bc

Of Hugot, Memories, At Marami Pang Iba

book_age0+
571
FOLLOW
3.4K
READ
opposites attract
arrogant
CEO
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Paano mag-move on kung hindi naman naging kayo?

Tanong iyon ni Champagne sa sarili pagkatapos i-give up ang ten years of unrequited love para sa best friend na si Kingston. Ngayong ikakasal na ang binata, lalayas na siya sa malungkot na mundo ng mga na-friend zone at maghahanap ng ibang lalaking mas deserving sa kanyang pagmamahal.

The problem was, she did not want someone else. She wanted someone exactly like Kingston. Kaya gumawa siya ng ad kung saan maghahanap siya ng lalaking puwedeng pumalit sa puwesto ni Kingston na personification ng salitang 'Mr. Perfect.'

Enter James Grande, the annoying 'applicant' who resembled Kingston in so many ways. Guwapo rin ito at successful, pero may kulang.

So, she did what she thought was the best solution: teach James how to act, dress, and speak like Kingston. Siyempre, hindi masaya si James na maging carbon copy ng ibang lalaki. Mali raw iyon.

"Paano ba ang tamang proseso ng pagmo-move on?" desperadong tanong ni Champagne.

"Puwede kitang tulungan," alok ni James.

Ilabas na ang pen at notepad. Magsisimula na ang lesson sa #MovingOn.

chap-preview
Free preview
Chapter One
"PAANO ka syosyotain ng best friend mo kung nakukuha na niya sa 'yo ang benefits ng isang girlfriend, minus the commitment and s*x?" Natigilan si Champagne sa ginagawang paghahanap ng flash drive sa drawer dahil sa sinabi ng roommate na si Penelope. Kunot-noong nilingon niya ang kaibigan na nakadapa sa sahig na parang nagpa-planking. "Huh?" Iminuwestra siya ni Penelope. "Kapag may naiiwan siyang gamit, ikaw ang naghahanap at nagdadala sa kanya n'on. Kapag kailangan niya ng ka-date sa mga party na pinupuntahan niya, ikaw ang isinasama niya para may pang-front siya sa mga kaibigan o ex-girlfriends niya na gusto niyang itaboy. Kapag may bibilhin siya sa mall, kahit isang araw lang ang nag-iisa mong rest day sa trabaho, hahatakin ka pa rin niya para lang hingin ang opinyon mo sa kung anong kulay ng briefs ang bibilhin niya." "Boxer briefs ang ginagamit ni Kingston, hindi briefs," pagtatama ni Champagne, saka bumalik sa pagkakalkal sa drawer. "Saka ang tawag sa ginagawa ko, friend duties." "May mas magandang term d'yan—pagpapakatanga." Natawa naman si Champagne, sanay na sa pagiging prangka ni Penelope. "Paano naman naging pagpapakatanga ang pagtulong sa kaibigan ko kapag kailangan niya 'ko?" "Kapag may halong expectations ang tinatawag mong 'friend duties,' pagpapakatanga na ang tawag do'n," pumapalatak na sagot ni Penelope. "Champagne Morales, sabihin mo nga sa 'kin. Naaalala ka ba ng best friend mo kapag lumalandi siya? Hindi, 'di ba? Tuwing masaya siya sa kandungan ng kung sinumang celebrity o model na idine-date niya, lungkut-lungkutan ka naman sa sulok. Kasi nasasaktan kang makita siyang may kasamang ibang babae habang ikaw, ni abs ni Nick Bateman ay hindi mo ma-appreciate dahil wala kang ibang nakikita kundi 'yang Kingston Montereal na 'yan." Napangiti si Champagne nang makita ang hinahanap niyang flash drive. Noong nakaraang linggo kasi ay may kinopyang movies si Kingston sa laptop niya. Naiwan nito ang flash drive sa kanya, at kanina ay tumawag ang binata at sinabing kailangan nito iyon ngayon. Hinarap ni Champagne si Penelope na nakatihaya na ngayon sa sahig habang nakatingala sa kisame. "Ano ba'ng issue mo sa friendship namin ni Kingston? Masaya naman ako na maging kaibigan niya, ha?" "Ten years, Champagne. Ten years na ang sinasayang mo sa buhay mo sa pagiging best friend ng lalaking bulag na 'yon!" "Bakit naman sayang agad? Wala pa naman ako sa finish line." Kunot-noong tumingala sa kanya si Penelope. "Bakit? Ano ba ang finish line?" "Ang maging wife niya." Binigyan siya ng kakaibang tingin ni Penelope. Pagkatapos ay bigla itong natawa. "Seryoso?" Ngumiti si Champagne na puno ng kumpiyansa. "Pen, ten years na kaming magkaibigan ni Kingston. Ako 'yong taong mas kilala siya kaysa sa pagkakakilala niya sa sarili niya. At alam ni Kingston 'yon. Kapag napagod na siya sa pakikipag-date sa kung sinu-sinong artista o model o socialite, sa 'kin din siya babagsak. Kasi alam niyang ako 'yong pinaka-perfect na makasama niya forever. Even his family loves me." Natawa si Penelope, halatang hindi naniniwala sa mga sinasabi niya. Imbes na mainsulto ay ngumiti lang si Champagne dahil sanay na siya sa pagiging pessimist ng kaibigan. "Hey, don't laugh! I'm serious! Ang totoo nga niyan, may savings account ako na nakalaan para sa pagpapagawa ko ng dream wedding gown ko. Para sa kasal namin ni Kingston. Magiging kami rin someday." Sa pagkakataong iyon ay napahawak na sa tiyan si Penelope habang wala pa ring patid sa pagtawa. "Sinasabi ko na nga ba, eh. Imposibleng hindi ka mabaliw pagkatapos mong ma-friend zone sa loob ng ten years." Ipinaikot lang ni Champagne ang mga mata, saka marahang sinipa ang mga binti ni Penelope na nakaharang sa dadaanan niya. "Bumili na 'ko ng dinner... bale, breakfast pala para sa 'yo. Bumangon ka na d'yan at baka ma-late ka pa sa work mo," bilin niya sa kaibigan na isang call center agent kaya ang gabi ay umaga para dito. "Hindi na kita masasabayang kumain dahil hinihintay na ni Kingston 'tong flash drive niya. Baka kailangan niya sa work." "Champagne, alam mo ba kung ano ang mas malala sa babaeng na-friend zone?" tanong ng kaibigan nang palabas na siya ng kuwarto. Bumuntong-hininga si Champagne at nagdesisyong sakyan pa rin ang boredom ng kaibigan kaya nilingon uli niya ito. "Ano?" "Babaeng na-friend zone pero naniniwala pa ring may forever." *** HINDI hinayaan ni Champagne ang sarili na mahawaan ng pagiging pessimist ni Penelope. Isa pa, kahit ano naman ang sabihin ng ibang tao, walang halaga iyon sa kanya kapag hindi niya gustong sang-ayunan. Nawala lang nang tuluyan ang pag-aalala niya nang makarating sa condominium building kung saan nakatira si Kingston. Ngumiti at bumati sa kanya ang mga nakakasalubong niya—residente man o employee ng gusali—na naging kaibigan na niya dahil madalas siyang bumibisita sa unit ng binata. Kahit wala pa namang naririnig na tsismis, sigurado siyang iniisip ng mga tao roon na girlfriend siya ni Kingston dahil siya lang naman ang babaeng dinadala ng binata sa unit nito. Ang mga babaeng idine-date nito ay sa hotel lang dinadala o kung saan man may malaki at komportableng kama. Wala na siyang pakialam doon at sa totoo lang, ayaw na niyang alamin. But his home? It was her territory. You see, Penelope? Ito ang bunga ng ten years naming friendship ni Kingston. Na-establish ko na nang mabuti sa mga tao sa paligid niya kung sino ako. Mula sa family niya, hanggang sa mga kapitbahay niya. Lalung-lalo na sa friends niya na kayang-kaya ko nang gawan ng biography sa sobrang closeness ko sa kanila. Napangiti si Champagne nang pagdating niya sa unit ni Kingston ay hindi na niya kinailangang mag-doorbell. It was simply because she knew his passcode by heart. Nang bumukas ang pinto ng unit ay dumeretso siya sa loob. Kanina, nang tumawag ang binata sa kanya ay nasa opisina pa raw ito kaya baka wala pa ito sa unit at naunahan niya. Hindi bale, marami naman siyang puwedeng gawin at panoorin doon habang hinihintay si Kingston. Siguradong okay lang naman sa binata na pakialaman niya ang mga gamit nito. They had this unspoken agreement between them: what's yours is mine, and what's mine is yours. Just like husbands and wives. Nang buksan ni Champagne ang mga ilaw, ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang may marinig na malakas na putok kasabay ng pag-ulan ng confetti sa paligid. Napapikit siya sa gulat. Nang muling magmulat, sumalubong sa kanya ang nakangising mukha ni Kingston na may hawak na bote ng wine. "Surprise!" nakangising sabi nito. Napakurap-kurap si Champagne. Sa likuran ni Kingston ay may nakahandang mesa na mukhang naka-set up para sa isang romantic candlelight dinner, pero hindi pa nakasindi ang kandila sa gitna. She made a quick mental check on the possible occasion for tonight's surprise, but she came up with nothing. Nakaramdam siya ng pagpa-panic. Hindi puwedeng may makalimutan siyang espesyal na okasyon pagkatapos ay naalala iyon ng binata! "Wait, Kingston. Ano'ng meron?" Pumalatak ang binata habang umiiling-iling, pinepeke ang pagkadismaya sa mukha. "Cham, you're my best girl. Do I need a reason to prepare a surprise dinner date for you?" Sapat na ang mga salitang iyon para mabilis na kumalma si Champagne. Na-touch naman siya sa ginawa ni Kingston para sa kanya na gusto siya nitong sorpresahin. Humalukipkip siya at pinagkasya ang nararamdamang kilig sa isang malaking ngiti. "So I guess, gimmick mo lang din na kailangan mo 'yong flash drive mo ngayon para lang papuntahin ako dito sa unit mo?" Ngumiti nang pilyo si Kingston, pagkatapos ay lumapit ito at inakbayan siya. "I've been so busy lately, Cham. Gusto ko lang bumawi sa mga oras na napabayaan kita." Napangiti lalo si Champagne. The best friend of the year award goes to Kingston. Nahiling niya na sana ay kasama nila si Penelope at nakikita ng kaibigan ang ginawa ni Kingston para sa kanya at naririnig ang mga sinabi ng binata. Hindi maiintindihan ni Penelope o ng kahit sino sa mga kaibigan niya kung bakit kahit sampung taon na silang magkaibigan ni Kingston ay nagagawa pa rin niyang manatili sa tabi ng binata kahit wala naman itong espesyal na nararamdaman para sa kanya. Sa ngayon. Kahit siya mismo, hindi rin alam kung paano niya nagawang maka-survive sa friend zone sa loob ng sampung taon. Ang alam lang niya, tuwing napapagod na siyang umasa na mapapansin ni Kingston bilang babae, may gagawin ito na magpaparamdam sa kanya na espesyal siya rito. Ah, hindi. Kahit siguro simpleng ngiti lang ni Kingston, iyong ngiti na alam niyang para lang sa kanya, magiging sapat nang dahilan para umasa uli siya. Ang pag-asa na iyon ang nagiging dahilan kung bakit kahit mahirap at masakit malagay sa friend zone, ang zone na iyon pa rin ang pipiliin niyang lugar sa mundo. Because it was the only zone that allowed her to be closest to the man she had been secretly in love with for ten years. Nakikita ng ibang tao ang friend zone bilang isang malungkot na lugar. Ang hindi alam ng mga ito, para sa mga taong nasa loob niyon, iyon ang pinakaligtas at pinakamasayang zone sa lahat. Dahil kung maaalis sila sa friend zone, mawawalan na sila ng lugar sa buhay ng taong mahal nila. Being out of zone was more painful than being in it. "Amoy-usok ka, ah," halatang nagbibirong sabi ni Kingston nang isubsob nito ang mukha sa buhok ni Champagne. He blandly sniffed her hair scent that she knew he secretly loved. "Sinabi ko naman kasi sa 'yo na tanggapin mo na 'yong regalo ko sa 'yo para hindi mo na kailangang mag-commute." Ipinaikot ni Champagne ang mga mata. Ang tinutukoy ni Kingston na "regalo" ay iyong pinagsawaan nitong Volvo na kabibili lang noong isang taon. "Bibilhin ko ang luma mong Volvo, pero hindi ko 'yon matatanggap bilang regalo. Kahit sabihin mo pang luma na 'yon, hindi siya gano'n kaluma para sa 'kin at siguradong mataas pa ang value n'on kapag ibinenta mo sa Dustinet. Hindi ka ba manghihinayang kung ibibigay mo lang 'yon sa 'kin?" Natawa si Kingston. He pulled the chair for her. "Cham, nakalimutan mo ba kung sino ang kausap mo? I am Kingston Montereal, the young CEO of Elixir Corporation." Nang makaupo si Champagne ay saka naman inokupa ng binata ang silya sa harap. "Ako ang founder ng Elixir Cola, ang number one soda sa Pilipinas ngayon. Nakalimutan mo na ba kung ilang milyones ang iniyaman ko dahil do'n?" Natawa lang si Champagne. Hindi iyon ang unang pagkakataon na narinig niya ang speech na iyon ni Kingston. Iyon kasi parati ang dialogue nito tuwing pinipilit na bilhan o bigyan siya ng kung anu-anong mamahaling gamit. "Ano'ng silbi ng kayamaman ko kung hindi ko 'yon gagamitin para i-pamper ang best girl ko?" pagpapatuloy ni Kingston. "Cham, hindi ako maghihirap kung ireregalo ko sa 'yo ang lumang kotse ko. Kung hindi ko nga lang alam na magagalit ka, matagal na kitang niregaluhan ng bagong kotse. I want the best things for you. Moreover, I want you to be safe. Nag-aalala ako tuwing nagta-taxi ka papunta sa 'kin, eh." Hinawakan ni Champagne ang kamay ni Kingston dahil alam niyang nagtatampo ito. Tuwing tinatanggihan niya ang mamahaling mga regalo ng binata, nagmamaktol ito na parang bata. "Nag-iingat naman ako, Kingston. Saka ilang minuto lang naman ang layo ng unit mo sa apartment namin." Bumuntong-hininga si Kingston, halatang suko na sa pangungumbinsi sa kanya na tanggapin ang kotseng ibinibigay nito. He squeezed her hand. "Fine, you win. Ngayon lang uli tayo nagkasama kaya huwag na nating aksayahin ang oras natin sa pagtatalo." Tumayo ito at pinatay ang mga ilaw. Pagbalik nito sa upuan ay sinindihan ang kandila sa gitna ng mesa. Kitang-kita sa kadiliman ang maputi at kompletong mga ngipin ng binata. "Better." Napangiti na lang si Champagne. Kahit kailan talaga, napakahilig ng kaibigan niya sa romantic dinners by candlelight. Good luck na lang sa mga mata niyang hindi makita ang kinakain nila. *** "SO... WHAT'S up?" tanong ni Champagne kay Kingston habang umiinom sila ng red wine at nag-i-stargazing sa balkonahe. Ngumisi ang binata at inubos ang red wine sa baso nito bago sumagot. "What do you mean by 'what's up?'" Ipinaikot ni Champagne ang mga mata. Madalas niyang gawin iyon kapag si Kingston ang kasama niya dahil bawat kilos ng binata, alam niya ang ibig sabihin. And most of his antics were a little annoying. "Well, I appreciate your little surprise for me. Naniniwala rin akong ginawa mo 'to dahil sincere ka talagang makabawi sa 'kin sa ilang linggong pangde-dead-ma mo sa 'kin dahil alam ko namang busy ka sa work..." "I hear a 'but,'" nakataas ang kilay na sabi ni Kingston. Tumango si Champagne, saka nagsalin ng red wine sa baso. "Pero alam ko ring may isa pang dahilan kung bakit mo 'ko pinapunta dito. Kaya Kingston Montereal, kung may sasabihin ka pa, sabihin mo na agad dahil maaga pa ang pasok ko sa office bukas." Umungol ito ng pagrereklamo. "How come you know me so well, Champagne Morales?" "Ten years na kaya kitang bine-babysit." Tinawanan lang iyon ni Kingston. "It's been ten years, huh? Gano'n katagal mo na pala akong pinagtitiyagaan. Mabuti naman at hindi mo pa 'ko pinagsasawaan." "Sino'ng nagsabi sa 'yong hindi pa?" Pabirong binunggo siya ni Kingston sa balikat. "Sawa ka na ba sa 'kin?" Ngumiti lang si Champagne. "So, nagsasawa ka na nga sa 'kin?" halatang nagbibiro lang na paghihinanakit ng binata. Pumalatak ito, saka tumingala sa madilim at mabituing kalangitan. "Ten years ago, we were both just dreamers. Pangarap kong makapagpatayo ng pinakamalaking soft drinks company sa bansa, at pangarap mo namang gumawa ng tagline na tatatak sa masa para sa soft drinks na 'yon." Lumuwang ang pagkakangiti niya. "Feel young and refreshed with every sip," sabi ni Kingston na ang tinutukoy ay ang pamosong tagline ng Elixir Cola. Pagkatapos ay nilingon siya ng binata. "Cham, ikaw ang gumawa ng tagline na 'yon ng Elixir no'ng eighteen years old ka pa lang. Sampung taon na ang nakararaan pero hanggang ngayon, ginagamit pa rin 'yon ng kompanya. Sabay tayong nangarap noon, at sabay natin 'yong natupad. Kung wala ka sa tabi ko no'n, baka hindi ko naitatag ang kompanya ko." Tinawanan lang iyon ni Champagne. But of course, deep inside, it made her feel good knowing that Kingston thought highly of her. "Bakit ang drama mo yata ngayon?" Napangiti ang binata. "I just feel nostalgic. We've always been together for ten years. But we can't stay this way forever. Darating 'yong araw na makikilala natin 'yong taong para sa 'tin." Kumunot ang noo ni Champagne. Nanlamig ang kanyang katawan at pakiramdam niya, hindi niya magugustuhan ang susunod na sasabihin ni Kingston. "What do you mean by that, Kingston?" Tumabingi ang ngiti ng binata. Mukha itong kabado nang mga sandaling iyon. "Cham, you're twenty-eight now. Alam ko namang nagsasawa ka na sa kaka-'babysit' mo sa 'kin at dahil pa do'n, nawawalan ka na ng oras para sa sarili mo. Gusto mo bang tulungan kitang maghanap ng lalaking babagay sa 'yo? Siyempre, gusto ko namang maging deserving sa 'yo ang magiging boyfriend mo." Umiling-iling si Champagne. Hindi niya gusto kung saan papunta ang usapang iyon. "Kingston—" "Champagne," seryosong sansala ni Kingston sa sinasabi niya. Humarap ito sa kanya. The usual playfulness in his dark eyes was suddenly gone. And he called her "Champagne" instead of "Cham." He must be really serious. "You're my best girl. So, I want you to be the first person to know." "A-about what?" "I'm planning to propose to Gypsy soon." Nanlaki ang mga mata ni Champagne sa gulat. Pero salamat sa trabaho niya kung saan hindi siya puwedeng mag-panic, mabilis din siyang nakabawi. Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. "Gypsy Guevara? The actress-s***h-TV-host you're dating?" Of course, Champagne was updated on Kingston's love life. Kilala niya si Gypsy, ang bagong idine-date ng binata. Nagkakilala ang dalawa nang si Gypsy Guevara ang kuhain ng Elixir Cola bilang bagong endorser ng brand. Ang advertising agency na pinagtatrabahuan naman ni Champagne ang gumawa ng commercial ad para sa Elixir kung saan si Gypsy ang endorser, kaya masasabing nasubaybayan niya ang pagkakamabutihan nina Kingston at Gypsy. She knew that Kingston was really smitten with Gypsy. But then again, he had been smitten with a lot of other women before and all of them failed to completely capture his heart. Kaya ano ang nangyari ngayon? "Pero siyempre, ayoko namang ako lang ang maging masaya," pagpapatuloy ni Kingston. Nakangiti ito, pero halatang pilit at nag-aalangan. "So, I want you to find your significant other, too, Cham." Punyeta. "Sampung buwan pa lang kayong nagde-date ni Gypsy, Kingston," hindi makapaniwalang sabi niya sa naghihinanakit na tono. "It's only been ten months and you already decided that you want to marry that woman? Nababaliw ka na ba?" Nawala ang ngiti ni Kingston. "That wasn't the reaction I was hoping to get from you, Cham." "How did you expect me to react?!" "Well, I expected you to congratulate me and to be happy for me," wika ni Kingston sa naghihinanakit ding tono, ibinaba ang baso sa mesa at ipinatong ang mga braso sa balustre na nakaharang sa balkonahe. Iwas ang tingin nito sa kanya. "'Kingston Montereal, the playboy millionaire has finally decided to settle down.' I thought that was good news. Akala ko magiging masaya ka para sa 'kin. 'Yon naman ang parati mong inirereklamo sa 'kin noon, 'di ba? Na magpakatino na ako sa isang babae. Pero ngayong dumating na ang araw na 'yon, nagagalit ka naman." Binigyan ni Champagne ng hindi makapaniwalang tingin si Kingston. Paano mo 'ko ine-expect na maging masaya pagkatapos mong sabihin sa 'kin na ikakasal ka na sa ibang babae? Sa babaeng kakikilala mo pa lang? May ideya ka ba kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon? Pupusta ako na kahit itulak kita mula sa floor na 'to at mabuhay ka para maramdaman ang lahat ng sakit, hindi pa rin 'yon papantay sa sakit na nararamdaman ko ngayon! "Gypsy and I are not getting any younger. I'm already thirty—" "Bata pa ang thirty sa mga lalaki!" giit ni Champagne. "Hindi mo kailangang magmadali—" "But Gypsy is turning thirty-two before this year ends," katwiran naman ni Kingston. "She can't wait for me for that long. Kaya nagdesisyon akong pakasalan na siya. I don't want to lose her." "Why?" Now, that was the question Champagne regretted asking. As soon as the word left her mouth, she knew something big was about to happen. Or change. Humarap si Kingston sa kanya. Nang huling beses niyang nakitang ganoon kaseryoso ang binata ay noong araw na sabihin nitong itatatag nito ang Elixir Corporation. Simula rin nang araw na iyon, nagbago na ang buhay nito. Kaya ngayong nakikita uli niya ang hitsura ni Kingston gaya noong sampung taon na ang lumilipas, alam niyang may panibagong desisyon itong nabuo na babago sa buhay nito. "I love her, Cham," Kingston said, and it sounded like he meant every word. "I'm in love with Gypsy."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
456.1K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
321.3K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
317.4K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook