Prologue
Tahimik ako habang nilalagay ang mga gamit ko sa kahon na ibinigay sa akin ni Mommy. Sinimulan kong ilagay ang mga damit ko doon, isinunod ang mga libro. Alas cinco palang ng umaga ngayon.
Ang alam ko mga sasakyan ni Lola ang gagamitin namin. May apat na oras pa ako para maglagay ng gamit sa mga kahon.
Hindi na ako nagabala pang tingnan ang cellphone ko, wala akong balak na magpaalam sa aking kakilala.
Hindi ako natatakot na mawalan ng kaibigan. Sinong manghihinayang sa pekeng kaibigan? Kung may natutunan man ako bago umalis dito sa lugar na ito, iyon ay wag mong ipilit ang sarili mo para mahalin o tanggapin ka ng ibang tao.
Nagulat ako ng pumasok sa Mommy. Tiningnan ko s'ya. Tahimik, wala kang mababasang lungkot at wala ka ding mababasang saya sa mukha n'ya.
"Nanjan na ang sasakyan natin, Ryeanne." kumuha si mommy ng box para dalhin na sa sasakyan namin, ganon rin ang aking ginawa
"Nandoon na ang ibang gamit mo, ang gamit mo nalang dito sa kwarto ang kailangan nating ikarga." ngumiti ako kay mommy at tumango. Ilang sasakyan ang nakaparada sa labas ng bahay namin ngayon. Inilabas na kasi ni Mommy kagabi ang malalaki naming gamit katulad ng stidy table, cabinet at ang kama para daw madali nalang ikarga sa sasakyan ngayon.
Nakaparada sa harap ng aming gate ang isang truck at isang van. Agad kong minadali ang sarili para hindi maghintay ng matagal ang driver at syempre… pati narin sila Lola.
Nakita ko ang ibang tauhan ni Lola na kinukuha na ang ibang gamit namin. Ang aming mga drawer, table, upuan at ibang mahahalagang gamit na kakailanganin namin kung sakaling magpapatayo na kami ng sariling bahay doon
Napatigil ako sa paglalagay aayos ng gamit ko dahil sa pagpasok ng Daddy ko.
"Pasensya na, rye. Hindi ko sinasadya." umiiyak s'ya habang unti unting lumapit sa akin para yakapin ako.
"We're okay, Daddy. We're also happy for you pero i can't believe na sila ang pinili mo, eh, kami ang pamilya mo, kami ang nauna." Lalo s'yang umiyak at unti unting lumayo sa akin.
"Maraming pagkukulang sa'yo si Mommy at lahat ng pagkukulang na yon… hinanap mo sa iba, sa halip na pagusapan n'yo, pinili mong humanap ng panibagong babae, kasal kayo, nangako kayo sa harap ng Diyos, pano n'yo nagawang sirain yon?" hindi ko napigilan ang sarili kong ilabas ang hinanakit ko sa kanya.
"Umiiyak ang anak mo sa baba, puntahan mo." pagputol ni Mommy sa iyakan namin.
"Rhianne, sorry---" si daddy.
"Umalis ka sa harap ko at puntahan mo ang anak mo ng bago mong babae." walang nagawa si Daddy kung hindi sumunod. Ngumiti si Mommy sa akin at nagpatuloy sa paghahakot ng gamit, masakit, sobrang sakit ng nakikita at naririnig ko.
***
Tiningnan ko ang kwartong aking aalisan. Kung dati ito'y nababalot ng saya, ngayon, nababalot na ito ng mga alaala.
Wala na doon ang aking mga gamit, ang malambot kong kama at mga librong sa akin ay nagpapakalma. Ang natira na lamang doon ay ang isang malaking built in na cabinet.
Nang bumaba ako nandoon si Daddy at may kargang bata, napangiti ako.
"Alis na kami, dy." tatalikod na sana ako ng higitin n'ya ako.
"Ayaw 'to ipabigay ng Mommy mo sa'yo pero… hiningi mo 'to sakin nong isang buwan." ibinigay n'ya sakin ang paper bag. Umiling ako.
"D'yan nalang sa baby n'yo, Daddy." Ngumiti ako sa lumabas na babae sa kwarto nila Daddy, kapal ng mukha.
"Regalo ko na ito sayo sa birthday mo, alam kong hindi ako makakapunta. Galit sakin ang Lola at Lolo mo lalo na Mommy mo." Ngumiti ako kay Daddy, kasalanan n'ya naman.
Nakita ko ang paglapit sa kanya ng babae at kung pano nito hawakan ang braso ni Daddy. Yuck.
Kinuha ko ang paper bag na kanyang binibigay. Yumakap ako kay Daddy at inalis ang kamay ng babae, agad n'ya iyong ibinalik kaya palihim kong kinurot ang kamay n'ya, nakita ko ang sakit ng tumingin ako sa mukha n'ya kaya lalo ko iyong idiniin.
Lumayo ako kay Daddy at ngumiti sa kanilang parehas, kita ko ang galit ng babae sa akin dahil nagmarka ang madiin kong kurot sa balat n'ya.
Lumabas ako sa bahay na iyon at agad na sumakay sa van.
Hindi ko alam kung bakit pinipilit yata ako ng nasa paligid ko na imulat ang aking mata sa murang edad, nakakapagod, nakakapagsisi.
Hindi ko alam kung bakit kami umiiyak tuwing gabi.
Hindi ko alam kung bakit kailangan namin lumayo dito, kung saan kami masaya. Pero masaya pa nga ba?
Hindi ko mapigilan na magtanong, sa lahat ng masisira… bakit ang aming pamilya pa?
>_<