bc

His Mark

book_age18+
558
FOLLOW
2.2K
READ
reincarnation/transmigration
fated
powerful
independent
bxg
mystery
betrayal
previous incarnation
rebirth/reborn
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Si Allison Cassandra Dawson, isang sikat na actress sa larangan ng Pantasya, mayroong maginhawang buhay, mabait na Manager, magandang pangangatawan, at perpektong muka. Sa kabila ng mga nakakamit nitong tagumpay ay hindi niya pa rin magawang maging masaya.

Hindi dahil kulang pa ang mayroon siya, at 'yon ay dahil pakiramdam niya may kulang sa buhay niya.

Ilang taon ang lumipas matapos maaksidente, ilang taon ang lumipas matapos mawala ang katawan ng kanyang ina, ang kanyang ina na tanging kulang sa buhay niya. Maraming nagsasabi na wala na ito, ngunit hindi magawang maniwala ni Cassandra hangga't hindi niya nakikita ang mismong bangkay ng ina.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, muli niyang nakita ang taong nagligtas sa kanya. Ang taong nagtangkang burahin ang alaala niya... at higit sa lahat, inakala niya ring isa talaga itong tao, subalit sa likod pala nito nagtatago ang katotohanang isa pala itong bampira.

Hindi niya akalaing magtatagpong muli ang kanilang landas. Sa isa pa ngang pagkakataon, iniligtas siyang muli nito. Dito nga'y muli niyang nakita ang kakaibang pares ng mata ang mayroon ang bampira.

Bukas ang isip ni Cassandra sa mga bampira, ngunit hangga't maaari ay ayaw niyang madikit sa mga tulad nito. Ngunit tila nag lalaro ang panahon, ang bampirang dapat ay iniiwasan niya ay ang bampirang makakatulong sa kanyang mahanap ang kanyang ina.

Ano ang gagawin niya?

Pipiliin niya bang makasama ito upang mas mapadali ang paghahanap sa kaniyang ina na walang kasiguradohan kung buhay pa?

Ngunit, papayag kaya ang bampira na tulongan siya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Si Allison Cassandra Dawson, isang sikat na actress sa larangan ng Pantasya, mayroong maginhawang buhay, mabait na Manager, magandang pangangatawan, at perpektong muka. Sa kabila ng mga nakakamit nitong tagumpay ay hindi niya pa rin magawang maging masaya.  Hindi dahil kulang pa ang mayroon siya, at ‘yon ay dahil pakiramdam niya may kulang sa buhay niya. Ilang taon ang lumipas matapos maaksidente, ilang taon ang lumipas matapos mawala ang katawan ng kanyang ina, ang kanyang ina na tanging kulang sa buhay niya. Maraming nagsasabi na wala na ito, ngunit hindi magawang maniwala ni Cassandra hangga’t hindi niya nakikita ang mismong bangkay ng ina.  Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, muli niyang nakita ang taong nagligtas sa kanya. Ang taong nagtangkang burahin ang alaala niya… at higit sa lahat, inakala niya ring isa talaga itong tao, subalit sa likod pala nito nagtatago ang katotohanang isa pala itong bampira. Hindi niya akalaing magtatagpong muli ang kanilang landas. Sa isa pa ngang pagkakataon, iniligtas siyang muli nito. Dito nga’y muli niyang nakita ang kakaibang pares ng mata ang mayroon ang bampira. Bukas ang isip ni Cassandra sa mga bampira, ngunit hangga’t maaari ay ayaw niyang madikit sa mga tulad nito. Ngunit tila nag lalaro ang panahon, ang bampirang dapat ay iniiwasan niya ay ang bampirang makakatulong sa kanyang mahanap ang kanyang ina.  Ano ang gagawin niya? Pipiliin niya bang makasama ito upang mas mapadali ang paghahanap sa kaniyang ina na walang kasiguradohan kung buhay pa?  Ngunit, papayag kaya ang bampira na tulongan siya? Allison Cassandra Dawson “Cassy, ready ka na ba? Ikaw na ang susunod so please prepare yourself!” malakas na sabi sa’kin ng aking manager ng makita nitong nakaupo lang ako at walang ibang ginawa kung hindi ang titigan siya habang ngumunguya ng bubble gum. “Oh my gosh, Cassandra, ano ganyan ka nalang?umayos ka ng upo at ireretouch kita. Nasaan ba ang make up artist mo ha?” galit na sabi nito at kinuha ang isang make up brush para lagyan ako ng foundation. Anyway, she’s Amanda Sy, 45 years old at hindi parin halata dito na 45 na ito. I don’t know about her background that much, ang alam ko lang ay mag isa na ito sa buhay at nawawala ang nag iisa nitong anak na babae, base kay Amanda halos kaedaran ko lang din ang anak nitong nawawala. What a coincidence, mag isa nalang din ako sa buhay, they say my mother is already dead pero hindi ako naniniwala hanggat hindi nila naihaharap sa’kin ang katawan nito. Hindi ako maniniwala, dahil maging ako na kasama nito sa aksidente ay nakaligtas kaya sigurado akong nakaligtas din ang mama ko. Yes, naaksidente kami noong araw na uuwi kami ni mommy galing Korea. I’m only 12 years old that time, nagising nalang ako na wala na sa tabi ko ang aking ma-- “Shhhh… it’s fine Cassandra, stop crying,” naputol ang aking pag iisip ng magsalita si Manager Amanda, she wiped my tears and retouched my eyeliner. “Stand up and go, face them with your chin up,” mahinhing sabi nito. Tumango lang ako at tumayo na, inayos ko ang aking postura at naglakad na palabas ng dressing room. Ramdam ko na nakasunod lang sa’kin si Manager, bago tuluyang umakyat sa backstage ay inalis ko ang bubblegum na nasa loob ng aking bibig, ibinalot ko ito sa isang tissue at ihinagis sa pinakamalpit na basurahan at shoot. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago ngumiti ng malaki at kinuha ang mic na iniaabot sa’kin ng isang stuff. “Let’s all welcome the most outstanding actress!” ito na ang senyales ng aking pag labaas. Yes, I’m Cassandra Allison Dawson, the most outstanding actress. Blaze Aurelios Blood BOGSH Tunog ng pagtama ng katawan ng isang bampira sa trunks ng isang malaking puno, niyanig nito ang puno sa lakas ng tama nito. Unti unti akong lumapit sa bampira at binuksan ang aking malaking payong na kulay itim, may nakamarka ditong kakaibang sulat na ang nilalaman ay dasal. “H-huwag… hindi naman ako nanakit ng tao, bakit mo ako pinarurusahan?” mangiyak ngiyak na sabi ng bampirang lalaki. “Hindi ko na kailangang isa isahin pa, hinihintay ka na ni Lavender,” malamig na sabi ko dito at parang wala lang na itinusok ang dulo ng aking payong sa puso ng bampira. Unti unting hinigop ng aking payong ang kaluluwa nito, napangisi ako ng makita kung gaano kaitim ang kaluluwa ng bampira. ‘Wala daw sinaktan, pero sa itim ng kanyang kaluluwa mukang libo na ang napatay,’ naiiiling na sabi ko sa’kin sarili. Tumalikod na ako sa katawan na walang buhay, inilagay ko ang isang kamay ko sa bulsa at itinukod sa lupa ang aking payong bago naglakad ng parang walang nangyare papalabas sa gubat. Dahil anong oras palang ng gabi ay dumeretso muna ako sa isang bar na pag aari ng aking isang kakilala. Hindi na ako hinarang ng mga bouncer dahil kilala na nila ako, dire diretso lang ako at kitang kita ko kung paano matigil sa ginagawa ang iba at hinabol lang ako ng tingin. Ramdam ko kayo, ramdam na ramdam ko ang mga titig n’yo. Hanggang makarating sa bar counter kung saan naroroon ang isa ko pang kakilala. “Naligaw ka yata dito?” agad na sabi ko ng ako’y makaupo. “Dati parin?” tanong nito na tinanguan ko lang. Habang nag hahalo ito ng alak ay pasimple nitong inilagay ang dugo na gusto ko laging nahahalo sa aking alak dahil nag bibigay ito ng aroma sa’king inumin. “Wala akong magawa, kaya tumulong muna ako kay Kuya Drei,” nakangiting sabi nito na tinanguan ko lang. Hindi ko na tinanong kung nasaan ang kuya nito, malamang ay nasa isa sa mga kwarto dito sa bar ang bampirang ‘yon. “Here, another shot,” sabi ni Drew ang kasalukuyang nag hahalo ng alak ngayon. Walang tingin na kinuha ko ‘yon at tumalikod, tumingin ako sa mga babaeng kan’ya kan’yang sayawan sa dance floor at halos mahubaran na ng damit, napailing nalang ako at inilipat ang tingin, kahit saan ako tumingin ay nakakakita ako ng mga babaeng halos maghubad na at may iba panga na wala ng pang itaas na nakikipag make out sa lalaki. Dahil wala akong makitang magandang view ay nilagok ko na ang isang shot na alak, gumuhit ang init nito sa’kin lalamun at ako’y tumayo na. Walang imik na umalis ako sa lugar na iyon, sumakay ako sa aking sasakyan at agad na nagmaneho patungo sa hotel kung saan ako pansamantalang tumutuloy ngayon. Mabilis akong nakarating doon at nakitang mayroong nag gagaraang sasakyan ang nakaparke sa parking lot nito. Dito nga pala ginanap ang BLack Night party, malamang ay maraming nag gagandahang dilag ang naririto pero wala sa kanila ang tipo ko. Dire-diretso akong naglakad at sumakay ng elevator, ramdam ko na patagal ng patagal ay painit ng painit ang aking katawan ganun din ang aking lalamunan. Parang may kakaiba sa huling alak na ininum ko, nauuhaw ako… nauuhaw ako sa dugo. Nnag magbukas ang elevator ay mabilis akong nakarating sa aking silid, binuksan ko ito dali dali. Hindi ko na kinakaya ang init na nararamdaman ko, agad akong tumakbo sa loob at hindi na inalala kung nailock ko ba ang pinto ang mahalaga ay mailabas ko ang init na nararamdaman ko. Agad akong lumapit sa isang malaking ref, mayroon itong passcode na dali dali kong inenter. Pagbukas nito ay agad akong kumuha ng isang plastik ng dugo, sa sobrang init at uhaw na aking nararamdaman ay hindi  na ako nag abala pang kumuha ng baso upang isalin doon at binutas nalang ang plastik at dirediretsong ininum ito. Third Person Unti unting bumaba ang uhaw at init na nararamdaman ni Blaze matapos maubos ang isang plastik, hinubad nito ang itim na damit at kumuha ng isa pang plastik ng dugo. Naglakad ito papunta sa bathroom. ‘Ano kayang inilagay ng gagong ‘yon sa inumin ko,’ isip isip ni Blaze habang iniinum ang dugong nasa mamahaling plastik. Matapos itong ubusin ay itinapon lang nito ang supot sa isang trash bin at pumasok na sa loob ng shower room. Binuksan nito ang shower at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa kan’yang katawan. Kitang kita sa katawan nito ang isang malaking peklat na nagmula pa sa aksidenteng nangayre sa kanyang ialng taon na ang nakakalipas. Ang katawan nitong makisig at halatang alagang gym ay mayroong maalaking peklat na nag padagdag sa ganda ng katawan nito, ang buhok nitong itim na itim ay unti unting nabasa ng tubig, napakagat nalang ito sa kanyang mapupulang labi ng maibsan ang init na nararamdaman dahil sa lamig ng tubig. Natapos agad ito at nagbihis, nakasuot lang ito ng boxer shorts at pabagsak na humiga sa kanyang malambot na kama. “Tangina…” sabi nito ng maramdamang bumabalik nanaman ang init at uhaw na kanina’y nawala na. Nagpagulong gulong ito sa kanyang higaan bago ipinikit ang kanyang mga mata. ‘Baka pag gising ko wala na ‘to,’ sabi nito sa sarili at nanatili lang nakapikit. Sa kabilang banda… Allison Cassandra Dawson Tahimik na inililibot ko ang aking mga mata at hinahanap ang aking manager, kanina ko pa ito hinahanap at wala parin akong nakikitang anino ng aking manager. Baka nauna na ito sa hotel room na aking inukyupa sa hotel na ito para hindi na kami babyahe pa pauwi. Tumayo na ako sa aking kinaupuan upang magtungo narin doon, medyo nakakaramdam na ako ng hilo dahil sa alak na ininum ko ng makita ko ang isa sa mga babaeng kinabwibwisitan ko, si Tricia, kasama niya si Nathan ang aking boy- I mean ex-boyfriend. “Hi, Cassandra… I didn’t know na wala ka palang date ngayon,” nakangising sabi nito bago tiningnan si Nathan na tahimik lang na nakatingin sa’kin. “Nahh, hindi ko kailangan ng date, my manager is enough,” malamig na sabi ko at akmang tatalikod na dito. “So rude of you, kakadating lang namin dito pero aalis kana agad, why don't you drink with us, Cassandra.” nakangising sabi nito bago ngumiti ng matamis kay Nathan. “It’s fine with me kung hindi mo kayang makipag socialize sa aming dalawa ni Nathan, since I understand na bitter ka parin dahil ako ang pinili niya,” nakangising sabi nito bago hinalikan sa harap ko si Nathan. Napaiwas ako ng tingin at huminga ng malalim bago muling naupo at kumuha ng wine, I think this wine is containing so much alcohol dahil nakakaramdam na talaga ako ng pagkahilo. Third Person Nakangiting nakakaloko si Tricia, ngunit tuwing babaling ang tingin nito kay Nathan ay ngingiti ito ng matamis na ikinainis ni Cassandra. Para kay Cassandra, napakaplastik ng ugali ng babae. “Have more, Cassy,” nakangiting sabi ni Tricia at sinalinan ng alak ang wine glass nito. Hindi mapigilang umikot ang mga mata ni Cassandra dahil sa kaplastikan nito, hindi alam ni Cassandra na mayroon palang pasimpleng inilagay si Tricia sa kanyang inumin. Dahil sa kagustohang makaalis na sa harapan nila dahil sukang suka na si Cassandra sa kaplastikan ni Tricia ay dire-diretso niya itong ininum. Wala pang isang minuto ay naramdaman na agad ni Cassandra ang panlalabo ng kanyang paningin, pilit niya itong nilabanan at pinilit tumingin ng diretso kay Tricia. Ngumisi siya kay Tricia bago tumayo. “Mauuna na ako, baka malason pa ako dito,” malamig na sabi ni Cassandra habang nilalabanan ang init ng kanyang katawan ganun din ang kanyang pag kahilo. “Okay ka lang ba, Cassy?” rinig ni Cassandra na tanong sa kaniya ni Nathan ngunit para itong walang narinig at dire-diretsong tumalikod. Naglakad na ito palayo ngunit nakasunod parin ang tingin ni Nathan sa babae, kita ni Nathan na natutumba tumba ito at mukang hindi kaya ang sarili kaya napatayo ito na agad na napigilan ni Tricia. “Don’t you dare, Nathan, or else I’ll ruin your career,” nananakot na sabi ni Tricia dito kaya napatigil si Nathan. ‘Tangina…’ mura ni Nathan sa isipan niya. Habang abalang nakatingin si Nathan sa naglalakad papalayo na si Cassandra ay pasimple ng compose ng message si Tricia. ‘Okay na, bring her to Dave’s room, nasa polo mo ang card ng room nito, naroon narin sa card ang room number.’ Agad itong isinend ni Tricia sa taong nautosan niya ng makita nitong titingin na sa kanya si Nathan. “Let’s go, umuwi na tayo,” malamig na sabi ni Nathan. Yes, they are lived in, sabi nga ni Tricia, Nathan loves her. Samatala… Hindi magawang lumakad ni Cassandra ng tuwid dahil sa nandidilim ang kanyang paningin. Alam niyang may mali at may kung anong inilagay si Tricia sa inumin niya kaya sya nagkaganito, dapat ay nag ingat sya sa bruha, isip isip ni Cassandra. Akmang sasakay na ito sa elevator na halos katapat lang ng kanilang room kapag tumigil sa floor nila ngunit may humila dito pasakay sa ibang elevator. Dahil sa walang lakas at nanlalabong tingin ay hinayaan niya nalang ang lalaki, mabuti nalang hindi humahawak ang lalaki sa maseselang parte ng kanyang katawan dahil manlalaban siya kahit na nanghihina siya. Tumunog na ang elevator at nagulat si Cassandra ng buhatin siya ng lalaki, hinayaan niya lang ito dala ng pang hihina at panlalabo ng paningin. Para siyang nadrug ni Tricia, nakakaramdam din siya ng sobrang pag iinit. “Sorry, napag utusan lang ako,” bulong ng lalaki sa walang lakas na si Cassandra bago kinuha ang card number ng room. 666 ang nakalagay doon kaya agad itong hinanap ng lalaking nagmamadali dahil baka may makakita sa kanya, nang makita ang room ay agad doon lumapit ang lalaki. Isinwipe nito ang card at dala ng pag mamadali ay hindi nito napansing hindi naman nakalock ang pinto. Agad niyang ibinaba si Cassandra at pinaglakad papasok ng silid na ‘yon, itinulak niya pa ang dalaga kaya tuloyan na itong nakapasok sa silid. Madilim na silid ang bumungad kay Cassandra, dala ng pang hihina ay muntik ng mapaupo ito ngunit naramdaman niya ang matitigas na bisig ang yumakap sa kanya mula sa likoran, kahit na nanghihina ay ramdam na ramdam ni Cassandra ang paunti unti nitong pag halik sa kaniyang balikad. Lalong uminit ang pakiramdam ni Cassandra, kumalas si Cassandra sa pagkakayakap ng lalaki at hinarap ito. Kahit madilim at nanlalabo ang kanyang paningin ay kitang kita niya ang isang lalaking mayroong mala-adonis na pangangatawan, mayroong matangos na ilong at bagsak na buhok na tila napakalambot. Kinabig si Cassandra ng lalaki at hinalikan sa labi, kahit na nagulat ay walang nagawa si Cassandra dahil nasapian siya ng espiritu ng alak at ng drogang inilagay ni Tricia sa kanyang inumin ay gumanti siya sa halik ng lalaki. Nalalasahan ni Cassandra ang mint flavor ng mouthwash ng lalaki, lalo pang lumalim ang kanilang mga halik. Kinarga ng lalaki si Cassandra habang hindi pinuputol ang kanilang halik, ramdam ni Cassandra ang pangungulila niya sa halik ng binata na tila matagal na niya itong kilala kahit na hindi naman niya ito mamukaan dahil sa dilim ng paligid. Naramdaman ni Cassandra na lumapat ang kanyang likod sa malambot na kama, ngunit ipinagsawalang bahala niya ito at hindi bumitaw sa halik ng lalaki na tila isa nang beterano sa ganitong klase si Cassandra, kahit na ito pa lang ang kan’yang unang halik. “Ahhh…” ungol ni Cassandra ng ipasok ng lalaki ang dila nito sa loob ng kanyang bibig, inikot ikot ng lalaki ang dila niya sa loob nito. Humiwalay ng halik si Cassandra dahil pakiramdam niya ay maduduwal siya dala ng alak na kanyang nainum. At hindi nga nagkamali ang kanyang pakiramdam, nasuka ito at sa lalaki pa ito napatapat. “Wait, I’ll get you water,” rinig ni Cassandra na sabi ng isang malalim na boses at sexy sa kanyang pandinig. Hindi na nagawang maghintay pa ni Cassandra at nakatulog na ito. Pagbalik ng lalaki ay napailing nalang siya bago talikuran ang babae at magbihis. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
504.0K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
445.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook