bc

The Stranger Loves Me

book_age18+
924
FOLLOW
6.0K
READ
one-night stand
HE
badboy
mafia
drama
scary
loser
war
addiction
like
intro-logo
Blurb

Mafia Series #4

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" seryosong tanong ko sa kaniya. "Who are you?"

Umayos naman siya ng kaniyang tayo at inilabas ang kaniyang kamay na nasa kaniyang bulsa saka hinawi ang kaniyang buhok na humaharang sa kaniyang noo.

"Terrence," paos na sagot niya sa akin. "My name is Terrence Beau Miranda."

chap-preview
Free preview
The Stranger Loves Me
Disclaimer: This is a work of fiction. Any names, characters, events, businesses, songs, places, and ideas are the product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living, dead or events are purely coincident. I don't own the photo used on the book cover. It was generated by AI and I just added text according to my taste. All Rights Reserved ⓒ The Stranger Loves Me Fiona Anastasia Baretto "Bakit ka ba sumusunod sa akin?" naiiritang tanong ko. Kanina pa kasi siya sunod nang sunod sa akin tapos tingin nang tingin pero hindi ko naman maramdaman ang takot dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Mararamdaman mo naman kasing walang gagawing masama sa iyo ang tao kung maganda naman ang aura niya at iyon ang nararamdaman ko habang sumusunod siya sa akin pero hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan niya akong sundan at titigan nang hindi ko maipaliwanag na emosyon na mababasa sa kaniyang mga mata. Tinitigan ko siya pabalik pero parang ako lang ang matatalo sa aming dalawa dahil sa paraan ng kaniyang titig. Malalim kasi ito at parang hinahalukay niya ang aking utak sa tuwing tititigan niya ako. Hindi ko naman maipaliwanag ang pagkabog ng aking puso lalo na nang may bumulong na naman sa aking isipan. "Makikipagtitigan ka na lang ba sa kaniya?" Umigting ang aking mga mata lalo na nang marinig ko ang pamilyar na boses. Palagi siyang nanggugulo sa akin pero kahit na ganoon ay wala naman siyang ginagawang masama sa akin. "Kilala mo ba ito?" bulong ko sa aking isipan. Narinig ko naman ang mapag-asar na tawa niya dahil sa aking sinabi pero kahit na ganoon ay sinubukan ko pa ring magtaray sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito siya tumitig sa akin at punong-puno ng emosyon pero kahit na ganoon ay hindi ako nagpatalo habang nakikipag usap sa kaniya. "Actually hindi ko siya matandaan. Sa dami ng lalaking lumapit sa akin, tingin mo ba maaalala ko lahat?" Naikuyom ko ang aking kamao sa kaniyang sinabi. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat dahil wala akong maalala. Inilihis ko ang aking mga mata at sinubukang maglakad ulit dahil kailangan ko ng umuwi dahil may dinner pa ako kasama ng mga magulang ko pero paano ko iyon gagawin kung may nakasunod naman sa akin? Nakakainis man ay gusto ko pa ring magpunta para makatakas na ako sa lalaking ito pero paano ko iyon gagawin kung hindi naman niya ako tinitigilan? "Tasia," tawag niya sa aking pangalan kaya napahinto ako. Papunta na sana ako sa sasakyan ko dahil kailangan ko nang umuwi, eh. Ngunit bakit naman kailangang tawagin niya pa ako sa pangalan ko? Para saan? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Ang malala pa ay nickname ko pa. Lumingon ako sa aking likuran at doon ko nakita ang kaniyang ngisi. Hindi naman iyon nakakatakot pero parang nanuyo yata ang lalamunan ko lalo na nang matama ang aming mga mata. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" seryosong tanong ko sa kaniya. "Who are you?" Umayos naman siya ng kaniyang tayo at inilabas ang kaniyang kamay na nasa kaniyang bulsa saka hinawi ang kaniyang buhok na humaharang sa kaniyang noo. "Terrence," paos na sagot niya sa akin. "My name is Terrence Beau Miranda."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.5M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
463.2K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
497.7K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
602.0K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
464.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook