bc

Fantasizing The Billionaire

book_age16+
1.1K
FOLLOW
3.8K
READ
billionaire
fated
drama
bxg
female lead
city
office/work place
betrayal
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Tila binagsakan ng langit at lupa ang babaeng si Angelica na para bang katapusan na ng mundo, nang sa oras ng kasal niya ay nag-labor ang best friend niyang si Marielle.

They've been best of friends for how long that only time can tell, until Angelica met Quieno Blaier (Kino Blaire) Alfonso—ang lalaking ang akala niya ay pang-habambuhay na—ay siya pala ang magiging dahilan para masira ang matagal na nilang pagkakaibigan.

He courts her, and she gave him her sweet yes.

Ngunit hindi pala siya ang nakatadhana rito kung hindi ay ang best friend niyang si Marielle na siyang manganganak sa oras mismo ng kanilang kasal ng fiancé na si Quieno.

Sino ang mas matimbang? Si Angelica Sarmiento o Si Marielle Bersamin? Maikakasal pa ba sila ni Angelica o Masasakal ni Marielle si Quieno?

chap-preview
Free preview
FTB Prologue
"Do you take Angelica Sarmiento to be your wife?" tanong ng pari kay Quieno. Agad din naman itong sumagot sa pari nang walang pagdadalawang-isip man lang. "I do," firm na saad ng binata. "Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?" sabi pa ng pari sa binata. At muli ay sumagot ang binata ng 'I do' rito. Hindi mapigilan ni Angelica na maluha sa bawat sagot ng groom niya. Kung maaari lang na siya na ang sumagot para rito nang mapadali ang seremonya ay gagawin niya. Ngunit hindi maaari. Lumingon naman sa kanya ang pari upang siya naman ang tanungin. "Angelica Sarmiento, do you take Quieno Blaier Alfonso, to be your husband?" pinahid ng dalaga ang luha niya at saka lumingon kay Quieno. Pagkatapos ay tumango ito saka sumagot. "I do, Father." muli ay sumilip ang luha sa kanyang mga mata. Wala na siyang mahihiling pa. Pangarap niya ang maikasal sa lalaking ngayon ay kasama niya sa harap ng Altar upang makaisang dibdib. Pangarap niyang bumuo ng pamilya rito. Wala nang mas sasaya pa na makakasama niya ang lalaking dating binansagan na babaero. Ngunit ngayon ay nagbago na. Mayamaya ay tinawag siya nang pari. Hindi niya narinig ang sinabi nito dahil naglalayag ang kaniyang isipan. Tinatanong na pala siya ng pari ng ikalawang tanong. Ngunit kinailangan na ulitin nito ang tanong dahil sa hindi ito narinig ng dalaga. Muli ay nagsalita ang pari. "Angelica Sarmiento, do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?" hindi niya mawari kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Tila nais nitong kumawala sa kaniyang dibdib. Sasagot na sana siya nang biglang narinig niya ang isang malakas na tawag sa kanya na tila nanggagaling sa malayo. Nagpalinga-linga siya ngunit papalayo nang papalayo ang boses nito. At nang lingunin niya ang kinaroroonan ni Marielle Bersamin—ang best friend niya ay humahalakhak ito na parang demonyita. Matalim niya itong tinitigan ngunit biglang umagos ang luha niya sa kaniyang mga mata nang makita niyang naghahalikan sa kinauupuan nito ang best friend niya at ang groom niya na si Quieno. "Angel? Angel... Wake up! Angel!" yugyog ni Lyka---ang ina ni Angelica. Agad naman siyang nagising at napabangon sa kinahihigaan niya sa ikatlong tawag nito sa kanya. "Mom..." napuno ng hagulgol ang buong kuwarto ni Angelica. At doon niya lang napagtanto na nasa loob lang pala siya ng kanyang kuwarto. Ngunit tila sariwa pa ang mga pangyayari. Haplos naman siya ng kanyang ina sa kanyang likuran. "Until now, Hija?" tanong nito sa kanya. Hindi naman makapagsalita ang dalaga dahil sa sakit ng dibdib niya at sama ng loob. Tumango lamang siya rito. "I know that it's painful. And only you could explain how hurt you are... But... It's been a year since that happened..." sambit ni Lyka na lalong ikinalakas naman ng hagulgol ni Angel. Tunay na isang taon na ang nakalilipas nang manganak si Marielle. At isang taon na rin ang muntik nilang pagpapakasal ni Quieno. Muntik na ring mawalan ng ama si Blaier---ang anak ng best friend niya at ni Quieno. Ang ikinasasama lang ng loob niya ay kung bakit umabot pa sila sa kasalan ganoong ito naman pala ang ama ng ipinagbubuntis ni Marielle. "Mom, why?" hikbi pa rin ni Angelica. Isang taon na rin siyang binabagabag ng panaginip na iyon. Sabi nila kabaliktaran daw ang panaginip. Ngunit ayaw na niyang maniwala dahil sa nangyari. At sa tuwing napananaginipan niya ito ay tila nangyayari pa lamang. Parang totoong-totoo. "Please, Hija... Take an off to work and go on a vacation. Unwind and relax. And if possible, find someone..." awang awa na si Lyka rito. Sa tuwing nananaginip ito ay bumabaha ng luha. Kung hindi pa niya naraanan ang kuwarto nito ay hindi niya malalaman na nanaginip na naman ito. Kadalasan ay nakikita na lamang niyang namamaga ang mga mata nito ngunit hindi nito sinasabi na napanaginipan nito ang failed wedding nila ni Quieno. Hindi naman nagsalita si Angelica bagkus ay pinahid nito ang mga luha sa mga mata nito. Ganoon lang din naman iyon. Tuwing matatapos siya sa pag-iyak ay okay na ulit siya. May sariling business si Angelica. Siya ang may-ari ng Angel's Blossoms. Noon pa man ay pangarap na niyang magkaroon ng flower shop o isang boutique. Ngunit hindi lang siya binigyan ng flower shop ng parents niya. Kung hindi ay may flower farm din sila. Isa siyang employee sa isang sikat na firm noon. Ngunit nang mangyari ang lahat ay nag-resign siya sa trabaho at nagpakalayo-layo. Naisip ng parents niya na mag-business na lamang siya. Ngunit hindi niya akalain na mauuwi sa ganoon ang business niya. At dahil nag-boom naman ito ay pinanindigan na niya kahit pa laging dinadala siya ng business na iyon sa nakaraan. "Where are you going?" tanong ni Lyka nang tumayo si Angelica sa kinauupuan nito. "I'll go to work." sabi niya rito." nag-aalala naman ang kanyang Ina. Paano ay may nakasagutan itong client nang mag-cancel ito order sa kanya. Sila rin kasi ang nagsu-supply ng flowers sa mga weddings and events. At hindi basta-basta maaaring mag-cancel ng order dahil nanggagaling pa sa farm nila sa Tagaytay ang mga bulaklak nila. Mas masaklap ay lagi niyang naaalala ang failed wedding niya dahil sa trabaho niya. Ngunit wala naman siyang ibang gagawin kung iiwan niya ito nang matagal para lang magbakasyon o mag-unwind. "Are you sure, Hija? You can rest. I'll ask Beth to take over." sabi pa ng kanyang Ina. Si Beth ay ang assistant niya sa shop. Alam naman niyang kaya ito ni Beth pero wala naman siyang gagawin. Ayaw niyang mag-mukmok. Kung may ginagawa siya ay mas walang puwang ang isipin ang mga ito. "Yeah." pagkasabi nito ay kinuha ang towel sa closet ay saka nagtungo sa banyo para magshower. Wala sa isip niya ang rest. The more na wala siyang ginagawa, the more na naiisip niya ang nakaraan. And hindi niya gustong bigyan ng puwang sa isip niya ang lalaking sumira sa pangako nila sa isa’t isa. Ngunit kahit ayaw niyang maalala ito ay ipinaaalala pa rin ito ng panaginip niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook