’s sake. Kaya kahit pa hindi ako sure kung ano na naman ‘tong pinasok namin ngayon, nando’n ‘yung konting paniniwala. O baka naman, gusto ko lang talaga siyang paniwalaan. Twenty-one na ako. Kolehiyala. Malapit nang grumadweyt. Pero ito ako ngayon—nasa madilim na gilid ng isang eskinita, kasama ang lalaking gusto ko... at ang raket na ni hindi ko pa rin alam ang buong detalye. Pero ang sigurado ko? Malaki raw ang kita. Lumapit siya sa akin, enough para maramdaman ko 'yung init ng hininga niya kahit malamig ang hangin. "Hindi natin pwedeng palampasin ito, babe. Tiba-tiba tayo rito, big time ang isang 'to." Tumaas ang kilay ko. Tiba-tiba? Big time? Napangiti ako kahit ayoko. Kasi ‘pag si Niko na ang nagsabing big time, may halong thrill at takot. Pero mas nauuna ‘yung thrill. “Last na 'to, Niko. As in, swear. Final na talaga,” bulong ko habang tinitigan siya. This time, hindi na ako nagbiro. Ayoko na. Gusto ko na matapos 'to. “Oo na, tiis lang.” Nangingislap ang mga mata niya habang sinabi 'yon. Halatang sineryoso niya rin. Ito na raw ang big time. Pero sa utak ko, isa lang ang tumatak: kung big time 'to... baka big time din ang kapalit. Kailangan ko kasi ng pera ngayon. May gusto akong bayaran. Hindi sapatos. Hindi bag. Hindi kahit anong luho. Utang. Condo. Pang-mayamang condo na hindi ko naman talaga kayang tustusan. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagpadala sa mga pekeng kaibigan noon—'yung akala mo kasama mo, pero isa pala sa mga nagtulak sa’yo sa bangin. Gusto ko lang naman magmukhang sosyal. Sumabay. Maka-post. Maka-flex. Pero ngayon, tingnan mo nga ako. Nabaon sa utang. At narito ako ngayon, kasama si Ronald at si Niko, habang pilit kong iniintindi kung paano ako nakarating sa ganitong point ng buhay ko. Tumitig sa akin si Ronald. Diretso. Walang kiyeme. Tapos, parang wala lang, inihagis niya ang attache case sa braso ko. Automatic. Nasalo ko rin. Napaatras ako. “What the heck!” Napaangat ng kilay si Niko. Umingos ako. Bahala ka nga diyan. Huling raket ko na ‘to. Totoo na ‘to. As in, for real. After nito, magbabagong buhay na ako. Pasosyal pa rin siguro, pero 'yung pasosyal na may budget. 'Yung kaya ko nang bilhin, hindi ‘yung isinisingit lang sa credit at utang. Gagraduate ako. Magkakaroon ng matinong trabaho. Tapos tsaka ko bibilhin lahat ng gusto ko. Para sa pamilya ko. Para sa sarili ko. Para sa peace of mind. Pero ngayon? Eto muna. Hinila ako ni Niko palayo kay Ronald, hawak ako sa magkabilang balikat. Parang ayaw niya akong makawala. “Sandali lang, ‘pre,” paalam niya kay Ronald bago ako tuluyang dinala sa isang sulok. “Makinig ka, Chloe,” seryoso ang boses niya. Mas seryoso kaysa dati. “Kapag nagawa natin ito, malaki ang makukuha natin. Makakabayad ka na sa mga nanggigipit sa’yo.” Napakagat ako sa labi ko. Gusto ko siyang paniwalaan. Gusto ko na talaga itong matapos. “Ano bang gagawin ko this time?” Hinayaan ko ang kaba na gumapang sa dibdib ko. Parang may hindi ako gustong marinig. Kasi iba ang vibe ngayon, iba ang instructions. Kasi noong una, taga-pick up lang ako ng bayad. Sa mga sugalan. Sa mga pautang. Alalay ng loan shark. Medyo madilim, pero at least, hindi ako inuutusang makipag-deal sa mga taong hindi ko kilala. Ngayon? “Pupunta ka lang sa reception area ng loob sa condo. Hahanapin mo si Master Cade. Kapag bumaba siya, ibibigay mo ‘to sa kanya,” sabay turo niya sa attache case. “Hintayin mo ang ibabayad niya. Madali lang ‘to, babe.” Napakunot ako ng noo. Mastrr Cade? At parang alam ni Niko ang iniisip ko, kaya ngumiti siya. Ngiti na akala mo kaya niyang suyuin ang buong mundo. “Wag kang mag-alala, babe. Safe ito. Ipapahamak ba naman kita?” Ang ironic lang, kasi every time niya akong pinapakalma, mas lalo akong kinakabahan. At the same time, mas lalo ko siyang minamahal. Tanga ko, ‘di ba? Hinatid nila ako sa lobby ng condominium. Pakiramdam ko, ako si Barbie na na-wrong turn at napunta sa underworld. Red carpet. Golden figurines sa gilid. At ang pinakamatindi? Ako lang mag-isa. Panay ang lingon ko kina Niko at Ronald sa labas ng glass door. Nandoon sila. Parang mga cheerleader sa laban na hindi nila kaya ring salihan. Huminga ako ng malalim. Lakad. Isa. Dalawa. Hanggang makarating ako sa receptionist. “Good morning, Ma’am. How can I help you?” bati ng lalaki. Mukha siyang japanese. Malaki ang ngiti. Too friendly. Napalunok ako. Parang gusto kong umatras. Gusto ko na lang sanang tumakbo palayo. Pero no. This is the last. I closed my eyes for a second. At saka ako humarap. Tuwid ang likod. Hawak ang attache case. “I'm here for Master Cade” "Please wait here, Ma'am," sagot ng receptionist na parang hindi man lang naistorbo sa kabang nararamdaman ko. Ilang pindot lang sa intercom, at may binulong siya sa kabilang linya na hindi ko maintindihan. “Hinihintay ka na niya.” Ngiti pa niya, parang may alam siyang hindi ko alam. Bigla akong kinabahan. As in, ‘yung tipong gusto mo na lang talagang i-back out pero wala ka nang choice. Ayoko na. Gusto ko nang umuwi. Hindi worth it 'to. Hindi worth it ang pera kung ikamamatay ko 'to. Tumunog ang elevator sa likod ko. Bumukas iyon at mula roon ay lumabas ang mga lalaking... Diyos ko. Mga nakaitim, matitikas ang katawan, para silang bodyguards ng drug lord sa pelikula. Para akong napako sa kinatatayuan ko. "Uhm, I think... I think mali po ako ng pinuntahan—" Pero bago pa ako makatakbo pabalik, mabilis akong hinablot ng isa sa kanila. Para lang akong stuffed toy na kinuha sa sofa. Nabigla ako. "What the hell! Bitiwan niyo ako!" Sumisigaw na ako pero W.E. Wa-Epek. Parang wala lang sa kanila. Tuloy ang hilahan. Pinasok nila ako sa elevator na parang ako lang ang hindi nakakaintindi ng bigat ng sitwasyon. Oh my God. Oh my freaking God. Tumulo na lang ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Para akong natulala habang paakyat kami—ilang floor ‘to? Bakit parang hindi natatapos? Penthouse? Diyos ko, sino ba 'tong si Master Cade? At bakit parang papunta ako sa kamatayan ko? “Maawa po kayo... nautusan lang po ako...” Pabulong na pakiusap ko. Walang may pakialam. Pagkabukas ng elevator ay sinalubong kami ng pulang pinto. Seryoso? Red door pa talaga? Parang horror movie. Pagkapasok sa loob ay inilapag nila ako sa isang pulang couch—lahat na lang ba dito red? Red carpet, red pinto, red couch. Para akong dadalhin sa impyerno. Hindi pa ako tapos sa pag-iiyak nang bigla akong tinutukan ng baril. As in, literal na baril. "Oh my God!" Para akong tinakasan ng kaluluwa. Umiiyak ako pero hindi ko na marinig ang sarili ko. Parang napuputol ang hininga ko habang pinagmamasdan ko ‘yung dulo ng baril sa harap ng mukha ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makaisip. I don’t want to die. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Hindi pa ako nagka-first kiss! Hindi ko pa nababayaran 'yung utang ko! Hindi ko pa napapatunayan sa sarili kong kaya ko kahit mahirap lang ako! Nagliliwanag ang mga mata ko sa luha, pero kahit madilim, nakita ko pa rin ang mga bakas ng dugo sa sahig. At kung hindi pa sapat ‘yon, may narinig akong putok ng baril mula sa kabilang kuwarto. Sunod-sunod. Bang! Bang! Bang! Napasinghap ako. Hindi ko na alam kung anong parte ng katawan ko ang nanginginig. Siguro lahat. Wala na akong lakas para tumayo. Wala na akong lakas para magsalita. Ang naiisip ko na lang ay kung paano makaligtas. Bumukas ang isang pinto sa kabilang bahagi ng silid at mula roon ay itinapon—yes, literal na inihagis—ang dalawang pamilyar na lalaki. Nakatali ang mga kamay nila. May dugo sa gilid ng labi ni Ronald. Si Niko naman ay parang binagsakan ng mundo. “N-niko... ano ’to?” Tanong ko, halos hindi na maintindihan sa sobrang hikbi. “Hindi ito ang usapan natin!” Pumikit siya, nanginginig ang baba. “‘Wag kang matakot, babe... makikiusap tayo kay Master...” Pero kahit pa anong lakas ng loob niyang kunwari’y ibinibigay, halata sa boses niya ang takot. Hindi lang takot—panghihina. Pagsuko. Tumingin ako sa paligid. Ilang lalaki ang may hawak pa rin ng baril. Ang ilan ay parang wala lang—parang normal lang sa kanila ang ganito. Tapos doon ko nakita ang isang lalaking nakaupo sa gitna. Nakatalikod. Pero alam kong siya si Master Cade. Tahimik. Nakakabingi ang katahimikan. Master Cade. Sino ka ba? Mararanasan ko pa bang mag-contribute sa tax? Sa Pag-ibig at Philhealth? Mabibigyan ko pa ba ng regalo si Mama na hindi galing kay Shopee kundi galing sa mismong sweldo ko? Maipagmamalaki pa kaya ako ng mga magulang ko? Jusko, Lord… hindi pa nga ako nakakatapos ng isang buong adulting arc! I can’t die here! Wala pa akong ambag sa mundo! At higit sa lahat… hindi ko pa rin nakikita ang soulmate ko! "Master!" sigaw ni Ronald, halos maubos ang boses niya. "Napag-utusan lang po ako! Wala po akong kinalaman dito!" Napalunok ako. Gusto ko mang magpakatapang, nanginginig na ang tuhod ko. Lalo na nang bumukas ang pinto. 'Yong pinto na parang kanina lang ay pinagmulan ng bangungot—at ngayon ay magpapakilala ng demonyo. Akala ko matandang manyak ang lalabas. Isang dirty old man na malibog at gahaman sa kapangyarihan. Pero hindi. Isang lalaki ang humakbang palabas. Matangkad. Broad shoulders. Itim ang suot na maskara, pero aninag ko pa rin ang asul niyang mga mata—mapanlinlang, malamig, at malalim. May suot siyang white button-down na nakabukas mula sa dibdib pababa. Kita ang tiyan niyang parang ukit ng Diyos gamit ang ruler at sintraboard. May bahid ng dugo sa puting tela, pero bakit parang… mas lalo siyang naging mukhang… makapangyarihan? Parang hindi siya totoo. Parang hindi siya tao. Parang isa siyang karakter sa isang nobelang hindi ko alam na ako na pala ang bida. At siya? Siya ang anti-hero. "Siya ba si... Master?" mahina kong tanong sa sarili ko habang hindi mapakali ang puso kong akala mo may drum sa loob ng dibdib ko. Parang slow motion ang lahat habang isa-isang lumuhod ang mga nakaitim sa harapan niya. Ganon siya ka-powerful. Hindi lang dahil sa baril o dugo, kundi dahil sa presensya niyang nakakakilabot at nakakabighani sa parehong panahon. Umupo siya paharap sa amin. Ni hindi ko napansin ang baril sa kamay niya. Ni hindi ko namalayan na may patak ng dugo na pala sa sahig malapit sa paa ko. Ang tanging nasa isip ko lang… Master Cade is not supposed to be this hot. Pero natanggal ang kaunting ilusyon ko sa konting katinuan nang magsalita si Ronald. "Master, napag-utusan lang po ako. Wala po a—" BANG! Isang putok. Isang sigaw. Isang katawan ang bumagsak sa sahig. Napalunok ako. Napapikit. Napasigaw. Hindi ito pelikula. Hindi ito series sa Netflix. Naiiyak na rin si Jayson. Ang lalaking dati kong sinagot para lang hindi ako maging KJ sa barkada. Hindi ko na siya mahal. Pero hindi ibig sabihin ay hindi ako nasasaktan sa lahat ng ito. "Master!" sigaw niya. "Ako na lang! Ako na lang ang buhayin nyo!" "’Di ko po kilala ang babae na ’yan!" sabay turo niya sa akin, kahit namumuo ang luha sa mata niya. "’Kita niyo naman! Nasa kanya ’yong attaché case!" Ngumisi ako sa sakit. Hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa kung paano niya ako tinalikuran sa gitna ng panganib. Lumingon si Master Cade sa isang lalaki at may ibinulong. Tumango ito. At sa sunod na iglap— "Tutal wala nang silbi ang dalawang ’yan..." sabi nung tauhan niya, "Isa na lang ang pakakawalan ni Master Cade. Sino sa inyo ang gusto pang mabuhay?" Gusto kong sumigaw. Gusto kong ipaliwanag ang sarili ko. Gusto kong sabihin na hindi ko alam na ganito kalala ang napasok kong raket. Na napilitan lang akong sumama dahil... dahil sinira ako ni Niko. Sinira nila ako. Pero wala akong nasabi. Pumikit na lang ako. "Kill her." Napadilat ako. Hindi pwede. Hindi. Pwede. Hindi pa ako tapos mabuhay. Hindi pa ako nakakaranas ng tunay na pag-ibig! Hindi pa ako nagkakaboyfriend na legit akong kinilig. Wala pa akong first kiss na hindi scripted para sa IG story! WALA PA AKONG NARAMDAMANG ‘YUNG KILIG NA PUWEDE KANG TUMALON SA TULAY KASI ALAM MONG SASALUHIN KA NIYA! At hindi ako pwedeng mamatay na ganito! Napadilat ako, at sa unang pagkakataon, napatingin ako kay Master Cade ng diretso. At sa asul niyang mga matang akala mo'y walang damdamin—ay naroon ang parang kunot na kilay na halos imperceptible. Ang tingin niyang kanina’y malamig, parang saglit na tumigil sa akin. Ngumiti ako—hindi dahil masaya ako, kundi dahil hindi ako bibigay ng tahimik. Kung mamamatay ako, hindi ako iyak ng iyak. Hindi ako mamamatay na duwag. Tumingin ako sa lalaki sa likod ng baril. “Sige. Barilin mo ako. Pero make sure maganda ako sa picture. Pang-Facebook.” Nagkatinginan ang mga nakaitim. Tahimik si Master Cade. At saka siya tumalikod. Pero bago siya tuluyang lumabas sa kwarto, nagsalita siya. Malamig. Malumanay. Pero may diin. “Stop."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
98.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
159.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.4K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
21.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook