bc

Breaking The Billionaire's Heart (Rated 18-SPG)

book_age18+
11.2K
FOLLOW
66.2K
READ
billionaire
revenge
arrogant
boss
drama
bxg
city
gorgeous
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Walang ibang gusto si Alisha kundi ang makitang muli ang kanyang ama na nag-abandona sa kanya sa isang bahay ampunan.

Kaya naman nang banggitin ni Theresa-ang babaeng gustong umampon sa kanya ang dahilan kung bakit siya aampunin nito ay hindi siya nagdalawang isip na sumama.

Sa isang iglap ay nabago ang buhay ni Alisha. Mula sa pagiging mahirap ay naging isang prinsesa siya. Lahat ng kayamanan na sa panaginip niya lamang nakikita ay kasalukuyan niyang tinatamasa.

Ngunit bilang kabayaran sa karangyaan na binigay sa kanya ni Theresa ay kailangan niyang sumunod sa gusto nito. Iyon ay saktan ang puso ng isang arogante ngunit ubod ng yaman na si Vinn Jacob Alarcon.

Kaya niya kayang sumugal sa hamon ng umampon sa kanya? Kung ang magiging kapalit ay napakalaking pera at ang muling pagkikita nila ng ama niya?

Ngunit paano kung naging mapaglaro ang tadhana? Paano kung isang araw ay mabago ang plano at imbis na saktan ang lalaki ay kanya pa pala itong mamahalin?

chap-preview
Free preview
Prologue
ALISHA "Papa... saan po tayo pupunta?" Tumingala ako kay Papa habang hawak-hawak ang kamay ko. Naglalakad kami sa isang hindi pamilyar na lugar. Malalaki at mala-higante ang building. Parang higante din ang tingin ko sa mga taong nakikita at nakakasalubong ko lalo pa't isa pa lamang akong anim na taong gulang na bata. Hinawakan ni Papa nang mahigpit ang kamay ko at saka niyuko ako. Ngumiti siya. "Ipapasyal kita, Alisha." Mabilis na nagliwanag ang mukha ko. "Talaga po?" Tumango si Papa. "Yehey!" Simula nang mamatay si Mama isang taon ang nakalilipas ay iyon muli ang unang beses na nagkasama kami ni Papa. Hindi ko mawari ang kasiyahan ko nang hayaan niya akong maglaro sa parke. Malaya akong tumakbo sa malawak na grass, nag-seasaw, nag-slide at sumakay sa duyan na bakal habang nasa likod si Papa at banayad na dinuduyan ako. Wala akong ibang naramdaman ng mga araw na iyong kundi naguumapaw na kasiyahan. "Masaya ka ba sa pamamasyal natin, Alisha?" tanong ni Papa. Mula sa pagdila sa ice cream ay nakangiting tumango ako sa kanya. "Opo, Papa! Sobrang saya ko po!" Nakangiting ginulo niya ng bahagya ang buhok ko. Nang mabayaran ni Papa ang tindeo ng sorbetes ay hinawakan niyang muli ang kamay ko at umalis na kami sa parke na iyon. "Papa! Bukas pupunta po ulit tayo dito ah? Gusto ko ulit maglaro tapos mag-slide," nakangiting sambit ko habang busy sa pagdila ng ice cream. Tunaw na ang ice cream sa kamay ko pero wala akong pake kahit magmantsa pa iyon sa damit ko. "Sus, alam kong gustong gusto mo laging maglaro sa plaza pero alam mo naman na may trabaho si Papa pag lunes, hindi ba?" "Ay! Oo nga pala," I giggled. Natawa naman si Papa at kinurot na lamang ang pisngi ko. "Eh... kailan po ulit tayo babalik? Gustong gusto ko pa naman na palagi kang kasama kasi nalulungkot ako sa bahay. Lalo na kung si Mommy Pauline lang ang kasama ko." Sumagi pa sa isip ko ang pagmamalupit ni Mommy Pauline tuwing umaalis si Papa. Kinagat ko na lamang ang labi ko para hindi ko maisumbong kay Papa ang mga ginagawa sa akin ni Mommy Pauline. Nagtataka nga ako ng mga panahon na iyon kasi sinasabi ni Papa na tawagin kong Mommy si Mommy Pauline. Eh hindi naman siya ang Mommy ko. Nasa heaven na ang Mommy ko. "Papa?" muling tanong ko nang mamalayan kong tumigil kami sa paglalakad. Tumingala ulit ako sa kanya. Nakita ko ang malungkot na mukha ni Papa habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam pero nakikita ko ang tubig na namumuo sa mga mata niya. "Papa?" "Hindi na tayo pupunta dito..." Nakatulala niyang sambit. Kumunot ang noo ko. "Po?" "Ah..." Umiwas siya ng tingin at hindi ko alam pero parang may pinupunasan siya sa mukha niya. Umupo siya para magpantay kami. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Inosenteng mga mata naman ang pinukol ko sa kanya. "Ahm... ang ibig kong sabihin, anak. Medyo matagal pa. Kasi mag-iipon ulit si Papa para makapunta ulit tayo dito tapos mabili mo 'yong gusto mong manika kanina, ok?" Gumuhit ang ngiti sa labi ko. "Opo, Papa!" Pero saka ko lang napagtanto na iyon na pala ang huling pagpunta namin sa Plaza na iyon. "Papa? Ano po ang gagawin natin dito? Akala ko po uuwi na tayo?" muli kong tingala sa kanya nang makababa kami ng Tricycle. Napatingin ako sa loob at doon ko nakita ang mga bata na katulad ko na naglalaro din sa isang bakanteng lote habang binabantayan ng mga babaeng nakaputing damit na may suot na kwintas at may pendant na malaking cross. Hindi nagsalita si Papa at tuloy-tuloy kaming pumasok sa loob. "Eduardo..." "Magandang araw po, Sister Mia." Nagmano si Papa sa isang matandang babae na nakadamit ng mahabang puti. Nakangiti pa siya ng tumingin kay Papa pero nang bumaba siya ng tingin para tingnan ako ay unti-unting nawala ang ngiti niya. Hindi ko maintindihan ang mga emosyon sa mga mata nina Papa at ng matandang babae. "Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" Nakita kong tumango si Papa. Hindi ko maintindihan kung bakit. Kunot-noo ko lamang tinutunghayan ang dalawa. "Ito ang gusto ni Pauline, Sister Mia. Ayoko sanang gawin ngunit... hihiwalayan niya raw ako. Ayokong mangyari iyon. Ayokong mawala siya sa akin. Nawala na si Gwen sa buhay ko. Ayoko na pati si Pauline ay iwanan ako." "Pero... " Bumaba ng tingin ang matandang babae sa akin. Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila kaya binigay ko na lamang ang atensyon sa mga bata na naglalaro sa malawak na grass "Alam kong magiging maganda ang buhay niya dito. Kaysa pag nandoon siya sa bahay. Nag-aaway lamang kami ng asawa ko," wika ni Papa. "Eduardo... pag-isipan mo ang gagawin mo. Kawawa naman ang anak mo." "Sister Mia. Matagal ko na po itong napagisipan. Para din naman kay Alisha ang gagawin ko. At saka... alam kong hindi mo naman pababayaan si Alisha. Gaya ng kung paano mo inaalagaan ang kapatid mong si Gwen noong nabubuhay pa siya." Mula sa pagtingin-tingin sa mga batang naglalaro ay nailipat ko ang paningin ko kay Papa na noon ay muling umupo upang mapantayan ako. "Anak..." Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Papa. "Patawarin mo si Papa sa gagawin niya ah? Patawarin mo ako." "Ano pong sinasabi mo, Papa?" tanong ko habang nakatunghay sa kanya ang mga inosente kong mga mata. "Basta... sorry Alisha. A-Alam kong paglaki mo, magagalit ka sa akin. Masusuklam ka. Kahit masakit t-tatanggapin ko 'yon." Lumandas ang luha sa mga niya. "Basta tandaan mo palagi... mahal na mahal ka ni Papa. Mahal na mahal kita, anak," garalgal na sabi ni Papa. Nanginginig ang labi ni Papa habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya. Wala akong maintindihan sa mga sinabi niya. Pero nang makita ko na papaalis na siya ay napasigaw ako. "Papa!" Akma sana akong tatakbo para lumapit nang hawakan ng matandang babae ang balikat ko para pigilan ako. Mula sa kung saan ay napahagulgol ako. Nagwala ako at tuluyan ng napasigaw habang umiiyak. Kaya nabitawan din ako ng babae. Patakbo kong nilapitan si Papa na noon ay umiiyak na rin. "Anak!" Niyakap niya ako nang napakahigpit. "Papa! Aalis ka? Sasama ako. Huwag mo akong iwan dito. Sasama ako sa 'yo!" hagulgol ko. Sumisigok-sigok na habang patuloy ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko. "Anak... sshhh... m-magpapakabait ka dito, ah? Susundin mo sinasabi ng madre dito. Huwag kang magiging pasaway. A-Alagaan mo ang sarili mo... anak," impit na iyak ni Papa. "Papa... ayoko! Huwag mo akong iwan dito. Papa! Sasama ako sa 'yo!" paulit-ulit kong sigaw habang umiiyak nang malakas. May kinuha si Papa sa bulsa niya. Pinakita niya iyon sa akin. Isang kwintas. Isinuot niya iyon sa leeg ko. "K-Kwintas 'yan ng mama mo. Binigay ko sa kanya noong araw birthday niya. Ingatan mo 'yan ha, anak?..." mahinang sambit niya saka muling lumandas ang luha mula sa mga mata niya. "Papa... huwag kang umalis... huwag mo akong iwan." pagsusumamo ko. Pero parang hindi niya ako narinig. Hinagkan niya na lamang ako sa noo. Nang tumayo siya para umalis ay napayakap ako ng mahigpit ang binti niya. "Papa! Huwag mo akong iwan!" sigaw ko ulit. Wala na akong pakialam kung mapaos man ako o mawalan ako ng boses. Ayokong mawala si Papa. Hindi ko hahayaan na iwanan niya ako sa lugar na iyon. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan man ako ng bata doon. Basta ayokong iwan ako ni Papa! Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakakapit ng mahigpit sa pantalon niya. Pinaghalong takot at nginig ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako iiwan doon ni Papa. Ni hindi ko alam ang lugar na iyon. Natatakot ako sa mga taong naroon. Hindi ko sila kilala! "Alisha... s-sorry," mahinang anas niya. Binitawan niya ang kamay ko nang mahawakan na ako sa balikat ng matandang babae. Mas lalo akong nagwala. Wala akong pakialam kung nasasaktan na ako sa mahigpit nilang pagkakahawak sa akin. Basta nakatutok lamang ang mga mata ko kay Papa. "Papa!" sigaw ko sa malakas boses habang mas lumakas pa ang pag-iyak ko. Nang lumabas siya sa gate ay walang lingon-likod siyang umalis. ****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Reckless Hearts

read
256.5K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

SILENCE

read
381.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.8K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook