bc

Faded Memories

book_age18+
150
FOLLOW
1K
READ
HE
confident
neighbor
tragedy
bxg
campus
office/work place
athlete
like
intro-logo
Blurb

Eleven lonely years separated bestfriends Sage Catherine Rincon and Riel Tristan Delgado away from each other. When their paths finally crossed again, the two stood face to face at the treehouse they built together when they were young, however, things have completely changed...Unbeknownst to Sage, a fatal accident befell upon Riel eleven years ago which made him forget everything—including her. Will they be able to replace the memories Riel have lost? Or will they merely end up as strangers again with an untold past?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
SAGE "My very own moment of peace. . ." Nilubog ko kaagad ang mga binti ko sa hanggang tuhod na tubig ng ilog. Saglit kong tinanaw ang tirik na araw saka pumikit. Why did I do that? Nasilaw tuloy ako! "Matagal-tagal din akong hindi nakapunta rito, ah? Nakakamiss," I told myself, wiggling my feet underwater. Linggo ngayon at wala akong pasok sa coffee shop kaya puwede akong magtampisaw rito gaano katagal ko man gustuhin at ubusin ang maghapon sa gubat. Yes, in this forest. The lush, green forest that's equally mysterious and magnificently enchanting. Sa gubat na punong-puno ng insektong isang kagat lang ay puwedeng tumapos sa akin. Mula noon pa man ay dito na talaga ako namamalagi sa tuwing may libre akong oras. Bukod kasi sa tahimik at napapag-isa ako rito, marami akong alaalang dito nakatago. Maraming alaala na ang gubat na ito ang saksi. It is like an old and loyal friend. Inabot ko ang maliit na timba na nakapatong sa isang bato sa gilid ko saka isinalok ito sa ilog. Gagamitin ko ito para patayin ang apoy na ginawa ko kanina para magpausok sa treehouse. I often do that to shove insects away because like I mentioned, this place houses dangerous insects that can, you know, end me in an instant. "Sino 'yan?" I remember shivering in fear when I heard leaves crunching down the huge acacia tree when I was cleaning and designing the treehouse after it was renovated. Kabang-kaba ako noon. Akala ko ay katapusan ko na, akala ko ay magagaya ako sa mga nakakainis na protagonist sa mga pelikula na namamatay dahil masiyadong kuryoso. I went down to see what was going on with a limp roll of pink cartolina in my hands. Nanlalamig pa ang mga paa ko noon at nanginginig ang mga kamay ko. I kept muttering holy words to shoo any bad energy away. "Sino 'yan-anak ka ng tokwa!" Napasigaw ako noon nang makita ang isang malaking inahing manok na tumutuka ng antik sa katawan ng acacia. Sa sigaw ko, tumakbo ito sa gulat at naiwan akong natatawa sa pagiging nerbyosa ko. "Sayang! Chicken dinner sana!" humahagikhik na bulong ko sa sarili at umakyat na sa treehouse uli. Ngayon, umahon na ako sa ilog dahil sapat na ang nakuha kong tubig at naglakad na pabalik sa malaking puno ng acacia. Sa paanan noon ay may maliit na apoy at iyon ang bubuhusan ko ng tubig dahil ayaw ko namang magdulot ito ng forest fire o kung ano pa. Matapos noon, pinagpagan ko ang kamay ko at nagsimula nang umakyat sa hagdang nakakabit sa katawan ng puno kahit pa basa ang damit ko. Bakit nga ba ako umaakyat dito? Well, it is because this is where the actual peace starts. Sa bandang itaas kasi ng acacia, mayroong treehouse na kakasya ang, tingin ko, tatlong tao; s'yempre, kapag nakaupo at nakahiga lang. Kakasiya siguro ang nakatayo kapag cute-sized. But actually, it wasn't this big when we first made it. Kaya lang, noong nakita kong marupok na ang sahig, haligi at butas na ang bubong, ipinaayos ko at pinalawakan na rin pero siniguro ko na walang mababago sa hitsura nito sa kung anong ginawa namin dati. And the renovation put a serious dent on my wallet, I mean serious. Nanghina ako sa halaga ng binayaran ko noon, sa mga kahoy pa lang! Wala pa ang barnis, pintura, at bayad sa karpintero na kinontrata ko para sa serbisyo. Pero ayos lang. Hindi naman isang beses lang na magagamit iyong treehouse. At isa pa, mahalaga ito sa akin. Wala na ang pera roon. Nang marating ang pintuan, dumiretso agad ako sa loob at sumalampak sa sahig na nasasapinan ng itim na carpet. Kahit papaano, komportable na akong maghihiga rito. The first time I visited this house again, I went straight inside. Marupok pa ang sahig no'n at muntik pang magkandadurog-durog ang mga buto ko dahil lumubog ang paa ko sa sahig halos dumausdos ako pababa! Kaya nga kahit mahal, pinaayos ko ang treehouse, kasi ang pera, kapag naubos, mapapalitan; e ang buto ko, kapag nadurog? Siyempre, babalik pa. . . yata? Inabot ko ang isang libro na nakita ko sa kuwarto ko noong nakaraan at dinala rito para basahin. It is titled Of Years and Memories by Wean Li. This was a gift from my late father when I was really young still. He wanted me to become a bookworm because he was a strong believer of the power of books. Humanap ako ng komportableng puwesto at binasa ang likod ng libro kung nasaan ang maikling buod. Matagal ko na itong hindi nabuklat uli kaya medyo nakalimutan ko na kung tungkol saan. "A fairy who travelled all her life. . ." bulong ko sa sarili pagkatapos mabasa iyon. "And happens to forget about one of the most important things in her life? Interesting. Ano kaya 'yon?" Bigla akong na-curious kaya naman binuksan ko agad ang unang pahina ngunit sa hindi inaasahan, may nahulog na larawan doon. Agad kong pinulot ito at kumunot ang noo ko nang makilala kung sino-sino ang nasa larawan. It was me... and a very special friend. "R-Riel," I whispered. Ito ang larawan na kinuha ilang linggo bago sila biglaang umalis ng pamilya niya. Bumuhos ang mga lumang alaala ko kasama si Riel, ang kababata ko, na siya ring kasama kong gawin ang treehouse na ito. Lahat ng mga umaga na tinulungan niya akong tumakas sa bahay, mga hapon na naghahabulan kami sa damuhan, at mga gabi na naglalaro kami ng tagu-taguan ay naalala ko. This treehouse was his idea, too. Lagi kasi siyang pinapauwi noon ng kuya niyang si Ralph dahil nagbibilad siya masiyado sa araw, kaya naisip ni Riel na gumawa ng treehouse para hindi magamit sa kaniya ni Ralph ang 'nagbibilad ka sa araw!'. Did it work? It did! Gamit ang mga retasong kahoy sa bakuran nila, gumawa kami ni Riel ng treehouse kung saan kami madalas na tumambay noon. I remembered how we used to munch on bags of chips Riel got from their pantry and how I would always bring a huge bottle of chocolate drink for us to share. Sigh. Ilang taon na nga ba mula nang umalis sila? Isang dekada o higit pa? He was twelve years old when he left and I was eleven. I remember bawling my eyes out when my mother said that Riel and his family left the country without even saying something to me. I forced myself to smile. Since they moved out, I never heard from them again. Hindi ko sila makita sa social media, hindi ko nga rin alam kung saan sila nagpunta, e. I wonder how Riel is doing now. Can he still remember me? Will they still come back here? Tiningnan ko ang likuran ng larawan at muling napangiti sa aking nakita. riel poggi and sage danda friends 4ever Natawa ako dahil sigurado akong si Riel ang nagsulat nito, walang duda. I know how that boy writes; messier than a doctor's penmanship but still readable. . . if you're patient enough. Pun not intended. Isa pa, feel na feel niya na tinatawag ang sarili niyang pogi kahit laging double g ang spelling niya sa word na 'yon. Nakakamiss tuloy siya. Sa tagal ng panahong nakalipas, siyempre, kaibigan pa rin ang tingin ko sa kaniya. Wala namang magbabago roon at lalong hindi mawawala iyon sa akin. I just hope that one of these days, I'll see him again. Kahit siguro makabangga ko lang siya sa mall nang biglaan, o makita sa social media, ayos na. Gusto ko lang siyang kumustahin, gusto kong tanungin kung anong mga nangyari sa buhay niya sa nakalipas na dekada na hindi kami nagkita. "Another thing to add to my journal," bulong ko sa sarili, nakatitig sa larawan. Buti na lang pala at nakuha ko ang libro na ito. Pero dahil sa nakita kong larawan, parang gusto kong ipagpaliban muna ang pagbabasa at tumitig na lang sa labas ng treehouse. Tirik na tirik pa rin ang araw at masarap ang simoy ng hangin na natulala ako noong humampas iyon sa akin. I wonder if Riel still considers me as a friend after all these years. I still treat him as one though, but I am not sure if he's feeling the same. Baka nakalimutan niya na ako, baka nga 'di niya na ako maalala kasi sobrang bata pa namin noong naghiwalay kami. "Nakakatakot isipin," bulong ko sa sarili at huminga nang malalim. "Nakakatakot makalimutan." Napayuko ako at saktong tumama ang mata ko sa nakabukas na aklat. Unang-unang nabasa ng mga mata ko ang panimulang linya ng libro. My grandmother once told me, "What's more painful than being unloved or left alone, you ask? Dear, I think, it's being forgotten. . ."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook