Synopsis
"I AM SORRY, Carl, but Rodulfo and I has been fighting for weeks because of her. I want to have a new life but I can't because she is with me."
Dinig na dinig ko ang inis sa boses na iyon. Um-echo sa aking pandinig ang kaniyang mga salita.
"She is studying. I am willing to provide her anything as long as she will accept my offer. Kailangan na niyang maka-bukod," hirap na hirap niyang sambit.
Pinagmasdan ko ang lalaking kaniyang kaharap, umaasa na magagalit ito at ipagpipilitan na huwag akong abandonahin ng kausap subalit isang malakas na buntong hininga lamang ang pinakawalan nito.
"What do you want me to do then? You know I can not take her. Hindi matatahimik ang asawa ko miski ang pamilya ko kung gagawin ko iyon." Madiin na sambit ng lalaki.
Lumambot ang mukha ng kausap at saka hinagap ang kamay ng lalaki.
"Sa ating dalawa, sa iyo siya mas malapit. Nais ko na pakiusapan mo siya. Sigurado ako na kapag ikaw na ang nagbigay ng suhestiyon tungkol sa pagbukod ay iko-konsidra niya iyon."
Pinalis ko ang luhang nag-uunahan na tumulo sa aking mga mata. Hindi ako ipininganak kahapon. Hindi ako tanga para hindi maunawaan na ang pinag-uusapan ay tungkol sa akin.
"Sige, susubukan ko. Gayunpaman, kailangan na paghatian natin ang pagbabayad ng tuition niya hanggang sa makatapos siya."
Nakita ko kung paano nakahinga ng maluwag ang kausap ng lalaki, ang aking ina na alam ko naman na ako ay problema na simula pa lamang noong ako ay magkaisip.
"She is already fifteen years old. Hindi na natin kailangan na mag-alala pa."
Tahimik kong nilisan ang aking pinagtataguan. Hindi ko nais na malaman nila na narinig ko ang kanilang mga plano. Nais kong kung sakali na ako ay kausapin ni Daddy ay malaman niya na wala akong kaalam-alam sa kaniyang nais.
Gagalingan ko na lamang ang pag-akto na gustong-gusto ko ang kaniyang suhestiyon. Iyon ang itinatak ko sa aking isipan hanggang sa dumating ang puntong nasa harapan ko na siya upang pilitin ako sa nais ng aking ina.
Diretso ang tingin ko sa kaniyang mga mata, hinahanap ang pagsisisi o 'di kaya ay kalungkutan sa kaniyang gagawin subalit ang tanging nakita ko lamang doon ay pekeng pagmamahal.
"Anak. . ." paunang tawag niya.
Hindi ako tumango o ngumiti man lamang.
Kinuha niya ang aking kamay at saka pinagsalikop sa kaniya. Bumagsak ang tingin ko doon. Para saan iyon? Pampalubag ng loob?
"Viviana. . . I am planning to-"
"I want to live by myself," mabilis kong sambit, pinutol ang kaniyang sasabihin.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang bakas ng gulat sa kaniyang mukha.
Nagsimulang kumalat ang pait sa aking lalamunan ngunit pinilit ko iyong lunukin.
"Gusto ko na bumukod. Gusto ko ng. . . malayang buhay." Naramdaman ko ang pagpiyok ko sa mga huling sinabi.
Ganoon pa rin ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Ngumiti ako, pinilit kolektahin ang sarili.
"P-pwede po ba? Mister Asera?" pormal kong tanong.
Mukhang natauhan siya doon kung kaya naman umayos siya ng upo.
"Y-you. . ." Tumikhim siya, tila hindi pa rin makapaniwala na ako na mismo ang nagpadali ng kaniyang gawain.
"You want to live alone?" kunwari ay gulat niyang tanong. Sinagot ko siya ng isang tango.
"W-why? I mean. . ." Inayos niya ang kaniyang manggas saka bumaling muli s akin. "Bakit mo naisipan bigla?"
Yumuko ako at hindi mapigilan na mapangisi nang marinig ang kaniyang tanong. Naisipan? Hindi. Hindi ako ang nakaisip noon kundi kayo. Gusto ko na sabihin sa kaniya iyon ngunit wala akong lakas ng loob.
Tumikhim ako at nag-angat muli ng tingin.
"Nais kong mabuhay ng malayo sa media. Iyong hindi nagtatago sa mga reporters na maaring makakita sa akin at makapaghatid ng bad image sa inyo ni Mama."
Ilang sandali siyang nakatingin sa akin bago tumango-tango. Maya maya pa ay sumandal siya sa sandalan ng upuan at saka kinuha ang cellphone.
"Colson, please find a condominium for Viviana. Buy all the things she needs as soon as possible."
Mapait akong ngumiti habang pinagmamasdan siya na kausap ang kaniyang secretary.
"Your condominium is being ready. Baka bukas pa lamang ay pwede mo na iyon lipatan. Mag-iingat ka doon, ha?"
Iyon ang mga huling salitang binitawan niya bago niya ako talikuran at iwanan sa loob ng isang mamahaling restaurant kung saan tago kami mula sa mga mata ng tao.
Naiwan akong umiiyak doon, tulala at hindi alam kung ano nga ba ang tunay na nararamdaman. Walang pinagkaiba iyon sa ngayon.
Lumuluha man ako ay hindi ko alam kung ano ang totoo sa nararamdaman ko. Nalulungkot ba ako na siya ay wala na o ayos lang sapagkat hindi naman siya naging mabuting ama sa akin?
Pinalis ko ang luha sa aking mga mata at ibinato ang puting rosas na aking hawak bago ko tinalikuran ang kaniyang pinaghihimlayan.
Sumalubong sa akin ang masamang tingin ng dalawang babaeng anak ni Carl Asera maging ang malamig na tingin ng asawa nito. Ang siyang ngumiti lamang sa akin ay panganay na anak nitong lalaki na si Carlos Asera, sinuklian ko rin ng tipid na ngiti iyon saka tuluyan ng nilisan ang lugar.
Tahimik ako simula ng makaalis hanggang sa makauwi. Nanatiling blangko ang ekspresyon sa aking mukha. Pagod na ibinagsak ko ang aking katawan sa may kalumaan ng kama. Ipinikit ko ang aking mata at hinayaan na lamunin ng antok.
Nagising na lamang ako sa ilang mumunting halik sa aking pisngi.
"Mommy, let's go? Let's eat."
Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti sa bubulol-bulol na boses na yaon.
"Gising na, Mommy. Ate Roro cooked adobo." Excited niyang sambit.
Mabilis na kinabig ng aking braso kaniyang maliit na katawan at niyakap ko iyon.
Naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking tenga.
"Mommy, let's go. I am hungry," bulong niya sa akin.
Humagikgik ako dahil doon.
"Ang baby ko na hyper kapag adobo ang ulam," sambit ko.
"Of course, Mommy. That's my favorite!"
Anim na taon ngunit matatag na magsalita si Evander. Kahit na bata pa ay malawak ang pang-unawa at napakadaling turuan, isang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay napaka-swerte kong ina.
"Mommy, adobo will get cold. Let's go na."
Hinila hila niya ang aking kamay kung kaya wala akong nagawa kundi ang magpatianod na lamang.