bc

That Should Be Me

book_age16+
18
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
independent
student
drama
sweet
bxg
campus
first love
lonely
friends
like
intro-logo
Blurb

Blurb:

Itinago ni Sid ang nararamdaman niya para kay Jeboy dahil ang buong akala niya ay pagmamahal lang bilang mag-best friend ang nararamdaman niya rito. Pagmamahal bilang kaniyang kababata.

Huli na nang ma-realized niya na mahal niya pala ito bilang isang lalaki. Bilang isang taong nais niyang makasama habang-buhay. Ngunit ikakasal na ito kay Cindy.

May pag-asa pa kaya ang love story nila kung nagsisimula na ang love story ng best friend niya? Kailangan na ba niyang bumitaw? O maaari pa siyang kumapit upang muling tanggapin ang alok nito noon. Alok na tinanggihan na niya.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Sid, gusto kita. Gustong-gusto kitang maging girlfriend. Maging partner. Maging future wife. Mommy ng magiging mga anak natin." natawa lang si Sid sa sinabi ni Jeboy. "Seriously, Jebs? E parang magkapatid na tayo e. Mahal din naman kita. Pero as a brother at hindi as a lover. At isa pa e ang babata pa natin." sabi ni Sid nang harapin niya ito na kasalukuyang nakatingin sa kanya. Foundation day nila at pareho silang nahuli sa jail booth kaya naman naroon sila sa loob niyon. Hindi alam ni Sid kung ano ang pumasok sa isip ni Jeboy at kung ano-ano ang sinasabi nito sa kanya. "Pero hindi kapatid ang gusto ko. May mga kapatid ako at iba ang pagmamahal na nararamdaman ko sa'yo, Sid." hindi pa rin ito sineryoso ni Sid. "Ewan ko sa'yo. Gutom lang 'yan. Ilang minutes na lang naman ay lalabas na tayo rito. Ililibre kita ng paborito mong halo-halo sa canteen. Baka naiinitan ka lang." sabi ni Sid. Tumahimik na lang si Jeboy. Ilang buwan na lang ay ga-graduate na sila. May nakahanda ng trabaho pa sa kanya sa firm ng daddy niya at si Sid naman ay magtuturo na sa isang school. Magkakahiwalay na sila at puwedeng bihira na lang silang magkita. Kaya naman naisip ni Jeboy na magtapat na rito. Ngunit hindi naman seryosong kausap si Sid. Para bang lahat ng bagay ay biro lang dito. Walang siniseryoso sa sinasabi niya. Hindi naman siya nakatawa kapag nagsasalita. Hindi rin naman siya nakangiti dahil nga seryoso ang sinasabi niya. "Wow! Mukhang may bagong flavor ang halo-halo nila. Kaya lang ambantot." takip ni Sid sa ilong niya. "Paanong hindi babantot iyan e, durian 'yan." turo ni Jeboy sa durian na nakalagay sa karatula ng halo-halo stand. "Toinks. Kaya pala. Pero nakatikim na ako ng durian. Masarap siya. Masarap kaya sa halo-halo 'yan?" napapaisip na sabi ni Sid. "Hindi malalaman kung hindi titikman. Tara!" hatak ni Jeboy lay Sid papunta sa halo-halo stand. "Teka, teka. Baka madapa ako." awat ni Sid. Paano ay mayroon siya ngayon kaya hindi siya makakilos nang maayos. "Sus. Hindi naman mabilis lakad ko." natatawang sabi ni Jeboy. "Dadaan muna 'ko sa cr. Magpapalit." nakuha naman ni Jeboy ang ibig niyang sabihin. Madalas kasi ay ito ang tagabili niya ng napkin. "May pamalit ka ba?" agad na tanong ni Jeboy. "Uu. Nagdala ako kanina. Wait." silip niya sa bag niyang dala. "Shocks!" nanlaki ang mga mata ni Sid at napaawang ang labi. "Wala pala." nangingiting alinlangang na sabi niya. "Kita mo 'to. Napakamakakalimutin mo talaga." sermon ni Jebs. Madalas din kasing makalimot si Sid lalo sa mga importanteng mga bagay. "Sorry naman. Inilapag ko na sa dresser 'yon kanina e. Hindi ko pala nailagay." ngiting alinlangan nitong muli. "Sige na. Ako na ang bahala." agad na nagtungo ito sa vendo machine ng mga babae malapit sa cr ng mga ito. Kahit puwede namang bumili si Sid ay nasanay na si Jeboy. "O, heto." agad na abot niya. "Salamat." mabilis na yumakap ito sa matalik na kaibigan at humalik sa pisngi. "Kaya naman lab na lab kita e. Pero alam mo, puwede namang ako na ang bumili e. Baka pinagtawanan ka na naman ng mga babae ro'n." sabi ng Sid dito. "Wala akong pakialam sa kanila. Mamaya tagusan ka pa e mas problema 'yon. Baka pagdiskitahan mo na naman ang polo ko e." ngumuso si Sid. "Sabi na nga ba. Hindi good deed ang ginawa mo kanina. Tseh!" agad na tumaliko ito at nagtungo sa banyo para magpalit ng napkin. Naiiling na natatawa na lang si Jeboy. Kung hindi niya lang mahal si Sid ay hindi niya matatagalan ang ugali nito. Makulit. May pagkamataray at masyadong independent. Kung hindi niya ito uunahan ay kaya naman nitong gawin ang lahat ng bagay. At iyon ang nagustuhan niya rito. Hindi ito asa. Marunong itong tumayo sa sariling paa kahit pa lagi niyang ini-spoil ang best friend niya. "Ang tagal mo naman. Malapit nang magsara ang canteen." angil ni Jeboy. Hanggang alas singko lang kasi ang canteen nila at hindi pa sila nakabili ng halo-halo. "Hayaan mo na. May panggawa ng halo-halo sa bahay. Bumili si mommy para sa'yo. Ikaw nga yata ang anak nila at hindi ako e. Puro paborito mo ang nasa ref namin." humalakhak si Jeboy. "Naku po. Parang ikaw naman kapag nasa bahay. Laging pagkain mo ang laman ng ref namin. Nagrereklamo na nga ang mga kuya. Bakit daw hindi ka na lang bilihan ng hiwalay na ref nina mommy at daddy kung pagkain mo lang ang nasa ref." naghalakhakan ag dalawa. Puro lalaki ang kapatid ni Jeboy. Kaya naman hindi sila nagagalit o naiinis kay Sid. One of the boys din kasi ito minsan. At biro lang nila ang pagpapabili ng hiwalay ba ref para kay Sid. Alaga rin siya ng mga ito lalo na kapag naroon siya sa bahay nina Jeboy. "Ateng maganda, isang halo-halo nga po para sa pinakaguwapo at pinaka-cute na best friend ko rito sa campus." sabi ni Sid kay Elena--ang tindera ng halo-halo na anak ng cook sa canteen. "Basta ikaw, Sid. Isang masarap na halo-halo para sa kaibigan mong cute." naiiling na lang si Jeboy. Kahit sino yata sa campus ay close ni Sid sa kakulitan nito. Unlike siya na may pagka-seryoso. Kay Sid lang lumalabas ang kakulitan niya. Nginitian niya lang ang tindera at agad na ginawa nito ang halo-halo niya. "Salamat, Ate Ganda." tila feel na feel naman ni. Elena ang tawag ni Sid sa kanya. Maganda naman din talaga ito kung tititigan. Hindi lang pansinin. "Heto na ang masarap na halo-halo. With extra milk and love." nakangiting sabi ni Elena. "Love talaga kita, Ate. Salamat. Heto po ang bayad." hiwalay ang bayaran ng halo-halo sa canteen cashier kaya direktang nagbabayad sa tindera ang mga nabili. "Ang sarap naman." sabi ni Jeboy na nakatitig kay Sid. "Masarap talaga ako." inayos pa nito ang buhok gamit ang likod ng palad para pumunta sa likuran ang buhok niyang napakahaba. "Tangek. Halo-halo ang tinutukoy ko." natatawang sabi ni Jeboy. "E bakit sa'kin ka nakatingin?" natatawang sabi ni Sid. Halos araw-araw ay ganoon sila magkulitan. Sa tagal ba naman ng pagkakaibigan nila ay para na silang magkapatid na minsan ay away bati at minsan naman ay over protective sa isa't isa. Paminsan pa ay halos ayaw nang maghiwalay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook