bc

THE SECRET WIFE'S TEMPTATION

book_age16+
5.1K
FOLLOW
15.1K
READ
revenge
second chance
dominant
manipulative
badgirl
powerful
dare to love and hate
twisted
heavy
rejected
like
intro-logo
Blurb

Reverie de Gracia has all what it takes to be a perfect bachelorette, a tough woman and so admirable. Tinitingala ng mga kababaihan at hinahangaan ng mga kalalakihan. Ani nga ng karamihan na siya raw ay ipinanganak na perpekto at may ginintuang kutsara sa bibig. Her life is so full of blessings. She has a perfect family, a very loving parents, a strict but caring brother and of course an intact relationship with her long time boyfriend who adores her so much na kulang na lang ay sambahin pati lupang dadaanan niya.

Ganoon kalugod ng tadhana sa kanya kaso sa labis na galak ng tadhana ay nagawa rin nitong paglaruan ang kapalaran niya. Larong magdudulot ng malaking pagbabago sa buhay niya.

Her boyfriend, Nigel proposed her a marriage and then married another woman the next morning.

Gumuho ang mundo niya sa kaganapang iyon. Gawa ng galit ay pinaranas niya rin sa taong may kagagawan ng lahat kung gaano kasaklap ang naging buhay niya dahil sa kapangahasang ginawa nito sa kanila ng kanyang kasintahan.

To get even with that cruel man, she kidnapped him and forced him to get married to her legally and left him after her impromptu act. Her original plan was to slowly destroys his life ngunit ang hindi niya napaghandaan ay may taglay din pa lang kahenyohan ang taong pinakasalan niya. Cause what she didn't know is her husband is engaged to another woman. A woman who she doesn't want to be hurt by her.

And now the Secret Wife's Temptation is to make things right for the sake of everyone even though her heart is already bewitched with the man who happens to be her legal husband but in love with another woman.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER ONE “TI STAI divertendo, Italia?” (Are you having fun, Italy?) Boses kaagad ni Nigel ang pumailanlang sa magarbong outdoor theatre ng Parco della Musica na isa sa pinakamalaking concert hall sa Rome sa bansang Italy. Ang malaking event na iyon ay ang final revolution ng concert tour ng pinakasikat na bandang SoulDragon na kinabibilangan ng long time boyfriend ni Reverie na si Nigel Lasorda. Si Nigel ang tumatayong bokalista ng banda na halos limang taon nang nagniningning sa industriya ng musika, internationally. Unang lumabas ang banda sa bansang Canada dahil doon sila nabuo at taga-roon ang tatlong miyembro nito. Si Nigel lang ang purong Pilipino na kabilang sa nasabing banda habang ang isa’y half-Filipino at half-Italian. “Crap!” Malutong na mura ng kaibigan ni Reverie habang hinahatak niya ito sa kung saan sila makakahanap ng masisiksikan. “Stop being a baby there, Elfie and get your ass over here!” Asik ni Reverie sa matalik na kaibigan na kinaladkad lang niya papunta sa concert. Walang kaide-ideya si Nigel na naroon ngayon sa concert si Reverie. Hindi naman talaga makakapunta sa nasabing concert si Reverie dahil tambak ang mga project niya sa school ngunit nang malaman niyang ito na pala ang huling concert ng SoulDragon ay kaagad siyang nag-book ng flight papuntang Rome mula sa Paris kung saan siya nag-aaral ng Geography. Plano pala ng banda ang mag-disband sa kadahilanang nais daw ng mga ito na mag-focus na lamang sa kanilang pag-aaral at ang iba’y sa family business. Ang buong akala ni Reverie ay tsismis lang iyon dahil wala rin namang nabanggit si Nigel sa kanya na bubuwagin na pala ng mga ito ang itinayong banda. Nanghihinayang siya dahil ngayon pa mabubuwag ang naturang banda kung kailan sikat na sila. “s**t!” Panay mura ni Reverie habang nakipagsiksikan siya sa libu-libong fans ng SoulDragon na naroon sa outdoor theatre. Sanay na sanay na si Reverie sa nakakabasag eardrum na hiyawan ng mga fans sa tuwing tumutugtog ang SoulDragon. “Sana hindi mo na lang ako isinama rito, Reeve. Useless lang naman kahit magpakamatay pa 'ko rito makasalo lang ng golden condom mula sa mga member ng SD. E hindi naman sila pumapatol sa Diyosang may lawit.” Her friend Elfie uttered hopelessly. Sa wakas ay nakakuha rin sila ng akmang puwesto upang masilayan ng malapitan ang SoulDragon. Awtomatikong dumiretso ang mga mata ni Reverie sa kasintahan na masayang nakikipag-interact sa libu-libo nilang manonood. Para na namang nasa karera ang puso niya habang maiging nakatitig sa nobyo niya. Kahit naliligo ito sa sariling pawis ay hindi pa rin nababawasan ang kaguwapuhan nito sa paningin niya. Actually lahat naman ng miyembro ng SoulDragon ay talagang nagmumura sa kaguwapuhan ang mga hitsura. Talagang nakatulong ang pisikal na kaanyuan ng mga ito upang madaling maakyat ang tuktok ng kasikatan. Ang sabi ng madla ay ang vengeance drummer daw ang talagang tinitilian ng mga fans ng SoulDragon. Matindi ang impact nito sa mga tao at sinasabi ng marami na ito raw ang main carrier ng banda dahil bukod sa pagiging drummer ay kilabot din itong umatake sa mikropono. Kaso mainit ang dugo ni Reverie sa taong iyon dahil palagi itong pasimuno sa mga kabulastugan. Tanyag din itong manwhore at ito lang naman ang pasimuno ng golden condoms na iyon. Ito iyong itinatapon ng mga miyembro ng banda tuwing nasa last song na sila ng kanilang concert at ang suwerteng babaeng makakasalo niyon ay bibigyan ng pribilihiyong masolo ang miyembrong may-ari ng makukuha nilang golden condom. And of course, they have all the rights to sabotage the band members’ male testosterone for a whole night. “Golden condom again? Damn! I'm truly cursing that awful thing.” Nag-init ang dugo ni Reverie nang inilabas na ng mga miyembro ng banda ang tag-iisang golden condom na ipapasalo nila sa mga manonood. At siyempre hindi excepted doon si Nigel kahit pa may nobya na ito. Hindi naman kasi iyon rason upang hindi siya makipagsabayan sa trip ng kanilang banda dahil magiging issue iyon na talagang iniiwasang mangyari ng SoulDragon. “I've heard na ito na raw ang pinaka-dabest na pamimigay ng golden condom, girl. All out ratratan na raw kasi ang sensual privilege na ibibigay ng SoulDragon sa makakasalo ng golden condom kasi confirmed na talaga ang tsismis na mag-di-disband na sila. Kumbaga, ito na ang huli nilang tirada.” Pasigaw na sabi ni Elfie kay Reverie na lalong nagpaapoy sa ulo niya. Huling tirada pala ha! ♬In the middle of the night That's when you caught my eyes.♬ Halos magiba na ang establisyemento ng Parco della Musica dahil sa matinding hiyawan ng mga manonood nang pumailanlang na ang pinakahuling kanta na tutugtugin ng banda. Si Elfie na kanina ay labag sa kalooban ang pagpunta sa concert ngayon ay nangunguna nang sumigaw. Iwinagayway pa nito sa ire ang suot niyang shawl habang isinisigaw ang pangalan ng vengeance drummer ng SoulDragon— si Zurick Rhames de Souza na mas kilala bilang Rhames ng kanilang mga tagahanga. ♬I chased you round in memories Through the breeze and trees and you tease me But heay,♬ Habang nagpapakabaliw ang madla sa tugtog ng SoulDragon ay inilabas na lamang ni Reverie ang kanyang cellphone na ivinedeo record ang pagtugtog ng banda. Nakafocus ang cellphone niya sa bokalista na siyempre ang tanging sadya niya sa concert. Kahit papaano ay nais niyang masaksihan ang huling pag-perform ni Nigel sa entablado. She loves Nigel so much pero hindi naman malapit sa loob niya ang profession nito bilang isang bokalista. Pero nagkakaintinidihan naman sila sa aspetong iyon dahil tanggap at nirerespeto nila ang pagkakaiba nilang dalawa. ♬It is such a waste to bring me down, down, down Don't bring me down cause..♬ Lalong tinakasan ng bait ang mga manonood nang saluhin ni Rhames ang chorus ng kanta habang inaatake pa rin ang drums. ♬Hey girl, I wanna catch your wave Hey girl, I wanna drift away with you Hey girl, you've got an undertow Hey girl, hey girl, don't wanna let you go.♬ Nakatutok lamang ang tingin ni Reverie sa screen ng kanyang cellphone imbes na sa stage ngunit biglang nahigit niya ang kanyang hininga nang mawari niyang nakatingin sa gawi niya si Rhames. Tila tumigil ang pagtibok ng puso niya at parang namanhid ang kamay niya nang umangat ang tingin niya sa entablado at nakumpermang nakatitig nga ito sa kaniya. Nakangisi. Maging ang hugis-almendras nitong mga mata ay tila nakangisi rin sa gawi niya. Buhay na buhay ang Clementine na kulay ng mga iyon. Kilala na siya ng bawat miyembro ng SoulDragon dahil ilang beses na rin siyang isinama ni Nigel sa mga gig ng mga ito dati. Pero si Rhames ang talagang natatanging miyembro ng banda na hindi niya magawang kausapin kahit in a civilized way. No way! Nang makahuma si Reverie sa atensyong natanggap mula kay Rhames ay inirapan niya ito dahilan upang mapangisi ito ng todo. “Fvcker!” She hissed under her abnormal breathings. Inalis na lamang niya ang tingin kay Rhames na hindi niya rin alam kung bakit napapatingin din siya sa naturang binata. Muli ay itinuon niya ang kanyang cellphone kay Nigel na turn na namang kumanta. Salitan sila ni Rhames. “Well every princess has her knight And I'm still in it for the fight Not givin' in, I'm gonna win, win, win...♬ “Be ready for these, people.” Magkapanabay na sigaw ng bawat miyembro ng SoulDragon. Nang inatake na naman ni Rhames ang chorus ng kanta ay naging hudyat na iyon ng pagsaboy nila ng tag-iisa nilang golden condoms dahilan upang tuluyan nang masiraan ng bait ang madla. Ngunit tila naging instant deaf si Reverie nang masaksihan niya ang pag-slow motion ng inihagis na condom ni Rhames papunta sa kanya. Hindi niya alam kung paanong nasalo ng kamay niya ang golden condom ni Rhames. Sa puntong iyon ay parang tumigil ang mundo niya habang ang SoulDragon naman ay parang napatanga lahat nang makita siyang sinalo ang golden condom galing kay Rhames. Reverie’s face heated up as she caught Rhames threw a devilish smirk at her direction. Parang huminto ang pintig ng puso niya nang sandaling magtama ang kanilang mga mata ni Nigel. Hindi niya mabasa ang emosyon sa mukha nito. Nigel’s face turned firm. Kinabahan siya ng sobra. “Hail the queen. May Nigel na, may Rhames' golden condom pa. Mabuhay ka, binibini.” Patalun-talon siyang hinirang ni Elfie na parang nanalo siya sa Miss World habang bakas naman sa mukha ng karamihan ang pagkainggit. Ang buong akala ni Reverie ay doon na matatapos ang concert ng SoulDragon ngunit nagkamali siya dahil mula sa entablado ay bumaba si Nigel habang hindi inaalis mula sa kanya ang mga mata nito. Nabalot na naman ng hiyawan ang buong theatre nang inimbitahan siya ni Nigel sa taas ng stage. “Kneeled it, dude!” Cheer ng bassist na si Al Cris at guitarist ng SoulDragon na si Blu. “Babe...” Halos mamatay na ang boses ni Reverie sa ilalim ng kanyang lalamunan nang iabot sa kanya ni Nigel ang golden condom na pag-aari nito. Nanlaki ang kanyang mga mata at parang ibig niyang sapukin si Nigel kahit pa nasa entablado sila. Mumurahin na sana niya ang kasintahan nang magsalita ito. “Open it first before you hit me, brute.” Natatawang sabi ni Nigel sa microphone na talagang sinadya nitong iparinig sa lahat ng audience. Nabitawan niya ang golden condom na nasalo niya mula kay Rhames upang abutin ang golden condom ni Nigel. Nanggilid ang luha sa kanyang mga mata nang makita niya ang laman niyon. Siyempre condom ang laman subalit hindi lang iyon ang laman ng foil. May isang engagement ring din doon. Nangatal ang kalamnan ni Reverie. Lumuhod sa harapan niya si Nigel at isinuot muna ang singsing sa kanya bago pa man ito nagtanong na para bang sigurado na ito na hindi siya tatanggi. “I can't see my future without you as my wife, Reverie de Gracia. So please do allow me to be your future husband and be the father of your children. Let's get married, babe.” Napaiyak si Reverie ngunit tumango rin kalaunan. “Yes, babe. After graduation.” “After graduation then.” Nigel said as he withdrew himself from kneeling to claim the lips of Reverie. “I love you, babe.” “My heart is saying the same thing, too, babe.” At noon pa man sigurado si Reverie sa bagay na iyon. Wala siyang ibang makitang lalaki na makakasama niya habambuhay maliban lamang kay Nigel. Ganoon niya ito kamahal at hindi siya magdadalawang-isip na maging asawa nito. PAGKATAPOS ng concert ay isinama si Reverie ni Nigel sa music hub ng hotel kung saan naka-check in ang SoulDragon. Nirentahan ng manager ng banda ang buong music hub para sa kanila. Pagkatapos kasi ng gabing iyon ay magkakawatak-watak na sila pero ipinangako naman ng bawat miyembro na itatayong muli nila ang banda kapag gustuhin nila. Naging mailap si Reverie kay Rhames habang nasa music hub sila at nagpapakalunod sa alak. Kasama na rin nila ang tatlo pang babae na masuwerteng nakasalo ng iba pang golden condom. Ang siste ay si Rhames tuloy ang nawalan ng kapareha. “I'll gonna take this call from Regina.” Malamig na paalam ni Rhames sa mga kaibigan. Everyone just shrugged except for Nigel na parang biglang naging tensyonado sa tabi ni Reverie. Napuna niya kaagad ang reaksyon ng kanyang fiance. “Are you alright, babe?” Malambing na usisa ni Reverie kay Nigel. Umakto itong maayos. “Uh.. yeah, of course I do. Rum?” Alok nito sa kanya. “Yes, please.” She answered. Halos isang oras nang hindi nakakabalik sa music hub si Rhames kaya nama'y hindi na mapigilang mapaisip ng ilan pa nilang kasamahan sa banda. “I guess Rhames' sister is in a deep trouble now.” Haka-haka ng isa pang guitarist ng SoulDragon na si Randall. Sister? Trouble? Hindi na masyadong pinansin ni Reverie ang usapan ng mga kaibigan ni Nigel. She was just distracting herself with her rum and just stopping herself to smash those people who are making out in front of them. Al Cris and his object of sensual pleasure. Laking ibang bansa si Reverie at medyo naa-adopt na rin niya ang pagiging liberated pero hindi pa siya umabot sa puntong makipag-make out sa publiko o sa harap ng ibang tao. Like duh! “I've heard from Zula that Regina haven't been herself these past few weeks. She's been untouchable and and it's making Rhames worried.” Dagdag pa ni Blu. Umapaw ang pagtataka sa sistema ni Reverie nang mapuna ang pamumutla ni Nigel. Itatanong na sana niya kung may problema ba ito ngunit nauna na itong magpaalam na pupunta sa washroom. Makalipas ang sampung minuto na hindi pa bumabalik si Nigel ay napagdesisyunan na ni Reverie na sundan ito. Ngunit hindi si Nigel ang naabutan niya sa washroom kung hindi si Rhames. Iba-iba ang dumaang emosyon sa mga mata nito nang magtama ang kanilang paningin. Pero isang emosyon ang nangingibabaw sa anyo nito. Galit. Akmang tatalikuran na niya ito nang higitin nito ang braso niya. Nangatal ang katawan ni Reverie at biglang may kakaibang tilamsik ng hindi mawaring bagay ang dumaloy sa katawan niya dahil sa hawak ni Rhames sa braso niya. “I'm just wondering how you'll gonna bring back yourself if you will get broken, dolce signora.” Nanuot sa kaibuturan ni Reverie ang baritonong boses ni Rhames. Hindi siya makahuma sa sinabi nito. Broken? Ano'ng pinagsasabi ng hudlom na 'to? “I'm gonna hand this back to you in case you'll gonna need me, dolce signora.” Pumihit ito at ipinadausdos sa bulsa sa likod ng pantalon niya ang isang bagay. Rhames' golden condom. “You're a dīck. Lumayo ka nga sa akin. Bwisit!” Asik niya dahil parang nababastusan siya sa ginawa nito. Sinadya yata nitong mahipo ang kanyang pang-upo. “Can you do me a favor, Roman asshole? Just be a fvcker around everyone else but please, be an invisible in front of me. Dæmn you!” She spat out. “Feisty, dolce signora. I won't regret for telling this but once you caught Rhames' golden condom, you have no way to get away with Rhames' consequences. You're the catcher and it only means that you're gonna welcome me in between your thighs whether you like it or... well, you'll like it for sure, dolce signora.” No way!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook