bc

Jump Then Fall (Captivated Series 1)

book_age16+
3.6K
FOLLOW
23.6K
READ
student
comedy
bxg
humorous
genius
ambitious
campus
coming of age
school
engineer
like
intro-logo
Blurb

Gusto na ni Rachel na magka-nobyo. Hindi dahil inu-obliga na siya ng kanyang nanay na pakilalanin na dito ang kanyang boyfriend kundi dahil gusto niya na rin maramdaman ang feeling na in a relationship.

Sa early college life niya, ina-admire niya talaga ang famous hearthrob na si Lance kaso... sobrang layo ng pagitan nila sa isa't isa. Hanggang sa nakilala niya si Dylan Araneta. Ang gwapo at mabangong lalaki na nakatabi niya sa jeep. Pero hindi naging maganda ang unang pagtatagpo nila ni Dylan. Nagkaroon siya ng malaking atraso sa lalaki.

Pero ang atraso na iyon ang magiging dahilan para mas makilala at mas mahalin niya ang lalaki. Ngunit hindi niya pala dapat ginawa 'yon. Dahil ang lahat ng pangungulit at pagiging sweet sa kanya ng ni Dylan ay may kapalit pala. At hindi niya nagustuhan iyon.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
RACHEL "Bakla!" untag ko kay Desiree habang busy sa pagkalikot ng cellphone niya. "Ano?" patanong na sagot niya habang busy parin sa pagtitig sa cellphone niya. "Two weeks na lang!" naiiyak na wika ko. "Jusko! Two weeks na lang!" "Eh ano naman kung two weeks na lang?" "Deadline na!" Napatingin siya sa akin. "Deadline?" napasinghap siya. "Wait, don't tell me due date na ng pagbabayad mo sa bombay? Naku, bakla! Kailan ka pa natutong kumapit sa bombay? Eh wala ka ngang trabaho na pambayad!" Binatukan ko siya. "Baliw! Hindi ko forte mangutang sa bombay 'no?!" Natawa si Desiree. "Eh ano naman kasing due date 'yan, ah?" Muli akong tumingin sa kalendaryo at nanlulumo na napaupo sa sala katabi ni Desiree. "Beshy, birthday ko na sa next-next week. 20th birthday ko! Ibig sabihin gurang na ako!" Ako naman ang binatukan ni Desiree. "Baliw! mas madrama ka pa sa binabasa ko, oh!" Oo, book lover ang kumag na 'to. "Eh, ano naman kung 20th birthday mo na? As if naman end of the world na?" "Oo, end of the world na," muli akong napaiyak. "Kasi hanggang ngayon wala parin akong jowa! At kapag umabot ako ng 20 years na hindi parin dumadating ang prince charming ko. Wala na talaga! Finish na, magiging matandang dalaga na ako." "Tae, OA mo naman, Rachel. 'Yang paniniwala mo, kapag 30 na daw 'yong tao, hindi 20. Kaya may sampung taon ka pa para maghanap. Naku!" Nagkakamot si Desiree na ibinalik ang mga mata sa cellphone at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Napahalumbaba ako sa side arm ng sofa at bumuntong hininga. "Eh, ba't ba kasi hindi mo nilalandi si Lance Samaniego, ha? Kung atat ka ng magkajowa, lumandi ka! Hindi 'yong nandito ka lang nagi-stay sa apat na sulok ng bahay n'yo." Napasinghap si Rachel sabay tingin sa akin. "Wow, ha? Kumusta naman kaya 'yong isa d'yan. Hiyang-hiya naman ako sa pagtutok ng mga mata mo sa apat na sulok ng screen ng cellphone mo," sarcastic na wika ko. Natawa si Desiree. "Oh, well... hindi ko na kailangan maghanap ng lalandiin. Marami na akong asawa." Napangiwi ako. "Asawa? Mabubuntis ka ba ng mga lalaki mo na nag-eexist lang sa libro?" "Wuy! ang bibig mo!" "Anong bibig? I am just into reality," pairap na sabi ko. Si Desiree naman ang napangiwi at umirap sa sinabi ko. "Reality na hindi ka crush ng crush mo. Buti na lang sa libro, hindi lang isa ang iki-claim mong maging asawa kundi hundred and thousands pa. Eh pag sa reality, isa na nga lang hindi ka pa kayang magustuhan." Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. I gave up. Masyadong lumalawak opinion ng babaitang ito kapag MGA ASAWA niya ang pinaguusapan. Yeah! MGA ASAWA, with capslock kasi, talagang makikipagaway 'yan kapag na-involved sa usapan ang mga pinapantasya niyang lalaki. "Masyado naman kasing mataas ang lalaking pinapangarap mo." Napailing si Desiree at tumingin sa akin. "Try mo kasing maghanap ng gwapo pero hindi ganoon kasikat." I rolled my eyes. "Tell me where to find a handsome guy tapos hindi sikat. Sige nga, hanapan mo ako." Napangiwi si Desiree. "Kung makapagsalita ka parang pinapatulan mo naman talaga ang mga lalaking tinuturo ko sa'yo." patutsadang saad ni Desiree sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Tama naman kasi siya. "Where in fact, all boys in Eislerville Academy have their own definitions ng pagiging gwapong lalaking," dugtong pa ni Desiree. "But your mind is still pointing on one person, Lance Samaniego. A person with a lot of fan base, and rich kids friends na sobrang nakaka-intimidate kasama." I bit my lip. Hindi ko na kayang salungatin ang sinasabi ni Desiree kasi tama naman talaga ang sinasabi niya. Lance Samaniego is one of the hottest famous hearthrob in Eislerville Academy. Bago ko siya mahawakan, libong fan base muna ang makakasagupa ko. And then his friends were there to look at me from head to toe. 'Yong tipong kikilatisin nila ang kaloob-looban mo. At kung hindi ka pasado, don't ever think na magiging masaya ang buhay mo sa piling ni Lance Samaniego. Para ka lang sumusungkit sa buwan sa gitna ng mga stars. "Tell me what to do? Si Lance lang talaga kasi ang gusto ko." Pakiramdam ko ay sobrang desperada ko na. Umiling muli si Desiree. "I will not help you if you want to be with Lance. Kasi ayoko na ulit makuyog ng fan base niya." Yeah, we get bullied last year when we tried to step in the classroom of Lance Samaniego. Kung hindi lang kami tinulungan ng isang lalaki ay hindi kami tatantanan ng mga kaibigan niya. Bakasyon na kinaumagahan 'non, kaya akala namin wala ng haharang sa amin na mga fans ni Lance, pero sobrang nagulat kami ni Desiree nang harangin kami sa pinto ng mga fan ni Lance at tinulak kami paalis ng building. "But I can help you to find a new one." Tumaas baba ang kilay ni Desiree dahilan para mapairap ako. "Alam mo, maniniwala ako sa 'yo kung may boyfriend ka, eh. Kaso Des, wala ka rin boyfriend. Hindi mo din alam kung paano lumandi. Kaya bakit kita susundin?" Umirap ako. "Gaga, fyi reading is better than experience." "Yeah, yeah, whatever!" I rolled my eyes. "So? Game?" Nilingon ko siya nang nakakunot ang noo. "Anong game?" "Boy-hunting tayo." Napaisip ako. Tumayo si Desiree. "Halika na, 'wag ka na magisip d'yan. Bukas, first day of school na natin. So let's spend the rest of our vacation." "Wait lang, atat ka din 'no? 'Di pa nga ako naliligo." "Huwag ka na maligo." "Baliw!" Isang malutong na halakhak ang pinakawalan ni Desiree bago ako pumunta sa second floor ng bahay namin para ihanda ang gamit ko sa pagligo. **** "Wow, buti naman at may gana ka pa bumaba. Akala ko nakatulog ka na sa loob ng banyo mo," sarcastic na puna sa akin ni Desiree nang makababa ako ng mahigit isang oras lang naman. "Tss, ang bilis ko nga matapos eh." I put my shoes on. Isang simpleng semi tattered high waist jeans paired with t-shirt croptop ang sinuot ko. Sinukbit ko ang sling bag ko. "Oh, G na." aya ko. "Tara!" Excited na lumabas kaming dalawa ng bahay. Pinabilinan ko na lang ang nag-i-isang maid namin na si Manang Tonya na uuwi ako bago maggabi. At huwag magpapapasok ng hindi kilala. Hindi naman gaano kagara ang bahay namin. Tama lang para sa dalawang tao iyon. My mom is working as a supervisor sa isang bangko so kaya naman tugunan at pag-aralin ako sa isang pribadong eskwelahan. All thanks sa kanya kasi kahit solo na lang siya ay hindi na nagbother pa si Mommy na maghanap ng asawa. Bibigyan na lang daw kasi niya ng atensyon ang sarili niya at syempre ako din. At saka kaya naman niya maghanap ng mapagkakakitaan maganda naman ang posisyon at nakukuha niyang sahod sa kumpanya na pinapasukan niya. "Jeep na lang tayo, wala atang dadaan na taxi," wika ni Desiree. Ilang minuto na rin kasi kami naghihintay at walang dumadaan. "Ok, sige." Kahit ok naman ang estado ng buhay namin, we were keeping life easy and simple. Kahit pareho kami 3rd year college taking Bachelor of Business Management major in Finance ni Desiree, ay hindi kami nahawa sa mga pa-rich kid effect ng mga pumapasok sa Eislerville Academy. Karamihan kasi ng mga nandoon eh kulang pandirihan pati alikabok na dumadapo sa balat nila. Palibhasa, 100,000,00 ang tuition per semester ng mga estudyanteng naroon, so hindi nakapagtataka na karamihan sa kanila ay rich kids naman talaga. Kaso minsan sa sobrang yaman nila kinakain na rin ng pera pati ang utak ng karamihan sa kanila. At example na doon ang mga fans ni Lance Samaniego na walang ibang nagawa kundi ang makipag-away sa umaaligid sa bebe nila. Haist! Minsan, naiinis din ako kay Lance. Nakakainis kasi ang kagwapohan niya. Nang makapara kami ng jeep ay naunang sumakay si Desiree, sumunod naman ako. Des, only wear floral romper at binagayan niya ng flat sandals. So simple but she can pull something fashionable on it. Iba kasi magdala ng damit ang babaitang 'to. Lahat bumabagay sa kanya palibhasa almost perfect ang katawan niya. From, boobs to butt, kakaibabe, kumpara naman sa akin na dalawa ang likod. Tsss! If Des also have a crush with Lance at papiliin ito sa aming dalawa, I bet he will choose Desiree. But good thing, hindi tinatamaan ang baklang ito ng kagwapuhan ni Lance, or ng kahit kanino man na lalaki sa Eislerville Academy. Eh, syempre paano naman tatamaan eh madami ng asawa 'to... mga fictional characters nga lang. Desiree is my childhood friend. Simula kasi Elementary hanggang ngayon College na kami ay magkaklase kami. Imagine n'yo, kung gaano dumikit sa akin ang baklang 'to. Well, don't judge us for calling each other as bakla, it's just our endearment. Before, we have something in common pero noong tumuntong kami ng 16 ay nag-iba na ang mga hilig namin sa mga bagay-bagay pero solid bestfriend parin kami. Example, Des loves to show off her skin. Palibhasa, maputi at perfect ang katawan kaya kahit anong damit bagay na bagay sa kanya. While me? Ah... never mind. Hindi lang talaga kasi ako sanay even if I have a morena tone of skin. Kapag dress nga na abot hanggang below the knee feeling ko hinuhubaran na ako. Sumuot pa kaya ng romper na bumukaka ka lang ay kita na panty mo. Hay! 'Yon din siguro ang dahilan kung bakit wala akong jowa. I am not fond wearing daring clothes that might fell every man heads over heels on me. Kaya kapag naging 20 years old na ako na wala parin akong jowa, tatanggapin ko na talaga ang tadhana ko na maging isang madre. Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nang tumabi ang jeep para pasakayin ang pumarang pasahero. Wala sa loob na tiningnan ko ang lalaking sasakay palang. Bahagyang tumaas ang kilay ko nang saglit na mapasadahan ko ng tingin ang itsura niya. He's wearing genius eyeglasses, basic grey shirt and navy blue pants na pinaresan ng itim na skater sneaks. He's perfect well trimmed short blowout tapered side hair matched his outfit. Moreover, his perfect brown eyes and brows ang mas nagdala ng kagwapohan niya. Dumaan ang mga mata niya sa amin ni Desiree bago gumuhit ang ilang linya sa noo niya. Agad na tinapik ni Desiree ang binti ko kasabay ng pag-usod ko palapit sa kanya. Umakyat ang lalaki para umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Halos kasing-edad lang ata namin siya. Nang dumaan siya sa harapan namin ay naamoy ko ang pabango niya na bahagyang nagpaangat ng sulok ng labi ko. Tae, turn on pa naman ako sa mabangong lalaki. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ng lalaki. Mas lalo ko tuloy naamoy ang nakaka-turn on niyang pabango. Bahagyang kumiskis ang braso niya sa braso ko habang kinukuha niya ang kanyang wallet sa likod ng bulsa ng pantalon niya. Mayamaya ay naramdaman ko ang pagsiko ni Desiree sa akin. Napatingin ako sa kaibigan ko na noon ay halos abot-tenga ang ngiti. Sinulyapan ko ang kamay ni Des. Usually, umaabot hanggang tenga lang ngiti ng babaitang ito kapag nasa part na siya ng nakakakilig na scene sa kwentong binabasa niya, pero nang mga oras na iyon ay wala siyang hawak na cp. "Oh?" wala sa loob na tanong ko. I am a bit judging her reaction. "Chance mo na 'yan," bulong niya sa akin. "Chance?" kunot-noong tanong ko. Dinala ni Desiree ang hintuturo niya sa labi niya to lessen my voice. Lalong kumunot ang noo ko. "I said, chance mo ng lumandi ngayon. Landiin mo na ang lalaking 'yan!" "What?" Napatingin ang mga mata ko sa gilid without moving my head away from Desiree. "Ano na? Gusto mo na ba talagang magkajowa? Ayan na oh, binibiyayaan ka ng Diyos! Ikaw na lang magfi-first move." "Baliw ka na ba? Hindi ko gagawin 'yon, 'no!" giit ko sa mahinang boses. "Tae, naman Rachel. Huwag ka ng pabebe. Chance mo na 'to pakakawalan mo pa?! Sige ka, pag pinakawalan mo pa 'yan, hindi ka na talaga magkakajowa kahit kailan." I bit my lip at bahagyang nag-isip. "A-Anong gagawin ko?" "Mag-isip ka, dali! habang kasasakay niya palang." "Hindi ko talaga alam." Napapakamot na ako sa ulo sa sinasabi ni Desiree. "Ganito na lang. Amin na ang cp mo." "B-Bakit?" "Basta, akin na." Kinuha ko sa loob ng sling bag ang cp ko. May kinalikot doon si Desiree. Binalik niya iyon sa akin nang nakabukas ang camera. Kunot-noong tiningnan ko siya. "A-Ano 'to? "Kunwari ma'y tatawagan ka tapos pindutin mo 'yan na sa harap niya." Tumaas-baba ang kilay ni Des na para bang isang napakagandang ideya ang naisip niya. Napangiwi ako. "What? Ano naman pautot 'yon?" Napairap si Desiree. "Ano? gusto mo na ba talaga magkajowa o ayaw?" Napabuntong hininga na lang ako. "Fine, pag hindi ito maganda ideya. Malilintikan ka sa 'kin, bakla!" "Ay, 'wag na lang. Hiyang-hiya naman ako. Ikaw na nga 'tong tinutulungan," sarcastic na wika ni Desiree. "Tsk, oo na!" Umayos ako nang upo at isang sulyap sa nakangising si Desiree ang ginawa ko bago ako binigyan ng atensyon ang cp ko. Lumipad ang tingin ko sa lalaki na nasa kaliwang bahagi ko. Naka-ear phone siya habang nakapikit at nakahalukipkip. Sheyt! Ang tangos din pala ng ilong niya. Muli akong humugot ng malalim na hininga. Sana hindi mahalata ni k'ya na pinipicturan ko s'ya. Sinimulan kong pindutin ang capture button. Habang nakatingin sa paligid. Hindi na gaanong puno ang kabilang side ng jeep kasi may bumaba na tatlo. Habang dito sa side na naupuan namin ay dalawa na lang mapupuno na. I grinned at saka ilang beses kong pinindot ang capture button. "Ay!" Nabigla ako nang bahagyang lumakas ang preno ng jeep dahil sa stoplight. Nahulog ang cellphone ko sa lap ng gwapong lalaki na katabi ko. Kukunin ko sana iyon pero bahagya akong natigilan. Kinabahan ako. Hindi lang dahil nakabalandra sa cellphone ko ang picture ng lalaki kundi dahil nahulog ang cellphone ko sa mismong ano niya. Sa ano niya... ahm, sa ano... basta doon! At kapag tiningnan niya ang cp ko paniguradong makikita niya ang picture niya! What the- ano gagawin ko? Unti-unting tumaas ang tingin ko sa lalaki. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. I panicked. Bumaba ang tingin niya pero bago niya pa man makita ang cellphone ko ay mabilis kong dinakma ang ano niya-- este, 'yong cellphone ko. Nagulat siya sa ginawa ko. Napatingin ako sa kanya. Nagtama ang mga paningin namin. "S-Sorry." Napangiwi ako at kaagad na binawi ang kamay habang hawak ang cellphone. Kaagad kong isinilid sa sling bag ang cellphone sa bag. Pinamulahan ako ng mukha. Hindi ko magawang tingnan ang mga tao na nasa jeep. Paniguradong may iilan na nakakita ng ginawa ko. Maging si Des na kanina pa sinusundot-sundot ang tagiliran ko ng daliri niya, ay hindi ko magawang tingnan. Napatingin ulit ako sa lalaki. Kahit namumula ay humingi ulit ako ng pasensya sa kanya. "S-Sorry po ulit." Hindi ko matingnan ng deretso ang mga mata niya. "It's ok." Sa sinabi niyang iyon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na tingnan siya sa mata sa sinabi niya. Umangat ang sulok ng labi niya. Kahit hindi ko makita ng maayos ang reaksyon ng mga mata niya dahil sa eyeglasses na nagrereflect liwanag ng daan, I know that his eyes were teasing at me. Husto na sana para kumalma ang pakiramdam ko nang dugtungan ng lalaki ang unang sinasabi niya. "Are you still a virgin?" ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
967.2K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.8K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
456.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.6K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.8K
bc

My Favorite Subject

read
218.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook