bc

SINABI NG AKIN KA!

book_age18+
274
FOLLOW
2.7K
READ
HE
badboy
mafia
kicking
like
intro-logo
Blurb

Si Hope De Asis , 22 years old. Isang nurse, maganda, mabait, matalino, masayahin at maloko. Nagiisang babae sa limang magkakapatid na De Asis, at bunso. Lumaki siyang protektado at iniingatan ng kaniyang mga kuya na parang prinsesa. Malaking katanungan sa kaniya ang trabaho ng kanilang panganay na kapatid na si Winston. Dahil sa kabila na, isang Security Guard lamang eto ay naitaguyod silang lahat at napaaral hanggang kolehiyo. At nang minsang sinundan niya ang kapatid ay kamuntikan na siyang Ma rape.Sa pagtakas niya sa lalaking humahabol sa kaniya ay nakapag bitaw siya ng pangako. Na kong sinoman ang taong magliligtas sa kaniya sa tiyak na kapahamakang iyon ay kaniyang papakasalan, paglilingkuran, luluhuran, papakainin, at mamahalin. At dininig naman ng tadhana ang dasal niya dahil nabangga niya ang isang Mr. Ryo Hamada at nailigtas siya. Si Mr.Ryo Hamada ay isang Mafia under boss, at ang lihim na boss ni Winston ang kuya ni Hope. Na walang balak magseryoso sa isang relasyon, bumabaha ang mga babae sa kan'ya. Bossy, matapang, istrikto, bihirang ngumiti, at marami na siyang pinatay. Ipagsisiksikan ni Hope ang kaniyang sarili kay Mr.Ryo. Lahat ay kaniyang gagawin mapalapit lamang dito. Ngunit pilit siyang iniiiwasan ni Mr.Ryo. Dahil malaki ang agwat ng kanilang edad bukod dito ay nalaman niyang kapatid pala eto ng paborito niyang Body Guard. Kaya naman tinatakot niya si Hope sa ibat-ibang paraan layuan lamang siya nito.Ano pa ang kayang gawin ni Hope para kay Mr. Ryo?Mapaibig kaya niya eto?.At ano ang gagawin ng De Asis Brother's kapag nalaman nila ang tungkol sa dalawa?.Lalong lalo na si Winston na higit sa lahat na lubos na nakakakilala sa kaniyang Boss na si Mr.Ryo?.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
SINABI NANG AKIN KA! C1 Sa bahay ng mga De Asis masayang nagsasalo salo ang limang magkakapatid sa kanilang almusal. May nakahain sa kanilang mesa na Garlic fried rice, pritong tuyo, pritong dinaing na bangus, pritong talong at okra, may ginisang bagoong alamang, itlog at hotdogs. Bukod pa dito ay punong puno ang sisidlan nilang basket ng prutas. May saging,mangga, avocado, lansones at dalandan. Hindi nila problema ang mga prutas dahil kapag alam ng kuya Winston nila na wala na silang prutas ay nagdadala eto mula daw sa bahay ng kaniyang Boss. "Kuya Winston, kasuwerte mo talaga diyan sa Boss mo ano? Bukod sa malaki magpasahud ay pwede ka pang maguwi ng mga prutas at pagkain galing sa bahay nila ng libre." Si Fortune De Asis,25 years old. Pangalawa sa bunso isang bank teller sa isang Banko. "Oo, mapalad lang ako at may Boss akong ganun sige na Fortune bilisan mo na ang pagkain mo baka ma late ka traffic ngayon." Winston De Asis, 36 years old pinaka panganay sa magkakapatid. Mula nang mamatay ang kanilang mga magulang dahil sa aksidente. Dahil nahulog ang sinasakyan nilang bus sa bangin, pabalik ng Bicol nang kasagsagan ng bagyo. Mula nuon ay eto na ang tumayong breadwinner ng pamilya. Mga ilang taon din silang nahirapan sa buhay. Pero nagtulong tulong silang magkakapatid upang maitaguyod ang kanilang pamilya, lalong lalo na si Winston. Malaki ang kaniyang ginampanang papel sa pamilya. Napag-aral niya at napagpatapos ang mga kapatid sa koleheyo. Isa sa mga security guard ng isang mayamang pamilya. Pagaari daw ng kaniyang boss ang isang malaking Security Agency sa pilipinas. Iyon ang kaniyang pagkakasabi. Madalas din siyang hindi umuuwi sa kanilang bahay. Kaya kapag absent siya, si Phillip ang tumatayong kahalili niya sa kanilang pamilya. Si Phillip De Asis, ay ang sumunod o pangalawa kay Winston. Thirty one years old, May girl friend at Isang Automitive engineer at may sariling talyer. "Kuya Winston , magpapaalam sana ako sayo birthday kasi ng kasamahan ko sa work. Sa isang resto bar idadaos ang birthday celebration niya , bukas na iyon ng gabi." Ang masayang wika ni Hope na excited umaasang papayagan siya ng mga eto. "Hindi pwede" Ang halos sabay sabay na sambit ng apat na mga kuya ni Hope. "Pambihira naman. Sabay sabay pa talaga kayo ano? At bakit naman hindi pwede?" "Hindi pwede dahil baka mapahamak ka. Resto Bar maraming tao duon. May alak, syempre kapag may inuman may alak may balak." Ang sabi ni Kent. "Huh! Talaga lang kuya Kent." "Sundin mo na lang kaming mga kuya mo Hope. Para din sa iyong kabutihan ang lahat ng mga iniisip at ginagawa namin." Ang sabat naman ni Phillip. "Hope, delekado sa gabi, alam na alam 'yan ni kuya Kent mo dahil trabaho niya ang magpatrolya sa kalsada sa halos gabi-gabi. Hindi ba Kent?" "Oo, Tama ka kuya Winston , madalas nga kaming nakakaencounter ng gulo sa mga Club at sa mga Bars na yan. Maraming mga adik at mga pasaway na mga anak mayayaman ang nagkalat sa gabi. Idagdag pa ang mga Gang gang na yan. Huwag ka nang pumunta duon mas mabuti na iyong nagiingat kesa nasa huli ang pagsisi." Pagsang-ayon naman ni Kent sa tinuran ni Winston. "Pambihira ako lang kasi ang magisang babae dito kaya pinagtutulungan nyo ako eh." "Hindi sa ganuon Hope, nagiisa ka naming kapatid na babae at bunso pa. Tungkulin namin ng mga kuya mo ang ilayo ka sa tiyak na kapahamakan. Ano na lang ang sasabihin nila Tatay at Nanay sa kabilang buhay, na pinabayaan ka namin ganun ba?" Sabat muli ni Phillip. "Eh, ano pa ba ang magagawa ko isa laban sa apat wala na talo na ang prinsesa." Wala nang nagawa si Hope kong hindi ang tumahimik na lamang nag ngingit-ngit ang kaniyang kalooban dahil gustong gusto pa naman niyang pumunta duon. First time niya sanang makaranas na makapunta sa isang resto bar, at makisaya kasama ang mga kaibigan. "Tapos ka na ba diyan Hope?, hindi ba't sasabay ka sa akin ?" "Heto na, magsisipilyo lang ng ngipin para mabango ang hininga. Baka kasi makasalubong ko sa daan ang prince charming ko na magliligtas sa akin sa apat na mga bakulaw na dragon." Sa sinabi niyang eto ay napangiti ang apat na mga kuya ni Hope at napailing-iling. **** "Sino sya boyfriend mo ?" Ang bungad na tanong ng kasamahan ni Hope na si Alexa. Habang naglalakad ng sabay papasok sa loob ng Hospital. Nakita kasi siya nito na ibinaba mula sa motor ng kuya Winston niya. Mag lilimang buwan pa lamang kasi si Hope sa pinapasukang Private Hospital at may mga bagong kakilala katulad ni Alexa. "Hindi, Kuya ko 'yon, si Kuya Winston. " "Ah, ganun ba? Maganda talaga ang lahi nyo kasi ang gwapo ng kuya mo." Ang humahangang sabi ni Alexa. "Crush mo ba?" "Ha? Ah eh, available pa ba si Kuya Winston?" "Oo, Available na available pa 'yon. Hinahanapan ko nga kasi tumatanda na." "Ha? Sa gwapo niyang iyon wala pa siyang asawa ? Girl friend wala din ba?" "Alexa, sa totoo lang ang suwerte ng babaeng mapapangasawa ni kuya Winston. Alam mo kasi magmula nang namatay ang mga magulang namin siya na ang tumaguyod sa aming magkakapatid. Napagpatapos niya kami hanggang Koleheyo at ako ang bunso. Bukod sa kanya may tatlo pa akong mga kuya. Sad to say tanging si Kuya Winston lang ang hindi nakatapos sa amin ng pag-aaral. High school lang ang natapos niya kasi maaga siyang nagtrabaho para sa amin. "Wow! Naman napakabait at uliran pala ng kuya Winston mo. Nagsakripisyo para sa mga kapatid niya. " "Oo Alexa, Okay na kami ngayon lahat. Kaya sana yong sarili naman niya ang intindihin niya. Ang kaso sa edad niyang 36 wala pa siyang ipinakikilala sa amin na girlfriend niya." "Ano bang trabaho niya? Sabi mo high school graduate lang siya. Pero ang galing no, napagtapos kayo lahat hanggang colleges." "Iyon nga ang ipinagtataka namin sabi niya isa lamang siyang security guard sa isang mayamang pamilya, at may ari ng malaking security agency. Pero maliit lang naman ang suweldo nang isang security Guard hindi ba?" "Oo nga, baka naman may iba pang sideline si Kuya Winston nyo." "Iyon nga ang naisip namin, Masyado kasing malihim si kuya Winston at bihira magsalita. Magsasalita lang 'yon kapag kailangan." "Iyan ang mga type ko sa mga lalaki iyong malihim ba at responsableng tao. Aaminin ko inlove na yata ako sa kuya mo. Iyong tipong na love at first sight, Ang kaso baka hindi niya ako type." "Hmm, ako ang bahala ilalakad kita sa kuya Winston ko." "Aye! talaga? Salamat Hope ay sis na pala he!he!he!". "Hope, Alexa wait lang." Si Margoux isa sa mga kasamahang nurse ni Hope at ang nangiimbita bukas para sa birthday celebration niya. "Oh Margoux, bakit?" "Ereremind ko lang sa inyo na inaasahan ko kayo bukas ha walang hindi pupunta magagalit ako sa inyo. Kapag hindi kayo pumunta iisipin kong ayaw nyo sa akin at iniiwasan nyo ako." " Grabe ka naman Margoux, bat mo naman nasabi 'yan?" "Alam ko naman kasi na porket pamangkin ako ng me ari ng Hospital na 'to ay marami ang umiiwas sa akin. Lalo na nang malaman nilang mayaman ang pamilya ko, hindi daw ako bagay dito alam nyo na. Kaya nga naisipan kong magtreats bukas para magkalapit-lapit tayong lahat sa isat-Isa." "Oo na pupunta kami hindi ba Hope?" "Ha, ah eh, Syempre oo naman 'no." "Thank you! Aasahan ko 'yan ha." Nakangiting sukli ni Margoux sa dalawa. Si Margoux ay isang anak mayaman pero hindi niya eto ipinagyayabang. Simple lang siya na aakalain mo ay simpleng tao din. Kinagabihan sa kwarto ni Hope ay hindi siya makatulog. Iniisip niya ang planong pagtakas bukas ng gabi sa mga kuya niya. Si Kuya Winston niya ay tumawag kagabi na baka daw mawala o hindi siya uuwi ng isang linggo. Si kuya Kent naman niya ay sa gabi ang trabaho kaya wala siyang masyadong problema sa dalawang eto. Ang pinoproblema niya ay ang dalawa na sina Phillip at Fortune. Dahil si Phillip ay nasa tapat lamang ng kanilang bahay ang mismong talyer nito. Si Fortune naman pang-umaga sa banko kaya nasa bahay eto. "Matulog ka na muna self, lahat ng problema ay may solusyon, at kapag ginusto may paraan. Oo tama." Ang sabi niya sa sarili hanggang sa nakatululog na rin siya. Kinabukasan apat lang silang nagsasalo salo sa almusal at kakauwi lamang ni Kent mula sa kaniyang duty sa gabi. Halatang pagud at puyat eto dahil naghihikab na kaya napansin nila ang sugat nito sa gilid ng bibig. "Kuya Kent musta ang pagroronda nyo kagabi marami ba kayong nahuli marami bang pasaway?" Tanong ni Fortune. "Oo, eto nga't nasuntok pa ako ng isang mayabang na anak mayaman na 'yon sabog naka droga kagabi." "Anong nangyari kuya Kent nanggulo ba?" "Hindi naman sa nang-gulo naabutan namin ng kasama kong may hinahatak na isang babae at pilit isinasakay sa kaniyang kotse, ayon nakialam ako. Tinulungan ko 'yong babae ang kaso ang tapang ng loko bigla akong sinuntok." "Yon lang, dapat ginantihan mo din kuya Kent." Ang wika ni Hope na hinawakan pa ang sugat nito sa labi. "Hindi pwede 'yon. Pulis ako, may mga sinusunod kaming protocol sa mga ganoong kaso." "Aye ,oo nga pala. Hindi pwede sa akin ang ganyan kaya nga hindi ako nag pulis baka ako pa ang makalabuso." "Talagang hindi ka bagay maging pulis dahil mas bagay sayo ang..." "Ang ano kuya Fortune ?" "Ang maging sanggano ha!ha!ha!" "Ha!ha!ha! Sanggano ka diyan." Naiinis na tiningnan ni Hope ang mga kapatid na masayang pinagtatawanan siya. "Patawa tawa kayo diyan ha, kapag ako naging sanggano talaga, luluhod kayo sa aking harapan ..ha..ha..ha." "Ha!ha!ha!" Ang masayang tawanan ng magkakapatid.. Sumapit ang gabi nakaupo at kumakain silang tatlo sa hapag kainan. Si Kent at si Phillip lang ang naruruon sa bahay, dahil si Kent ay panggabi at kanina pa eto nakaalis ng alas singko. Si Winston naman ay nakapagpaalam na kagabi sa kanila na hindi makakauwi ng isang linggo. Pasilip-silip si Hope sa mga kapatid na nasa bahay. Hindi siya nagpapahalata sa mga eto na may binabalak siya ngayong gabi. Nag-aabang nang tyempo upang makalabas ng bahay nang hindi nila nalalaman. Pagkatapos kumain ay tinulungan ni Hope ang kanilang nagiisang katulong na si Amanda. Nagligpit ng mga pinagkainan at tumulong sa paghugas ng mga pinggan. Nakita ni Hope ang kuya Philip niya na abalang tumitipa na ngayon sa kaniyang personal computer nasa loob na eto ng kaniyang kwarto. Panay din ang tingin niya sa kaniyang wrist watch na suot. Mag 8:20 pm na kaya kabado na siya. Ang usapan kasi ay 9:30 pm nanduon na lahat sa Resto Bar. Sinunod niyang hanapin ay si Kent sa kaniyang talyer sa tapat ng bahay hindi naman siya nagpakita sumilip lang. At talagang masuwerte siya sa pagkakataong iyon, dahil narinig niyang kausap ng kuya Phillip niya ang girlfriend nito. Maya maya lamang ay sumakay eto ng kaniyang motor at umalis. "Ang swerte mo Hope ano pang hinihintay mo diyan sumibat ka na ah." Ang sabi ng kaniyang other self . Kaya naman dali-dali siyang pumunta sa kaniyang silid at nagbihis. Nakaready naman kanina pa ang susuutin niya kaya mabilis siyang nakapag-ayos ng sarili. Parang isang magnanakaw sa gabi ang lakad ni Hope,dahan dahan habang tumatakas ng bahay at walang kamalay malay ang dalawang kuya na natakasan na pala sila ng kanilang prinsesa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook