bc

Caught in the Middle

book_age16+
1.1K
FOLLOW
2.9K
READ
love-triangle
independent
brave
confident
drama
bxg
first love
friendship
love at the first sight
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

STORY STATUS: COMPLETED

Lahat na yata ng babaeng kasama nila Kiefer na nag-a-apply bilang future ROTC officer ay nakasundo at nakausap na ng binata-maliban lang kay Noreen. Palagi na lang siyang urong-sulong pagdating sa dalaga at maging ang kanyang pakikitungo rito. Lumipas pa ang mga buwan bago sila nagkapalagayan ng loob.

Pero may malaking problema ang dalawa, nahuhulog ang kanilang loob sa isa't isa kahit hindi puwede. Bukod sa ipinagbabawal sa ROTC ang ma-in love sa ka-buddy ay may girlfriend si Kiefer. Kahit hindi rin alam ng binata kung ano na ba ang estado nila ni Pauline dahil halos dalawang taon na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Walang text, call o kahit sulat siyang natatanggap mula rito.

Subalit hindi niya ginamit ang dahilan na iyon upang pagtaksilan ito. At batid din naman ni Noreen ang nangyayari sa relasyon ng dalawa pero hinayaan niyang itago na lang ang feelings para sa binata. Ayaw niyang makagulo at ayaw rin niyang makihati.

Makalipas ang tatlong taon ay muling nagpakita si Pauline na parang wala itong malaking kasalanan kay Kiefer. At ito na rin ang panahon na hinihintay ng binata upang pormal itong hiwalayan. Pero may malaking pasabog ang dalaga sa pagbabalik nito.

chap-preview
Free preview
SIMULA
Nagpipigil ng inis na muling tinignan ni Noreen ang oras sa suot na relo. Walong minuto makalipas ang alas nueve ang oras na nakasaad. Bagot siyang napabuntong-hininga. Nagbalak pa man din siya kaninang umaga na 7:30 AM siya tutungo sa unibersidad para maagang makapagpatala at upang maaga ring matapos. At laking pasalamat niya ngayon na hindi niya itinuloy ang unang balak. Dahil kung oo ay baka mas lalo lang siyang mabubuwisit sa tagal magbukas ng isang silid sa gusali ng College of Engineering and Architecture. Ayun nga lang, nakakainis pa rin talaga ang isang oras niyang pagtunganga habang naghihintay ng isang himala. Kanina nga ay may pagdadalawang-isip nang naganap sa kanya dahil nagdududa siya kung doon ba talaga sa building na iyon kukunin ang pre-registration form. Dahil hindi gaya ng ibang college building, walang kapila-pila roon. Napakatahimik. Sinubukan na rin niyang magtanong-tanong kanina sa pagbabaka-sakaling sa ibang building pala kukunin ang pre-reg form. Ngunit lahat ng napagtanungan niya ay roon talaga sa gusaling iyon siya itinuturo. Pigil pa rin ang inis na muli siyang napabuntong-hininga. Nababatid niyang hindi lang siya ang nakabusangot at inip na inip na dahil naririnig niya ang ilang badtrip na komento ng mga kagaya niyang incoming first year tungkol sa enrolment. Mabuti nga ang mga ito’y may kasama na puwedeng mapaglalabasan ng inis at hinaing samantalang siya ay wala. Galing sa pag-ismid ay napabalikwas siya mula sa pagkakaupo nang mapansin ang mga nagsisipulasang kabataan pasugod sa gusali. Noon niya napansin ang pagbukas at pagsara ng pinto ng isang silid sa baba ng CEA kasabay ng pagbubukas ng bintanang jalousie. Walang patumpik-tumpik na tinungo niya ang gusali at pilit nakipagsiksikan at tulukan upang mabilis na makakuha ng pre-reg. Pasikip nang pasikip ang sinusuong niya at naranasan pa niya ang masiko at matulak. Habang tumatagal din ay mas lalo pang dumami ang mga nakikipag-unahan para makakuha ng form. Magkakaroon pa yata ng stampede kung hindi kakalma ang mga kabataan na kanina pa inip. “Umayos po sana tayo ng pila para maiwasan ang pagkakasakitan,” anang lalaki na inilantad ng bumukas na pinto. Nakiusap pa ito pero hindi ito pinansin ng mga estudyante kahit man din siya. Wala nang mas mahalaga pa sa kanya ng mga sandaling iyon kundi ang makakuha ng form at tuluyang makasimula sa enrollment. Dahil batid niya na kahit sumunod siya rito ay wala namang magbabago, mas marami ang mga pasaway at nag-iisa lang siya. Napansin niyang napabuntong-hininga ang lalaki bago bigo na napilitan itong isara ulit ang pintuan at pumasok sa loob. Aabutin na sana ni Noreen ang form ng may isang kamay na hindi na hinintay na tuluyang mailabas sa siwang ng bukas na jalousie ang papel at agad na iyon hinablot. Salubong ang kilay na hinanap niya kung sino iyon pero kinalimutan na lang niya at mabilis ding inabot ang palabas pa lang na form bago pa siya maunahan ng iba. “Excuse me!” aniya habang pilit na hinahawi ang mga nakaharang sa dinaraanan niya. Nagbigay raan naman ang mga ito pero tila wala rin dahil sa mga nagtutulakan. “Paraanin n’yo nga kami kung gusto n’yo rin makakuha ng form!” Inis niyang sabi sa mga ito. “Walang mangyayari kung puro kayo tulakan. Tabi!” aniyang pinahaba ang huling salita. Bahagyang lumuwag na sumikip ulit. At sa inis ay pinagtutulak niya ang mga nakaharang sa daraanan niya. “Maldita!” “Akala mo kung sino!” “Makatulak eh!” Napaismid siya. Kahit ano pa ang sabihin ng mga ito sa kanya ay wala siyang paki, dahil totoo naman ang sinabi niya. Kung hindi sila pararaaning mga tapos na sa pagkuha ng form ay hindi rin agad ang mga ito makakakuha dahil mai-stuck na sila roon! Halos mayamukos ni Noreen ang hawak na papel dala ng gigil habang nagmamartsa pabalik sa shed na pinagtambayan kanina. At ng sa gayon din ay makasagap ng sariwang hangin. Nagsimula siyang i-fill out ang form habang dama pa rin ang inis sa nangyari habang ang isip ay puro komento ang ginagawa tungkol sa nangyayaring enrolment. Na sana sa susunod na enrolment ay maayos na at hindi ganito na kulang na lang ay magka-stampede. Pati na ang oras sana ay agahan din dahil madami ang nagpapa-enrol. At dahil wala sa tamang oras ay nagkakaroon tuloy ng sobrang siksikan na talaga namang nakakabanas. May narinig pa siya kanina na higher year na kumukuha na ng form. Isa pa iyon. Samantalang sabi sa kanila ay mga first year lang ang i-e-entertain sa buong linggong iyon. Pero may mga pasaway na hindi yata naintindihan ang ibig sabihin ng instruction. Damay mo na rin pati ang mga admin staff ng College of Engineering and Architecture. Tinatamad na napabuga siya ng hangin at hindi sinasadyang napasulyap sa magulong pila—na wala naman talagang pila bago wala sa sariling muling napaismid. Minaigi niyang sagutan na lang ang natitirang hinihinging impormasyon sa kanya. Tumayo na siya matapos ang ginawang pag-fill out sa form at walang pagdadalawang-isip na tinungo ulit ang kumpulan upang mapatatakan ang kanyang pre-reg. Habang sa isip ay patuloy pa rin ang pagbibigay ng kritisismo tungkol sa enrolment. Dapat din kasi ay hindi lang isang tao ang nag-di-distribute ng form. At hindi lang din iisang room ang ginagamit para hindi ganito na kailangan pa nilang makipagsiksikan, tulukan at sikuhan kung kani-kanino. At sana rin ay hiwalay ang silid na siya namang tatanggap ng tapos ng i-fill out na form para iwas gulo. Muli’y napaismid siya. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit siyang napairap sa araw na iyon. Matapos mapatatakan ang kanyang form ay mabilis namang tinungo niya ang step two. Ang University Medical and Dental Clinic. Nang matagpuan ang pakay ay gayon na lamang ang panlulumo niya nang makita ang napakahabang pila. Na sa sobrang haba ay umabot na iyon sa malawak na sentro ng unibersidad. At kung may daraang sasakyan ay kailangang tumabi. Nawawalan ng gana na tinungo niya ang dulo ng pila. Step two pa lang pero. . . Ayaw na muna niyang isipin ang mga susunod na step hangga’t maaari dahil talagang nawawalan siya ng gana. Napabuntong-hininga na lang siya at pilit na pinapalis sa isip ang papausbong muli na inis. Mayamaya ay natanaw niya ang isang may katandaang lalaki na lumabas sa clinic at may inanunsyo. At dahil malayo siya ay hindi niya narinig ang mga sinabi nito. Umugong ang ingay sa pila at napakunot-noo siya dahil clueless siya sa nangyayari. “Bakit?” Salitang bigla na lamang nanulas sa kanyang bibig habang maang na nakatingin sa klinika. Napalingon sa kanya ang babaeng nasa harapan niya. “Tigil daw muna saglit.” Napabaling siya rito. “Bakit daw?” Sa salubong na kilay ay tanong niya ulit. Inis na kumibit-balikat ito at dama niyang hindi naman iyon para sa kanya. “Aywan ko ba sa mga ‘yan! Kita na nga nilang ang haba-haba na ng pila at nadaragdagan pa tayo habang tumatagal ‘tapos ititigil pa! Ka-badtrip!” ‘Kanda busangot na tugon nito. Hindi na siya umimik. Maski naman din siya ay badtrip na rin. “Ano’ng pangalan mo?” biglang tanong nito at ngayon ay bahagya siyang hinarap. “Noreen.” “Noreen. . .?” “Vergel.” Inilahad nito ang kamay sa kanya, “Erika Serrano.” Nginitian niya ang babae bago tinanggap ang kamay nito. “Nice meeting you.” Sinuklian din naman siya nito ng ngiti. “Course?” Nakataas ang kilay na sunod na tanong nito. “Civil engineering.” “Wow. You like math, huh?” Ngumiti lang siya. “Ikaw?” “Accountancy.” Simpleng tugon nito. “You like numbers too?” Sinagot lang siya nito ng kibit-balikat at hagikgik. Inubos nila ang nakakainip na mga sandali sa paghuhuntahan habang nakapila. Nagtatawanan kapag may mga nababanggit na nakatatawang pangyayari. Pakiramdam ni Noreen ay matagal na sila nitong magkakilala dahil magaan ang loob niya sa babae. “Step three, finally!” Napaangat ng tingin si Noreen nang marinig ang boses ni Erika na noo'y kalalabas pa lang mula sa salaming pinto ng medical clinic. Kumuha kanina ng walong tao sa pila para makapagpatatak ng dental form, ma-check up ang mga ngipin at mag-fill out sa loob ng medical form at kung anu-ano pa habang maghihintay naman ng turn silang mga naiwan sa labas. At natigil ang bilang kanina kay Erika kaya siya ang nasa harapan ngayon ng pilang usad-pagong at naghihintay na sunod na papasukin sa klinika. “Sana naman ay hindi kasing haba at usad-pagong ang pila roon gaya rito!” Walang kagatol-gatol nitong parinig gamit ang malakas na tinig habang pababa sa isang baitan na hagdan. Umismid pa ito bago natagpuan ang mga mata ni Noreen. Tipid niyang nginitian ito habang ito naman ay malaki ang ngiti. “Hey!” Panimula nito, tinutukoy ay siya. “Follow me on friendster huh! Don’t forget! Follow rin kita mamaya!” Paalala nito sa kanilang napag-usapang dalawa kanina ng tanungin siya nito kung may friendster account ba siya. Nakangiting tumango siya rito. “Oo,” “Okay! See you when you see me!” Sabay kindat nito bago tumalikod kasama ng dalawang babaeng ipinakilala nito sa kanya kanina. Klasmeyt daw nito sa hayskul ang dalawa. Nagpasya na muna si Noreen na mag-recharge at tumungo sa kalapit na canteen ng klinika matapos niyang makalabas doon. Pakiwari niya ay naubos ang kanyang enerhiya sa katawan dahil sa pakikipagsiksikan at tulakan sa step one kanina at paghihintay naman na matapos niya ang step two. Malapit na rin mag-alas doce at dama na niya ang gutom, hilo, init at pagod. Kailangan na talaga niyang ipahinga saglit ang katawan at baka bumulagta na lang siya mamaya. “Hay, tinatamad na akong mag-enroll! Haba ng pila eh!” Kusang napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Mula sa kanang likod niya ay natagpuan niya ito kasama ang isang babae na mukhang rebonded ang mahabang buhok. “Ako rin,” tugon naman ng huli. Ipinagpatuloy ni Noreen ang pagkain ngunit hindi niya maiwasang hindi makinig sa usapan ng dalawa dahil napakalapit niya sa mga ito. “Ano na nga ba raw sa step three?” “NSTP, ‘Nget.” “Ano naman ‘yon at para saan?” “CWTS at ROTC daw ‘yon eh, sabi ni kuya.” “Kailangan ba ‘yan sa course natin? P’wedeng huwag na lang natin ‘yang i-enrol?” “Hoy, lokaret!” ani nito. “Hindi p’wedeng hindi mo i-apply 'yan ‘no! Requirements din daw ‘yan sa atin. At hindi ka makaka-graduate ng college kung hindi mo ‘yan i-e-enrol! Hindi mo man kunin ‘yang NSTP ngayon, kukunin mo pa rin ‘yan sa susunod at susunod na taon. Requirements nga ‘di ba? Duh!” Na-i-imagine ni Noreen ang pag-ikot ng mga mata ng babae sa kaibigan nito kahit hindi niya nakita ang mukha ng babae ng sabihin iyon. “Gano’n ba?” “Oo, ‘Nget.” Sagot nito. “At p’wede ba huwag kang mag-pout! Hindi naman bagay sa ‘yo! Mukhang p’wet ng manok ‘yang nguso mo!” Hindi alam ni Noreen kung ba’t siya natawa. Pero pigil ang nagawa niya at baka maeskandalo ang dalawa at maging ang kanilang mga kasama sa canteen kung makita siyang tumatawa ng mga ito, lalo na’t wala naman siyang kasama sa mesa niya. “B’wisit ka!” At narinig niya ang hampas sa lamesa. Nailayo siguro ng una ang braso nang makitang hahampasin ito ng kaibigan. “At saka kung ako sa ‘yo, mag-CWTS na lang tayo. Ang hirap kaya ng ROTC! Duh!” “Bakit ano ba ang ginagawa roon?” “Military training daw! Isipin mo ‘yon, military training?!” Alam niya ang tungkol sa ROTC dahil alumni ang kanyang ate ng nasambit na organisasyon. Dati ring provost marshal ng sarili nitong batch. Bukod pa roon, ipinaalam din ng kanilang high school MAPEH Head na siya ring tumatayong CAT commandant ang tungkol sa ROTC noong huling CAT meeting nila. Maliban sa reserved ito, training staff din pala ito ng nasabing organisasyon. “Dapat i-enrol mo?” “Bakit?” “Nang matadtad ‘yang taba mo, lumba-lumba ka na eh.” “Letse kang panget ka. Pasalamat ka bestfriend kita kung hindi pitpit ka sa ‘kin ngayon!” Narinig niyang humagikgik ang huli. Napangiti siya at mabilis na tinapos ang kinakain. “Hay tinatamad na talaga akong mag-enrol.” Mayamaya ay sabi ng babaeng may mahabang buhok. “Kaya nga! Napakahaba ng pila sa step four and five! Dios mio, Marimar! Akalain mo ‘yon, abot hanggang fourth floor! Gusto kong mahimatay! My gosh, fourth floor, ‘Nget!” Naghihisterikal nitong sabi. “Uh, hi? Excuse me?” biglang singit ni Noreen na agad nilapitan ang dalawa matapos kumain. Mabilis na bumaling sa kanya ang dalawa. “Ano ‘yon?” Tanong ng matabang kyut na babae. “Hmm. . . .alam n’yo ba kung saan ang step three?” Luminga sa labas ng bintana ang unang nagsalita ng magtanong siya dahil nakaharap ito roon at kapagdaka ay may itinuro. “’Kita mo ‘yong building na ‘yan?” Turo nito sa gusali ng Graduate School. “Uh-huh,” “Sa likod niyan may isang opisina, Miss. Doon ang NSTP.” “May pila ba roon?” “Wala gaano, Miss.” Wika ng may mahabang buhok, ‘yong mukhang rebonded. “Mabilis doon eh. Ilan kasi ang nag-aasikaso sabi ng mga kaibigan namin.” Tumango siyang nakangiti. “Sige, salamat.” “Okay and good luck sa pagkuha ng COR at sa cashier mamaya.” Nilingon niya ang huli ng paalis na siya at nakita niyang nakangiti ito sa kanya. Ngumiti rin siya pabalik. “Katamad,” pahabol nitong sabi at bumungisngis. Napatingin siya sa pila sa may admin building nang makalabas sa canteen. Noon niya napansin ang napakahabang pila at tama nga ang dalawa na nasa loob, mukhang nakakatamad. Umangat ang tingin niya pataas sa mga palapag ng gusali at hindi niya maiwasang mapangiwi. Ngunit ganoon pa man ay susubukan pa rin niyang pumila roon mamaya para kahit paano ay makakalahatian na niya ang enrolment. Mahaba pa naman ang oras at baka eksaherada lang ang dalawa tungkol sa step four and five. Nagsimula na niyang tinalunton ang daan patungong step three kung saan naroon daw ang NSTP. “Department of Military Science and Tactics.” Aniya ng mabasa iyon mula sa bandang itaas ng pader ng opisina. May sumilay na ngiti sa kanyang mga labi nang makita ang advertisement na nakadikit sa blackboard sa labas ng opisina ng ROTC. Sa mga larawang nakapaskil din doon ay makikita ang mga pagdaraanang training ng mga sasabak sa ROTC gayon din sa mga kawanggawa ng unit. Noong una ay wala naman talaga siyang interes sa naturang organisasyon dahil ang kanyang unang pangarap ay ang makapasok sa military school. Pero gusto rin niya maging isang civil engineer balang-araw. At dahil hindi siya makapili sa dalawa ay napagpasyahan na lang niya na mag-take ng civil engineering habang i-a-apply naman niya ang ROTC. Nang sa gayon ay para na rin niyang naranasan ang training ng isang army. Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Tinungo na niya ang daan papasok sa DMST office para makapagpatala roon. Dito. Dito niya ipagpapatuloy ang isa sa kanyang mga pangarap.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.8K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K
bc

The Ex-wife

read
210.8K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.0K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook