MY FAMILY BROKEN MY HAPPINESS-STORY 1
Ako si Ace Alfonso labing walong gulang na, masasabi ko namang may kaya mga magulang ko masasabi kodin sa sarili ko na may katalinuhan din konti at May kapatid akong babae tawagin nalang natin sa pangalan na Brianna siya'y pitong taong gulang na at heto ang kwento namin.
Masaya kaming kumakain nila mama at ang kapatid ko, wala si papa dahil nasa trabaho siya habang kumakain na patanong ako kay mama,
M-ma pano kung magloko si papa tatangapin niyo paba siya kung sakali lang ma? Saad ko sa mama ko,
" HAHA! Nagpapatawa kaba ace? " Sagot naman niya
" Ace anak, ang papa mo hindi marunong mambabae dahil mahal na mahal ako ng papa mo kaya't May tiwala ako sakanya Nak " Ngiting sagot ni mama saakin.
" Example lang po ma pano nga kung nagloko tatangapin niyo paba si papa? " Panguulit ni Brianna.
" Kung magloko man ang papa niyo at pinagsisihan niya yung ginawa niya saakin sympre tatangapin ko parin siya mahal na mahal ko papa niyo, tska di magagawa ng papa niyo ang mambabae " ngiti ulit ni mama saka sumubo.
" Ma! Kahit paulit ulit kayong lolokohin ni papa tanggap mo parin " habol na tanong ni Brianna, pero heto sinagot ni mama.
" Kayo talagang magkapatid kung ano-ano pinagsasabi niyo, kumain na ngalang kayo hindi yung kung ano-ano tinatanong niyo, gusto niyo ata mambabae ang papa niyo " Birong saad ni mama saamin,
Sympre ma hindi, nagtatanong lang po kami Hehe! Sambit ko sakanya.
Natapos ang umagahan namin na masayang alaalang naiwan sa lamesa.
Masasabing kung napaka swerte namin ng kapatid ko dahil may mga magulang kaming mapagmahal at maalaga ma swerte kami dahil dikamo tulad ng iba naghihiwalay ang ang mga magulang nila, kunting problema lang Pinapalaki nila, sila mama at papa kasi napag-uusapan nila ng maayos kaya masasabi kung napaka swerte kami ng kapatid ko.
Makalipas ang ilang taon biglang nagbago si papa, kung dati hindi siya umiinom pero ngayon natuto ng uminom at magsigariloyo, yung ama na lagi naming nakakasama sa hapag kainan ngayon laging gabi na kung umuwi minsan panga inuumaga na kung umuwi.
Hanggang sa isang araw habang nagbibiruan kami sa kwarto ng kapatid ko, biglang May sumigaw alam kung si mama at papa nag aaway na naman sila kaya't kinakabahan ako sa pwdeng mangyari sa kapatid ko kaya nilapitan ko si Brianna para takpan yung tenga niya. Pero hindi ang sabi niya
" Kuya, bakit mo tinatakpan yung tenga ko kung alam ko naman na nag aaway na naman sina mama at papa kaya okey lang ako kuya " Malungkot na saad ng kapatid ko saakin,
Kita ko sa mga mata niya na anu mang oras iiyak na si Brianna.
" Kuya bakit ganun,? " Napatingin ako sa kapatid ko.
" Akala ko dati hindi tayo aabot sa ganito, pero bakit biglang nagbago si papa saatin kuya, akala ko dati matatawag na tayong one big happy family kasi nun lagi tayong magkakasama magsimba, magkakasamang kumain, magkakasamang nag-bonding, kahit san pumunta, minsan nga naiingit yung kaklase ko saatin kuya, alam mo kung ano sabi niya saakin* Naka yukong nagsasalaysay ang kapatid ko* sabi niya kuya napaka swerte daw natin bukod sa may kunting may kaya tayo May mapagmahal pa tayong mga magulang at maalaga na siya mismong kanyang hinahangad, ngunit sa ikina iingitan niyang pamilya ay magkakaroon ng family Problem, kuya " Saad ng kapatid ko habang nakayuko na umiiyak na.
Brianna kapatid alam mong masakit na makita yung mga magulang natin na nag aaway sa harapan natin pero naniniwala ako na magkakaayos din sila yung tipong babalik din tayo sa dati okey andito lang si kuya -Sambit ko sa kapatid ko saka ko siya niyakap.
Dinig parin namin sina mama at papa nag aaway napaka lungkot talaga yung dating masayang pamilya biglang magkakaroon ng conflict.
Brianna *tawag ko sa kapatid ko* tara sa baba yaya ko sakanya * saka siya kumapit sa bewang ko*
" M-ma P-pa " tawag ng kapatid ko pero hindi ito pinansin.
M-ma P-pa ano hindi ba kayo titigil -Sigaw ko na napalingon sila saamin.
Talagang mag aaway pa talaga kayo sa harapan namin ma, pa kunting bagay lang po Pinapalaki na ninyo -nanginginig kung sambit sakanila na ano mang oras tutulo na ang luha ko.
" M-ma P-pa please stop fighting, hirap na hirap na po kami sa palagi namin kayong nakikitang nagaaway ni mama " Saad naman ni Brianna.
" Mga anak! " Saad ni papa
Sa totoo lang natatakot ako sa pwdeng mangyari.
" Alam kung hindi niyo dapat nakikita na nag aaway kami ng mama niyo pero kailangan kunang makipag hiwalay sakanya, dahil habang pinagpapatuloy pa namin to masaksaktan at masaktan lang namin ang isa't isa " halatang sa mga mata ni papa tumutulo na habang si mama kanina pa umiiyak ganun din si Brianna.
" Bakit papa May bago naba?" Umiiyak na tanong ni Brianna
" Pa! Kung may bago man pwde bang kami nalang yung piliin mo pa please " Saad ulit ni Brianna saka niya ito niyakap.
Ma!pa bakit kailangan niyo pang paabutin sa ganito kung pwde niyo namang pag usapan, asan na pa yung mga pangako mong hindi mangyayari yung salitang broken family pa akala ko napaka swerte na namin ni Brianna dahil May mga magulang kaming maaruga at mapagmahal, pero hanggang dun nalang ba yung mga magagandang alaala natin pa,ma itatapon niyo nalang ba ng basta basta yun mas mahalaga paba yang pag hihiwalay ninyo kesa sa aming mag kapatid.*umiiyak na ako habang nagsasalita*
" Arthur, wag kanang umalis please gagawin ko ang lahat wag kalang umalis sa bahay na'to pano na mga anak mo " Saad ni mama na pinipigilan si papa.
Awang awa ako kay mama yung dating masayihn naming nanay ngayon nagpapakumbaba sa ama kung walang kwenta kaya't ngayon damang dama ko yung lungkot at hinanakit na nadarama niya.
" Patawarin niyo ako mga anak, pero kailangan konang hiwalayan mama niyo, sa ngayon diniyo ako maintindihan pero balang araw maiintindihan din niyo ako " Malungkot na sambit ni papa.
" Mga anak sasama ba kayo sa papa niyo iiwan niyo din ba si mama, sige lang ace at Brianna ha, sandali at iipake kona mga gamit niyo " pagtayo ni baba bigla siyang nautog sa semento na lalapitan kona sana siya .
" Wag na anak kayo ko pa naman "Saad niya habang pinupunasan ang luha niya.
" Mama! " Tawag ni Brianna
" Sayo lang po ako magpapaiwan mama, dikita iiwan " takbong akap niya kay mama.
Sorry pa pero hindi ako sasama sainyo kay mama nalang po ako, ang sakit sakit tung pangyayaring to. Hindi ko akalain na family Problem ang papatay sa kasiyahan ko, nakung dati masaya kaming nagsasalo salo sa hapag-kainan na ngayon wala na ito dahil hiwalay na sina mama at papa.
Habang tinatanaw namin ang pagalis ni papa diko mapigilan ang umiyak dahil hindi ko gusto na nangyari bakit pa kasi humantong sa ganito yung pag aaway nila mama at papa diko talaga maintindihan ang sarili ko iniisip sana di nalang nila ako pinanganak kung ipaparamdam din nila yung pasakit ng broken family hangad lang naman namin ang kompletong pamilya.
Lumipas ang mga nagdaang araw!
Simula nung naghiwalay na sina mama at papa naging malungkot tung bahay, ramdam na ramdam ko ang lungkot ni mama.
" Kuya! " Gulat kung tawag ng kapatid ko.
O Brianna? May kailangan kaba? Tanong ko
" Oo kuya,papatulong sana ako sayo na magtimpla ng kape ni mama, simula kagabi dipa kumakain si mama " Malungkot na sambit ni Brianna.
O sige !
Habang nagtitimpla kami ng kape ni mama, pinagmamasdan ko ang kapatid ko na ang lungkot ng mga mata niya.
" Mama o kape, dika pa kasi kumakain kaya pinagtimpla kita ng kape " saka niya inaabot
" Salamat mga anak dahil andito kayo palagi sa tabi ko diniyo ako iniwan, sa kabila ng lahat ng sakripisyo ko sainyo heto parin kayo nasa harapan ko ,mahal na mahal ko kayo " Sambit ni mama saka niya kami niyakap ng pagka higpit higpit.
" Mga anak! wag na wag kayong magtatanim ng sama ng loob sa papa niyo ha, kahit anong mangyari papa niyo parin siya okey " Muling sambit ni mama
Sa kabila ng lahat si papa parin iniisip ni mama, kahit ilang buwan na kaming walang balita sa papa namin hindi na namin alam kung saan na siya ngayon, kung kamusta naba siya nasa maayos ba siya ng kalagayan, pansin ko kay mama Sobrang laki ng ikinapayat niya dahil na siguro sa kakaisip niya sa ama kung walang kwenta.
Minsan napapaisip Nadin ako sa sarili kona kailangan konang tapusin ang buhay ko dahil napapagod naku, pero kailangan kung lumaban hindi para sa sarili ko kundi sa magulang kung nag sasakripisyo para sa aming magkapatid, alam ko naman na hinding hindi kami susukuan ni God lagi siyang anjan upang gabayan kami sa anong oras na aming gagawin.
Matagal din bago nakapag move one si mama kay papa, bumabalik Nadin siya sa dating sigla niya.
Hanggang sa isang araw may nabalitaan kaming nagpakabog sa puso namin.
May tumawag kay mama at unknown number.
" Ace anak sagutin monga yung tawag busy si mama dito oh " utos ni mama
Pagkatingin ko unknown number lang,
Ma sino tung tumatawag sainyo, wala naman Pong pangalan tanong ko kay mama.
" Diko alam Nak sagutin monalang baka emergency " sigaw ni mama
Opo!
Hello po? Sambit ko sa kabilang linya.
" Hello! Ikaw ba yung anak ni Arthur ?" Tanong niya
Yes po ako nga po, bat niyo po kilala ang papa ko ? " Sunod sunod na tanong ko
" Ikanalulungkot kopong ipaalam sainyo na nagkaroon siya ng sakit na cancer, kaya't ngayon pumanaw na po ang papa niyo " na ikabigla ko at nabitawan ko ang selpon ni mama sa sahig na inatulala ko.
" Ace anak okey kalang ba? " Tanong ni mama pero hindi ako sumagot kaya lumapit siya saka pinulot ang selpon.
"Hello sino to " saad ni mama sa telepono
" Ako po yung kaibigan ng asawa po ninyo, gusto kulang pong ipabatid sainyo na wala na po ang asawa niyo kanina lang po " Sambit niya sa kabila ng linya
" Hindi nagbibiro kalang diba, hindi pa patay ang asawa ko diba " Pagpupumilit ni mama.
" Totoo po ang sinasabi ko andito po ngayon ang asawa niyo sa Quezon city, maaring ipapadala nalang po namin ang bangkay niya misis nakikiramay po ako " saad niya
Iyak na ng iyak si mama, panibagong sakit na naman ang kikimkimin niya, sana ako nalang yun upang hindi na maging malungkot ang mama ko.
" Kailan pa nangyari to ? " Tanong ni mama sa telepono
" Tatlong araw palang yung bagay niya po dito " sambit niya.
" kuya dalian mo gustong gusto konang makita si papa " sambit ni Brianna saakin
Dahan dahan lang Brianna baka madapa ka,
Pagkadating at pagkadating ng bangkay ni papa sa bahay agad na lumapit si mama umiiyak na
" Bakit Arthur dimo sinabi na nagkaroon ka ng sakit para na alagaan kita ng mabuti, bakit tuluyan Mona kaming iniwan ng mga anak mo, handa naman akong tanggapin ka kahit ilang beses mo akong niloko kasi mahal na mahal kita ,bakit Arthur " Iyak ni mama sa bangkay ni papa.
Biglang tumakbo din si Brianna sa bangkay ni papa, " papa bakit ganito naman yung ginawa mo saamin papa, bat dika nagsabi bat dika umuwi para nakasama kapa namin ng matagal napaka daya mo papa kung kailan malapit naku grumaduate ng grade6 saka ka naman aalis papa diba nangako ka saakin nun na kapag nag valedictorian ako ikaw magsasambit ng mga medals ko ngunit asan na yung pangako mo kung tuluyan Mona kaming iniwan nila mama at kuya, pano na si mama pa, iiyak na naman siya ng iiyak gaya ng dating pag iwan mo sakanya tapos ngayon tulayan Kana naming hindi nakikita papa napaka daya mo pa sobrang daya" hagulgol na ng kapatid ko ikinawalang malay paniya sa kakaiyak.
" Mga anak wala na ang papa niyo, masaya na siya sa piling ni God alam kung lagi na niya tayong gagabayan " malungkot na sambit ni mama,
" Nagpapahinga na siya kaya accept the fact Nak kahit masakit, makakayanan natin to " habol pa ni mama
Pa! Bakit ganito naman agad pa, ilang taon tayong di nagkia , umuwi kanga pero bangkay naman na umuwi ka ang daya mo pa, sana manlang nagsabi kapa kung nasan ka, naging maayos kaba, kumakain kaba ng maayos, maayos ba yung tutulungan mo, puro pagdadasal nalang ginagawa namin pa na sana nasa mabuting kalagayan ka, alam niyo pa simula nung iniwan niyo kami dika nag tanim ng sama ng loob dahil alam niyo po kung ano laging sinasabi ni mama saamin, wag na wag daw kami magtatanim ng sama ng loob sainyo dahil bali baliktarin man ang mundo kayo at kayo parin ang papa namin, kaya pa alam kung masaya Kana sa piling ni God maari bang kayo napo bahala kay mama, araw araw din po kayong binabanggit ni mama pa, sobrang mahal na mahal kapo ni mama.
" Iho " tawag ng kaibigan ni papa
Po! Sambit ko.
" Alam mo iho napaka bait ng papa, mo walang araw dikayo binabanggit ng papa niyo, lagi niyang sinasabi na babalik na siya sainyo kaso natatakot siya baka wala na siyang babalikan na pamilya kaya namalagi nalang siya sa Quezon city alam moba yung mga bata dun inaalagaan niya na parang tunay niya ng mga anak binihisan pinag-aral inaruga saka walang araw na nagsisi yan kung bakit padaw niya kayo iniwan, " malungkot na salaysay nung kaibigan ni papa. Saka niya inabot yung sobre.
Dear mga anak
Alam ko sa mga oras na to binabasa niyo na si papa ay nagkaroon ng sakit na cancer stage 4 na hindi na din makakayanan ng mga doktor dahil lumulubha na anak, bago ako pumanaw anak gusto lang sabihin na humihingi ako ng kapatawaran sa aking nagawang pag kakamali anak, alam kung nasaktan ko kayo lalong lalo na ang mama ninyo, sobrang laki ng pinagsisihan ko nak, Alam kong huli na ang lahat para makabawi ako pero alam ko sa sarili ko na nagsisi na ako anak, wala man ako sa tabi niyo ngayon ipaparamdam ko parin ang sainyo ang pagmamahal ko, anak patawarin niyo na sana si papa sa nagawa niyang kasalanan sainyo. At anak sana alagaan mo ng mabuti ang mama mo ha wag mong hayaang maging malungkot ikaw Nadin bahala sa kapatid mo mahal na mahal ko kayo mga anak. Hanggang sa muli patawad
Nagmamahal papa.
Habang nabasa ko ang sulat nayun umiiyak na ako, sobrang sakit ng mawalan ng ama lalo na't nagkaroon pa kayo ng di pagkakaunawaan sa isa't isa sobrang sakit ngayon wala na si papa ako na ang tatayong padre de pamilya gagawin ko ang lahat maging maayos lang kami.
Lumipas ang tatlong taon naging mapayapa Nadin ang buhay namin nila mama at ang kapatid kung si Brianna grumaduate siya bilang isang valedictorian, napaka husay niya diba alam kung proud na proud ang papa naming nasa langit. Ako naman isang hamak Nadin akong isang engineer ngayon nagpaplano Nadin akong magpakasal sa babaeng pinakamamahal ko.
Maraming taon pa ang nagdaan,pumanaw Nadin ang aking ina sa edad na 89 nagpapasalamat ako sakanya sa daming sakripisyo niyang ginawa.
Nagkaroon man kami ng family Problem nagkaroon naman ng magandang kinabukasan, kaya't wag mong hayaan ang sarili mo na nalugmok sa kalungkutan kung alam mo naman sulosyonan ang bawat problema na dumadaan sa buhay natin . Aaminin natin minsan nagkakaroon tayo ng mala devil na mag isip pero ,isipin mo hindi ka pinababayaan ni God na gumawa ka ng ikakapahamak mo dahil dun palang panalo Kana dahil sobrang mahal na mahal tayo ni God walang araw na di niya tayo pinabyaan .
The end?
Open for critic