Sa isang tagong lugar sa Japan matatagpuan ang Underground Hell Academy na pag mamay-ari ng Pamilya Satsuki. Pinamamahalaan iyon ni Akemi Rielle Satsuki, 18 taong gulang. Isa iyong eskwelahan para lamang sa mga gangster at miyembro ng Mafia. Malaki at malawak ang eskwelahan. Marami itong magagandang bulaklak, halaman at fountain. Napapabilibutan ng magagandang pulang rosas ang kabuohan ng Hardin. Marami rin silang tambayan gaya ng Lake, Gym, Benches at mga Tree house. Kung saan malayang nakakapag aral at nakakapagpahinga ang mga estudyante. Gawa sa mga matataas na Teknolohiya ang ginagamit ng paaralan sa pagtuturo. Nagsimula ang lahat nang padalhan ni Akemi ang mga gangster at miyembro ng mafia ng ginintuang sulat sakani-kanilang tahanan. Inimbitahan niya ang mga itong makilahok at mag enroll sa Underground Hell Academy na matatagpuan sa pinakaliblib na lugar at ilalim ng lupa sa Japan. Tanging mga miyembro lamang ng gang at mafia ang maaring pumasok. Maliban nalamang kung may paligsahan at pahintulutan iyon ni Akemi na siyang Headmistress ng Akademya. Napasok pa rin siya gaya ng iba. Hinahangaan at kinatatakutan siya ng lahat. Madalas siyang magpunta ng Underground Battle Arena para makipagpatayan sa mga gangster at Mafia kasama ang kanyang mga kaibigan at kaklase. Nagpapalaro rin siya at iniimbitahan ang ibang eskwelahan para makipaglaban sakanila. Palagi naman silang nanalo. Araw araw rin tumitindi ang kanilang pag eensayo at klase. Nagkaroon ng transferee sa Akademya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila nahihipnotismo si Akemi rito. Dumating si Vin Klein at ginulo ang tahimik niyang mundo. Napapansin niya ito at madalas kung saan siya naroon ay naroon rin ang lalaki. Sa bawat araw na nakakasama niya ito ay unti unti siyang nahuhulog. Hindi niya akalain na ito pala ang nakatakdang lalaki na dapat niyang pakasalan. Buong akala niya ay si Zyrus Vaughn lamang. Dinukot naman siya ng mga teacher nila para pag experimentuhan. Hindi naman tumigil si Vin, ang mga kaibigan niya, mga assassins, reapers at tunay na pamilya ni Akemi sa paghahanap sakanya. Maging ang dati nitong nakatakdang pakasalan na galit sakanya ay tumulong rin para hanapin ang nawawalang dalaga. Nalaman naman nila ang lokasyon nito at nagawang pasabugin ang buong laboratoryo. Pinatay rin nila lahat ng mga teacher at scientist roon. Pero hindi nila natagpuan si Akemi. Matagal na panahon ulit ang kanilang ginugol para hanapin ang dalaga. Hindi sila makapaniwala ng bumalik ito kasama ng kakambal ni Vin. Nagulat ang lahat sa pagkakatulad ng dalawang Rocketfellers. Tinulungan ni Keiron si Akemi na makaganti sa mga tunay na salarin kung bakit nagkaproblema ang alyansa ng Satsuki at Vaughn Mafia. Pinatay at pinasabog niya ang lahat ng sangkot sa nangyari noon. Bago siya nagpasyang bumalik. Malaki ang pinagbago ng dalaga dahil sa black elixir mas lumakas ito na tila hindi ordinaryong tao. Nang mawala si Akemi ay tumulong ang kanyang mga tunay na kapatid sa pangangalaga ng Akademya pati ang mga kaibigan niya. At muling ipinasa sakanya ang tungkulin nang bumalik siya. Nagkaroon naman ng impormasyon tungkol sa natitirang miyembro ng Standford Family na nakapasok sa Akademya at nagpanggap para maghiganti. Nalaman iyon nila Andy ang lalaking assassin ng Satsuki Mafia at ipinagbigay alam kay Akemi. Hindi naman niya matanggap na ang tinuring niyang kapatid at kaibigan na si Gon ay isang tunay na Standford at ang misyon nito ay patayin siya. Pero hindi iyon natuloy dahil napamahal sakanya ang binata. Hindi iyon pinahintulutan ng ama ng lalaki kaya sumugod ito sa Akademya para ituloy ang naudlot na misyon. Muntikan na niyang mapatay si Akemi kung hindi lang si Gon ang sumalo sa bala. Napatay ng sariling ama ang kanyang anak. Dumating naman ang mga tauhan ng Satsuki Mafia at pinatay ang mga naroon. Naging ayos ang lahat kahit na marami sa kaibigan ni Akemi ang namatay. Ikinasal sila Vin at Akemi