bc

Heartbreaker's Captive

book_age18+
37
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

"I hate you", she yelled at his face.

"Oh dear, hate me more because I will never ever let you go again this time." He said as he pulled her closer and passionately claimed her lips.

The heartbroken was held captive by a renowned heartbreaker.

chap-preview
Free preview
Chapter I
Warning⚠️ The story is raw. It contains typos, grammatical error, wrong spelling, redundant phrases and some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk. ******** Lakad takbo ang ginawa ni Jackie habang hilam ang mga mata sa luha. Gusto niyang lumayo at takasan ang katotohanang kanyang nasaksihan kani-kanina lamang na ikinawasak ng kanyang puso. Hindi niya alam kung saan patungo ang kanyang tinatahak na daan basta't ang alam niya ay gusto niyang lumayo. Lumayo sa lugar na kung saan ang dalawang salawan niyang boyfriend at bestfriend ay nagpakasasa sa kaligayahan sa loob mismo ng kwarto ng nobyo niya. Gusto niyang lumayo hanggat kaya niya at baka mapatay pa niya ang dalawa. Ang dalawang mahal niya. Pinagkatiwaan niya ngunit mga traydor pala. Ginawa siyang tanga. Sobrang sakit ng ginawa ng mga ito. Hindi na niya napigilan ang mga mga luhang nag-uunahan sa pagtulo sa kanyang pisngi na halos ikinapanlabo ng kanyang paningin sa daan ngunit hindi parin siya tumigil sa pagtakbo habang umiiyak. Nang mapagod sa kakatakbo ay tumigil siya at napaupo sa may bangketa saka napahagulhol ng iyak. Medyo may kadiliman ang lugar na iyon kaya sigurado walang makakita sa kanya kahit pa magpagulong-gulong siya sa kakaiyak. Biglang naputol ang pag-iyak niya ng may biglang sumulpot na lalaking mukhang lasing sa harap niya. Napatingala siya at nakita ang nakangising lasing na lalaki. "Oy miss, may prowb-le-ma ka ba? Bahket ka umiiyak?" Tanong ng lasing sa kanya na akmang hahawakan siya sa balikat. Kahit pagod at mabigat ang pakiramdam at hilam ang mga mata sa luha ay pinilit ni Jackie na tumayo at iwasan ang lasing na lalaki at tumakbo ng mabilis palayo rito. "H-hoyy, sha-an ka pupunta misss? Hoyy" tawag pa ng lalaki sa kanya. Kumaripas siya ng takbo at lumiko sa may kanto upang hindi na siya nito makita. Diritso siyang tumawid sa kabilang kalsada sa pag-aakalang wala namang sasakyang paparating. Nang halos mabingi siya sa lakas ng busina at nasilaw sa sinag ng ilaw mula sa headlight ng sasakyang papalapit sa kanya. Sa pinaghalong takot at pagkabigla ay hindi niya tuloy maigalaw ang kanyang mga paa para iwasan ang sasakyan. Para siyang estatuwang tumayo sa gitna ng daan habang hinihintay na mabonggo siya nito. Sa bilis ng takbo ng sasakyan ay imposibleng mapiligilan pa ng drayber ang takbo nito. Bang, sa isip ni Jackie ng maramdaman ang pagdikit ng dulo ng sasakyan sa kanyang katawan kasabay niyon ang dahan-dahang pagdilim ng kanyang paningin hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay at natumba sa kalsada. Shit! Napamura si Alexander at nahampas ang manibela. Luminga-linga muna siya sa paligid at ng masigurong walang ibang tao sa lugar na iyon ay agad siyang bumaba para matulungan ang taong kanyang nasagasaan. Oo kailangan niyang masiguro na hindi budol-budol gang ang nagkukunwaring nasagasaan niya dahil alam niyang laganap sa lugar na iyon ang nasabing mga kalakaran makapamera lang sa mga dumadaang sasakyan lalo pa't dis-oras na ng gabi. Agad siyang bumaba at dinaluhan ang babae. Nakita niya itong nakahandusay sa harapan ng sasakyan at walang malay. Hindi siya sigurado kung talaga bang napuruhan niya ang babae. Sinuri niya ang kawatan ngunit wala ni isang dugo o sugat ang babae. Napapatitig siya sa mukha walang malay na babae. Makikita sa anyo nito ang pait o sakit na pinagdaanan nito hindi siya sigurado pero iyon ang nakarehestro sa maganda nitong mukha. Nilingon niya ang sasakyan at kinakwula ang layo ng babae sa sasakyan. Napahinto niya ang sasakyan sa tamang layo kaya ngayon kumbisido na siyang hindi niya nasagasaan ang babae. "Miss, wake up. Hey wake up." Gising niya rito ngunit hindi ito nagising. It's either nahimatay ito o nagkukunwaring nahimatay. Napatitig na naman siya sa mukha nito pababa sa kanyang mga labi. Biglang may parang malakas na pwersa na nagtulak sa kanya na dampian ng halik ang mga labing iyon. Napailing nalang siya sa naisip. It's not so like him to steal a kiss to an unconscious woman. Kinarga niya ang babae at isinakay sa sasakyan. Hindi niya alam kung saan dadalhin ang babae pero bahala na. Hinawakan niya ang pulso at normal naman ang pintig nito. Kinuha niya sa bulsa at tinawagan ang kaibigang si Marlon. Sinagot naman agad ang tawag niya sa kabila. "I need your help. See you in pent house right now." "What? How important is it na hindi mo pwede sabihin ngayon at kailangan mo pa akong papuntahin sa bahay mo sa dis-oras nga gabi?" Tanong si Marlon. "I am with an unconscious woman. You are a doctor so you must check her." Diritsang sagot ni Alex sa kaibigan. "At sa bahay mo? Bakit hindi mo siya dalhin sa pinakamalapit na hospital?" Takang tanong ng kaibigan. Iwan pero hindi rin niya alam kung bakit gusto niya itong dalhin sa bahay niya. Pwede namang sa hospital niya ito dalhin. Iwan. Siguro curious lang siya o ano, ay hindi niya masagot. "Basta. Just go to the house now. Pauwi na ako." Napabuntong hininga nalang ang nasa kabilang linya. "Okay, see you there. Bye." "Bye" Paalam nila saka pinatay ang tawag. Nilingon niya ang babaeng iwan niya kung wala paring malay o nakatulog na. Pinasibad niya ang sasakyan pauwi. Pagkarating niya sa bahay ay agad siyang bumaba at kinarga ang babae papasok ng bahay. Inihiga niya ito sa kama sa loob ng guestroom. Nakarinig siya ng pagparada ng sasakyan sa labas. Si Marlon ang dumating at nagmamadaling pumasok ng bahay. Diritso ito sa kwarto at agad na tsinek ang kalagayan ng babae. "What happened to her? Bakit siya nahimatay?" Curious na tanong ni Marlon sa kanya. "I almost killed her. I almost run over her." "What?" "I don't know. May problema yata ang babaeng iyan at gusto yatang magpakamatay." Paglatuloy niya habang tinitigan ang babaeng tulog parin. "She's in good condition now. Nakatulog na siya. Normal ang lahat sa kanya kaya siguradong nakatulog lang siya." Panigurado ni Marlon. "Okay, so what's you plan now?" Tanong pa ng kaibigan. "Now let's talk about Mandy." Aya ni Alexander kay Marlon papunta sa mini bar niya sa bahay. Sumunod naman ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.6K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook