bc

My Billionaire Husband

book_age16+
1.8K
FOLLOW
6.2K
READ
like
intro-logo
Blurb

Isang pagmamahalan walang kapantay, pamamahalang susuungin ang lahat makamit lang ang mga nilalayun nito...

Dito masusubok ang katatagan ng pagmamahalan nila Nickulas at Paula sa kabila ng mga hadlang sa kanilang pagiibigan paano nila malalampasan ang mga pagsubok sa kanilang buhay. Paano nila makakamit ang kapayapan ng buhay na nais nila.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Lakad dito lakad duon at hindi alam kung saan susuling, walang diresksyon ang kanyang mga paa kung saan patutungo. Hindi alam kung anung gagawin. Walang malinaw na maisip ang tulirong niyang pag-iisip sa biglaan pagkawala ng trabaho niya ng dahil sa kapabayaan ng iba, malaking pinsala ang nangyari. Hindi lang siya ang nawalan ng trabaho marami sila. At tanging siya lang ang walang mapupuntahan. Wala kamag-anak na mauuwian. Walang sariling bahay na masisilongan. Ubus narin ang konting perang naipon niya. Ilang oras naba siyang palakad-lakad sa mga bangketa, umaga palang naglalakad na siya at bawat establisyementong madaanan niya sinusuri niyang mabuti nag-babakasakaling may makita siyang trabaho o nakapaskil na karatulang "WANTED BOY/HELPER" papatusin na niya kahit maliit lang ang sweldo basta legal ang importante lang naman ay may pambili siya ng makakain niya sa araw-araw, at kung stay-in naman mas pabor sa kanya may matutulogan siya at kung susuwertehin baka libre ang pagkain. Kumakalam narin ang sikmura niya sa gutom isang tinapay lang kinain niya kagabi hindi parin siya nag aalmusal wala na din lamang tubig ang plastic bottle na hawak niya, naubus na niya yung tubig na hiningi niya sa nadaanan karenderya kanina. Dumukot siya sa bulsa ng kupasin pantalon na maong fifty pesos nalang pera niya kailangan na niya agad makakita ng kahit anong trabaho. Mabagal narin ang bawat hakba niya dahil sa pagod at gutom. Dahil sa kultado niyang utak hindi na gumagana ito para makapag-isip kaya bigla siyang tumawid at hindi napansin na may parating na sasakyan. Dahil sa init ng panahon idagdag pa ang pag-aalburoto ng kanyang sikmura dahil sa gutom. Nahilo siya kasabay ng pagragasa ng isang kotse, saktong nahagip siya bago palang siya bumagsak sa sementandong kalsada. Kasunod ng mga tilian at sigawan ng mga taong nakasaksi sa insidente. "Ambulancia!... Ambulancia!... tumawag kayu ng ambulacia.." Sigaw ng mga taong lumapit sa pinangyarihan ng aksidente. Nagkagulo na ang mga tao sa kalsada at maging ilan mga motorista huminto rin at nakiisyuso na naging sanhi ng matinding trapiko sa kalsada. "Naku patay na yata dali kayu isakay na niyo yun tao". sigaw naman ng ibang taong nakikiisyuso. Samantalang tulala naman sa loob ng kanyan kotse ang isang babae, hindi niya alam ang gagawin, kung hindi pa may sunod-sunod na kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan hindi pa siya matatauhan. Ilang beses din niyang ipinilig ang ulo bago nataohan sa kaganapan. "Naku babae pala ang driver." Wika ng isang matandang lalaking sumilip sa kanya. "Miss buksan mo yun sasakyan mo dalin mo na sa pinakamalapit na ospital yun taong nabanga mo." Sigaw naman ng isang lalake. "Bubuhatin nalang namin at ng madala mo na sa hospital" ani ng isa pang lalake. "Oo nga miss kung mag-hihintay kapa ng rescuers baka maubusan na ng dugo yun tao, putok yun ulo eh." Sabad naman ng isa at itinuro pa ng isa nitong daliri ang taong nakahandusay sa semento. Palakad-lakad naman si Paula sa waiting area ng hospital, kanina pa siya kinakabahan hindi niya alam ang gagawin, natatakot siya baka mamatay yun lalakeng nabundol niya, bakit kasi hindi niya napansin yung lalaki. Nangangamba siya baka idemanda siya ng lalaki o ng pamilya nito. Natatakot siyang makulong bata pa siya, ano na ang gagawin niya ngayon. Ayaw naman niyang ipaalam sa mga magulang niya baka mapagalitan pa siya lalo na ang kanya Papa, ayaw nito sa kanya, ayaw nito ng anak na babae kaya kahit kailan hindi niya naramdaman minahal siya nito bilang anak, hindi na daw kasi pwedeng mag-buntis ang Mama niya dahil may deprensya daw eto sa matris kaya nag-iisang anak lang siya. Lahat naman ginawa niya para paluguran ang ama pero wala parin. Kaya sa murang edad natoto na siya mabuhay mag-isa, nung tumuntong siya ng college nagpasya siyang bumukod na ng tirahan. At ipon nakakuha siya ng isang condominium unit. Nung bata pa siya lagi niyang naririnig pag-nagtatalo ang Papa at Mama niya ang salitang pambayad-utang lang daw siya. At siya ang kabayaran sa bambabae ng kanyang amang babaero. Bukod sa pagiging babaero nagka-casino rin ang mga ito. Dati nuong bata pa siya hindi niya alam kung ano ibig sabihin ng bayad utang ang isang anak na babae, hanggang naitanong niya sa professor niya sa psychology at doon niya nalaman ang ibig sabihin. Alam niyang babaero ang ama kaya nga ilag siya sa mga lalake ayaw niya ng tulad ng Papa niya, lagi niyang nakikita ang kanyang Mama na umiiyak dahil sa pambababae ng Papa niya. Naalala na naman niya ang sinabi ng kanyang Abuwelo kaninang tumawag ito, sabi sa kanya dapat daw mag-asawa na siya agad para may makatuwang siya sa pagpapatakbo ng mga negosyo ng mga ito, ayun pa sa lola niya baka daw kung mag-aasawa na siya mapansin nadin siya ng kanyang ama dahil mag-kakaroon na ng lalake sa kanilang mansyon. Napaka-babaw na dahilan katwiran niya. Paano siyang mag-aasawa kung nobyo nga wala pa nga siya asawa agad. Hindi naman porquet babae siya wala na siyang kakayahan mag-handle ng business nila, katuyan nga sa dalawang taon niyang pinangangasiwaan ito naiaangat na niya kahit kunti ang kanilang negosyo, kumikita na ito kungpara nun ang papa at mama pa niya ang humahawak nito. Huwag naman sana siyang sisihin kung bakit naging babae siya. Mag-sisikap siyang mabuti para mapalago ang negosyo nila ipapakita niya sa ito na kaya niya kahit na babae lang siya. Lahat gagawin niya para patunayang niyang kaya din ng mga babae o mas mahigitan pa niya ang ginagawa ng mga lalake. Napatayo siyang bigla ng may lumabas na nurse sa silid kung saan sinuri ang lalaking nabangga niya kasunod nito ang isang doktor. "Sino ang kamag-anak ng pasyente." tanong ng doktor. "Ako po Doc. nagdala sa kanya dito. Ano po ba lagay niya?" tanong niya dito. "May kunting galos lang, hindi naman malalim yun sugat niya sa ulo, tumama lang yun sa isang matigas na bagay kaya nag-dugo, nahilo lang siguro dahil sa init ng panahon, maaari rin dahil gutom." ani ng doctor. "Puwede mo na din siyang makita, mamaya lang magigising na din siya, pakainin mo nalang muna at painumin ng gamot." dagdag pang sabi ng doctor sabay abot sa kanya ng papel. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ng doctor. Ano na kaya ang dapat niyang sabihin sa lalaking nabanga niya. Natatakot siya dito baka magalit ito o kaya ay ang pamilya nito, ano ang sasabihin niya dito. Hihingi ba siya ng sorry dito, sapat ba ang salitang sorry lang para dito. Kanina nakausap na niya yung mga pulis na sumama sa kanilang naghatid sa hospital. Nagpaliwanag na siya dito, totoo naman hindi niya sinasadya ang nangyari. Pero ang sabi ng pulis. Sinadya man niya o hindi nabangga parin niya ang lalaki. Ito daw ang kausapin niya at makipag areglo, kung papayag ito at ang pamilya nito. Pagpasok nila sa silid kung saan nakahiga ang lalaking kanyang nabanga. May benda ito sa ulo, may galos din sa mukha at braso. Moreno at makinis ang balat nito, matangkad, at matipuno ang katawan nito. Matangos ang ilong nito, may kakapalan din mga kilay nito, mahahaba ang malantik nitong pilik mata. Maganda ang hugis ng maninipis nitong mga labi na namumutla. May mga tumubong mga balbas at bigote ito na nagbibigay dito ng nakakaakit na mukha. "Mas guwapo ka siguro kung naka dilat ang yung mga mata." bulong niya sa sarili, "Masarap din sigurong mahalikan ang maninipis mong labi" Piping bulong niya sa isipan. Napangiti pa siya dahil kung anu-ano ng kahalayan ang naiisip niya dito. Namumutok din ang mga muscle nito sa braso na nakabakat sa may kanipisang suot na puting t-shirt. Naakit siyang haplosin ang makinis nitong pisngi, kaya itinaas niya ang kanyang isang kamay at inilapat niya dito. Dahan-dahan niyang pinaglandas ang isang daliri sa matangos nitong ilong. Nangbiglang dumilat ito sabay dakma ng lalaki sa kanyang kamay, kaya naman napatili siya sa gulat. Napakunot ng noon ang lalaki sa ginawa niya, hindi nito binitawan ang kanyang kamay kahit hinihila pa niya at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa palapulsuhan niya. Ang hindi niya inaasahan ng bigla siya nito kinabig papalapit dito kaya nawalan siya ng balanse at napasubsub ang mukha niya sa matigas nitong dibdib. "Anong ginagawa mo sakin" tanong nito habang nakatitig sa kanyan mga mata, halos isang dangkal nalang ang layo ng mga mukha nila sa isat isa. Dahil sa ginawa ng lalake sa kanya hindi siya makagalaw naistatwa siya na para bang may dumaloy na kuryente sa buo niyang katawan. Napanganga pa siya sa gulat at tinitigan ang mga mata nito. Maganda ang pares ng abuhin kulay ng mga mata nito na para bang hinigop siya habang nakatitig din ito sa kanya. Natauhan lang siya nangyugyugin nito ang kanyang kamay na hawak nito. "Sino ka? Bakit ako andito? Anong nangyari sa akin? Anong ginagawa mo sa akin?" Sunod sunod nito tanong sa kanya. "A..aano k..ķa..si.. ahh..nabanga kita kanina." Saad niyang nauutal. Nagsalubong naman ang makakapal na kilay nito sa mga narinig. Kaya napangiwi at natatakot na baka saktan siya nito. "Sorry hindi ko sinasadya sana mapatawad mo ako. Huwag kang mag-alala ako na bahala sa lahat ng gastusin mo dito sa hospital, bibilin ko rin lahat ng gamot mo patawarin mo lang ako please at huwag mo akung idedemanda, aalagan kita hanggang gumaling ka okay naba yun?". litanya pa niya dito na may baka sa dibdib, hindi parin nito binibitawan ang kanyan kamay, natatakot siya baka kasuhan siya ng mga pamilya nito. "Nagugutom kaba gusto mo bilhan kita ng kakain mo, hintayin mo nalang ako" Dugtong pa niya.. "Niloloko mo ba ako? Tapos ano? Iiwan mo ako dito? Nagdadahilan kalang na bibili ng pagkain para matakas ako dito." Anito sa mababang boses pero may diin ang mga pananalita nito. Mukhang galit ito. "Hindi ako tatakas bibili lang talaga ako ng pakain natin gutom nadin kasi ako. gusto mo iwan ko pa sayo yun bag ko, andiyan lahat ng importanteng gamit ko puwede mo akung ipapulis pag tinakas kita" aniya dito. Inabot niya dito ang bag niya. "Anong pangalan mo"? tanong nito sa kanya. "Ako nga pala si Paula" Tugon niya dito. "Yung buong pangalan mo kailanga ko" angil nito sa kanya. "Ahh...Leona Paula Santos" sinabi pa niya dito kung saan siya nakatira para hindi ito mag-isip na kung anu-ano at pagkatiwalaan siya. "Ikaw anong pangalan mo? Anong ginagawa mo dun at bigla ka nalang tumawid?" Tanong niya dito. "Nickulas pangalan ko, Nickulas Belanger" sabi nito sabay bitaw sa kanyang kamay, pero ng makita nitong namumula ang kanyang kamay. "Nasaktan ba kita, patingin nga" Usal nito, inabot uli nito ang kanyang kamay at pinasadahan ng tingin, nung makita nitong medyo namumula yun himas himas pa nito ang kanyang kamay "Sorry nasaktan tuloy kita." Saad nito at kita sa mukha nito ang pag-aalala. "Wala yan hindi namam masakit" Saad niya at ngumiti dito, pero ang totoo nag-iinit na ang pakiramdam niya sa ginagawa nito halos manghina na ang mga tuhod niya dahil sa bulta-bultahing kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan. "Labas na muna ako, bili lang ako ng makakain natin bago ka lumabas dito". aniya dito at hinila na niya ang kanyang kamay sabay talikod dito. "May masakit paba sayo? Hindi kanaba nahihilo? Makakalakad ka ba nang maayus? Saan ka nga pala nakatira para maihatid na kita, ihahatid nalang kita para hindi kana mahirapan pa." sunod-sunod niya tanong dito, katatapos nilang kumain. Napangiti ito sa kanya "Isa isa lang ang tanong ano kaba? Medyo masakit pa din katawan ko yun sugat ko sa noon kunti nalang sakit, hindi nako nahihilo. Masakit lang yun balakang ko pero kaya ko na sigurong maglakad." sagot nito. "Ok... Aahhh.. San ka nga pala nakatira, ihahatid na lang kita." Nauutal niyang tanong sa binata. Tinitigan lang siya nitong mabuti at nag buntong hininga." Paano kung sabihin ko sayo na walang naman akung permanenteng tirahan, may magagawa kaba?" Saad nitong patanong. Kaya napanganga siya sa tinuran nito, alam niyang hindi ito nagbibiro ayun sa ekpresyon ng mukha nito. Anong klaseng tao ito walang tirahan, saan kaya ito natutulog. tanong niya sa isip niya. "Sige alis nalang ako kung puwede na akung lumabas dito sa hospital, marami naman karton diyan sa tabi ng kalsada" Usal nitong paanals. "Salamat nalang." dugtong pa nito. Nang akmang tatayo na ito ay hinawakan niya ito sa braso."Wait lang Nickulas." Aniya at nag alis pa siya ng bara sa lalamunan bago siya nagsalita. "Kung gusto mo dun ka nalang muna sa bahay pansamantala hanggang lubusan kang gumaling." alok niya dito at nginitian pa ito. Napatingin sila sa pinto ng may kumatok sabay ang pagbukas nito, pumasok dun ang doctor kasunod nito ang isang nurse, sunuri muli nito si Nickulas at tinanong din nito kung kumusta na ang pakiramdam niya. "Kung hindi naman masakit yun mga sugat mo maaari kanang makalabas ngayon, inumin mo nalang yung mga gamot na binigay ko para sayo" sabi ng doctor dito. "Sige po Doc. salamat po." sagot ni Paula sa doctor. Ng magpalam na ang doctor. Kaagad din binayaran ni Paula ang kanilang bills. "Let's go para makapagpahinga kana pag dating natin sa bahay" aya na niya dito. "Huwag mo nakung alalay kaya ko na naman maglakad mag-isa." Anito at paika-ikang naglakad kasabay niya. Hanggang makasay sila sa kotse niya. "Dito kaba talaga nakatira? ang ganda naman, siguro mayaman ka?" ani Nickulas at iginala pa nito ang mga mata sa buong unit ng condo niya. Malinis at nakaayus mabuti ang mga gamit, May mamahaling sala set sa pinakagitna ng living room, at may nakalatag na carpet. May mga naka display din mga picture ang babae mula bata pa ito. "Dito talaga ako nakatira simula pa nung nasa college palang ako, pero minsan umuuwi din ako sa bahay ng mga parents ko." Litanya niya dito. "Paano pagnalaman ng mga magulang mo na napatuloy ka ng lalaki dito? Baka pagalitan ka nila" Ani Nickulas. "Baka naman mabugbug ako ng boyfriend mo pagnakita niya ako dito" dagdag pa nito. Kaya natawa siya sa sinabi nito, pero paano nga ba kung matuklas ng papa at mama niyang nag uwi siya ng lalaki sa bahay niya. "Wala akong boyfriend kaya walang mananakit sayo." aniya napakagat pa siya sa ibabang labi niya. "Imposibleng wala kang boyfriend sa ganda mong yan" Saad ng binata. "Wala nga, ikaw baka hanapin ka ng asawa mo o ng girlfriend mo." Aniya. "Walang akung naging seryosong karelasyong." Seryosong tugon nito. "So ibig sabihin marami sila, kaya dapat pala akung mag-ingat at baka ako naman ang masabunutan niyan." Aniko. Natawa naman ito sa sinabi niya. "Wag na nga natin pag-usapan yun, hindi naman importante yun." anito. "Ilan ang kwarto mo dito" dagdag tanong nito. "Isa lang" sagot niya sabay kagat ng pang-ibaba niya labi. "Saan mo pala ako patutulogin dito, sabagay pwede na dito sa living room, dito nalang ako sa sofa" aniya at umupo na sa sofa. Isinalda na nito ang katawan at ipinikit ang mga mata. Alam niya mahihirapan itong mahiga sa sofa niya dahil may kalakihan ang katawan nito, siguradong sasakit ang katawan nito, baka sa halip na gumaling ito ay lalo pang lumala ang nararamdaman nito. "A-ahh ano kasi baka lalong sumakit katawan mo kung diyan ka lang mahihiga, doon ka nalang sa kwarto ko pwede naman tayung mag-share duon, sa lapag nalang ako, ikaw na sa kama." Nauutal niya paliwanag dito. Idinilat nito ang mga mata dahil sa mga narinig at nakangisi itong tumitig sa kanya. ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook