bc

Till We Meet Again.

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Nakilala ni Jane si Zack sa pamamagitan lamang ng chat at habang papatagal ang ugnayan ng dalawa ay mas lumalalim ang pagtingin ng bawat isa sa isa't isa. Kahit pa ang mga ito ay hindi nasilayan sa personal ang bawat isa ay may namumukod tangi at tiwala ang dalawa sa bawat isa dahil na rin sa oras na kanilang napagsaluhan sa pamamagitan lamang ng chat , text at tawag. Ngunit kinailangang putulin ni Jane ang ugnayan niya kay Zack nang may sunod-sunod na nangyaring hindi maganda sa kanilang pamilya, kaya naman kinailangan nitong kalimutan ang sariling kagustuhan para sa pamilya. Ano ang nangyari sa pamilya ni Jane at kinailangan pa nitong putulin ang ugnayan nito kay Zack? Ano kaya ang gagawin ni Zack para rito?

chap-preview
Free preview
Till We Meet Again
Nakilala ni Jane si Zack sa pamamagitan lamang ng chat at habang papatagal ang ugnayan ng dalawa ay mas lumalalim ang pagtingin ng bawat isa sa isa't isa. Kahit pa ang mga ito ay hindi nasilayan sa personal ang bawat isa ay may namumukod tangi at tiwala ang dalawa sa bawat isa dahil na rin sa oras na kanilang napagsaluhan sa pamamagitan lamang ng chat , text at tawag. Ngunit kinailangang putulin ni Jane ang ugnayan niya kay Zack nang may sunod-sunod na nangyaring hindi maganda sa kanilang pamilya, kaya naman kinailangan nitong kalimutan ang sariling kagustuhan para sa pamilya. Ano ang nangyari sa pamilya ni Jane at kinailangan pa nitong putulin ang ugnayan nito kay Zack? Ano kaya ang gagawin ni Zack para rito? Part 1 "Jaaaaaaaane!" patiling tawag ni Synthia sa kaibigan nitong si Jane nang makita ito sa may registrar ng kanilang unibersidad na kasalukuyang nakapila dahil enrollment na, "theeeeee!" ganti naman ni Jane sabay buka sa mga braso upang salubungin ng yakap ang paparating na kaibigan. "tapos ka na mag-enroll?" tanong ni Jane rito. "Yeah, actually kahapon pa." sagot ng kaibigan "oh! Eh ba't andito ka? Anong pinunta mo dito? Tapos ka naman pala mag-enroll eh" jane, "Nag-inquire ako sa mga dormitory dito sa campus, ayoko na magcommute eh,.tsaka for freedom.na rin. Kaw ba? Akala ko ba naka-dorm ka?" balik na tanong ni synthia, "nakadorm nga ako, doon ka nalang saamin, gusto mo?" Jane, "ofcourse my dear, kung saan ka doon na rin ako hehe".synthia. Lumipas ang ilang sandali at natapos na rin mag-enroll sina Jane at nagtungo ang mga ito sa dormitoryong kasalukuyang tinitirahan ni Jane. "ok lang ba sayo na dalawa tayo sa isang room?" tanong ni Jane kay Synthia, " Hm.. Not bad, ok na ako dito, hindi naman siguro ito pinamumugaran ng mga ipis no?" synthia, " di naman hahaha, masasanay ka rin hahahhaha" malademonyong saad ni Jane sa kaibigan nito. "By the way, ito yung vaccant na kama, dito ka na, ako dito sa left na side." saad ni Jane , "owkie! Sige uwi muna ako for now kakausapin ko muna si Dad regarding this one ok?" ani Synthia " Sige sige, ingat ka ha , diretso ang uwi wag ka nang magpunta ng club." paalala ni Jane sa kaibigan nito " Opo lola, hahahahha" pabirong sagot ni Synthia, "Oh siya sige gora na!" pagtataboy ni Jane sa kaibigan nito. (Jane's POV) Hhaaaaaay! Salamat naman ang makakapagpahinga na ako sa wakas, ang hirap kasi ng process ng enrollment dito sa university, pila doon pila dito, papirma doon papirma sa kung sino sino, hay naku buhay parang life, anyways, I'm Jane Letisha Ortiga , mostly jane tawag sakin ng mga kaibigan ko, di ko alam baka ayaw nila sa Letisha. Incoming 3rd year sa college and currently taking up BS Bussiness Management. About sa Family ko? Ahm, hindi maganda relasyon ko sa mga parents ko, they always care for my ate and kuya while ako? Naturingan ngang bunso eh tapon naman kaya mas pinili kong manirahan dito sa dormitryo kesa pakisamahan sila, kung nagtataka ka kung anong trabaho ng mga parents ko eh nasa middle class lang naman, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at nabibigay naman nila ang pangangailangan ng mga kapatid ko ng walang anu ano samantalang ako eh sesermunan muna bago ibigay mapapinansyal man yan o kahit na ano kesyo wala raw akong silbi. Hayst. Di ko talaga alam anong kasalanan ko sakanila. Kaya naman para hindi na ako hihingi sakanila ng pambayad ko sa school e nagpapart time ako sa isang restaurant ng kakilala ko, kasya naman ang sinasahod ko at hindi na ako masyadong bumabayad sa mga miscellineous fees namin maging enrollment fees namin dito sa university kasi may academic scholarship naman ako, wag ka may utak to kahit papaano at gumagana naman haha! Ano pa ba di naishare? Hmmmmmm. Ah! Lovelife ko? "beeeep" wait may nagchat, "hi!?" laman ng chat, sino tong Zackary Heuston? Sosyal ng pangalan hah! Wait stalk muna hahahahha bago reply, Profile of Zackary Newsfeeds Scroll Scroll Scroll Scroll Photos Tingin Tingin Tingin Ano to? Poser? Masyadong gwapo naman kung siya to. Pero sige na nga mapansin na nga to bored tayo eh. "hi!" reply ko. Nakikita kong nagtatype siya pero ba't naman ambagal? Hayst... " ano po kelangan nila?" oh ayan baka walang maisip tong isang to kaya ako na magtatanong, "Is this you? On your profile picture?" reply niya, wait baka nagre recruit to ng mga sasali na next Top Models char o baka sa victoria secret oooooyh, hahaha pero baka teka human traffickers ata to eh.. Naku nakuuuuuuuu, malintikan na to pag ito nalaman kong sindikato to nakuuuu, pero enebeyen hehehe advance naman ng utak mo self daig mo pa may sayad eh no? Wait, replyan ko to parang di makapaniwala sa aking natatanging alindog, hahahahha joke, nakuha sa filter tong picture ko my ghad! " opo, ako po yan, bakit po?" reply ko, syempre maintriga ako eyh kaya tatanungin ko pabalik yan. Pero teka anubayan ba't antagal magreply, makatulog na nga lang. Beep! (tunog ng phone) panira to ng trip eh, "Mas maganda ka siguro sa personal no?" ayh, smooooth ano to maghohokage moves naba next dito? Hayst, pareparehas lang mga to eh. " Yes po, mas maganda nga po ako sa personal, pero alam mo? Kung wala ka namang importanteng sasabihin na siya namang papakinabangan ko eh tigil-tigilan mo na to at humanap ka ng ibang maloloko mo, iniistorbo mo tulog ko eh no? Sige bye na! At marami pa akong kelangang gawin" pagkatapos ay pinatay ko na ang data ko't naghilamos muna ako para makatulog na ng matiwasay nakakapagod kaya na puro lakad maghapon. Pagkatapos kong maghilamos ay inayos ko na rin ang kama ko, pero habang nakahiga ako ngayon pa gumana utak ko at isipin yung mga sinambit ko doon sa nakausap ko sa chat pero bahala na, kung seryuso talaga yun ey kukulitin talaga ako nun tsaka ok na yun kasi pansamantala lang naman kasi yun lalo na't online lang naman nakakausap. Sige matulog na muna ako, ihahanda ko pa kasi ang sarili ko para bukas kailangan kasi ako sa organization namin para sa mga upcoming freshmen.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook