bc

Spy Acting agent 1 (Daisy Devera)

book_age18+
70
FOLLOW
1.1K
READ
one-night stand
HE
age gap
mafia
billionairess
heir/heiress
lighthearted
scary
like
intro-logo
Blurb

Dylan Walton - Walton family’s combined wealth makes them the richest family in the world. The Waltons are the owners of the Walmart Corporation. The Waltons are also well known for their philanthropy and contributions towards art and cultural initiatives. Can you capture the heart of a billionaire? Paano? Will he notice a good spy agent of the country? Paano kung ang maid mo ay spy agent pala..Daisy Devera - magaling na spy acting agent nang bansa. Can she make her boss fall in love with her as his maid? Let's see the charisma of spy acting agent Daisy Devera.

chap-preview
Free preview
Chapter1
"s**t!" sinipa ko ang kalaban sa tiyan at umikot ako para sipain siya sa leeg! kita kung bumangon at humugot siya nang baril. Mabilis akong gumalaw para unahan siyang bumunot nang baril. Binaril ko siya sa kamay. "Muntik na ako dun ah. Tsk!" "Agent D! Congratulation! tapos na ang misyon mo. Pwede ka nang magpahinga tawagan na lang kita pag may bago kang misyon." sabi nang aking boss. Si Boss M. isang magaling na agent at may ari nang Spy Acting Agent o SAA nang bansa. Siya lang nakikipag communicate sa mga nangangailangan mag pa spy o kaya pag may crimen na hindi kayang resulbahin nang NBI agent, kami ang gagawa kakonektado namin ang gobyerno alam nila ang aming trabaho pero di nila kami nakikita. Bawat misyon namin ay milyon ang bayad. Five years na akong SAA nang bansa, Two years akong nag insayo sa US kasama ang ilang agent. Bago kami isalang sa SAA ay nahasa kaming mabuti. Halos mamatay ako sa pag iinsayo sa US dahil sa hirap na dinanas ko sa training pa lang, two years akong nagtiis dahil eto din ang gusto ko, mahal ko ang trabaho ko. 24 years old na ako pero hindi pa ako nagkakaroon nang boyfriend. Feeling ko tatandang dalaga na yata ako. Aking nanay ay nasa mindoro retired teacher. May maliit ma groceryhan, Si papa naman ay retired pulis sinasamahan nalang si mama sa groceryhan nila. May isa akong kapatid medyo malaki ang agwat namin. I'm 24 at yung kapatid kong babae ay 13 years old pa lamang. Ang alam ni mama at papa ay isa akong nurse sa manila. Hindi nila alam na pumasok ako bilang SAA nang bansa. Matutuwa panigurado si papa pag nalaman niya pero amg hindi ko sigurado si mama. Dahil noong balak kong magpulis ay agad akong pinigilan. Sobrang ganda ko daw maging pulis, ayaw niyang nakikipag bakbakan ako sa mga kriminal. Ang hindi nila alam mas malala pa sa pulis ang trabaho ko ngayon. Kinuha ko ang superbike ko ang Ducati Superleggera V4. Nabili ko lang ito last year. Pinag ipunan ko talaga to para mabili ko. Pinatakbo ko na iyon para makauwi na agad. Ilang araw din akong pagod sa misyon kong iyon. Salamat naman sa dyos at nahuli nadin ang mga salot sa mundo.. Hindi maubos ubos ang mga salot sa mundo. Drug trafficking, human trafficking. Sakit sila sa bangs! Bumukas ang gate sa bahay. may isa akong guard si manong jon. "Hello po, manong jon okay lang po ba kayo dito?" "Magandang gabi iha, oo maayos kami dito." sagot ni manong. Tumango lang ako at nagpark na.. Pagpasok ko sa bahay dumiretcho ako sa kusina para uminom nang tubig. Nadatnan ko si ate pasing nagluluto, amoy palang alam na alam ko na. "Ate, sarap niyan ahh". adobong baboy sarap naman. "Oh, iha andyan ka na pala, malapit na to gutom ka na ba?" tanong ni ate pasing. Kumuha akong baso at Binuksan ang ref para kumuha nang tubig. "Maliligo lang po ako ate, saka ako kakain." paalam ko. Umakyat ako sa taas para maligo. Binuksan ko ang kwarto. Hay, namiss ko ang bed ko. Kumuha akong damit pamalit at dumeretcho ako sa banyo. Pagkatapos kong naligo. Kinuha ko ang cellphone ko. Binuksan ko ang social media ko at nag browse browse lang makikibalita lang ako sa online world. Habang ba babrowse ako, dumaan sa newsfeed ko ang kilala sa bansa isang business man si Dylan Walton isang bilyonaryo. Zinoom ko ang picture niya at tinitigan kong mabuti, I like him but it's hard to reach someone like him. Sobrang gwapo, matangkad, malaki ang katawan parang pang superhero talaga ang itsura ang perfect nang face, ang mata parang nang aakit lagi, kahit anong ganda ko, sexy ko hindi ko siya kayang abutin, dahil langit siya para sakin mahirap abutin. Binaba ko na ang cellphone ko at umalis na sa kama. Lumabas ako nang kwarto. Bumaba na ako at pumuntang kusina. Pagpasok ko sa kusina nakahain na si ate pasing. "Oh, Daisy andyan ka na pala kumain kana nakahain na ako." sabi ni ate pasing. "Ate, sabay na kayo sa akin. Kain na po tayo." dalawa lang ang kasama ko sa bahay si ate pasing at manong jon ay mag asawa.. May anak sila isa nasa probinsya nag aaral, tuwing bakasyon nandito siya para makasama ang nag iisa nilang supling. "Kumain ka nang madami." sabi ni ate pasing. Pinaghahanda ako sa aking plato. "Ako na ate, ipagsandok muna si manong jon at kumain na din po kayo." "oh sya sige, kumain ka lang dyan." tinangunan ko lang dahil may kanin na ako sa bibig ko. After eating, I went to the sofa to watch the news. Nililipat lipat ko ang channel para makahanap ako nang magandang palabas. Biglang nang Flash News break si Dylan Walton at ang napapabalitang Girlfriend kuno niya. Modelo ang babae, kilala ko lang siya sa mukha pero hindi ko alam ang name niya. Isang maganda at galing din sa mayamang pamilya ang babae pero apakaarte. Yan ang mga gusto nang isang Dylan Walton?maganda pa ako Dylan dyosko! ang arte nang girlfriend mo. Tinanong sila kung totoong may relasyon sila. Di naman nagsasalita si Dylan pero etong babae himas nang himas sa braso ni Dylan.. nakakainis! Pinatay ko na. Umakyat nalang ako sa kwarto para matulog. Natulog ako maghapon, wala akong ginawa matulog kumain, kumain matulog lang. After 3days tinawagan ako ni Boss M. pinagrereport ako sa office at may bago daw akong misyon. Sabak nanaman sa bakbakan. Pagdating ko nang office nakita ko ang ibang agent lahat kami may misyon. Nakita ko si Boss M. Sinenyasan akong pumasok sa office niya.. "Boss anong misyon ko." Nilapag niya sa mesa ang folder, kinuha ko iyon at binuksan. "Agent D. Pag aralan mong mabuti yan dahil delikado ang makakalaban mo ngayon. Dahil ang pinupuntiryahl nang mga halang ang kaluluwa ay ang bilyonaryong si Dylan Walton." tinignan ko ang folder, andun lahat nang info niya at may picture siya. Tinitigan ko ang picture niya. May girlfriend kana sayang inlababo pa naman ako sayo hmp! Isang NBI agent noon si Dylan pumasok siya sa NBI sa US para din sa sarili nya para maprotektahan ang kanyang sarili at mga magulang. Tatlo silang magkakapatid. Siya ang panganay kaya sa kanya lahat napunta ang negosyo nang mga walton. Yong dalawang kapatid nasa US nag aaral pa. Ang mga magulang ay nasa US din kasama ang mga kapatid. May gustong pumatay sa knya at yun ang aalamin ko. "Get ready on monday Agent D. Nakaprepare na lahat iinterviewhin ka nalang doon. Papasuk ka sa mansyon ni Dylan Walton bilang maid niya para makagalaw galaw ka doon." paliwanag ni boss "Copy boss." "Okay, nakaready na sa baba lahat nang gagamitin mo sa misyon mo." May envelop na iniabot si boss, alam ko naman kung ano ang laman nun. Tuwing sasabak kami sa misyon laging may pangastos na binibigay si boss. Naexcite ako sa monday, makakasama ko na si crush. Malapitan ko nadin sa wakas ang lalaki. Iniisip ko palang kinikilig na ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRET AGENT; FREYAH KNOXVILLE | MR. BILLIONAIRE'S EX WIFE (TAGALOG)

read
13.7K
bc

Dangerous Spy

read
297.8K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.3K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.8K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.5K
bc

EASY MONEY

read
174.1K
bc

YOU'RE MINE

read
893.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook