bc

Love and Death

book_age16+
1.5K
FOLLOW
4.0K
READ
dark
goodgirl
bxg
mystery
city
enimies to lovers
secrets
crime
sacrifice
civilian
like
intro-logo
Blurb

Isang simpleng babae lamang si Jamie Regardon at hindi niya maituturing ang sarili na maganda kahit may nagsasabi sa kaniya niyon. Kontento na siya sa simpleng bagay na mayroon siya, pamilya, kaibigan at trabaho. Wala na siyang ibang hinihiling pa.

She worked as a secretary in a well-known company own by Caireos family. Secretary siya ng bagong CEO ng company, si Zacherson Caireos, ang pinakamasungit na taong nakilala niya. Palagi siyang sinusungitan nito at base sa bali-balita sa company dahil iyon sa pagkamatay ng girlfriend nito.

Palagi namang nadiyan ang mga kaibigan ni Jamie, si Maggie, Chester at maging si Andrew na nagpapalakas ng loob niya sa pagsusungit ng gwapong boss.

Akala ni Jamie, doon lang iikot ang mundo niya hindi niya inakala na may kakila-kilabot na mangyayari sa buhay niya na konektado sa kaniya. Lahat ng lalaking napapalapit sa kaniya ay namamatay sa 'di malamang dahilan. Nabahala siya at ang mga kaibigan niya. Kinatakot rin niya ang pagsisimula ng pagkakamabutihan nila ng masungit na boss.

Hanggang sa namalayan na lang ni Jamie na nahulog na siya sa boss at ganoon din ito sa kaniya, lalo siyang natakot sa maaaring mangyari kay Zach pero handa ang binata sa ano mang maging panganib sa rito at handa rin itong protektahan siya.

Natakot si Jamie sa panganib na dulot niya sa mga lalaking nasa paligid niya.

Lalong nagulo ang mundo at isip niya sa sunod-sunod na panggugulo ng stalker niya na obsessed na ata sa kaniya. Hindi nila alam kung sino iyon hanggang sa hindi maiwasang magduda siya sa mga lalaking nakapaligid sa kaniya dahil tila alam ng stalker ang lahat ng ginagawa niya. Maaari bang isa nga sa kanila ang pumapatay?

chap-preview
Free preview
Simula
Jamie's POV DALI-DALI akong naglakad patungo sa opisina ng research department na kinabibilangan ko. Kailangan ko nang magmadali. Mahigit limang minuto na kasi akong late at sigurado akong katakot-takot na sermon na naman ang sasalubong sa akin. Paano ba naman kasi lagi na lang akong nale-late, bilang na lang ata ang mga araw na hindi ako nahuli sa trabaho e. Himala na lang kapag nakapasok ako ng maaga. Kaya lang naman kasi ako nale-late dahil sa traffic. Totoo nga sila, traffic na lang ang may forever. Kapag nahuli na naman ako ng sampung minuto, siguradong gigirahin na naman ako ng mala-machine gun na bibig ng department manager namin na si Ma'am Megan. Deserve ko naman sigurong masermunan. Patakaran kasi nito na kapag na-late ng limang minuto ay okay, pero kapag lumampas roon ay 'di na okay. Napatingin sa akin ang mga katrabaho ko ng hangos na hangos akong pumasok ng opisina. Sobrang napagod ako sa lakad takbong ginawa ko para lang hindi ma-late at mabulyawan. Kaaga-aga haggard na agad ang itsura ko dahil sa pagmamadali. Binigyan ko lang sila ng nag-aalangang ngiti. Nilapitan ako ni Maggie. "Hoy bruha ka, ba't late ka na naman?" bungad nito. Siya ang katrabaho ko at matalik na kaibigan. "Para namang bago ka ng bago, Maggie," sabi ko sabay hinga ng malalim. Piling ko lumaban ako ng marathon dahil sa pagod. Ni hangin ng aircon hindi ko na maramdaman o baka mahina lang talaga. "Sobra kayang traffic!" Inayos ko ang aking sarili at dumiretso sa table ko. Sinundan naman ako ni Maggie. "Jamie alam mo bang mainit na naman ang ulo ni Ma'am Megan?" nakasimangot na wika niya habang nakatuon ang dalawang kamay sa mesa ko. "Lagi namang mainit ang ulo no'n. Buti nga 'di ako na-late ng sampung minuto e, siguradong masasabon na naman ako ng sermon kung nagkataon." "Maigi nga kamo, kung hindi pagsisihan mo na namang dito ka nag-apply sa kompanyang ito," singit naman ni Chester na hindi namin namalayan na nasa tabi na pala ni Maggie. Sinimangutan ko lang ito. "Bakit 'di ba totoo?" Totoo naman kasi 'tong si Chester, sinasabi ko kasi 'yon tuwing nasesermunan ako ni Ma'am Megan. Paano ba naman, makasermon parang ang sama kong tao. "Haist oo na po! Bumalik na nga kayo sa trabaho n'yo." Sinimangutan ako ng mga ito at naglakad na palayo. Pinagmasdan ko na lang ang mga ito at napailing. Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang magtrabaho. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa pagtipa sa computer na kaharap ko. May mga papers pa akong kailangang tapusin. Isa akong empleyado sa isang malaking kompanya na pag-aari ng mga Caireos. Hindi naman kami kahirapan. Ayaw nga ni Mommy na magtrabaho pa ako. Pero dahil makulit ako, wala na silang nagawa. Pasalamat naman ako at tahimik ang buong opisina. Marahil dahil sa tambak na gawain na ibinigay ni Ma'am Megan. Masaya naman ako sa trabaho ko, kaya lang nakakapagod din minsan. Natapos ang oras ng trabaho, kaya naman sabay-sabay na kaming lumabas at dumeretso sa malapit na restaurant. "Mukhang gutom na gutom ka ata Jam a," puna ni Chester sa akin habang nilalantakan ko ang in-order kong hita ng manok at tsaka pasta. Masarap kasi e! "Problema mo? Gutom ako e. Saka masarap 'yong hita at pasta nila." Sinamaan ko pa siya ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Nakita kong napailing na lang ang dalawa kong kaharap. "Baka naman sa katakawan mo mabilaukan ka niyan," wika naman ni Maggie, habang nakatingin sa akin na waring nag-aalangan sa katakawan ko. "Kaya nga um-order ako nito o." Itinaas ko ang isang bote ng Coca Cola. "'Wag n'yo na nga lang akong intindihin, kainin n'yo na lang 'yang mga in-order niyo," sabay inirapan ko silang dalawa. Si Chester ay napailing na lang. Pagkatapos naming kumain, sabay-sabay na rin kaming bumalik sa aming mga trabaho. Tagal ko ng kaibigan sina Maggie at Chester. Si Chester nakilala ko siya noong ako ay elementary, samantalang si Maggie ay nakilala ko noong ako ay high school, dahil pareho lang kami ng university na pinasukan. May dalawa pa kaming kaibigan kaya lang sa america nila napiling manirahan. Ilang buwan na rin kaming nagtatrabaho sa CL Company. Dito namin napiling magtrabaho. Gusto kasi namin na sama-sama rin kami sa kompanyang pagta-trabahuhan namin. Iniunat ko ang aking mga kamay kasabay ng aking paghikab. Ang dami ko pang inaasikasong papers ng kompanya. Baka kasi maabutan ako ng dead line. 'Pag nagkataon patay na naman ako sa sermon ni Ma'am Megan. Lagi na lang kasing mainit ang ulo. Laging nakasigaw at kaunting pagkakamali ko lang sesermunan niya ako na para bang napakalaki ng pagkakamali ko. May pagkakataon namang mabait siya na parang nasapian. Hindi ko nga alam kung bakit tumagal ako dito ng mahigit kalahating taon, ayaw ko pa naman ng maingay. Nasanay na lang siguro ako sa mga sermon niya. Pasok sa kabilang tainga at labas sa kabilang tainga ganiyan na lang ang ginagawa ko sa tuwing nagsesermon siya. Alas-otso nang gabi at katatapos lang ng trabaho namin. Oras na ng uwian. Nandito kami sa terminal ng dyip na may kalayuan sa building na pinagtatrabahuhan namin. "Chester, ingatan mo 'yang kaibigan natin ha? Alam mo namang takot 'yan sa dilim," paalala ni Maggie kay Chester na ikina-kunot ng noo ko. Pero totoo naman si Maggie takot ako sa dilim at ayaw ko ng madilim. Feeling ko kasi nag-iisa ako at nakakulong sa isang silid na wala ni isang daan palabas. "Tsk!" Inismiran ko na lang ito na ikinangiti niya. "O, Paano ba 'yan? I need to go na, ingat kayo." Ngumiti na lang ako bilang paalam at tiningnan siya na papalayo sa amin ni Chester. "Ano tara na?" Baling naman ni Chester sa akin ng makalayo na si Maggie. Tumango lang ako at agad naman itong naghanap ng dyip na pwedeng sakyan. Agad naman itong nakahanap kaya maaga kaming nakaalis. Minsan kasi mahirap makahanap ng dyip dahil punuan. "Grabi ka naman makakapit sa'kin Jam," puna ni Chester. Kapit na kapit kasi ako sa braso niya. Simula pa kanina pagbaba namin ng dyip ay nakakapit na ako sa matipuno niyang braso. Hindi naman gano'n kadilim ang daan pero natatakot talaga ako. Lalo na't napakatahimik ng paligid, idagdag pa na wala ni isang tao ang na naroon maliban sa amin. Pasalamat nga ako at lagi kong nakakasabay si Chester. Hindi naman kasi kami nagkakalayo ng bahay. 'Pag gano'ng oras kasi nawawala na ang mga tricycle na maaari naming sakyan papasok. "Bakit kasi hindi ka na maghanap ng Boyfriend? Nang sa gano'n may maghahatid at susundo sa 'yo." Sapat naman ang ilaw na nangagaling sa street light para makita ko ang pagkaserysoso ng mukha niya. "Ewan sa 'yo Chester, alam mo namang wala pa 'yan sa isip ko. Saka alam kong darating din 'yan." Nginitian ko siya na nagpapatunay na seryoso ang sinabi ko "Sige, sabi mo e," maikli nitong sagot at ngumiti rin sa akin. "Bakit nagsasawa ka na bang mag-alaga sa akin? Samahan ako sa pag-uwi? At tulungan ako?" seryoso kong tanong sa kaniya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Bakit mo naman 'yan natanong Jam?" "Wala lang, kasi Simula ng naging magkaibigan tayo lagi mo na lang akong tinutulungan at inaalagaan. Sa tuwing kailangan ko ng makakausap nandiyan ka at sa tuwing kailangan kita nandiyan ka. Nagsasawa ka na ata e?" Simula kasi ng makilala ko si Chester at naging kaibigan, halos sa lahat ng bagay nandiyan siya para tulungan ako at suportahan. "Syempre hindi, bakit naman ako magsasawa? Kaibigan mo ako kaya kita inaalagaan at tinutulungan. Jam, hindi ako nagsasawa at hindi ako magsasawang tulungan ka at alagaan. Kaya wag kang mag-alala, nandito lang ako lagi para sa'yo." Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa magandang labi niya. Simula pa lang noon ganito na magsalita si Chester. Kung hindi ko nga lang sya kaibigan baka inisip kong may gusto siya sa akin. Napangiti ako sa narinig ko mula sa kaniya. "Talaga lang ha? Salamat naman kung ganoon. Basta pagkailangan mo lang nang kaibigan at makakausap nandito lang ako at handang makinig sa'yo. Hayaan mo ililibre na lang kita ng lunch everyday basta 'yong afford ko lang." Kumunot na naman ang noo niya. "Hindi na kailangan jam, tsaka hindi lang naman ako 'yong nakakatulong sa'yo, ikaw din tinutulungan mo din ako. Tabla tabla lang tayo." Kahit kailan talaga itong si Chester Napakabait. Para sa akin si Chester na ang isang perfect boyfriend. Bukod kasi sa mabait at mapagmahal ito, gwapo pa. Matangos ang ilong, may mapang-akit na mata, may maputi at pantay na mga ngipin at tsaka may taglay na tangkad at kisig ng katawan. "Okay, sabi mo e," kibit-balikat kong pagpayag. "Wow! Ang ganda naman ng bracelet mo Chester!" saad ko ng mapansin ko ang suot niyang baracelet. Simple lang iyon ngunit halatang mamahalin. Ngayon ko lang nakita ang bracelet na iyon na suot niya. "Regalo 'to ng Mama ko!" masaya niyang sabi at tiningnan pa ito na halata ang pagkatuwa. Patango-tango na lang ako habang nakatingin pa rin sa bracelet na 'yon. "Nandito na pala tayo," pukaw niya. Maliwanag na ang paligid at marami ng bahay na naroroon. Hindi ko namalayang nandito na agad kami. Napangiti ako ng makita ko ang kabuuan ng bahay namin. Hindi naman 'yon kagandahan. "Paano ba 'yan? Mauna na ako," paalam ni Chester. "Salamat ulit Chester, ingat ka 'dyan," nakangiti kong paalala sa kaniya. "Sila ang mag-ingat sa'kin!" "Yabang!" ani ko at napatawa na lang kaming dalawa. "O siya, umuwi ka na," pagtataboy ko pa. Dumiretso na ako sa gate ng bahay namin at muli ko siyang nilingon. Nakatayo pa rin ito at nakatingin sa direksiyon ko. Muli ko siyang nginitian at ganoon din siya. Nag-wave pa ito bago tumalikod. Pagkapasok ko sa gate ay agad ko rin iyong sinara at dumeretso na sa loob ng bahay. Nadatnan kong tutok na tutok sa TV sila Mommy at Daddy. Hilig nila ang sabay na manood ng mga drama. Nilapitan ko sila, "Mano po." Sabay silang napatingin sa akin. "Nandiyan ka na pala," ani Daddy. Ngumiti ako at kinuha ko ang kanilang mga kamay at tsaka nagmano. "Kamusta anak?" tanong ni Mommy. "Okay lang po." "Kumain kana anak," alok naman ni mommy "Sige po." Ganito talaga sila Mommy. Tuwing dumarating ako galing trabaho, agad nila akong tinatanong kung kumusta ako at inaalok ng pagkain at kapag tumanggi ako hindi sila titigil hangga't hindi ako kumakain.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook