bc

I Remember the Boy (Filipino BXB) Free

book_age18+
335
FOLLOW
1K
READ
others
drama
sweet
brilliant
realistic earth
school
gay
like
intro-logo
Blurb

Arnold and Jake two different people, magkaibang magkaiba sa halos lahat ng bagay. Si Arnold campus heartthrob, ace player ng basketball team at lahat halos ay nasa kanya na at si Jake a timid young man used to being bullied by everyone and being abused by many. Two different people who's destined to help each other in someway or another.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE: I Remember the Boy
-=Jake's Point of View=-  "s**t!" ang tanging nasabi ko na lang ng makita kong may binubully na naman sa school na pinapasukan ko. Ang pinaka ayaw ko pa naman ay mga taong nangbubully ng mga mahihina. Mabilisan akong tumakbo papunta sa lugar na iyon na para bang ang ilang segundo ay mahalaga, ganito lang siguro talaga kapag naranasan mo nang mabully, pero pinangako ko sa sarili ko na hindi nang mangyayari iyon at pinangako ko din sa "Kanya" "Anak naman ng pating Brent oh, ikaw na naman ang pasimuno?!" ang naibulalas ko na lang ng makita ko kung sino na naman ang nambubully. Brent Lukas eighteen years old, third year college student major in HRM ang resident bully ng school na pinapasukan ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa nakita kong reaksyon sa pagmumukha nito, kasi ba naman sobrang putla nito nang matitigan nitong maigi ang pagmumukha ko. Hindi ko alam kung may anger management issue ba ito or trip lang talaga nitong mambully nang mahihina. "Kung ayaw mong masaktan ay aalis ka ngayon sa harapan ko." ang pagbabanta ko dito at dali dali naman itong kumaripas ng takbo palayo sa lugar na iyon. Minsan na kasi kaming nagkaabot ni Brent, transferee student ito at dahil nga medyo maliit ako at manipis ay inakala nitong kayan kayanin lang ako nito, wala itong kaalam alam na Taekwando Black Belter ako at nag champion na sa iba't ibang kumpetisyon dito at sa labas ng bansa. Halos madurog ang puso ko nang makita ko ang sitwasyon inabot ng nakakawang estudyanteng ito, naexpeience ko na kasi kung paano ang mabully, sa totoo lang mas malala pa nga ang nangyari sa akin noon. "Tara dadalhin na kita sa nurse's station." ang sabi ko dito sabay akay sa kanang braso nito, which is not easy dahil may kabigatan din pala ito. Sinigurado ko munang nasa maayos itong kalagayan bago ko ito tuluyang iwan. Nalaman kong ang pangalan nito ay si Renz Salazar, a freshman student na kumukuha ng Accounting course. Agad naman akong nagpaalam dito, dahil may kailangan akong puntahan ng araw na iyon. My name is Jake Angelo, twenty years old, I'm originally from Davao, ngunit nagdecide akong magmove dito sa Quezon City para makalimutan at takasan ang mga masasakit na nangyari sa akin sa lugar na iyon, pero kung magiging tapat ako sa sarili ko ay halos wala naman nagbago noong nasa Davao pa ako at nang mga unang taon ko dito. I'm currenty on my fourth year sa isang pribadong paaralan sa Quezon City taking Architecture at ngayong taon nga ay graduating na ako. Hindi ako mayaman, nagkataon lang na naipasa ko ang scholarship program na inooffer ng university, maliban sa free tuition fee ay nakakatanggap din ako ng buwanang allowance na ginagamit ko naman sa mga school projects, at lahat nang may kinalaman sa mga school activities.  Para mapunan naman ang mga pang araw-araw kong pangangailangan ay nagdecide akong mag part time job as an English tutor for Koreans, online ang pagtuturo ko kaya naman hindi ko talaga kailangan umalis sa tinutuluyan ko kung hindi naman kailangan.  Nagdecide akong dumaan sa malapit na Red Ribbon store para bumili ng triple chocolate roll, sakto naman na may malapit lang ding flower shop kaya naman nagdecide na din akong bumili ng tatlong pirasong rosas, bago nagpatuloy sa destinasyon ko. Bandang alas kuwatro na ng hapon nang makarating ako sa lugar na iyon, wala nang masyadong tao sa lugar dahil na siguro Lunes ngayon at unang araw ng pasukan. Sampung minuto din ang ginugol ko sa paglalakad bago ako tuluyang nakarating sa pakay ko, muli ay ang pagsalakay ng labis na kalungkutan habang nakatingin sa lugar na iyon. "Hi Arnold, I'm back." halos pabulong kong sinabi dito, hindi ko mapigilan ang malayang pagdaloy ng mga luha sa magkabila kong mga mata, habang nakatingin sa puntod ng taong pinakamamahal ko, ang taong nagpabago sa akin. Naupo ako sa bandang kanan ng kanyang puntod, at matapos non ay nilapag ko ang mga dala dala kong cake at bulaklak sa puntod nito. "Sobrang miss pa din kita Arnold, kung puwede ko lang ibalik ang lahat para lang makasama kang muli ay ginawa ko." patuloy pa din ang pagtulo ng mga luha ko na nagpapalabo ng paningin ko. Sobrang tagal na nang mamatay si Arnold, pero parang kahapon lang nangyari ang bagay na iyon sa sakit na patuloy kong nararamdaman. Tatlong taon, tatlong taon na ang nakakalipas, pero parang hindi pa din naghihilom ang sugat sa puso ko na nilikha ng maagang pagkawala nito sa buhay ko. Ang kaisa isang taong minahal ko at ang tanging taong mamahalin ko sa buong buhay ko. Ang tanging taong nagparamdam sa akin na mahalaga ako. I was a freshman and he was a sophomore nang una kaming magkita. He was the campus heartthrob, star player ng basketball team, maliban pa doon ay mayaman din ito. A perfect man living in his perfect world. Kaibang kaiba sa buhay na kinamulatan ko. Isang mahirap na probinsyano na galing Davao, na walang maipagmamalaki, but despite our differences we ended up together. Siguro nga totoo ang sinasabi nilang "Love moves in mysterious ways".  GOING BACK FOUR YEARS AGO BEFORE WE MET......... First day ko sa university, unang araw pa lang sa hindi ko mawari ay nakuha ko na ang atensyon nang pinakasikat na estudyante sa school. I mean come on, I'm a nobody samantalang ito ang campus heartthrob at star player ng basketball team. Lahat ng mga estudyante ay tinitingala ito, maliban pa doon ay galing ito sa marangyang pamumuhay, hindi katulad ko na isang hamak na pobre.  Hindi ko alam kung bakit, pero madalas akong nakakaattract ng trouble, kahit na nga ba tahimik akong tao at wala akong ginagawang masama. Yes, nakapasa ako sa scholarship program ng school, ngunit simula pa lang ay ramdam na ramdam ko nang hindi ako welcome sa school na iyon, people hate for some reason, marahil ay nararamdaman nilang hindi ako belong sa mundo nila o dahil baka nararamdaman nila na mahirap lang ako. Para bang may nakasabit sa leeg ko na card saying "Free for Bullying" at madami namang mga taong ginawang impiyerno ang buhay ko sa school. But to be honest hindi na bago sa akin ang ganoong experience, way back in Davao ay naexperience ko na din mabully ng mga classmates ko noong high school pati na din ng stepdad ko. Bigla akong nakaramdam ng labis na takot nang maalala ko ang step father ko. Sinubukan kong ibaon sa limot ang lahat. Siya ang pinakadahilan kung bakit ako umalis sa Davao, at siya din ang dahilan kung bakit ako naging miserable ngayon. Sa Maynila ko unang balak na mag-aral, ngunit napadpad ako sa Quezon City, at mabuti na lang talaga at pinalad akong makapasok sa mamahaling university na iyon or so I thought. Mabuti na lang talaga at nakapag-ipon ako kahit paano nang nasa Davao pa ako, kaya naman nakapagrent ako ng bed space hindi kalayuan sa school na papasukan ko, alam ko naman na hindi magkakasya ang naipon ko, kahit na nga ba wala akong babayarang tuition fee at meron din allowance monthly, kaya naman nag-apply ako sa Mcdonald's as a service crew sa SM North Edsa na hindi din kalayuan sa tinutuluyan ko. One ride sa nirerentahan ko. TAON NA UNA KAMING NAGKITA...................

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.9K
bc

NINONG III

read
363.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

NINONG II

read
618.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.8K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook