Prologue
Simula nang mamatay ang nga magulang ni Seiri sa isang trahedya sa barko nang umalis ang mga ito noon para makiramay sa kanilang yumaong kamag-anak. Isang malakas na bagyo ang tumangay at itinaob ang barkong sinasakyan ng kaniyang mga magulang. Naiwan naman siya sa kaniyang Lola Edna kaya hindi siya napasama. Sa edad niyang 17 natuto siyang mag hanap buhay at kumayod dahil sa mismong araw na mawala ang mga magulang niya, inatake naman sa puso ang lola niya at natatanging pamilya na meron siya.
"Bakit palaging nagkakaganoon?! Bakit ako pa?! Bakit ako pa ang nawalan ng magulang?" puno ng hinagpis na sigaw ni Seiri. Tanging ang maliit nilang bahay kubo ang natirang kaniyang tinutuluyan.
Nakatira sila sa Probinsya ng Cavite at napakahirap ng buhay roon. Hindi dahil sa walang makain, kundi walang ibang trabaho na maaring pagkakitaan ng ayos. Palaging sapat o kaya naman kulang pa rin ang kinikita. Sinikap ni Seiri na maghanap buhay, nag tinda siya ng gulay sa palengke at mga isda sa loob ng dalawang taon para lang masuportahan ang sarili.
"Bili na po kayo! Sariwang Gulay! Pang pahaba ng buhay! Isdang sariwa!" sigaw niya para makakuha ng atensyon ng nga mamimili. Wala siyang kahit anong hiyang nararamdaman dahil alam niyang nag ta-trabaho siya ng marangal.
Hindi na siya nakapag tapos ng highschool dahil kapos sa pang matrikula. Nakapag aral lang siya ulit dahil sa ALS na libreng paaral sa mga kagaya niyang mahirap at walang kapasidad na masuportahan ang sarili lalo pa't maliit lang ang kinikita sa palengke.
"Bili na po kayo habang mura pa ang isda! 200 po ang kilo ng galunggong noong makaraan. Ngayon 2 kilo isang daan nalang! Kaya bili na kayo mga suki!" sigaw ni Seiri. Dinagsa naman siya ng mga tao at nag unahan ang mga ito sa pag bili. Hindi naman mapigilan ni Seiri na mapangiti dahil halos araw-araw maganda ang kinikita niya sa pagtitinda.
Nag aaral siya habang nagtitinda sa palengke. Ganoon ang naging trabaho niya sa nakalipas na ilang taon hanggang sa makapag tapos siya ng Junior High sa ALS. Bente singko anyos na siya ngayon. Kaya lang nagkaroon ng problema sa puwesto nila sa palengke.
"Mag si-alis nga kayo! Dumating na ang bagong nakabili ng palengkeng ito! Patatayuan ito ng Gusali at gagawing imbakan ng bigas!" Sigaw ng isang hindi kilalang lalaki. Doon na nagdatingan ang iba pa nitong kasamahan na may hawak na mga baril. Nabigla naman si Seiri sa biglaang pagdating ng mga ito na walang pasabi.
"Teka muna! Naghahanap buhay kami rito ng marangal! Nagbabayad ng renta sa puwesto! Bakit wala man lang yatang abiso?!" matapang na tugon ni Seiri.
"Hindi na namin kasalanan kung hindi kayo inabisuhan. Kunin niyo ang pera niyo sa taong kausap niyo. Bayad na ang puwestong ito!" sagot naman ng lalaking nag nga-ngalang Edmar. Ang tauhan na nangunguna sa pagpapaalis sa kanila.
Nagkagulo na at may mga taong umapila. Dali-dali namang lumapit si Mang Efren, ang nagpapaupa sa mga tao sa palengke at humingi ng pasensya dahil biglaan ang lahat. Ibinalik ang kanilang mga pera at sawi silang umuwi. Labis ang inis na nararamdaman ni Seiri nang mga oras na iyon, ibinigay niya na sa kaniyang amo na si Aling Tess ang mga paninda.
"Maghahanap nalang po ako ng matinong trabaho, Aling Tess." aniya sa mababang boses. Nanghihina talaga siya dahil hindi biro ang depression pag nawalan ka ng pagkakakitaan.
"Subukan mong mag apply sa Mansion ni Mr. Zuckerberg, Seiri. Ako man ay nalulungkot pero wala tayong magagawa. Mayaman ang nakabili ng puwesto at may koneksyon sa nakatataas pati sa gobyerno. Wala tayong laban." malungkot na sabi ng matanda.
"Sige po, alam ko ang lokasyon ng Mansion nito. Madalas ko iyong madaanan pag napunta ako sa dulo ng probinsya." sagot ni Seiri at nabuhayan ng loob.
Nagpalipas muna siya ng dalawang araw para makapag pahinga. Nang makabawi ng lakas, muli siyang bumalik sa pagiging masigla. Kilala si Seiri na isa sa pinaka magandang babae sa kanilang lugar.
"Kayang kaya ko 'to! Sus! Hangga't buhay tuloy ang buhay! Sisikapin kong iahon ang sarili ko sa sitwasyong meron ako ngayon. Ako lang ang makakapag pabago nito. Walang iba." aniya sa sarili.
Siya si Seiri Eloise Mendoza isang magandang babae. Matalino at may sexy na katawan. Hinahangaan siya ng mga lalaki sa kanilang lugar dahil sa kabutihan at paging matulungin nito. Kung titingnang mabuti masayahin si Seiri, may maamo itong muka. Mahabang pilikmata, manipis na kilay, mabrown na mata, matangos na may kaliitan ang ilong, makipot at may natural na mamula-mulang labi. Nasa 5'3 ang tangkad at masipag.
Samantala, agad siyang natanggap sa trabaho bilang kasambahay sa Mansion at tinuruan ng Mayordoma ng mga dapat gawin at ipinaliwanag ang nga dapat iwasan o hindi nararapat gawin ng kagaya niya.
"Huwag mong pakikialaman ang mga gamit ni Sir Saint, para walang maging problema. Maselan ang amo natin na iyon." saad pa ng matanda.
"Naiintindihan ko po, Maraming salamat Manang Lucia." nakangiting sagot ni Seiri. Tumango pa ang babae bago sumunod sa Mayordoma ng Mansion. Nag trabaho siya sa mag hapon na iyon.
Kinagabihan, biglang umulan ng malakas kasabay ng malakas na kulog at kidlat. Natulala si Seiri sa labas ng bintana habang nagpupunas ng mga muwebles sa sala.
"Sa tuwing umuulan, hindi ko mapigilang malungkot. Naalala ko sila nanay at tatay. Kung buhay siguro sila wala ako sa sitwasyong ito.. Baka nakapag tapos ako kahit papaano.." aniya sa mahinang boses.
Maya-maya pa, hindi napigilan ni Seiri na matulala nang makita ang bagong pasok na lalaki. Basang-basa ito sa ulan pero hindi iyon nakabawas ng kakaibang karismang taglay ng lalaki.
"Sir Saint! Ano ka ba naman?! Bakit ka naman nagpaulan?! Mahirap na baka magkasakit ka niyan?!" natatarantang sigaw ni Manang Lucia. Natigilan si Seiri at napagtanto na ang lalaking hinahangaan ay walang iba kundi ang kaniyang amo.
Siya si Saint Zuckerberg na nasa 30 years old, masungit at palautos. Sobrang guwapo nito dahil may asul na animo'y kulay ng dagat na mga mata. Matapang na aura at muka, makapal na kilay, mahabang pilikmata at matangos na ilong. May manipis itong pulang labi na animo'y kagaya ng isang tunay na Prinsipe. Perpekto at walang tapon. Maging ang katawan nito ay matipuno at may walong pack na abs. Matangkad rin ito at nasa 6 foot ang tangkad. Matalino at tinaguriang Tyrant Billionaire na sobrang genius sa larangan ng Negosyo. Mayabang at dominante, ganyan siya makitungo sa lahat.
"Omg!" tulalang saad ni Seiri. Nilingon naman siya ng binata na may nakakamatay na tingin. Pero kahit ganoon, naghaharumentado sa kilig ang kaniyang puso.