bc

The Billionaire's Secret (The Billionaire Series #3)

book_age16+
3.6K
FOLLOW
14.7K
READ
billionaire
family
opposites attract
arrogant
CEO
drama
comedy
bxg
female lead
office/work place
like
intro-logo
Blurb

A collaboration with Hestia_GAD, Camillebratz, Gorgeous Journey, Criptica_G, LavenderPen, Filipinang Manunulat, and MYSTICALROSE

The Billionaire Series #3: Maximo Guiller Buenosantimar

He's serious. She's funny

She's sexy. He's hunky.

Does the opposite really attract each other? Or is it a total disaster?

Meet Maximo Guiller Buenosantimar, a 34-year-old bachelor who's not interested in girls but will meet his total opposite - Gianne Cressa Dela Montez, a funny and clumsy girl who will drive Maximo crazy.

Everyone fell in love with his gorgeous eyes and fierce look. But everyone thinks that behind those looks hides a woman’s heart.

Maximo has everything that a girl wants; looks, wealth, intelligence, and good friends. But he still feels that something is missing.

Will Gianne uncover his secret?

chap-preview
Free preview
Prologue - The Billionaire’s Secret
"Congratulations, Mr. and Mrs. Buenosantimar! You've been blessed with a healthy and cute little angel baby boy." saad ng doctor nang mai-tabi kay Mrs. Guillian Buenosantimar ang bagong panganak niya na sanggol. Animo'y isang anghel na hulog mula sa langit. Kung makikita ang kinabukasan nito'y tila magiging isang adonis. Isang mapang-akit at may kakaiba'ng karisma na bibihag sa puso ng mga kababaihan. Mula sa mapupungay nitong mga pilik-mata hanggang sa perpektong hugis ng labi nito na mamula-mula. Tila isinilang na ang lalaking magpapa-iyak sa mga kababaihan. Nagka-tinginan ang mag-asawa nang mailapag ang sanggol sa tabi nito. At tila hindi sang-ayon sa narinig mula sa doctor. Iiling-iling si Guillian at tila hindi pa rin makapaniwala. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid na tila may hinahanap ngunit wala siyang ibang makita kung hindi ay ang butihing asawa, ang kanyang bagong silang na supling at ang doctor. Tinitigan niya ang sanggol na nasa kanyang braso. May kung anong kumirot sa kanyang puso. Tila ba may kulang. Pagkatapos ay naglandas ang mga luha nito sa magkabilang pisngi at hindi magkamayaw ang paghagulgol nito. Agad namang sumaklolo ang haligi ng tahanan na awang-awa sa asawa. Inalo niya ang babaeng walang tigil sa pag-iyak. "Hindi! Hindi!" sigaw ni Guillian. Umalingawngaw ang malakas na sigaw sa buong paligid kasabay ang tila lindol na pagyanig. "Mom, wake up! Mom!" yugyog ni Maximo sa Ina. Mabilis naman na napamulat ng mga mata si Guillian kasabay ang paghabol nito sa paghinga. Agad itong nagising sa pagyugyog ng kaniyang anak sa kanya. Nagmadali naman na kumuha ng isang baso ng tubig ang binata nang magmulat ang kanyang Ina mula sa pagka-bangungot. "Here. Drink this, Mom." inaalalayan niyang uminom ng tubig ang kaniyang Ina pagkatapos ay hinaplos-haplos ang likuran nito. Kitang-kita niya ang mga luha sa gilid ng mga mata nito na kumikinang na crystal. Marahan niyang pinahid ang malinaw na likido mula sa mga mata nito na tila isang mamahaling diyamante na ingat na ingat na masaktan sa pagpahid niya sa mga luha nito. "What is it this time?" nag-aalalang tanong ni Maximo. Hindi naman kaagad nakasagot ang kaniyang Ina. Hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin para sa kaniyang Ina. Makailang ulit na kasi niyang nati-tiyempuhan na nananaginip ang ito. At ang tanging sinasabi lamang nito sa kanya ay may napanaginipan itong sanggol. Hindi niya mawari kung ano ang tungkol sa sanggol ngunit nais niyang malaman. Kaya lamang ay sa tuwing inaalalam niya ang bagay na ito ay naiiyak na lamang ang kanyang Ina at hindi na ito makapag-kuwento. At nauuwi na lamang sa pag-comfort niya rito ang usapan. Pagkatapos ay hindi na muling pag-uusapan pa. "Well, I guess it's the same dream. Isn't it?" makailang segundo pa mula nang magtanong siya nang tumango si Guillian sa anak. Tanging tango lamang ang kaya niyang sabihin o gawin. Nang maubos ang tubig sa baso na ibinigay ni Maximo ay tumingin ito sa kanya mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay bumangon ito mula sa pagkakasandal sa sofa. "I'll go to my room now." saad nito. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa sofa kahihintay kay Maximo. Dapat ay kanina pa ito dumating ngunit late ito ng isang oras sa pagbisita nito. Hindi kasi siya makatulog sa kuwarto kapag hindi niya nasisilayan ang anak. Humalik lamang sa pisngi nito si Maximo. At tuluyan na itong naglaho sa paningin ng binata nang magpaalam ito sa kanya. Halos tatlumpu't apat na taon na niyang ginagawa ito ayon sa Ama ni Maximo. Mula pagkasilang pa lamang nito ay hindi na makatulog nang maayos ang kanyang Ina sa silid nito nang hindi nasisilayan si Maximo. Kahit ang pag-iyak niya noong sanggol pa siya ay hindi na ito mapakali sa kabila nang may nag-aalalaga naman sa kanya. Halos limang taon na siya nang ma-realized niyang kailangan niyang palagiang puntahan ang kaniyang Ina. Tila ba takot itong mawala siya. Iniisip nga niya minsan kung nawala na ba siya o nawalay na siya sa kanyang Ina noong bata pa siya kaya ganito ito makapag-react kapag wala siya o late siya. Wala rin namang nababanggit ang kaniyang Ama kung naaksidente ba siya o nawala nga. Although normal naman sa isang Ina ang mag-alala para sa anak ngunit hindi katulad ng ganito. Sampung taon na siyang hindi nakatira sa bahay na ito. Simula nang maipatayo niya ang sariling mansion niya noong dalawampu't apat na taong gulang pa lamang siya. At muntik pang hindi maaprubahan ng kanyang Ina dahil malaki naman ang mansyon nila. Kasya kahit isang buong village ang manirahan dito. Ngunit dahil nangako siya na laging dadalaw rito para lamang mapayagang manirahan mag-isa ay ginawa niya. Dahil na rin sa kahilingan ng kaniyang Ina na araw-araw ay dapat siyang dumalaw rito ay palagian siyang napunta rito. Para iwas argumento na rin ay ginagawa na lamang niya ang kahilingan nito. Napapa-isip na nga lamang siya kung ano ba ang dahilan nito ngunit hinayaan na lamang niya ito. Kasiyahan na rin naman niya ang dalawin ito araw-araw kahit pagod siya sa trabaho. Ayos lamang sa kanyang Ina na hindi makita si Maximilian---ang kanyang ama---ngunit ang hindi siya makita ay tila ikamamatay nito. Weird pero nasanay na siya. Nakapapagod pero baliwala iyon mapasaya lamang niya ang kanyang Ina. Halos magdidilim na at binalot na ng liwanag mula sa mga poste ng kalsada ang daan nang makauwi siya sa kanyang mansion. Nang bumusina siya sa isang napakalaking gate na kulay itim ay agad naman siyang pinagbuksan ni Aling Mildred---ang kanyang kasambahay. Ito ang nag-alaga sa kanya mula pagkabata at ito rin ang inatasan ng kanyang Ina na mag-alaga sa kanya sa sarili niyang bahay. Matanda na ang kasambahay niyang ito ngunit malakas pa. Marahil ay dahil na rin sa kakikilos sa gawaing bahay kaya naman nahasa na ang katawan nito at napakaliksi pa rin hanggang ngayon. Ngunit paminsan-minsan ay weird-o itong magsalita dahil kung ano-ano ang ikinukuwento nito sa kanya kapag nasa bahay siya. Lalo na ang tungkol sa panaginip ng kanyang Ina. Alam nito kung gaano na katagal nananaginip nang ganoon ang kanyang Ina. Hindi naman niya iniintindi pa ang mga sinasabi nito dahil mukhang kuwentong kopong-kopong pa ito. "Oh, Hijo. Kumusta ang iyong Ina?" tanong nito pagkabukas pa lamang sa pinto ng itim na kotse niya. "Okay lang naman, Manang. Wala bang naghanap sa akin dito?" pagkasabi ay nilapitan nito ang matanda at sinakop ng magkabilang palad ang pisngi nito. "Huwag na kayong mag-alala kay Aling Guillian. Maayos naman siya." biro nitong tawag sa Ina. Palibhasa'y nakagawian na niyang tawaging Aling Guillian ang Ina sa harap ng matanda. Matapos ay ngumiti ito at saka hinalikan ang noo nito. Kahit na matanda na ito ay hindi niya nalilimutan ang mga sakripisyo nito para sa kanya. Lalo na ang mga pag-aalaga nito kaya naman lumaki siyang malambing. "Hinanap ka ni Gior kanina. Kailan daw ulit." sabay kindat ng matanda. Natawa na lamang siya rito. Kahit kailan talaga ay maloko ito. Kung hindi niya lang ito iginagalang ay ibibitin niya ito nang patiwarik sa tuwing binibiro siya nito ng ganoon. "Ano na naman kaya ang iniisip ni Manang." bulong niya sa sarili na napapailing pa. Palibhasa'y guwapo ang best friend niyang ito at matagal na itong kakilala ni Manang kaya naman tila magkasintahan na ang turing nito sa kanila dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kasintahan. "Tara sa loob at mahamog na. Rarayumahin na naman kayo niyan e." 'aya niya sa matandang dalagang si Manang Mildred. Kadalasan kasi ay siya pa ang nag-aalalaga rito lalo na kapag nagkakasakit ito dahil siya lang ang pinagkakatiwalaan nito. Hindi nga niya minsan alam kung sino nga ba ang amo at sino ang kasambahay sa kanilang dalawa. "Magbibihis lang ako, Manang. Pagkatapos ay kain na tayo." pagkasabi ay agad itong nagtungo sa itaas ng mansion. Nasa kaliwa ang kwarto niya at nasa kanan naman ang guest room niya. Ito ang tulugan ng mga kaibigan niya kapag hindi nagsisi-uwi ng kani-kanilang mga bahay. Lalo na ang best friend niyang si Giordano. Halos araw-araw ay ganoon ang setup niya. Bihirang-bihira na mamasyal siya. Kadalasan ay nasa bahay siya ng mga magulang niya o hindi kaya naman ay sa bahay niya o sa mga business trip niya. Tuwing nasa business trip siya ay nagpapaalam siya sa kanyang ina at sinisigurado niyang nakapag-video call sila nito. Kung hindi naman ay pinupuntahan ito ni Aling Mildred kapag hindi talaga siya pupuwede o may outing silang magba-barkada.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.5K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.7K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
699.2K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.6K
bc

That Professor is my Husband

read
505.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook