bc

Maybe Someday

book_age16+
3.5K
FOLLOW
28.6K
READ
family
playboy
goodgirl
student
drama
virgin
servant
like
intro-logo
Blurb

Hinagupit ng isang malakas na bagyo ang bayan kung saan nakatira si Elayza Aragon. Lugmok at walang maayos na tirahan ay naisipan niyang mamasukan sa mayamang pamilya Silvestre. Sa kabila ng kamalasan na nangyari sa buhay niya ay parang naghandog ang langit ng swerte sa kanya nang makapasok siya sa mansion sa ng mga Silvestre at maging amo niya ang kanyang crush at first sight na si Mr. Arnold Silvestre.

Sa kabila ng agwat ng edad nito sa kanya at sa status nito na married na ay hindi niya mapigilan humanga sa kagwapohan nito. Makita lang niya ang lalaki ay parang inspired na siyang linisin kahit ang buong mansion.

Ngunit, kung paano pinapaganda ni Mr. Arnold ang araw niya ay ganoon naman sinisira ng anak nito na si Arc Silvestre— ang playboy na tanging minahal lang ata ay ang motor nito.

Kaya naman nang madumihan niya ang motor nito ay ganoon na lang ang galit nito sa kanya. At iyon ang simula ng kalbaryo niya sa mansyon.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 ELAYZA Pinulot ko sa lupa ang huling damit namin na binalot na ng putik. Inilagay ko iyon sa palanggana at napabuntong hininga. Umayos ako ng tayo saka pinasadahan ng tingin ang buong bahay namin. Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko. Bahagyang nanikip ang dibdib ko. Hay! Ganito na lang palagi. Bakit kaya kapag may dumadaan na bagyo hindi nakakaligtas sa pag-giba ang bahay namin? Nanlulumong sambit ng isip ko. Oo, yari lamang sa kahoy ang bahay namin. Ang haligi ay yari sa katawan ng isang puno at ang pader naman ay yare sa kawayan. Bagama't yero ang bubong ng aming kwarto at nipa ang bubong balkonahe, ay hindi iyon sapat para makaligtas hagupit ng bawat bagyo na dumadaan sa bansa. At oo, dati tuwang-tuwa pa ako na may bagyong dumarating kasi marami kaming nakukuha ng mga pinsan ko na mga bunga ng iba't ibang puno dito sa compound namin pero hindi na rin ako bata para doon. Nineteen years old na ako at sobrang nahihirapan na ako sa kasalukuyang sitwasyon namin. Papatulo na sana luha ko kaso tinawag ako ni Mama. "Elayza! Bilisan mo na diyan at kailangan pa natin itayo ang haligi na ito." Inilagay ko muna sa gilid ang palanggana at naglakad palapit kay Mama. "Hindi po ba pupunta dito si Kuya Edward, Ma? Hindi natin kayang itayo lahat ng ito," natanong ko habang tinutulungan si mama sa pagtayo ng natumbang haligi. "May sariling pamilya na ang Kuya Edward mo. Natural uunahin niyon ang bahay nila bago ang bahay natin." Hindi na lamang ako nagsalita. Idagdag pa kasi na walang signal kaya hindi ko din ma-text-an si Kuya Edward. "Carlo, bumili ka nga ng sampung yarda na trapal. Iyon na muna ang gawin natin na bubong pansamantala," utos ni Mama sa bunso kong kapatid. Agad naman tumalima ang kapatid ko. Matanda ako sa kanya ng limang taon. Mabuti na lang at malapit lang sa amin ang tindahan ng mga hardware. Nagwawalis na ako ng sahig nang dumating ang pinsan ko na si Janela. "Hala... giba na naman ang bahay niyo," malumanay at nanlulumo din na bigkas niya habang pinapasadahan ng tingin ang wasak naming bahay. "Oo nga eh." Nagkamot ako sa ulo kapagkuwa'y bumuntong hininga. "Lagi naman nagigiba ito eh. Hindi 'to nakakaligtas sa mga bagyo." "So... paano kayo niyan matutulog mamayang gabi?" worried na tanong niya. "May pinabiling trapal si Mama kay Carlo iyon lang siguro muna ang bubong namin." Maayos pa naman sana 'yong bubong sa kwarto namin kasi kalahati lang ng yero ang natuklap kaso mahirap na baka biglang umulan ng wala sa oras. "Kung gusto mo, doon ka na lang matulog sa amin mamaya? Tabi na lang tayo," nakangiting alok ni Janela. Saglit na napaisip ako. "Hmm, sige... titingnan ko," Hindi ako sanay na mag-sleep over sa mga pinsan ko. Ayoko din kasi na iwanan si mama. Mas nakakatulog ako ng mahimbing kapag katabi ko si Mama. Siguro may pagka-mommy's girl ako o dahil sa siya na lang kasi ang magulang ko. Patay na kasi si Papa noong 2 years old pa lamang ako. Aksidente sa bus ang ikinamatay niya. "Siyanga pala, insan. Nakapag-enrol ka na ba sa Perpetual College, ngayong second sem?" Tumigil ako at tiningnan ko si Janela. "Hindi pa eh. Wala pa akong pang-enrol, ikaw ba?" Napangiwi siya. "Hindi parin eh. Naku, balita ko pa naman kay Judy na tumaas 'yong tuition natin. Tsk, kainis kung kelan dinaanan tayo ng bagyo saka naman tumaas tuition natin." Napatigil ako at napatingin kay Janela. "Hala, magkano na ba tuition natin?" worried na tanong ko. Classmate ko din kasi si Janela at parehong Education ang kinukuha naming kurso. "Twenty-five thousand!" Napasinghap ako. "Ano?! Twenty-five thousand?" Napakamot ako. Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko. "Saan kami kukuha ng ganyan halaga?" "'Yon nga eh. Kahit ako problemado din kasi hindi pa sumasahod si Papa sa barangay." Secretary sa barangay ang tatay ni Janela. Pero kahit papano ay may pagkukunan siya. Samantalang ako? Isang hamak na labandera lang si Mama. Lihim akong nanlumo sa biglang pagtaas ng tuition fee namin. Naku po... parang mapapahinto ako sa pag-aaral ng wala sa oras. Una ko ng naisip na mag-working student kaso hirap makakuha ng trabaho na nag-aaral. Kadalasan kasi kumukuha sa siyudad ay mga tapos ng kolehiyo at kung mga fast food naman ay hindi tumatama sa schedule ko sa kolehiyo. Kahit gustuhin kong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho ay baka hindi naman kayanin ng utak at katawan ko. Kinagabihan ay naimulat ko ang mga mata ko nang bumuhos ang malakas na ulan. Mula sa madilim na liwanag ng gasera ay tiningnan ko ang wall clock namin na nakasabit sa tabinging dos por dos na siyang nasa pader namin. Alas dose na pala ng gabi. Hinila ko ang kumot ko dahil nanginginig na ako sa lamig. Wala pang maayos na pader kaya malayang nakakapasok sa sirang bahay namin ang malamig na apuhap ng hangin. Hindi na rin bumalik pa ang antok ko dahil nabibingi na ako sa lakas ng ulan na pumapatak sa trapal na siyang pansamantalang naging bubong ng bahay namin. Hanggang sa namalayan ko na lamang na napapatitig ako sa kawalan. Naramdaman ko ang unti-unting panunubig ng mga mata ko. Hindi ko kasi lubos maisip na mararanasan ko iyon. Lalo pa't nag-aaral pa ako at kasalukuyang nasa second year college palang ako. Paano na ako nito? Kahit gustuhin ko man mag-aral, hindi ko alam kung maipagpapatuloy ko pa iyon. Lalo na't naging ganito pa ang bahay namin dahil sa bwisit na bagyo na 'yon. Lord... tulungan mo naman po ako, oh. Mabilis na kumawala ang luha sa mga mata ko. Ayoko na rin maging pasanin sa kay Mama. Lalo pa't Grade 9 palang si Carlo. At kahit siya ay marami ding gastusin. Napabuntong-hininga ako. Kung kailangan kong bitawan muna ang pangarap ko para maging magaan naman ang pakiramdam nina Mama ay... wala akong magagawa kundi gawin ang naiisip ko. Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan nang marinig ko ang sunod-sunod na patak ng tubig sa sahig malapit sa may pintuan. Umangat ako ng tingin at sinundan ang tubig sa taas kung saan punong-puno na pala ng tubig-ulan ang trapal at anytime ay pwedeng bumagsak iyon sa kwarto namin! Napasinghap ako. Bigla ay napabalikwas ako ng bangon. Umalis ako nang higaan. Iginala koang paningin ko sa paligid. Kahit madilim ay nag-aninag ako na pwede kong gamitin para sa maalis ang tubig na na-stock sa gilid ng bahagi ng trapal. "Oh? Elayza? Anong ginagawa mo?" sunod-sunod na tanong ni Mama sa inaantok na boses. Umangat siya ng tingin para tingnan ang ginagawa ko. Though, alam kong hindi niya ako nakikita ng maigi gawa ng gasera lang ang nagsisilbing ilaw namin kasi brownout pa dahil sa bagyo. "Ang dami na pong tubig-ulan na na-stock. Kapag hindi natin 'to naalis agad ay baka bumulwak ang tubig dito sa loob ng bahay natin." "Naku! tsk tsk. May kawayan diyan sa gilid. Iyon na gamitin mo para maalis ang tubig." Agad ko namang kinapa ang kawayan sa gilid ng haligi. Mas lalong lumakas ang ulan kaya napamura na ako. "Taena, bwisit kasi bagyo na 'to!" Naiinis kong reklamo habang dinudugkol paitaas ang trapal at bumuhos ang tubig-ulan sa labas ng baha namin. Saka ko lang napansin na naiiyak na rin pala ako habang patuloy na inaalis ang tubig. Sa dinami-dami ng mararanasan kong pahirap bakit iyon pa? Pakiwari ko napaka-helpless ko na ng mga oras na iyon. Naiinis din ako sa mga tao na nasa paligid namin. Ni wala man kasing gustong tumulong sa amin. Kahit mga kamag-anak lang namin ang mga kapitbahay namin ay parang wala silang pake sa sitwasyon na kinasasadlakan namin. Nakakainis. Pakiramdam ko ay sinumpa kami ng mga oras na iyon. Kami lang kasi sa lugar na iyon ang nagiba ang bahay ng ganoon. Kahit pa sabihin na bahay-kubo lang bahay namin pero bakit parang kami lang pinapahirapan ng ganoon? Ilang sandali ay humupa ang ulan. Naramdaman ko na rin ang antok kaya sisinghot-singhot ako na bumalik sa higaan. Sa pagpikit ko ng mga mata ko ay parang isang minuto lang ata na umikot ang kamay ng orasan. Naramdaman ko na agad ang sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Kumunot ang noo ko at naiatras ko ang mukha ko. Napatingin ako sa butas na galing sa pader. Umaga na pala... Nakita ko si mama na nagluluto ng sinangag. Bumangon ako. "Oh, Elayza gising ka na pala. Mamaya pagka-almusal mo pumunta ka kina Aling Lorna. Umutang ka muna kahit dalawang itlog. Tapos sabayan mo na rin ng sardinas para ulam natin mamayang tanghali." "Ako na po jan, Ma." Binigay niya naman agad sa akin ang malaking kutsara na pinaghahalo niya sa sinangag. Napwesto lang ang lutuan namin na yari sa bubong sa balkonahe namin dahil hindi pa naaalis ang mga nagibang lamesang kahoy sa kusina namin. "Nasaan si Kuya Mario? Hindi ko siya nakita na natulog dito kagabi ah?" "Sus, noong maayos pa ang bahay natin madalang na matulog dito kapatid. Ngayon pa kayang giba na." "Wala po ba siyang trabaho?" usyosong tanong ko. "Wala. Hindi pa maayos ang kalsada para bumalik siya sa pagda-drive. Yeah, driver si Kuya Mario. Actually, silang dalawang ni Kuya Edward ay driver ng isang dilevery ng mga alak, tsitsirya at kung anu-ano pang dini-deliver sa iba't ibang convenience store. Sa totoo lang ok na sana ang trabaho nila. Kaso hindi iyon sasapat lalo pa't provincial rate sila. At dahil baguhan pa lamang si Kuya Mario ay mababa pa ang sahod niya. Nang makapag-kape ako ay pumunta ako sa tindahan ni Aling Lorna para umutang. "Elayza... sa susunod hindi na muna ako magpapautang sainyo ah? Naiintindihan ko ngayon kasi nagiba ang bahay niyo. Pero sa susunod kailangan niyo munang bayaran 'yong mahabang listahan ng utang niyo sa akin," mahinahon na sabi ni Aling Lorna habang inilalagay sa plastic ang inutang ko. Mabuti na lang kahit marami na kaming naging utang sa kanya ay hindi naman siya naglalabas ng galit sa amin. Bagkus ay sobrang mahinahon pa siya kung magsalita. Ngumiti ako. "Maraming alamat po, Aling Lorna. Hayaan niyo po. Gagawa din po kami ng paraan para mabayaran namin ang mga nautang namin sainyo." Tumango si Aling Lorna. "Siyanga pala... baka may kilala ka na pwedeng pumasok na katulong sa kakilala ko. Malaki sahod doon. Iyon nga lang sa Legazpi City pa 'yon." "Ahm... wala po eh," sagot ko kapagkuwa'y umiling. "Magkano po sana ang sahod?" wala sa loob na tanong ko. "Eight thousand ang sahod libre ang pagkain at mga basic needs doon gaya ng sabon, shampoo. Provided nilang lahat. Walang aalagaan na bata. Ang gagawin lang ay maglilinis ng buong bahay. May tagaluto naman na at labandera na. Maglilinis na lang talaga ang hinahanap nila," mahabang paliwanag ni Aling Lorna. "Ikaw sana naisip ko. Kaso nag-aaral ka pa pala," dugtong pa ni Aling Lorna. Napaisip ako sandali. Kapagkuwa'y muling tiningnan nang deretso si Aling Lorna. "Sige po, ako na lang po," pagpresenta ko sa sarili ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Aling Lorna. "Ha? Sigurado ka? Hindi ba nag-aaral ka pa?" "Ehh..." Napakamot ako sa ulo. "Hindi na po siguro muna ako papasok ngayong semester. Tumaas po kasi 'yong tuition namin sa college. Mukhang hindi na po ako kayang papag-aralin ni Kuya sa laki ng tuition ko." "Ahh... ikaw ang bahala, Elayza. Eh, kailan mo ba gustong magsimula? At nang matawagan ko na 'yong kakilala ko." "Ahm... magpapaalam muna ako kay Mama tapos babalik din po agad ako sainyo. " Tumango si Aling Lorna at ngumiti. "Sige, mabuti pa nga." "Pero, teka lang Elayza. Gusto ko lang ipaalala na medyo... pilyo ang anak ng magiging amo mo." Napatigil ako sandali kapagkuwa'y ngumiti. "Ok lang po, wala namang problema sa akin iyon." Tumango muli si Aling Lorna. Naglakad naman ako paalis. Gumuhit ang ngiti sa labi ko kasi sa wakas ay matutulungan ko na rin sina Mama sa gastusin sa bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.1K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

OSCAR

read
227.7K
bc

Be Mine Again

read
99.3K
bc

The Professor's Wife

read
450.4K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook