bc

IN HEART WITH ZACHARY

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
HE
lighthearted
brilliant
campus
small town
addiction
like
intro-logo
Blurb

Living in a province is not what most of the girls want but Sofia is not one of those girls. Mountains are her playground and horses are her playmates. Then one day, visitors came to their home with a gorgeous lad who took her attention for the first time. She couldn't help but be attracted to the gorgeous lad whom she had known for a short period.

Siblings

Family

Relationship

Friendship

Achievements

chap-preview
Free preview
Simula
Eleven years old Alinor "Alinor! Nasaan ka na naman bang bata ka?" malakas na sigaw ng aking yaya subalit nanatili pa rin ako sa aking pinagtataguan. May limang minuto na siguro akong nakatago sa ilalim ng mga malalaking paso at hindi man lang niya naisipan na dito ako nagtatago. Napahagikhik ako ng makitang aalis na ito sa aking may bandang harapan. Gugulatin ko sana ang aking yaya ng ako ang nagulat ng may nakita akong maitim na ahas malapit sa aking paa. Mabuti nalang nakasuot ako ng long pants at hanggang tuhod na boots kung hindi ay siguradong patay ako kapag natuklaw ako sa may binti. I tried to calm myself at dahan-dahang inabot ang malaking paso na nasa aking harapan. Mabuti at hindi nakaharap sa akin ang ahas. Nasa kamay ko na ang paso at akmang itatapon ko ito sa ahas upang makulong ito sa loob. "Alinor! Nandiyan ka lang pala!" biglang sigaw ng aking yaya. Dahil sa biglaang pagsigaw niya ay nagulat ako at bahagyang gumalaw ang ahas sa kung nasaan ako. Yaya! Bago pa mahuli ang lahat at baka makatakas pa ang ahas ay tinapakan ko na ang ulo nito. Tatakas ka pa ha! Muntik ng mahimatay si yaya Mercy nang makita ang katawan ng ahas na ngayon ay gumalaw-galaw at may balak pang lumingkis sa aking boots. Bago pa nito magawa ay tinapakan ko na ito gamit ang isa ko pang paa. Nang tingnan ko ulit si yaya Mercy ay namutla ito at biglang natumba. She's still forty! Pero ang hina-hina naman niya. Sumigaw ako ng saklolo at ilang sandali lang ay dumating ang isang tauhan na nanggaling sa kwadra ng kabayo habang kasunod niya si papa. Nagulat ang tauhan ng makita si yaya Mercy na nawalan ng ulirat pero muntik na rin itong sumunod nang mapansin kung bakit hindi ako gumagalaw ay dahil sa ahas na tinatapakan ko ngayon. Papa even calls all the saints he knew ng makita ang kalagayan ko. Pinakuha niya si yaya Mercy sa nanginginig na patpating binatilyo. Tinawag ni papa ang isang tauhan at nagpakuha ng pwedeng ipanghampas sa ahas. After that, isang karumal-dumal na sermon ang natanggap ko kay papa. Momma even cried ng malaman niya ang nangyari. Pero sinabi ko naman na tatakbo ako kung sakaling nasa alanganin akong sitwasyon. Papa just glared at me. Ang tagal naman kasing umuwi ni Xander wala tuloy akong kasamang maglaro at mamasyal. Kinabukasan ay ibang yaya naman ang itinalaga sa akin. Nag-resign kasi si yaya Mercy, hindi pa nga umabot ng dalawang linggo. 12 years old Alinor "Alinor, sabi ni Mike, crush ka raw niya." pabulong na sabi ni Sebastian sa akin, ang matalik kong kaibigan. Nasa school canteen kami ngayon at kumakain ng snacks. Kaming dalawa lang ang nakaupo sa pang-apatang mesa. Nilingon ko ang sinasabi niyang Mike sakto naman na nakatingin ito sa akin. Tinaasan ko lang ito ng kilay. "Sa pagkakaalam ko ay grade eight na yan Seb." sagot ko sa kanya, "Oo nga. Malay ko ba diyan. Pinapasabi lang naman niya." sabi ni Seb sabay kagat sa meat roll niya. Ilang saglit lang at hindi nakatiis si Mike. Tumayo ito, pumunta sa aming mesa at maangas na umupo sa bakanteng upuan. Kasama niya ang isang mukhang alipin na naglakas-loob ding umupo sa isa pang silya. "And who gave you the permission to take that seat, empty head?" asar kong tanong kay Mike. "Gusto ko lang malaman mo-" hindi na niya natapos ang kanyang gustong sabihin ng sinapak ko ang mukha niya. Ang weak naman! Isang suntok lang ang ginawa ko at agad ng bumulagta sa sahig! At ang lakas ng loob na makiupo sa amin ha! "Alinor!" ayan na naman ang sigaw ni papa na kilalang-kilala ko. I explained to papa kung bakit ko sinapak si Mike. Sinabi kong nangungulit at may gusto ito sa akin at saka nayayabangan ako! Napabuntung-hininga lang si papa at sinabing isang araw akong grounded sa mansyon. Hmp! Kasalukuyan kong hinahanap si Xander sa buong mansiyon. Late na kasi akong nagising dahil naglaro pa kami ng video games kagabi. Sinabi pa naman niyang may balak siyang maligo sa talon ngayon. Lumabas ako ng mansiyon at tinakasan ang aking yaya. May nakita akong bagong sasakyan na naka-parking sa labas pero isinawalang-bahala ko lang iyon. Nagpatuloy ako sa paghahanap sa kanya hanggang sa makapunta ako sa likod ng mansiyon kung saan may maliit na pond. May mga punongkahoy na nakapalibot dito. Minsan ko na rin kasing nahanap si Xander dito noon kasama niya yung kasing-edad ni Megan na babae. I called Xander's name over and over again pero walang sumasagot. Nakakainis! "Bulaga!" Napatili ako dahil sa gulat at hindi inaasahang nahulog ako sa pond! May mga palaka pa naman dito! "Alexander the monkey!" galit kong tili. Humalakhak si Xander at hindi agad inabot ang kanyang kamay upang tulungan akong makaahon. Sisigaw ulit sana ako ng mapansing may ibang tao na nakatingin sa akin. Kunot-noong tumingin ako dito. Ngayon ko lang siya nakita! Mukhang hindi nalalayo ang edad nila ni Xander. And oh my! He is good looking! Bago ko pa matanong ang pangalan nito ay umepal na si Xander at pinipigilan na ang tawa saka inabot ang kamay nito. Mahigpit ko itong hinawakan at ngumisi. Lumaki ang kanyang mata ng maisip kung ano ang binabalak kong gawin. Lintik lang ang walang ganti!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.4K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.3K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.0K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.6K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.5K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook