bc

Ikaw Na Nga

book_age18+
882
FOLLOW
2.8K
READ
fated
dare to love and hate
CEO
drama
sweet
bxg
city
office/work place
enimies to lovers
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Pagod nang magmahal si Bea. Lahat ng nagiging boyfriend niya ay lagi na lang siyang niloloko, iniiwan, at ginagamit lang. Kung hindi dahil sa pang-display siya ay pang-finance. Masakit pero nakaya niya. At dahil doon ay ayaw na niyang umibig pang muli.

Ngunit nang makilala niya ang aroganteng boss niya ay tila tumiklop ang kasungitan niya. Ang isang Beatrice ay naging isang maamong babae na handang lumuhod sa kalsada, makamit lang ang lalaking itinitibok ng puso niya.

"Sabi ko, ayaw ko na. Sabi ko, pagod na ako. Sabi ko, hindi na ako muling iibig pa. Pero nang makilala kita, masasabi kong ikaw na nga. "

“Kung may hihilingin pa ako sa buhay ko, iyon ay ang makasama ka habambuhay.”

chap-preview
Free preview
Ikaw Na Nga Prologue
"Wala kang pinagkaiba sa kanila! Akala ko iba ka, Greg!” sigaw ni Bea sa fiancé niya. “Akala ko lang pala..." rumagasa ang luha sa kanyang mga mata. Ang buong akala niya ay si Greg na ang lalaking maghaharap sa kanya sa altar. Ngunit nagkamali siya. Hindi pa pala. Hindi pala. Naalala pa niya ang pag-propose nito sa kanya sa harap ng fountain sa isang resort na pinuntahan nila. Sabi ng ilan ay magkakatotoo raw ano man ang ipangako mo sa harap ng fountain na iyon. Ngunit scam lang pala. Hindi pala totoo. "Let me explain, Bea. Hindi ko siya mahal. Inakit niya 'ko. I'm just a guy!" napatawa nang mapakla ang dalaga. "Wow, Greg! Lalaki ka lang? Pa'no kaya kung ako ang mahuli mo na nakikipaghalikan sa iba? Pagkatapos ay sabihin ko na babae lang ako. Would you accept that? Tatanggapin mo ba?" halos parang pinipiga ang puso ni Bea nang mahuli niyang naghahalikan sina Greg at ang katrabaho nito. Magkatrabaho sila sa iisang kumpanya ngunit magkaibang departamento. Si Beatrice Almanza ay isang logistic head manager. Siya ang nagsu-supervise ng mga warehouse staff at direct na nakikipag-usap sa mga manager sa warehouse. Ang fiancé naman niyang si Greg ay isang human resource head. At si Martina ay isa sa human resource staff. "Greggy, babe, baka may makakita sa'tin. Ano ba?" tila kinikiliting sambit ni Martina sa binatang si Greg. "Hayaan mong makita nila kung gaano ka kasarap." sabi pa nito habang hinahalikan ang leeg nito papunta sa malulusog nitong dibdib. Hindi naman revealing ang suot nito dahil nakasuot ito ng long-sleeve pero hinubad niya ito kaya kitang kita ang mala-puwet ng bata na dibdib nito. Patuloy na sinibasib nito ang dibdib ni Martina. Pagkatapos ay muling bumalik sa labi ng dalaga na eksakto namang naabutan ni Bea. Naalala pa niya ang reaksiyon niya kanina sa hagdanan. Para siyang isang tuod na hindi makakilos sa kinatatayuan niya. “G-Greg?” sambit niya na ikinahinto naman ng dalawa. Agad na isinuot ni Martina ang long-sleeve nito at saka pumasok ng fire exit para bumalik sa opisina. Puno ang elevator pababa sa diner kaya naman naisipan ni Bea na maghagdan na lang at kapag pabalik ng opisina mula sa meal break ay saka siya mag-e-elevator. Hindi naman akalain ni Greg na magkakasabay sila ni Bea sa oras ng break. Nang nagtext siya rito ay may tinatapos itong report. Ngunit mabilis na natapos ni Bea ang report. At tapos na rin magtanghalian sina Greg at Martina. Nais niya sanang sabayan ang fiancé niya ngunit iba pala ang tinatanghalian nito. Mahilig din kasi ito sa lechon. Kaya siguro pinatulan nito si Martina na halos hindi na makita ang leeg sa katabaan sa isip-isip ni Bea. "That's a different story." seryoso at tiim bagang na saad ni Greg na nagpabalik naman sa ulirat ni Bea mula sa pag-aalaala ng nasaksihan kanina. Naalala ni Greg ang makulit na ka-department ni Bea na laging umaaligid dito. "See. Bakit kapag ikaw okay lang? Pero bakit kapag ako hindi? Break na tayo!" sambit ni Bea sabay pahid ng luha sa kanyang mga mata. Pagod na siya sa mga dahilan nito. Agad siyang nanakbo paakyat ng hagdan mula sa twenty-sixth floor kung nasaan ang diner nila. Sa fifteenth floor sina Greg at sa thirty-first floor naman siya. Patuloy siyang sinundan ni Greg paakyat ng hagdan. Halos manakit ang mga paa niya sa pagmamadaling umakyat. Halos yakapin na niya ang hagdan para lang makalayo kay Greg. Nakasuot pa man din siya ng black high heels. Ilang buwan na lang ay ikakasal na sila nito ngunit hindi na matutuloy. "Please naman, Bea. Mag-usap tayo." patuloy pa rin ang pagsunod ni Greg sa dalaga. Ayaw mag-elevator ni Bea dahil siguradong makikita siya ng mga katrabaho niya. Alam na alam na niya ang sasabihin ng mga ito. Lalo na siguro si Ivy kung nasa opisina ito ngayon. "I told you so." rinig pa niya sa tainga niya ang mga katagang iyon nang sabihin iyon ni Ivy matapos niyang malaman na pineperahan lang pala siya ni Mark—ang ikalawang boyfriend niya. At ngayon naman ay niloloko siya ni Greg. Hindi na ba matatapos ang ganito sa buhay ko? Ano ba’ng kasalanan ko? sambit niya sa sarili habang patuloy na naglalakad paakyat ng hagdan. "Puwede ba, Greg? Please lang. Lubayan mo na ako. Wala na tayong dapat pag-usapan pa." marahas na hatak ni Bea sa braso niya nang maabutan siya nito at mahawakan. Kahit nasaktan siya sa ginawa niyang paghatak sa braso niya ay binaliwala niya ito maiwasan lang ang mga kamay ni Greg. "Please naman. Wala lang 'yon. Halik lang naman 'yon. Hindi naman kami nag-s*x. Kaya please naman, Bea. Mahal kita!" habol nitong muli. Bigla itong napahinto nang humarap si Bea sa kanya. Nanginginig ang labi ng dalaga. “Ibig mo bang sabihin na kailangang hintayin ko pa na mag-s*x kayo bago ako matauhan? Hintayin ko pa na makabuo kayo ng bata bago kita iwan? Ang kapal mo… Ang kapal-kapal mo!” At sa isang iglap ay lumapat ang palad ni Bea sa magkabilang pisngi ni Greg. "This one is for deceiving me.” sambit niya nang lumapat ang palad niya sa kaliwang pisngi nito. “And this is for following me when I told you not to." paglapat ng kanang palad niya sa kanang pisngi ni Greg. At pagkasabi ay agad na hinubad nito ang singsing na ibinigay nito sa kanya at ibinato sa binata pagkatapos ay agad na naglakad na muli paakyat sa hagdan si Bea. Hindi naman na siya sinundan pa ni Greg. Nang hindi na sumunod si Greg ay napaupo na lang si Bea sa kinatatayuan niya nang halos isang hakbang na lang ay hindi na siya makapaglakad pa. Hindi matapos-tapos ang hikbi niya habang ang mga luha niya ay patuloy na nagkakarera sa kanyang magkabilang pisngi. "This is the last..." sambit niya. Marahan niyang pinahid ang kanyang mga luha. Tumayo mula sa kinauupuan niya at huminga nang malalim. Pagkatapos at muling naglakad paakyat sa huling floor kung saan ang opisina niya. Paglapit niya sa desk niya ay naupo kaagad siya sa upuan niya at nagpadala ng mensahe sa dalawang kaibigan niya. Naka-leave ang mga ito kaya solo siya sa opisina ngayon. “We’re over.” mahinang basa pa niya sa mensahe bago niya ito ipadala sa dalawang kaibigan niya. Akala niya ay lalagay na siya sa tahimik. Ilang buwan na lang ay magiging Mrs. Gonzaga na sana siya. Mabuti na lang at nalaman kaagad niya ang kalokohan ni Greg. Bago pa sila matali sa isa’t isa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook