bc

My Favorite Girl

book_age0+
2.6K
FOLLOW
17.1K
READ
second chance
friends to lovers
arrogant
goodgirl
CEO
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Nag-suggest lang naman si Strike sa best friend niyang si Kraige na piliin si Cleo---ang one true love nito--- kesa pakasalan ang fiancee nito na alam niyang hindi talaga nito mahal. Siya rin ang mastermind sa planong binuo ng squad nila para magkatuluyan sina Kraige at Cleo. And yes, proud at masaya siya na naging successful ang plano nila.

Pero ang masama, na-love at first sight siya kay CeeCee--- ang ex-fiancee ni Kraige na iniwan nito dahil sa udyok niya. Nakita niya kung ga'no ka-devastated si CeeCee pero nakita rin niya kung ga'no ito katatag at kabait sa kabila ng heartbreak na pinagdadaanan nito... dahil sa kanya.

He fell madly in love with CeeCee. Pero pa'no niya aaminin dito na siya ang dahilan kung bakit ito iniwan ni Kraige? He doesn't want to lose CeeCee, dammit.

chap-preview
Free preview
Prologue
HappyChic "GOOD morning, Sir!" Tiningnan lang ni Strike ang mga service crew na bumati sa kanya saka tinanguan ang mga ito, pagkatapos ay nilibot niya ang tingin niya sa loob ng fastfood chain. HappyChic has been their family's business for fourty years and now, his parents entrusted him the company. Hindi parte ng trabaho niya ang personal na pag-i-inspect sa bawat branch ng HappyChic pero nakasanayan na niyang gawin 'yon. Tatlong taon siyang namalagi sa US para personal na ma-supervise ang pagtatayo nila ng branch ng HappyChic sa bansang iyon. Nais sana niyang manatili pa ro'n at siya na ang mamahala niyon pero pinauwi siya ng mga magulang niya ng Pilipinas para makasama siya ng mga ito. Natigil lang siya sa pagmumuni-muni nang may maliit na babaeng dumaan sa gilid niya. Kumunot ang noo niya nang makitang ang bagal maglakad ng babae. May dala itong tray na puno ng pagkain. Dapat nagpa-assist na lang siya. Sinubukan niyang alisin dito ang atensiyon niya pero hindi siya napakali. Iiling-iling at patakbong sinundan niya ang babae. Hinarang niya ito. "Ma'am, let me help you," alok niya rito. Limang segundo ang lumipas bago parang natauhan ang babae. "Ah, thank you for the offer but I can manage," sagot nito bago siya nilagpasan. That girl seemed to be spacing out. Muli ay hindi na naman siya napakali kaya sinundan niya ito uli. Nakita niyang inokupa ng babae ang pinakadulong mesa, malapit sa CR, kahit pa may mga bakanteng mesa pa naman sa mas komportableng puwesto. Natagpuan na lang niya ang sariling nakaupo sa katapat na mesa habang pinapanood ang dalaga. Isa lang agad ang napansin niya: ang dami nitong in-order na pagkain! Hinintay niya kung may darating itong kasama pero labinlimang minuto na ang lumipas ay wala pa ring dumating. Nagtaka siya nang huminto sa pagkain ang babae at naglabas ito ng notebook at ballpen. Pagkatapos niyon ay natuon na ang buong atensiyon nito sa pagsusulat. He watched her. Kahit nakayuko ito ay napansin niyang maganda ang mukha nito. She had a small heart-shaped face, chocolate brown eyes which seemed to travel to different worlds, a pointed nose, rosy cheeks and cherry-colored lips. She was pretty, but not exactly beautiful. Pero may kung ano pa rin dito na humihila sa kanya papunta rito. She's weird, but in a cute way.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.4K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.8K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

CLOSER

read
141.6K
bc

Married to a Hot Magnate

read
357.0K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook