bc

He May Fall For Her

book_age0+
2.7K
FOLLOW
25.2K
READ
love-triangle
age gap
second chance
arrogant
goodgirl
band
drama
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

HELLO Band Series 4: Dolphin has been chasing Connor the moment she laid eyes on him. Akala niya, madadaan niya sa tiyaga ang pagpapa-impress sa band member. Pero nang nalaman niya kung sino ang babaeng mahal ni Connor, na-shock siya. It's very unacceptable.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAGNININGNING ang mga mata ni Dolphin habang nakatingin sa nakahilerang cake mula sa labas ng salamin. Pag-angat niya ng tingin ay nagulat siya nang sumalubong sa kanya ang nakangiting guwapong mukha mula sa kabilang panig ng salamin. Napasinghap siya. "Haru! Ginulat mo ko!" Tatawa-tawa lang si Haru nang dumiretso ito ng tayo. "Hi, Dolphin. Nandito ka na naman." Madalas ay sa Harury's Sweets siya tumatambay dahil madalas ay naroon ang HELLO Band. At siyempre, kung nasaan si Connor ay naroon din siya. Pero bukod do'n ay mahilig talaga siya sa pastry kaya madalas siyang naroon kahit wala si Connor. Dumiretso ng tayo si Dolphin at tinuro ang cake na nagustuhan niya. "Bibilhin ko 'yan." Nagtaka siya nang si Haru mismo ang nagtungo sa malaking ref sa likuran nito at kumuha ng cake na in-order niya. "Nasaan ang mga tauhan mo?" Ipinatong ni Haru ang cake sa ibabaw ng counter at yumuko habang naghahanap marahil ng kandila sa cabinet. "Nag-resign na sina Peanut at Shizu. Naghahanap pa ko ng kapalit nila. May ipapasulat ka ba sa cake mo? Mukhang espesyal ang araw na 'to dahil ang ganda ng suot mong bestida." Agad siyang napangiti dahil sa papuri ni Haru. "Salamat. Graduation kasi ni Connor ngayon kaya pupuntahan ko siya sa Empire." Tumango-tango si Haru. Pinorma na rin nito ang hawak nitong icing na nakalagay sa pastry bag na ang dulo ay animo dulo ng ballpen. "So, "congratulations" ba ang isusulat ko rito?" Umiling siya. ""Will you marry me?"" Ngumiti ng pilyo si Haru. "Okay, I will marry you when you grow-up." Natawa lang si Dolphin dahil halata namang nagbibiro lang si Haru. Nilabas ni Dolphin mula sa bag niya ang isang singsing. It was a simple silver band. She dipped the ring in the icing. Natawa si Haru dahil sa ginawa niya. "You know, Dolphin. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng napaka-passionate manligaw. If only you're not five years my junior, I could have asked you out," biro ni Haru. Pilyang ngumiti siya. "Kaya ang suwerte-suwerte sa'kin ng baby love Connor ko." *** "TITA Carlota, Tito Matthew, maraming salamat ho talaga at sinama niyo ko sa family dinner niyo," nakangiting sabi ni Dolphin sa mga magulang ni Connor. Pagkatapos ng graduation ceremony nina Connor at ng Kuya Shark niya ay sinama siya ng mga magulang ni Connor sa dinner ng mga ito dahil may date ang kapatid niya sa girlfriend na si Antenna. Samantala, kaalis lang ni Riley sa dinner na iyon kani-kanina para bumalik sa ospital at bantayan si Crayon. Sumabay na rin si Madison sa pag-alis ni Riley dahil may overnight daw si Madison sa bahay ng kaibigan. "Wala 'yon, hija. O siya, mauna na kami ng Tito mo para mapag-isa kayo ni Connor," nakangiting sabi ni Tita Carlota na kasabwat niya sa pamimingwit kay Shark. "I'm very relieved that you are there for my son." "Sure po ba kayo, Tita? I don't want to spoil this family dinner." Ginagap ng ginang ang kamay niya. "You're already part of the family, Dolphin." Masaya siyang gustung-gusto siya ni Tita Carlota para sa anak nito at tinanggap na rin siya nito sa pamilya nito. "Thank you, Tita." Ngumiti lang si Tito Matthew sa kanya na hindi man magsalita ay alam niyang tinanggap na rin siya sa pamilya nito. Hindi niya alam kung ilang bansa o tao ang nailigtas niya sa past life niya kaya gano'n siya kasuwerte. Nang makabalik si Connor mula sa pagbabanyo ay wala na ang mga magulang nito. Nilalagyan niya ng slice ng binili niyang cake ang platito nito. "Where's Mom and Dad?" kunot-noong tanong ni Connor pagkaupo nito. "Umuwi na." Umiling-iling si Connor. "Malamang may pinaplano ka na naman." Napangiti si Dolphin habang pinapanood si Connor. Nangalumbaba siya habang pinagmamasdan ang asul na asul na mga mata ni Connor. May lahing Amerikano ang tunay na ama ni Connor, at mukhang namana ni Connor ang kulay ng mga mata ng daddy nito. His eyes weren't just ordinary blue. Everytime she looked at his eyes, she was reminded of an ocean. It made her feel calm. "Aw!" daing ni Connor mayamaya. "Bakit?" nag-aalalang tanong niya. Kumunot ang noo ni Connor, sabay dampot sa table napkin at tinakip iyon sa bibig nito. Pagbaba nito ng tissue sa mesa ay may singsing nang naroon – ang singsing na regalo niya! "s**t! Irereklamo ko 'to sa management," nanggigigil na wika nito. Pinigilan niya ito nang akmang tatawag ito ng waiter. "Hindi kasalanan ng restaurant 'yan. Regalo ko sa'yo ang singsing na 'yan." "Ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Connor. Dumampot siya ng tissue at kinuha ang singsing. Pagkatapos ay inalay iyon kay Connor. "Will you marry me, Connor Mac Domingo?" "No," napakabilis na sagot nito. Nawala agad ang ngiti niya. "No?" Marahas itong bumuga ng hangin. "I don't see you that way, Dolphin. Batang pasaway lang ang tingin ko sa'yo." "Ouch." "Also, I'm in love with someone else." Natawa siya. Tinaasan siya nito ng kilay. "Hindi ka naniniwala?" Umiling siya. "If you're in love with someone else, malalaman ni Tita Carlota 'yon at siyempre, sasabihin niya 'yon sa'kin. Eh wala namang nasasabi ang mommy mo." "I'm going," iiling-iling na sabi ni Connor, saka ito nagmartsa palayo. "Wait!" sigaw niya saka nagmamadaling sumunod kay Connor. Nang abutan niya ito ay kumapit siya sa braso nito. "Alam mo, Connor, mahal mo ko. Hindi ka pa lang natatauhan." "Yeah, right." Bumungisngis lang siya ulit. Pagkatapos ay tumingkayad siya at hinalikan si Connor sa pisngi. Walang itong emosyon nang lingunin siya nito. Still, she gave him her sweetest smile. "Congratulations, Connor!" "Tsansing." *** "WHY DO you have to be this close when one touch and you'll be lost? Where do these feelings have to hide, so they'll never see through my lie? This "I love you" will be left unsaid... It shall never be heard, even if the world fades... Because this kind of love is impossible... A love that's not gonna happen... A love that's never gonna happen..." Ipinagpatuloy ni Connor ang malungkot niyang pagkanta habang nakatingin kay Madison na taimtim na nakikinig sa kanya, na tila ba ninanamnam nito ang bawat letra at bawat pagkalabit niya ng string sa gitara. "How was it?" tanong niya kay Madison nang matapos siyang tumugtog at kumanta. Matagal bago sumagot si Madison. "Ang lungkot ng kanta mo, Kuya." Hindi niya pinansin ang sakit na sumuntok sa dibdib niya dahil sa tinawag nito sa kanya. "Hindi mo ba nagustuhan?" Mabilis na umiling ito, pagkatapos ay ngumiti. "Nagustuhan ko. The song is beautiful." He smiled because of her smile. Her approval made him happy and proud. "Thank you for listening, and for giving me your opinion." Ngumiti lang uli ito. Mayamaya ay tinakpan nito ng mga kamay ang bibig nito nang maghikab ito. No'n niya lang napansin na mag-a-alas diyes na ng gabi. Maaga pa ang pasok nito kinabukasan. Tumayo siya bitbit ang gitara niya. "Magpahinga ka na." Marahang tinulak niya si Madison pahiga sa kama, saka niya hinila ang comforter hanggang sa leeg nito. "Matulog ka na. Good night, Maddie." Ngumiti ito saka pumikit. "Good night, Kuya Connor." Ayaw pang gumalaw ng katawan ni Connor kahit sinasabi ng isip niya na kailangan na niyang umalis sa kuwarto nito. Sa halip ay umupo pa siya sa gilid ng kama nito at pinagmasdan ang mala-anghel na mukha ni Madison habang natutulog. Madison was his stepsister. Anak ito ni Daddy Matthew Reynaldo na ikalawang asawa ng mommy nila ni Riley. Anim na taon siya at pito naman si Riley nang yumao ang kanilang tunay na ama na may lahing Amerikano. Makalipas ang tatlong taon ay nagpakasal ang ina nila sa kanilang Daddy Matthew. Siyam na taong gulang na siya no'n at pitong taong gulang naman si Madison nang una silang magkakilala. They were still kids when their parents remarried. Dapat ay tunay na kapatid na ang tingin niya kay Madison, pero hindi niya mapigilan ang nararamdaman niya para sa dalaga. Yes, he was in love with Madison, his stepsister.. Gumuhit na naman ang matinding sakit sa buong sistema niya habang nakatingin siya sa payapang anyo ni Madison. How could he feel that way towards his innocent stepsister? Ano ang magiging tingin ng pamilya niya sa kanya kapag nalaman ng mga ito ang bawal na damdamin niya para sa kapatid niya? Akmang hahaplusin niya ang pisngi ni Madison nang marinig niya ang marahang pagbukas at pagsara ng pinto ng kuwarto. "Ano'ng ginagawa mo, Connor?" Naikuyom niya ang kamay niya bago iyon bumagsak sa gilid niya. Nalingunan niya ang ina niya na nakatayo sa tabi ng pinto, nakakunot ang noo at binigyan siya ng nagdududang tingin. "Mommy." Nagpalitan sila ng tingin ng kanyang ina. Alam niya, alam ng kanyang ina ang sekreto niya at hindi nito iyon pahihintulutan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

SILENCE

read
381.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Just A Taste (SPG)

read
895.4K
bc

Stubborn Love

read
98.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook