bc

Maid Ako ng Idol Ko (BXG)

book_age12+
1.9K
FOLLOW
7.6K
READ
fated
arrogant
badboy
maid
drama
comedy
sweet
bxg
female lead
city
like
intro-logo
Blurb

Si Annalise Marie Santiago ay isang simpleng babae na taga-probinsya na labis ang paghanga sa iniidolong si Treyton Ocampo, isang sikat na matinee idol na hinahangaan ng lahat, ngunit nagbago pagtingin ni Annalise nang magkaroon siya ng pagkakataon na maka-date ito nang dahil sa isang pa-contest sa isang noontime show, ngunit ang dream date ay nauwi sa nightmare nang makilala nito ang tunay na ugali ng binata na isang hambog at mapangmatang nilalang pala. Pinangako ni Annalise na kakalimutan na si Treyton, ngunit paano kung tadhana na ang gumawa ng paraan na magkita silang muli nang maloko siya ng illegal recruiter at sa kamalas-malasan/kasuwer-suwetihan ay ang kotse pa ng kinaasaran na niyang tao sa bala't ng lupa ang nasakyan niya, anong mangyayari kay Annalise Marie kung maging maid siya ng taong kinaiinisan niya? Mauuwi ba ito sa isang magandang pagsasama o mauuwi ito sa isang pagsasama na parang aso't pusa.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Fan Girl
-=Annalise Marie’s Point of View=-   "Hoy Annalise bilisan mo diyan, meron ng bagong magazine si Aling Anita!" ang excited na sinabi sa akin ng best friend kong si Carmela. Kaya naman dali-dali akong nag-ayos ng mga gamit ko at imbes na dumiretso ng canteen ay agad kaming lumabas sa university na pinapasukan namin, mabuti na lang talaga at lunch break kaya may oras akong pumunta sa tindahan. Ako nga pala si Annalise Marie Santiago, eighteen years old at nag-aaral sa state university sa probinsya ng Romblon, actually nakikitira lang ako sa bahay ng best friend ko dahil ang bahay talaga namin ay nasa isang malayong isla pa, kaya naman laking pasasalamat ko sa best friend ko na pinakiusapan nito ang mga magulang na mag-share kami sa kuwarto nito na sakto naman na walking distance lang sa school. Alam ko medyo weird ang pangalan ko, kasi naman nagkamali ang registrar kung saan pinaregister ang pangalan ko, ang gusto kasi sana ni Nanang ay Anna Liza Marie sana ang pangalan ko, ngunit dahil sa simpleng pagkakamali ay naging Annalise ang pangalan ko. Mahirap lang ang pamilya namin, nabubuhay lang ang pamilya namin sa pangingisda ni Tatang, samantalang si Nanang naman ang nagtitinda ng mga nahuhuli ni Tatang, kaya laking pasasalamat ko at nakapasa ako sa school na ito, dahil at least libre ang tuition fee at miscellaneous fee at maliban pa doon ay nakakakuha ako ng limang libong piso bilang monthly allowance ko na madalas ay binibigay ko sa amin tuwing umuuwi ako doon. "Ano ba naman Carmela, bilisan mo diyan baka maubusan tayo!" nagmamadali kong sinabi dito na tinaasan lang naman nito ng kanang kilay. Lakad-takbo ang ginawa ko para lang makarating sa tindahan ni Aling Anita at hindi pa man ako nakakalapit ay kitang kita ko na ang naiiling at nangingiting mukha ng matanda. "Magandang tanghali po Aling Anita, dumating na po ba?!" excited kong tanong dito, sabay dukot ng pitaka sa bag ko. "Oo dumating na nga, wait kunin ko lang sa loob." ang patuloy nitong naiiling na sinabi sa akin at agad nga itong pumasok sa loob ng tindahan at paglabas ay dala dala na ang mga bagong dating na magazine. Parang biglang nabuhayan ang dugo ko ng makita ko na ang bagong issue ng Men Health's Magazine kung saan ay cover ang idol at ultimate crush kong si Treyton Ocampo. Hindi pa man nito naiaabot sa akin ang naturang magazine ay agad ko na iyong hinablot sa matanda kasunod ng pag-abot ng two hundred pesos dito. Dali-dali kong binuklat ang magazine na hinablot ko dito at parang pakiramdam ko ay biglang naging makulay ang buong paligid habang binabasa ang story patungkol sa iniidolo. Matapos makuha ang sukli ay agad na din kaming bumalik sa school at dumiretso sa canteen kung saan ko pinagpatuloy ang pagbabasa ng magazine habang si Carmela naman ay kumakain ng lunch nito. "Hay naku naman Annalise hanggang kailan ka ba magpapakabaliw sa artistang iyan, ni hindi nga alam ng taong iyan na nag-eexist ka sa mundong ito." napapalatak nitong sinabi sa akin, dinig na dinig ko ang disgusto sa boses nito habang nginunguya ang carbonara na binili nito. "Hindi mo kasi ako maiintindihan bes, siya kasi ang dahilan kung bakit ako nai-inspired sa araw-araw, kung bakit ako napapangiti kapag nagigising ako tuwing umaga at kung bakit ako nakakatulog nang mahimbing sa gabi."  Pakiramdam ko ay nangingislap ang mga mata ko habang sinasabi ang bagay na iyon, well nagsimula ang pagiging fan ko two years ago nang ma-diagnosed si Nanang ng sakit sa baga, sobrang down na down ako noonn at hindi ko alam kung anong gagawin ko, hanggang isang araw ay inaya ako ng isang kaklase ko noong high school na manood ng binili nitong DVD ng movie ni Treyton Ocampo, sa totoo nga lang hindi pamilyar sa akin ang taong iyon dahil hindi naman ako mahilig sa mga artista, ngunit nang mapanood ko ang pagganap nito sa movie bilang isang aping tao na naging matagumpay sa buhay ay naging fan na ako. Binigyan ako nito ng lakas ng loob para magpatuloy na kahit gaano kahirap ang buhay ay makakaya kong lampasan. "Whatever bes ang kinaiinisan ko lang kasi ay ginugutom mo ang sarili mo, para lang makabili ng magazine o kaya mapanood ang mga movies niya, mahirap na nga tuwing binibigay mo halos lahat ng allowance mo sa inyo tapos napapagastos ka pa ng dahil sa kalokohan mo." pagpapatuloy nito. Napangiti na lang ako sa mga sinabi nito, dahil alam kong concern na concern lang ito sa akin, pero kahit na naiinis ito sa pagiging fan girl ko ay sinusuportahan naman ako nito sa hilig ko kaya naman tumaas ang kamay ko at pinatong iyon sa nakapatong na kamay nito sa mesa. "Thank you bes dahil alam kong concern ka lang sa akin kaya mo nasasabi ang bagay na iyan, pero believe me ok lang ako at alam mo naman ito lang libangan ko." nakangiti kong sinabi dito. Wala na itong sinabi at nagpatuloy na lang sa pagkain nito ng lunch, samantalang ako ay binalik ang atensyon ko sa pagbabasa sng magazine ko, ngunit laking dismaya ko ng ayain na ako nito para pumasok sa susunod naming klase kaya naman kahit mabigat ang loob ko ay nilagay ko sa bag ang naturang magazine. "Mamaya na lang Treyton." ang mahina kong sinabi bago ko tuluyang maipasok ang magazine, at nang mag-angat ako ng paningin ay nakita ko na naman ang pag-iling ni Carmela sa ginawi ko na sinuklian ko lang ng tipid na ngiti. Pinilit kong mag-focus sa lecture sa harap, kahit na nga ba kating-kati na ang mga kamay kong kunin ang naturang magazine, kahit naman na sobra akong fan ni Treyton ay hindi ko hahayaan na mag-suffer ang studies ko dahil para ito sa pamilya ko at sa kinabukasan ko. Ginagawa ko lang na inspirasyon ang isang Treyton Ocampo. Matapos ang klase namin ng araw na iyon ay nauna na akong umuwi kay Carmela na may pupuntahan pa daw, kaya naman dali dali-akong naglakad pauwi sa bahay ng mga ito, naabutan ko pa ang Mommy nito na si Tita Carmen. "Magandang hapon po Tita." magalang kong bati dito sabay mano dito. "Magandang hapon din naman Annalise, bakit parang excited na excited ka at nasaan na pala ang kaibigan mo?" tanong nito nang mapansing hindi ko kasama si Carmela. "May kailangan daw po siyang daanan, at saka dumating na po kasi iyong magazine." nahihiya kong sagot dito at kita ko ang realization sa mga mata nito, kaya naman hinayaan na lang ako nitong dumiretso sa kuwarto namin ni Carmela. Maliit lang ang bahay ng mga ito na may dalawang palapag, may dalawang kuwarto ang naturang bahay at nasa second floor ang kuwarto namin ni Carmela. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit at agad na dumapa sa kama matapos kuhanin ang magazine, bandang pasado ala-sais nang dumating si Carmela at nang makita ang hawak ko ay agad umikot paitaas ang mga mata nito, pero hindi na din ito nagkomento pa. Nang matapos ako sa pagbabasa ay inaya na ako nito na kumain ng hapunan kasama ng pamilya nito, sakto naman na dumating na ang Daddy nito na si Tito Arnaldo. "Tita nakuha ko na nga po pala ang allowance ko kaya ito po pandagdag lang sa gastusin." ang sinabi ko dito sabay abot ng one thousand five hundred, ngunit bago ko pa man iyon maiabot dito ay agad naman akong pinigilan ni Carmela. "Ano ba naman Annalise, ayan ka na naman, hindi ba sinabi ko ng hindi mo kailangan magbigay ng kahit na magkano, nagkausap na kami nila Mommy at Daddy." naiinis nitong sinabi. Agad naman akong napailing sa sinabi nito. "Sige na Carmela alam mo naman na ayokong maging pabigat sa inyo." pakiusap ko dito at nang makita nitong hindi ko ibaba ang kamay ko ay agad nitong kinuha ang limang daan. "Sige na nga, pero ok na tong limang daan, for sure kukulangin na naman ang allowance mo, tandaan mo may mga bibilhin pa tayong mga gamit para sa project at kailangan mo din yan para sa pagpapa-photocopy ng kung ano-ano." sunod sunod nitong sinabi sa akin, matapos ang isang malalim na paghinga. Hindi na din ako tumanggi sa sinabi nito, lalo na at tama naman ang sinasabi nito, pero pinangako ko sa sarili ko na masusuklian ko din balang araw ang kabutihan nila sa akin.. Matapos kumain ay ako na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin, at matapos nga non ay nagsipilyo at naligo lang ako at dumiretso na sa kuwarto naming, kung saan abala sa panonood ng tv si Carmela. Sakto naman na na-feature si Treyton sa showbiz news program kaya naman agad umusog ito at agad akong tumabi dito. Nang matapos ang programa ay dumiretso na ako sa study table at sinimulan kong mag-review at sagutin ang mga assignments namin. Bandang alas nueve ng matapos ako at agad na akong humiga katabi nito. "Hays Treyton, kailan kaya kita makikita ng personal?" sa loob-loob ko dahil ni hindi man lang nagawi sa probinsya namin ang binata, tapos maliban pa doon ay masyadong mahal ang pumunta ng Manila kaya nga nagkakasya na lang ako na subaybayan ito sa mga movies nito or sa mga tv guesting. Nakatulog ako ng gabing iyon ng may ngiti sa mga labi at dahil iyon sa isang Treyton Ocampo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.4K
bc

OSCAR

read
226.7K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.1K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.6K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

SILENCE

read
381.2K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook