bc

Yes, Boss!

book_age18+
1.1K
FOLLOW
2.7K
READ
billionaire
family
self-improved
boss
drama
bxg
office/work place
colleagues to lovers
naive
shy
like
intro-logo
Blurb

My One True Love

Si Sukan Chen ay isang babaeng mahiyain at separada. Ngunit kakayanin ang lahat ng hamon sa buhay makamit lamang ang pangarap niya – ang mapasa-kanya ang dalawang anak sa dating asawa.

Wala na siyang ibang nais kung hindi ay ito lamang. Takot na siyang magmahal muli nang dahil sa nakaraan. Ngunit magbabago ba ito kapag nakilala na niya ang bilyonaryong boss niya?

Si Amir Morcos ay kliyente ng isang airline company na pinapasukan ni Sukan. Isang supladong bilyonaryo na napadpad sa kumpanyang iyon para pamahalaan ang negosyo. Seryoso sa buhay at walang panahon para sa love.

Para sa kanya ay sagabal lamang ito sa buhay. Ngunit nang makilala niya si Sukan ay nagbago na ang pananaw niya.

Ano kaya ang mangyayari sa pagtatagpo nila? Sila ba ay nakatadhana para sa isa’t-isa? O isa na namang pagkakamali na mahalin ang isang Amir Morcos?

chap-preview
Free preview
YB Chapter 1
“Please Jiang, don’t do this to me!” halos madurog ang puso niya nang maghiwalay sila ni Jiang. Akala niya ay ito na ang katapusan ng mundo. Ang bawat katagang sinabi nito ay unti-unting pumipiga sa puso niya. Sumilay ang mumunting luha sa kanyang mga mata. “I told you, Sukan. I don’t love you anymore! I have someone else!” hindi niya malaman kung anong pagmamakaawa pa ba ang dapat niyang gawin para lang manatili ito sa tabi niya. Para lang mabuo ang pamilya nila. Kahit magmukha siyang tanga sa harap nito. “What about our kids? Don’t you love them?” kung isa kang tunay na ama ay maiisip mo pa ang mga anak mo. Ngunit hindi si Jiang. Marahil ay nabulag na siya sa babaeng kanyang nakita na ipinalit kay Sukan. Hindi nagsalita si Jiang. Bagkus ay tuloy-tuloy lang ito sa pag-eempake ng damit nito. Iyan ang nasa alaala ni Sukan habang nakaharap sa salamin. Alaala ng asawa niya na nangako ng habambuhay na pagsasama ngunit naiwan siyang mag-isa. Akala nga niya ay hindi na siya makababangon pang muli. Ngunit heto siya. Muling ibinabangon ang nalugmok na sarili. Muling susubukang itayo ang sariling pamilya... nang mag-isa. "It’s my first time doing things outside my comfort zone..." bulong niya sa sarili. "Shall I do this?" pilit pa rin niyang tinatanong sa sarili niya kung dapat ba niya itong gawin. "Can I do it? But if I won’t try... How will I know that I can do it?" iyan ang sinabi ni Sukan muli sa sarili habang naglalakad mag-isa at kinakabahang papasok sa isang napakalaking building. "Fighting!" sambit pa niya na pinalalakas ang sarili. Mabilis ang t***k ng kanyang puso na animo'y gustong kumawala sa loob ng kanyang katawan. Hindi niya alam kung kakayanin niya pero kailangan niyang subukan. Nag-apply siya bilang customer service sa isang airline company. Wala siyang karanasan sa airlines pero kakayanin niya. Noon ay isa siyang singer sa isang banda. Bata pa lamang siya ay mahilig na siyang kumanta. Ganoon naman sa ibang bansa. Kahit wala kang karanasan basta graduate ka at madali kang matuto ay may kinabukasan ka. Unlike sa bansa ni Sukan na kahit English ay hindi marunong ang lahat. Tanging mga estudyante lamang na nag-aaral ang marunong ng banyagang lengguwahe. Mga labinwalong taong gulang pa lamang ay kumakanta na siya. Na-discover niya ang isang banda na BlackEnWhite ang pangalan. Siya ang naging vocalist sa bandang iyon at doon niya nakilala ang kanyang ex-husband. Isang Chinese national. Magaling itong magsalita ng iba't ibang lenggwahe. Mapa-mandarin, cantonese, hokkien, bahasa melayu man o Thai. Ito naman ang guitarist sa banda nila. "I love you, Sukan! I will give you everything..." sabi ni Jiang sa kanya nang maikasal sila. Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin siya sa sa ganoong pangako na kahit sino yata ay hindi na naniniwala dahil gasgas na ito. Isang pangakong pang-habambuhay na pagsasama. Pangakong ibibigay ang lahat sa kanya. Tipikal na pangako ng mga lalaking nais makuha ang isang babae. Mga pangakong alam mong gasgas na pero kinakagat mo pa rin. "I love you too, Jiang!" sagot naman ni Sukan na naniniwalang ang lalaking ito ang para sa kanya. Wala siyang ka-ide-ideya na pasakit pala ang dala nito. “Let’s go to Malaysia, Sukan. My parents are staying there and we can continue our band there.” inalok siya ni Jiang na magtungo ng Malaysia upang doon na ipagpatuloy ang banda nila. At wala naman silang sinayang na panahon. Nagdesisyon silang umalis ng Thailand noon at pumunta ng Malaysia upang tuparin ang pangarap nila roon at the same time ay bumuo ng pamilya. Sa umpisa ay maayos ang pagsasama nila. Masaya silang namuhay na buo ang pamilya. Nagkaroon sila ng dalawang anak---sina Ashlee at Ascot. Mahal na mahal niya ang kanyang mga anak at ang kanyang asawa. Halos ibigay niya ang lahat ng gusto ng mga bata para lang sa mga ito. Kahit pa mapagod siya o mamaos sa kaka-kanta maitaguyod niya lamang ang mga ito. Kabi-kabila ang gig nila ni Jiang. May pagkakataon pang halos hindi na nila makita ang paglaki ng mga bqta dahil sa kabi-kabilang gig. Ngunit hindi naging madali ang buhay ni Sukan sa piling ng kanyang napangasawa. Nagkaroon ito ng bisyo na kung saan ay naging adik ito sa ipinagbabawal na gamot. Bukod pa roon ay nawili itong uminom ng alak. Hindi pa ito nakuntento at nagkaroon din ito ng mga babae. Kabi-kabila ang pamba-babae nito. Noong ipinagbubuntis niya ang kanyang bunsong anak na babae ay nagsimulang magloko ang asawa niya. Noong una ay hindi niya napapansin ang mga kilos nito. Palibhasa ay sikat ito at talagang malapit sa babae. Siya naman ay hindi selosa at buo ang tiwalang ibinigay niya rito. Nagsisisi nga siya kung bakit buo ang tiwala na ibinigay niya at halos maging tanga na siya sa bagay na iyon. “I need you here in the house…” sabi ni Sukan sa asawa ngunit hindi ito nakinig bagkus ay umalis pa rin ito. “I’ll be back. I love you.” pangako niya rito. As usual dahil malambot ang puso ni Sukan at ayaw niyang masakal ang asawa niya sa kanya ay pinayagan niya ito. Palagi itong lumalabas kasama ang barkada nito. May mga pagkakataon pa na nakikita niya na may ka-chat ito sa cellphone at nagtatago sa toilet para lang sagutin ang mga tawag nito. Isang beses nga ay may nabasa siya sa cellphone ng asawa niya habang natutulog ito. "Honey, I'll wait for you tomorrow. Okay?" kunot ang noong basa niya sa mensahe. May kiss emoji pa sa dulo. Parang may kung anong tumusok sa puso niya sa nabasa. “Hon, you’re still awake?” sambit ng asawa. Mabuti na lamang at nailapag na niya ang cellphone nito. Agad naman nitong kinapa ang cellphone at nang makitang nasa side table ay humalik ito sa kanya pagkatapos ay binilinan siyang matunog na. “I can’t sleep. Maybe because our baby is getting bigger.” sambit niya rito. “Okay. But try to sleep sideways.” bilin nito pagkatapos ay natulog na. Daig pa nito ang malambing na tao kapag magkasama sila lalo na sa kama. Muli niyang naalala ang nabasa niya. Ngunit pikit-mata niyang tinanggap ang lahat ng mga panloloko nito para lamang manatiling buo ang kanilang pamilya. Hindi man siya binubugbog ng kanyang asawa, subalit hindi niya nakayanan ang lahat ng ginagawa nitong pambababae at pagdo-droga na kung saan ay nagresulta ng pagka-depress sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook