bc

Mark of Cain

book_age18+
188
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
dominant
mafia
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sapat nga bang gawing pambayad utang ang pagmamahal at katawan?Desperadong maibalik ni Quinton James ang yamang nawala nang dahil sa panloloko sa kaniya ng isang paluging business tycoon na si Oscar Santibañez. Kaya't gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya maibalik lang ang multi-million peso na ninakaw nito sa kanyang kompanya.Sa kanyang paghahanap sa nawawalang tao ay matatagpuan niya sa isa sa properties nito ang 24 taong gulang na si Renata Santibañez, ang ulilang pamangkin ni Oscar.Sa kagustuhang maibalik agad ang yamang nawala, gagawing collateral ni Quinton ang dalaga at habang hindi pa nagpapakita si Oscar ay gagawin niya ang lahat ng kanyang nais kay Renata.Walang kalaban-laban na bibigay ang dalaga sa lahat ng kagustuhan ni Quinton kapalit ng kanyang buhay.Hanggang sa isang pangyayari ang babago sa ikot ng kanilang mundo. Sino nga ba talaga si Renata at ano ang kinalaman ng kanyang nakatagong marka sa nakaraan at sa posisyong kinatatayuan ni Quinton?

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE “Sa susunod na tangkain mo ulit na tumakas, hindi na ako magdadalawang isip na patayin ka dahil pangalawang beses mo nang ginawa ito. You are making me mad, again, Renata. Damn.” Ito ang mga salitang narinig ko mula sa kanya nang sandaling kumalma siya at naupo sa kanyang malaking upuan sa sala ng kanyang mansion. Matapos niya akong iphabol sa kaniyang mga tauhan sa labas ay kinaladkad nila ako papasok hanggang sa muli ko na namang makaharap ang lalaking dumukot sa akin. Hinang-hina na ako at wala na akong natitira pang pag-asa. Ang nais ko na lang ay mamatay na katulad ng aking mga magulang. Hindi ko na gustong mabuhay pa kung pahihirapan lang ako ng lalaking ito. “Look at me when I am talking to you.” Binigla niyang hinawakan ang aking pisngi upang sa gano’n ay makita ko ang mukha niya. Galit na galit ang kanyang mga mata sa akin, wala akong mahanap na kahit katiting man lang na konsensya mula sa kanya sa kanyang ginagawa ngayon sa akin. “Bakit mo ito ginagawa sa akin? Wala akong kasalanan sa’yo,” nangilid ang luha ko ngunit hindi umayon ang ekspresyon ng mukha ko sa aking nararamdaman. Nagpapakita pa rin ako ng tapang kahit na alam kong mahina na ako sa mga sandaling ito. “Ikaw wala, pero ang tiyuhin mong manggagantso ay mayroon.” Galit niyang wika sa mahinang boses bago niya binitawan ang pisngi ko na mayroong diin dahilan para masaktan ako ng bahagya. Umigting ang kanyang panga sa puntong iyon at alam kong pigil na pigil lang siya sa nararamdaman niyang galit. Umimon siya ng alak mula sa kopita na hawak ng isa niyang kamay at saka iyon agad ibinato sa sahig dahilan para lumikha ng ingay ng pagkakabasag ng mamahaling baso. Napapikit ako sa pagkabigla at dumagundong sa kaba ang dibdib ko sa sobrang takot na hatid ng kanyang agresibo at dominanteng presensya. Nakaluhod ako sa kanyang harapan at para akong kaawa-awang alipin na nagmamakaawa sa kanya. “I don’t like to see you cry! Mas nagagalit ako,” saad niya. Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko at pigil na pigil kong tinimpi ang malakas kong paghinga na dala ng labis na nerbyos. Hindi ko alam kung ano ang mga kaya niyang gawin sa akin sa oras na napuno siya ng galit. “I am thinking…” Nagdekwatro siya sa harapan ko saka nag-isip. Patuloy lang akong naghihintay ng mga susunod pang mangyayari at umaasa akong sana’y magkaroon siya ng konsensya sa ginagawa niya sa akin ngayon. Hindi ko siya kilala, wala akong kaalam-alam tungkol sa kaniya o sa kung ano ang naging pagsasama nila ng aking tiyuhin, kaya’t hanggang ngayon ay blanko pa rin ang isipan ko sa tunay na dahilan kung bakit niya ako dinukot at dinala rito. “What if ikaw ang maging kabayaran sa lahat ng yamang ninakaw ng Uncle Oscar mo sa kompanya ko at lahat ng bagay na ipagagawa ko sa’yo ay kailangan mong gawin?” Sa ideyang iyon ay mas lalo pang nadurog ang damdamin ko dahil hindi ko kayang maatim na maging alipin ng isang masamang tao. “Well, why am I asking you this? Kung maaari ko namang gawin. I don’t need your approval, woman. Besides, kadugo at kalaman mo ang nanloko sa akin. So, it’s just proper na dugo at laman din ang kapalit.” Pagkasabi niya nito ay naglakbay ang paningin niya sa sirang dress ko na kulay puti noong nakaraang araw ngunit ngayon ay marumi na. Nagkagat labi siya nang makita niya ang kanang hita ko na hantad na dahil sa sirang damit ko. Hindi rin nakaligtas ang dibdib ko sa suot kong sleeveless dress at dahil walang strap ang bra ko at dahil mababa rin ang neckline ng dress ko ay kita niya ng bahagya ang mayaman kong dibdib. Niyakap kong bigla ang sarili ko at naawa ako sa kahihinatnan ko sa oras na maganap ang nais niya. Alam ko na ang tumatakbo sa isipan niya, at hindi ko kakayaning tiising mabuhay sa oras na mangyari iyon. Mas mabuti na lang na mawala na ako sa mundong ito kung nagkataon. Tumayo siyang bigla at hinawakan ako sa kamay. Hindi pa man ako nakakatayo ay hinila na niya ako hanggang sa ipasok niya ako sa isang kwarto at itulak ako sa malaking kama. “No! Huwag, maawa ka. Please, huwag mong gagawin iyan.” Umatras ako sa kama hanggang sa maramdaman ko ang malamig na headboard sa likuran ko. Pagapang siyang lumapit sa akin habang titig na titig siya sa mga mata ko. Wala na akong kawala pa, walang wala na. Ang tanging magagawa ko na lang ay umiyak dahil wala rin akong mahihingian ng tulong. Hanggang sa hinaplos ng kanyang kamay ang pisngi ko. Nanginginig akong umiwas sa kanya ngunit nahagip pa rin ng kamay niya ang pisngi ko dahilan para mahawakan niya ako doon. “You’re beautiful, maganda ka pala,” bulong niya. Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil sa labis na takot. “From now on, you’ll be the collateral for the loss of my money. You’ll do what I say and you’ll give me what I want, honey. You’ll stay with me, or else, alam mo na kung ano ang mangyayari. Understand?” Kahit sabihin ko pang gusto ko nang mamatay ay parang umuurong ang damdamin ko sa bagay na iyon dahil sa totoo lng ay takot ako, wala akong ibang maramdaman kundi takot kaya’t sa pagkakataong ito ay ang tangi ko lang option ay mag-agree sa kanyang nais, wala nang iba pa. Tumango ako sa kanya kahit na labag na iyon sa aking damdamin. Nakita ko ang pagngisi niya at saka siya dahan-dahang umatras. Nang makababa siya sa kama ay tumayo siya doon at inayos ang nagusot niyang damit bago namulsa ng kanyang mga aroganteng kamay. Umiiwas pa rin ako sa kanya ng tingin ngunit siya’y mariin pa ring nakatitig sa akin. Gwapo siya, malaki ang katawan, pero mukhang sadista. “Magsisimula na ang lahat ngayon, Renata,” kalmado niyang wika. Tumingin ako sa kanya at naghintay ng susunod niya pang sasabihin sa akin tungkol sa bagay na iyon. “Undress for me, honey.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.5K
bc

The Sex Web

read
132.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.3K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook