bc

I'm His Personal Maid [Completed]

book_age18+
5.4K
FOLLOW
21.2K
READ
love-triangle
mxb
humorous
office/work place
small town
childhood crush
enimies to lovers
self discover
seductive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Isang simpleng probinsyana lamang si Anna Marie Castillo, namumuhay sa isang simpleng lugar, simpleng probinsiya. Pero kahit ganoon, masaya siya sa buhay na mayroon siya kasama ang kaniyang pamilya.

Mahirap lang sila at trabahador lang ng pamilya Bautista ang kanyang ama, samantalang ang kanyang ina naman ay nag-e-extra lamang.

Ang tahimik niyang buhay sa probinsiya ay magugulo sa pagdating ng anak ng mga Bautista na si Kevyn, isang mayabang at antipatikong lalaki.

Ano kaya ang kahihinatnan nila kung sa unang pagtatagpo pa lang nila ay hindi na naging maganda iyon? Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang siya ang magbabantay sa binata habang nasa probinsya ito?

Babalik pa kaya ang katahimikan niya sa probinsiya o lalo lang iyong gugulo?

chap-preview
Free preview
Prologo
"ANO'NG ginagawa mo dito, bata?" nagtataka kong tanong nang madatnan ko ang isang lalaki sa lugar na iyon sa parang sa bukid. Naiinip kasi ako sa bahay kaya naisipan kong pumunta sa lugar kung saan nakakaramdam ako ng ginhawa, sa bukid kung saan may sariwang hangin, magandang tanawin na animo'y nagbibigay ng kapayapaan sa akin. Makikita sa lugar ang malawak na lupain na pag-aari ng mayamang pamilya sa probinsya ng Sta. Cruz. Nakasilong ang batang lalaking iyon sa ilalim ng malaking puno, kung saan naging lugar ko sa tuwing nalulungkot ako. Tanaw kasi mula roon ang malawak na lupaing iyon at ang isang malaking bahay na pag-aari ng mayamang pamilya sa bayan namin. Kapag nandoon ka, talagang mapapanatag ka at mawawala ang lungkot mo dahil sa pagtanggap sayo ng kalikasan. "Sa tingin mo hindi ka bata?" masungit na balik ng batang iyon na noon ko lang nakita roon na bahagya lang akong tinapunan ng tingin. Napairap naman ako sa naging sagot niya. "Hindi ba obvious? Pinagmamasdan ang paligid," dagdag pa niya. "Alam mo ba na dito ako lagi nagtatambay kapag gusto kong mag-isa? Kasama ko si Happy Tree," ani ko at ngumiti kahit hindi ko alam kung gusto niya iyong marinig mula sa akin. Tumingin siya sa akin na kunot ang noo. "Sinong Happy Tree?" takang tanong pa niya. "Siya..." at itinuro ko ang malaking punong nasa likod niya. Binalingan niya ang itinuro ko, kapagkuwa'y bumagsak sa akin ang mga mata niya na para bang nagwe-weird-uhan sa akin. "Taga saan ka ba bata? Ngayon lang kita nakita rito, sigurado akong hindi ka taga-rito," usisa ko sa kaniya. Kung titingnan ang hitsura niya, mukhang hindi siya mahirap kagaya ko dahil malinis siyang tingnan at maputi rin. "Of course I'm not living here for Pete's sake! Hindi ko kailanman pinangarap manatili sa lugar na 'to," sagot niya na nagpakunot sa noo ko dahil mukhang ayaw na ayaw niya sa lugar namin. Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Nag-e-english pala siya kaya lalo siyang nagmukhang hindi ordinaryong bata. "Hindi ko alam kung ano'ng ayaw mo sa lugar namin? Napakasarap kaya manirahan sa ganitong klase ng lugar," pagtatanggol ko sa lugar kung saan ako nakatira. "It's none of your business, Probinsyana Girl," aniya, saka padabog na tumayo. Umikot ang mga mata ko sa kasungitang ipinakita niya. May pa-english-english pa siya na hindi ko naman naiintindihan. Mukha nga siyang matalino pero mukhang masama naman ang ugali. "Makaapak ka sana ng tae ng kalabaw," sambit ko sa mahinang tono nang magsimula na siyang maglakad palayo sa akin. "Yack! It's disgusting! Kadiri!" Agad akong napalingon dahil sa boses na iyon at nang makita ko ang masungit na batang iyon na halos hindi na makagalaw. Hindi ko na napigilang matawa dahil nagkatotoo ang sinabi ko kanina lang. Halatang-halata sa mukha niya ang pangdidiri sa sapatos na may tae. Halos hindi pa siya makatingin doon at nanliliit ang mga mata habang nakaangat ang sapatos na may dumi ng kalabaw na natural na sa lugar na iyon dahil doon madalas pinapastol ang mga kalabaw ng mga magbubukid. "Ano'ng tinatawa-tawa mo diyan?" inis na tanong niya. At nagawa pa talaga nitong magsungit. Sumeryoso ako at ng makita ko ang sapatos niyang may tae ay muli akong natawa, tinakpan ko na lang ang bibig ko. "May tae kasi ang sapatos mo." At hindi ko na nagpigilang mapahagalpak ng tawa habang kita ko ang pangdidiri sa mukha niya. "Kasalanan mo to, eh!" paninisi niya sa akin. "Hindi ka kasi tumitingin sa daan, 'tapos akong sisisihin mo. Wala ka sa bayan, nasa bukid ka." Lumingon ako sa paligid at ng mahagilap ng mga mata ko ang isang sanga ng kahoy, agad ko iyong kinuha. Naglakad ako palapit sa kaniya. Hinawakan ko ang binti niya at iniangat iyon, halos ayaw pa niyang igalaw iyon. "A-ano'ng gagawin mo?" tarantang tanong niya habang nakatingin sa akin. "Aangal ka pa? Tumahimik ka na lang kaya." Kahit 'di ako nakatingin sa kaniya ay alam kong naiilang siya sa ginagawa ko. Parang gusto pa nga niyang tumutol kaya lang halos hindi siya makagalaw dahil sa pandidiri. Sinimulan kong tanggalin ang tae sa ilalim ng sapatos niya gamit ang kahoy na kinuha ko habang halos hindi ako humihinga dahil sa amoy niyon. "Ayan, pag-uwi mo magpalit ka na lang ng sapatos." Itinapon ko ang kahoy at tumayo. "Kalalaki mong tao, arte mo," aniko pa. "Ikaw kaya makatapak ng tae," balik niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Imbis kasi na magpasalamat ito, nagawa pang magsungit. "Alam mo ang sungit mong bata, dinaig mo pa ang may regla," naiinis kong sabi. Siya naman ang napakunot ang noo sa sinabi ko. "Hindi ako babae para magkaroon ng regla." Umikot pa ang mga mata niya. "O baka naman supot ka pa kaya masyado kang maarte." Napatingin siya sa akin pero agad ding umiwas. "Ano'ng kinalaman no'n sa pagiging maarte ko?" iwas niyang sabi. Hindi nakaligtas sa akin ang tila pagkailang niya sa sinabi ko. "Syempre, kapag tinuli ka, masasaktan ka at mawawala ang kaartehan mo," direktang sagot ko. "Huwag mong sabihing tama ako, supot ka pa?" Hindi ko na namang naiwasang mapangiti. "B-bahala ka na nga riyan!" Pagkasabi niyo'y mabilis siyang naglakad palayo sa akin habang natatawa akong pinagmamasdan siya palayo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook