bc

Queen Kiana, The Tigress Queen (Tagalog Version)

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
HE
forced
brave
heir/heiress
bxg
mythology
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Content Warning:

Some chapters may contain explicit violence(death/s****l) that is not suitable to read especially for minors.. Parental guidance is a must!

_______________________________________

Bumalik si Queen Kiana sa kanyang kaharian katulad ng kanyang ipinangako sa ama..

Subalit sa kanyang pagbabalik, ang dating kaharian na puno ng ingay at kasiyahan, ngayon ay tahimik at puno ng mga bangkay..

Dalawa sa kanyang kapatid ay nakaligtas subalit ang iba ay nawawala.

Naghihingalo na ang kaniyang ama ng ito'y kanyang abutan..

Dahil sa kagustuhang malaman kung sino ang lumusob sa kanyang kaharian ay nagpaimbestiga siya..

Subalit sa kanyang pagiimbestiga.. ang lalaking iniibig ang lumabas na salarin..

Dala ng labis na kalungkutan ay umalis siya sa Kahariang iyon at naglakbay magisa..

At dito makikilala niya ang isang mabait na hari na siyang tutulong sa kanya..

Sa tulong rin nito ay nalaman niya ang totoo niyang pagkatao.. Matutuwa kaya siya? O labis na pagdurusa at pagkamuhi ang madarama niya?

________________________________________

Thank you for visiting my first story.. Hope you like it.. ☺️☺️☺️???

chap-preview
Free preview
BANG!
Present Day.. “Mahal na reyna..”, mahinang tawag ni matilda.. “Sige, Pumasok ka..”, mahinang tugon ni Queen Kiana. “Mahal na reyna, Nakita ko na po kung saan naroroon si Joseph.. Kailangan po nating magmadali na makarating roon baka po siya'y makatunog at lumisan muli..”, mabilis na salaysay ni Matilda pagkapasok sa kwarto ni Queen Kiana. “Sige, ipahanda mo na agad si Draga..”, mabilis ring tugon ni Queen Kiana. “Opo mahal na reyna.. ”, tugon ni Matilda at daglian ng umalis at naghanda. Si Draga ay ang paboritong kabayo ni Queen Kiana.. Regalo ito ng kanyang ama noong kanyang 18th birthday.. Bagamat mailap ito noong una, subalit katagalan ay umamo ito sa kanya.. Alam niya kasing gusto siya ni Draga sapagkat siya lamang ang pinasakay nito kahit ayaw nitong lumakad o tumakbo kaya't patuloy niya itong inamo at inalagaan hanggang sa naging komportable na sa kanya.. Hindi niya nga maintindihan ang ama kung bakit ito ibinigay sa kanya gayong alam nitong walang sinumang magaling na mangangabayo ang nakasakay rito maliban sa kanya.. Sakay ng kabayong si Draga, ay agad na lumisan si Queen Kiana, kasama si Matilda at ang tatlong magkakapatid na Calderon.. Ang tatlong magkakapatid na Calderon ay sina Marvel, Miguel at Manuel Calderon.. Sila ay ibinigay ng kanyang ama bilang kanyang bodyguards noong siya'y ikinasal.. Mabait naman ang kanyang napangasawa sapagkat lahat ng kanyang pinagkakatiwalaang tagapaglingkod ay pinayagang iyon pa rin ang maglingkod sa kanya kahit na nasa palasyo na siya nito.. Habang naglalakbay patungo sa bundok ng ilang kung saan nakitang tumutuloy si Joseph ay malimit na sinisipat ng magkapatid na si Miguel at Manuel ang daan, kahit na mabilis pa ang takbo ng kanilang kabayo.. Kailangan na sila ay alerto sapagkat sila ang nasa unahan at nasa likod lamang nila si Queen Kiana.. Habang si Matilda at Marvel, ay paminsan-minsang sumisipat sa likuran at gilid upang masigurong walang anumang pwedeng mangyari sa mahal na reyna.. “Kamahalan, malapit na po tayo..”, turan ni Matilda kay Queen Kiana. “Kung ganon ay huminto na tayo rito upang hindi matunugan ni Joseph na may tao..”, tugon ni Queen Kiana. Agad namang pinahinto ng kanyang mga kasama ang mga kabayo. Mabilis na bumaba si Marvel upang alalayang bumaba si Queen Kiana. “Maiwan kayo rito Miguel at Manuel upang bantayan ang ating mga kabayo..”, wika ni Queen Kiana kay Miguel at Manuel. “Kayo naman, Marvel at Matilda ay sumama sa akin..”, wika naman niya kay Marvel at Matilda. “Masusunod po Kamahalan..”, wika ng kanyang mga tagasunod. Mabilis silang kumilos patungo sa bahay na tinutuluyan ni Joseph.. Maingat nilang binaybay ang daan ng walang anumang maririnig kundi ang hanging nililipad ang mga dahon sa mga punong nakapaligid sa lugar. Narating nila ang bahay nito. Ito ay yari lamang sa pawid.. May nakasinding ilaw sa loob kaya't kailangan nilang mas magingat upang hindi ito makatakas.. “Matilda, maiwan ka na muna rito.. Kami'y bigyan mo ng hudyat kung may paparating..”, mahinang turan niya kay Matilda. Tumango naman si Matilda.. “Tayo na Marvel..”, wika ulit ni Queen Kiana. Sumunod naman si Marvel kay Queen Kiana.. Daglian silang lumapit sa dingding ng bahay, malapit sa may bintana.. Nakabukas ito kaya't napagdesisyunan nilang doon dumaan.. Ngunit hindi natuloy ang kanilang balak sapagkat naulinigan nilang may kausap si Joseph sa loob.. Naghanap ng butas si Queen Kiana upang masilip kung sino ang kausap nito.. Baka ito na ang pinuno na may hawak sa buhay ng aking pamilya..! May nakita siyang maliit na sinag na lumalabas sa dingding.. Galing ito sa sinag ng ilawan ni Joseph sa loob.. Dahan-dahang lumapit roon ang reyna at sumilip.. Habang si Marvel ay sinisipat ang paligid baka may kalabang biglang dumating.. Pagsilip niya roon ay nakita niyang nakagapos si Joseph sa silya, duguan ito at maraming galos sa katawan.. Mayroong lalaking nakaharap dito na nagsasalita habang tinututok ang baril nitong hawak sa ulo ni Joseph.. BANG! Nagitla siya sa nakita.. Napatakip siya sa bibig upang mapigilang hindi sumigaw.. Si Joseph ay agad na namatay dahil sa tama ng baril sa kanyang ulo.. Habang si Marvel ay agad na lumapit sa reyna at naglabas din ng kanyang baril bilang handa sa pwedeng mangyari.. Si Matilda na nakatanaw sa kanila ay naglabas na rin ng baril bilang paghahanda habang nagmamasid sa paligid.. Si Miguel at Manuel na naulinigan ang putok ng baril ay biglang nagsibunot rin ng baril at nagtago sa may malapit na puno upang matanaw nila ang kung sino mang pwedeng lumapit sa kanila.. Sa kagustuhang makilala, kung sino ang bumaril kay Joseph ay pinagpatuloy ni Queen Kiana ang pagsilip.. Nakikita niyang parang may kausap pa ang salarin.. May mga kasama ito! Maya-maya pa'y lumingon ito sa may bintana.. At doon nasilayan ni Queen Kiana ang salarin.. Ang posibleng mastermind sa pagdukot sa kanyang buong pamilya.. King Derek? Si King Derek nga! Dahan-dahan siyang napaatras.. Oo nga't pinaghihinalaan niya na ito ang may pakana ng lahat.. Subalit, asawa niya parin ito kaya't hindi siya makapaniwala na ito nga ang mastermind ng pagkawala ng pamilya niya.. “U.. um.. umalis na.. tayo..”, mahinang utal niya kay Marvel na agad siyang inalalayan.. Mabilis silang tumakbo palayo sa lugar.. Natanaw ni Miguel at Marvel na parating na ang kanilang mga kasama kaya't kaagad nilang hinanda ang mga kabayo.. Inalalayan nilang makasakay si Queen Kiana.. “Tayo na.. ”, mahinang turan ni Queen Kiana sa kanyang mga alagad.. Nilisan nila ang lugar ng walang sinumang nagsasalita.. Tahimik ang lahat.. Nagtataka man si Matilda subalit hindi na siya nagsalita.. Nilipad ang buhok ni Queen Kiana habang patuloy pa rin sa kanilang paglalakbay pabalik sa palasyo.. Hindi na pala niya namalayan na natanggal na ang hood ng kanyang suot.. Hinawi niya ang buhok na napunta sa kanyang mukha.. Napatingin siya sa kanyang mga kamay.. Basa ito.. Doon niya lamang napagtanto na siya pala'y lumuluha.. Bakit? Baka dahil sa kanyang kawawang pamilya.. Pamilyang Pinakamamahal niya na hanggang ngayo'y di niya alam kung saan naroroon.. Biglang sumagi sa isip niya si King Derek!.. Ang pagbaril nito kay Joseph! Mabilis na umagos ang mga luha sa kanyang mga mata.. Bakit ba ako umiiyak? Bakit nasasaktan ang aking puso..? Galit ka dapat Kiana! Galit ka! Natanaw niya ang Kaharian ng Albanya.. Ang kaharian ni Prinsipe Derek.. Huminto siya sandali na siyang ikinahinto rin ng mga kasama niya.. Maganda ito kahit gabi.. katulad ng palasyo ng Irania.. Tanaw niya mula rito ang Palasyo ng Irania na dating makikita ang mga ilaw nito na parang bituin kahit malayo.. Kumikislap ito at makinang.. Subalit ngayon.. wala na.. Madilim na ito at walang buhay.. Lumingon siya muli sa palasyo ng Albanya.. Bagamat may mga luha paring umaagos sa kanyang mga mata.. Makikita parin dito ang galit.. hinagpis at paghihiganti.. King Derek! Ipaparamdam ko sayo ang sakit..! Pagsisisihan mong kinanti mo ang pamilya ko!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.3K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook