bc

A Man in Her Past (Completed)

book_age16+
496
FOLLOW
1.5K
READ
family
second chance
arrogant
CEO
heir/heiress
drama
bxg
enimies to lovers
slice of life
lonely
like
intro-logo
Blurb

Pilit kinalimutan ni Abella ang masaklap na kinahantungan ng nakaraan niyang pag-ibig na akala niya'y road to forever na, ngunit nagkamali siya dahil siya mismo ang pumutol sa inakala niyang forever na iyon. Hindi niya 'yon gusto pero iyon ang hinihingi ng sitwasyon at wala siyang nagawa kungdi gawin iyon dahil kung hindi niya iyon gagawin, mahihirapan lang silang pareho.

Makalipas ang halos isang taong paglimot niya sa binata, bumalik ito ng walang pasabi. Hindi siya handa. Akala niya'y magiging madali ang lahat pero nagkamali siya dahil sa pagkikita nila ng binatang iniwan niya, insulto ang ibinato nito sa kaniya at pakiramdam niya hindi niya iyon deserved.

Muli pa bang magtatagpo ang bawat t***k ng kanilang mga puso o kusa nang lalayo ang mga iyon?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
MADILIM na ang paligid, na tila anumang sandali ay papatak na ang ulan. Ang ulan na tila luha na kusang bumabagsak sa langit. Binuka ni Abella Santos ang dalang payong at naglakad patungo sa mall. Naisip kasi niyang dumaan doon para bumili ng mga librong maglilibang sa kaniya. Narating niya ang nasabing gusali at pumunta sa bookstore para bumili ng mga librong mababasa. Tahimik niyang sinusuri ang bawat isa niyon sa fiction area ng bookstore. Hinahanap kasi niya ang genre-ng tragic romance na nakahiligan na niya. Napakaraming libro sa lugar at kung pwede nga lang niyang basahin lahat iyo, gagawin niya. Naagaw ang atensyon niya nang dumako ang kaniyang mga mata sa isang libro. May pamagat iyong 'Broken Vow'. Sinuri muna ni Abella ang nakitang libro, na sa pamagat pa lang naagaw na ang atensyon niya ngunit nang akmang kukunin na niya ang libro, isang kamay ang sumulpot at naunahan siyang kunin 'yon. Kinabahan siya dahil isang alaala ang nagbalik sa kaniyang isipan. Alaalang pilit niyang kinalilimutan. Parang biglang binuhusan ng mainit na tubig ang tiyan niya dahil sa 'di mawaring pakiramdam. Naistatwa siya ng bahagya at tila ano mang sandali ay lalabas na ang puso niya sa kaniyang dibdib. Dahan-dahang nilingon niya ang may-ari ng kamay na 'yon. "Miss, kukunin mo rin ba ang librong 'to?" Nakahinga siya ng maluwag at marahang napapikit nang mapagtantong hindi ito ang taong inaasahan niya. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib. Sa maraming pagkakataon, natatakot pa rin siyang harapin ang taong pilit niyang kinalilimutan. "A-a! Hindi na, ikaw na lang ang kumuha," aniya at ngumiti sa binatilyong kaharap. Nagtaka naman ang binatilyo sa naging reaksiyon niya. Napailing pa ito. Dahil sa nangyari, nagpasiya si Abella na lumabas na ng Bookstore. Pasalamat naman siya at hindi tumuloy ang ulang nagbabadya pero nandoon pa rin ang kulimlim ng kalangitan. Pakiramdam niya hindi siya makahinga, dahil pilit na namang bumabalik ang alaalang ayaw na niyang maalala kahit kailan. Pero sadyang makulit ang isip niya at patuloy bumabalik roon ang alaalang itinutulak niya palayo. TAHIMIK lang si Abella habang nakangiting pinagmamasdan ang maraming librong nasa harap niya. Noon pa man kasi ay hilig na ng dalaga ang magbasa ng mga fiction books. Dahil sahod niya, kaya mabibili niya ang mga libro kaniyang nais. Biglang napatingin siya sa isang libro na iisa na lang na naka-display sa fiction area. Isa 'yong romance novel na paborito niyang basahin. Nilapitan niya ito at sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Ngunit hindi pa nakakalapit ang kamay niya sa libro nang biglang may kamay na kumuha doon. Nawala ang ngiti niya at napalitan ng inis. Humarap siya sa kung sino man ang kumuha ng libro. "Hoy! Hilig mo bang mang-agaw ng mga bagay na hindi ka naman ang nauna?" bulyaw niya sa binatang nasa kaniyang harapan, na ngayo'y hawak ang librong ibig niya. Ngumiti lang sa kaniya ang lalaki na tila ba walang pakialam sa mga sinasabi niya. "Miss, hilig mo ba ang mang-angkin ng mga bagay na 'di pa naman sa 'yo?" balik ng lalaki na hindi nagpatinag sa kaniya. Lalong nainis si Abella sa lalaki. "Hoy, lalaki! Ako ang nauna sa librong 'yan, kaya ibigay mo 'yan sa akin," sabi niya at sinubukang agawin ang libro, ngunit naiiwas agad ng binata. Medyo napapansin na sila ng ibang mga tao roon na abala rin sa pagtingin ng mga libro. "Bakit ko ibibigay sa 'yo ang bagay na nasa akin na?" malumanay na tanong ng lalaki sa kaniya. Hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa inis sa lalaking nasa harap niya. Gusto na niyang manapak. Matalim niya itong tinitigan. Pero tila hindi apektado ang lalaki sa titig niya. Tiningnan lang siya nito mula ulo hanggang paa at saka ngumisi. "Bye!" Kumindat pa ito sa kaniya bago tumungo sa counter at nagbayad. Inis na hinabol na lang niya ng tingin ang lalaking umagaw sa librong kaniya dapat. Kung patalim nga lang ang mga titig niya, baka puno na ng patalim ang likod ng lalaking 'yon. Napapadyak na lang siya habang nakasimangot. Nawalan na siya ng ganang bumili ng libro. Agad umiling si Abella. Hindi niya na dapat pang alalahanin ang mga 'yon. Tapos na 'yon at dapat na niyang kalimutan. Ngunit paano? Kung sa bawat galaw niya, may mga bagay at lugar na nagpapabalik ng mga alaalang 'yon. - "GIRL, sabi ko naman kasi sa'yo na makipag blind date ka. Tutal isang taon naman na ang nakalipas, 'di ba? Saka, girl huwag kang praning diyan. Kung siya, masaya na ngayon, e, dapat ikaw masaya na rin. Ang unfair naman ata kung siya lang 'yong masaya tapos ikaw..." Napahinto sa pagsasalita si Julio Cruz, ang baklang kaibigan ni Abella. Nakita kasi ng kaibigan niya na natahimik siya at tila malalim ang iniisip. Nasa isang restaurant sila para kumain. Linggo naman kasi at pareho silang walang trabaho. Isang call center agent ang kaibigan niya habang siya naman ay nagtatrabaho sa isang restaurant na pag-aari ni Neith Suarez. "Tama ka, Julio. Siguro oras na para pasayahin ko naman 'yong sarili ko. Baka ito na iyong oras na kailangan ko namang mahalin 'yong sarili ko bago ang iba." Ininom ni Abella ang orange juice na in-order at bumaling sa kaibigan. "Tama ka na e, nakakainis ka lang!" nakasimangot na sabi ng kaibigan niya. Nagtaka naman siya at tumaas ang kilay. "Huwag kasi Julio! Hindi nga kasi ako Julio! Jennifer nga e! JE-NI-FER!" mataray na protesta ng kaibigan na tumitirik pa ang mga mata. Natawa na lang si Abella dahil sa sinabi ng kaibigang bakla. Jennifer nga pala ang gusto nitong itawag niya. "Julia na lang kaya?" pagbibiro pa niya. Napa-pout na lang si Julio at sabay silang nagtawanang dalawa. Si Julio lang ang matalik niyang kaibigan na saksi sa lahat ng sakit na nangyari sa buhay niya. Bata pa lang kasi ay magkaibigan na silang dalawa at hindi nagkahiwalay. Ito rin ang nagsisilbing tagapayo't tagasuporta niya. Kaya sobrang thankful siya sa kaibigan na hindi siya iniwan. "E, ikaw naman Jul-Jennifer, kumusta kayo ni Harry? Este ni Mark?" natatawang tanong niya sa kaibigan. Gumuhit ang lungkot at sakit sa mukha ni Julio. May boyfriend kasi ang kaibigan niya na pinakilala sa kaniya, si Mark. Pero ang alam niya mahal pa nito si Harry na naging boyfriend nito sa loob ng dalawang taon na nauwi lang sa wala. "Akala ko kasi kapag naging kami ni Mark, malilimutan ko si Harry. Nagkamali ako, hindi ko pala siya malilimutan sa pamamagitan ng ganoong paraan," malungkot na pagtatapat ng kaibigan. Malungkot na tiningnan ni Abella ang kaibigan at kinapa ang kamay. "Hindi mo kailangang gumamit ng iba para lang makapag move on ka. Ang pagmo-move on ay nakasasalay sa sarili natin at hindi sa iba. Naiintindihan mo?" Hinimas-himas niya ang kamay ni Julio habang kita sa mukha nito ang lungkot. "Hayaan mo 'yang si Harry. May iba pa riyan at alam kong may lalaki pang deserving diyan sa pagmamahal na ibinibigay mo sa lalaking 'yon," aniya at nginitian ang kaibigan. Kita sa mukha ni Julio ang lungkot at sakit, dahil sa kinahantungan ng relasyon nito na akala'y forever na. Pero pilit pa rin itong ngumiti sa kaniya. Hindi naman kasi masusukat ng kasiyahan ngayon ang magiging kahahantungan ng isang relasyon. Experience na iyon ni Abella at naniniwala siyang kahit gaano nila kamahal ang isa't isa, hindi pa rin iyon kasiguraduhang magiging sila hanggang sa huli.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook