bc

THE BOSS' CONTRACT GIRLFRIEND

book_age16+
23.5K
FOLLOW
130.1K
READ
sex
dominant
aloof
dare to love and hate
CEO
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

?READ AT YOUR OWN RISK?

SEXY ROMANCE

SYNOPSIS

Ang isang babaeng katulad ni Dorothea Shaheen ay hindi kailanman pinag-uukulan ng atensyon ang salitang pagsuko at marupok. Mula sa pagiging ordinaryong office staff ng nangunguna at pinakatanyag na Purple Queen's Secret na manufacturer ng pinakasikat na brand ng lingerie, women's perfume at iba pa ay nangarap na rin siyang pasukin ang mundo ng pagmomodelo kung saan tiyak siya na triple ang kanyang kikitain.

Bilang isang ordinaryo ngunit mas matayog pa sa Mt. Everest ang confidence at orihinal na Diyosa ng mga ambisyosa ay hindi naging madali para sa kanya ang makapasok sa industriya ng pagmomodelo o endorser kung kaya nang nakasilip siya ng pagkakataon kung papaano niya mapapasok ang industriyang pinangarap niya ay naging desperada na siya.

Ang tanging nakikita niyang butas ay walang iba kung hindi ang maging Contract Girlfriend ng pinangingilagang super sungit, iced prince, cryptic at Enigmatic Boss na siyang may-ari ng Purple Queen's Secret.

Sisiw lang naman sa kanya ang lahat ng nakatalaga sa Agreement o contract na sinasabi ng Boss ngunit sa paglipas ng panahon na nakakasama at nakilala niya ito ay nawala na sa kanyang isipan ang importansya ng mga pangarap at ambisyon niya sa buhay.

Nagkapalagayan ng loob ang ambisyosa at ang seryosong Boss, nahulog ang loob ng dalaga. Tamang bugso ng damdamin sa maling pagkakataon.

Kung sakali mang magtagpo silang muli sa tamang panahon, paano nga ba nila uumpisahang buuin ang mapaglarong mundo ng tunay na pag-ibig?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER 1 PANIBAGONG kabiguan na naman ang kailangang lampasan ng dakilang ambisyosa sa katauhan ni Dorothea Shaheen sapagkat hindi siya natanggap sa audition bilang endorser ng upcoming beauty product na i-lau-launch ng Purple Queen's Secret sa susunod na buwan. Ang buong akala pa man din niya ay masusungkit na niya ang trabahong iyon dahil buo ang tiwala niya sa pangako sa kanya ng nobyo niyang si Ace ngunit kulelat na naman siya. Ang siste pa'y nakapag-pasa na siya ng resignation letter sa Senior executive ng departamento niya at mahigit isang linggo na lamang ang nalalabing araw niya sa trabaho kaya kailangan niya talagang makapasok sa industriya ng pagmomodelo. "Thea, tara. May pa-blowout daw si Glenna roon sa bar na pag-aari ng boyfriend niya. Punta na lang tayo que sa naman ipagluksa natin ang kabiguan natin." Anyaya sa kanya ng isa pang hindi natanggap sa audition. Si Everly na tinuring na rin niyang kaibigan dahil parati na rin naman niya itong kasabay sa mga audition na sinasalihan niya. Na katulad niya ay malapit din sa kabiguan. Maaari na nga silang bansagan bilang mga bokya queen. Wait. The invitation sounds great. "Libre alak?" Paninigurado niya habang inaayos ang mga gamit na ginamit niya sa audition sa araw na iyon. From personal make-up to shoes ay kompleto siya. Halos maubos na nga ang ipon niya dahil sa pamimili ng mga damit at sapatos na maaari niyang magamit sa mga audition at mga isinusuot niya kapag nakakapag-sideline siya bilang promo girl. Malaki-laki na talaga ang naging puhunan niya para lamang makapasok sa mundo ng pagmomodelo kaya naman ni minsan ay hindi na sumagi sa isipan niya ang umatras o sumuko. Magiging isang modelo siya ano't ano man ang mangyari. "Siyempre naman, libre lahat. Galanti kaya si Glenna, maging iyong boyfriend niya. Napakasuwerte nga ng babaeng iyon. Tsamba na sa boyfriend, tsamba pa sa trabaho. Partida kahit umbrella lang hindi pa ma-spell ng tama ng babaeng iyon noong nasa grade school pa kami pero ngayon kita mo naman. Siya na ngayon ang face of the month ng Purple Queen's Secret." Naiiling na bunyag ni Everly. And she laughed out so hard with that. Dahil sa pinakawalan niyang eskandalusong halakhak kaya nama'y naagaw niya ang atensyon ng mga babaeng naroon din sa dressing room. Most of them were giving her a gutom-lang-iyan look. Hindi niya inabala pa ang sarili na bigyan pansin ang mga tao sa paligid nila. She doesn't give a s**t if those people found her weird or creepy piece of s**t. Hell she cares? "Siya na nga ang living legacy ng beau-T-Y without bra-I-N. Suwerte niya talaga." Komento niya nang medyo nabawasan ang kanyang pagtawa. Then she regally wiped off the moist under her bewitching teak wood eyes. Mayorya ng pisikal na hitsura ni Dorothea ay nakuha niya sa kanyang Ama na half-Brazilian at half-Korean. Ang kanyang Ina naman ay purong Pinoy na nakapag-asawa rin ng Pilipino pagkatapos mamatay ng kanyang Ama noong kuwatro anyos pa lamang siya. May nakababata siyang kapatid na ngayo'y pamilyado na subali't nakahilig pa rin sa kanya hanggang ngayon. Kaya ganoon na lamang ang dedikasyon niya sa paghahanap-buhay. Kayod-kalabaw siya sa madaling sabi at kapag nagkataon na maging modelo siya ay tiyak na hindi na magigipit ang kanyang pamilya. Hindi hamak na mas malaki ang kikitain niya sa trabahong iyon. "Naku, hindi rin. Ang sabihin mo kaya nakapasok si Glenna sa PQS kasi may matibay na sandigan." "And you mean to say?" Nababahiran ng interes ang himig ni Dorothea. "Hindi mo ba alam na pinsan si Glenna ni Evalina Cattaneo? And my point is.." Kilala niya ang babaeng tinutukoy ni Everly dahil isa ito sa mga hinahangaan niyang makinang na international ramp model sa kasalukuyan. "..kaya napili itong si Glenna na face of the month ng PQS at endorser ng bago nilang produkto kasi itong si Evalina ay ang dating contract girlfriend ng Chairman ng PQS." "Si Boss Dozier Villarte?" Naibulalas niya. Siyempre kilalang-kilala niya ang taong iyon sapagkat ito ang Amo niya. Subalit sa mahigit isang taon niyang pagiging junior office staff ng PQS ay tatlong beses pa lang niyang nakita ang sinasabi nitong Boss at hindi pa up-close. "Kilala mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Everly na napatigil pa sa pagbubura ng heavy make-up nito. She received an intent and disbelief look from her colleague. She tiredly nodded as a response. "Hindi nga?" "Yep but not personally." Paliwanag pa niya. Bumagsak naman ang balikat ni Everly na animo'y disappointed. "Akala ko pa naman personal mo na siyang kakilala. Alam mo bang patay na patay ako sa taong iyon? Biruin mo, kahit laganap na sa Asya ang mga produkto ng PQS pero iyang si Mister Villarte ay nanatili pa rin itong misteryoso sa publiko. Ni wala nga iyong picture sa internet pero nakita ko na siya isang beses sa exclusive birthday party ni Evalina last month. Pero Ghad, hanggang ngayon ay nangangaso pa rin ang kaguwapuhan noon sa panaginip ko. Gabi-gabi iyon at hindi pumapalya." She didn't say a thing. Sang-ayon naman kasi siya sa mga sinabi ni Everly patungkol sa Amo niya. Kahit iyong mga ka-officemate niya ay dead na dead din sa Amo nila pero wala namang effect sa kanya ang existence ng sinasabing Boss nito dahil wala siyang panahon na hangaan ang sino man. "Ano nga pala iyong sinasabi mo tungkol sa contract girlfriend? Ano bang ibig sabihin nun?" Sa pagkahaba-habang salaysay ng kausap ay iyon lamang ang napagtuonan niya ng pansin. "Ah iyon ba? Tsismis lang iyon. Narinig ko lang iyon noong birthday party ni Evalina at ang sabi-sabi ay under contract lang naman daw ang relasyon nila ni Dozier Villarte. Kaya nga ang bilis niyang pumatok sa masa dahil si Dozier ang nasa likod ng pagsikat niya. Knowing a wealthy and a powerful man like him, kahit siguro ang pinaka-chakang nilalang sa Earth ay kayang-kaya niyang gawing isang makinang na tala sa modelling industry." Kung noon wala siyang pakialam sa Boss niya ngunit sa ngayon ay parang magkakaroon na. Habang tahimik na nakiki-party si Dorothea sa mga kasama niya sa bar ng gabing iyon ay hindi na nawaglit sa isipan niya ang mga sinabi ni Everly. Kung ganoon ay mayroon naman palang paraan para mapadali ang pagpasok niya sa modelling industry. At iyon ay sa pamamagitan ng kanyang Boss. Nabanggit din sa kanya ni Everly kanina na hiwalay na ang kanyang Boss at ang rumored girlfriend nito na si Evalina. So ibig sabihin ay baka nangangailangan ito ng panibagong contract girlfriend. Aba sa ganda't alindog niyang taglay ay tiyak papasa naman siya na maging girlfriend ng Boss niya. Ngunit ang siste, paano ba niya makakausap ng harap-harapan ang taong kilala bilang isang unfriendly, unapproachable at Enigmatic Boss ng kompanyang pinaglilingkuran niya? Bahala na si Batman, si Superman at Wolverine. Bandang alas dies y medya ay nagpaalam na siya kay Everly at sa iba pang nakahalubilo niya sa bar na pinagdausan ng nasabing blowout party. Mula sa naturang bar ay sumadya siyang dumaan sa PQS main building kung saan din siya nagtatrabaho. At minalas pang ang pinakamahigpit na guwardiya ang naka-assign ngayon sa entrada ng gusali. "Ginabi ka yata, Ms. Shaheen. May nakalimutan ka ba sa opisina mo?" Salubong sa kanya ng security guard na nasa mid-thirties na. Good thing she could perfectly wear an stoic yet irresistible charm that no one will buck. "Oo e. Puwede ho bang kunin ko muna?" "Naku, Ms. Shaheen. Wala nang puwedeng pumasok kasi nandiyan si Chairman. Alam mo namang ayaw na ayaw nun ng ano mang istorbo kapag nag-o-overtime siya." Voila! Tama ang desisyon niya na dumaan sa PQS. Nagdiwang ang lahat ng ugat niya sa katawan dahil sa kaalamang nasa loob ng gusali ang taong pakay niya. Mabuti at alisto ang isip niya at kaagad siyang nakaisip ng patok na alibi upang makapasok. "Hindi na po iyon puwedeng ipagpabukas e baka masisante ako ni Madame Alice kapag hindi ko ma-i-sumbit iyong report ko bukas. Please po, saglit lang ako atsaka hindi ko po dadaanan ang opisina ni Boss." She begged with matching puffy eyes pa para mas epektibo ang pag-arti niya. Ngunit sadyang mahigpit na na-briefing ang guwardiya kaya hindi nito pinatulan ang kanyang alibi. "Hindi talaga pupuwede-" Naputol sa ere ang sasabihin nito ng in-offer-an niya ito ng tatlong libo. Last drop na iyon ng kanyang ipon pero sana worth it ang desisyon niyang mag-huwego sa walang kasiguraduhang bagay. After an almost five minutes of pleading, the security guard finally gave her a green light. Kabadong tinahak niya ang left wing ng lobby kung saan matatagpuan ang opisina ng kanyang Boss. Mabuti na lang at nasa ground floor lang ang office suite ng kanyang Boss dahil kung nagkataon na nasa ibang palapag pa ay mahihirapan siyang umakyat gamit ang hagdan dahil unavailable na sa mga oras na iyon ang alin mang elevator. Walang ano mang kaba ang naliligaw sa kanyang sistema dahil dedikado na talaga siya sa kanyang balak. Additional na lang ang tama sa kanya ng nainom na alak sa bar kanina pandagdag sa kanyang self-confidence. Pagdating na pagdating niya sa harapan ng pinto ng opisina ng kanyang Boss ay walang babalang itinulak niya iyon. With her confidence higher than Mt. Everest, chest out and regal posture she faced the surprised man who was coolly sitting on a swivel chair. NAPAPITLAG ang binatang si Dozier nang walang babalang may pumasok sa kanyang opisina des oras ng gabi. May ni-re-review siyang mga mahahalagang report at ilang business proposals na kailangan niyang matapos bago sumapit ang bukas kaya kinailangan niyang mag-overtime ngayon. Sinisisi niya ang kaibigan niyang si de Gracia at Leventiz dahil sa mga ito kung kaya at maraming trabaho ang nakalambitin ngayon para sa kanya. Tatlong araw lang naman siyang na-stranded sa Singapore at sa loob ng tatlong araw na iyon ay pagka-casino lang naman ang inatupag nila sa Singapore. Minalas pang mahigit limang milyon ang naitalo niya sa mga beterano niyang mga kaibigan na mga dakilang sugarol. "What?!" Yinapos ng labis na inis ang tinig ng binata sa kadahilanang nagulat siya sa biglaang pagpasok ng hindi kilalang babae. Okay, she looks quite familiar to him as a matter of fact. His breath hitched as his eyes voluntarily studied the figure of the woman. Her overall feature was common to his sight. Brazilian figure with a touch of something Korean is not a biggie for him. Dahil sa napapalibutan siya ng mga ganoong klaseng babae kung kaya ay wala nang epekto sa kanya ang presensya ng babae. "I am Dorothea Shaheen, a junior office staff of PQS manufacturing company but going to resign very soon." His brows furrowed. "Glad you decided to resign in my company before I kick you out from your job because of your sick stunt. Now get lost and bring yourself outside of my office." Puno ng bagsik na utas niya. "Shut up!" Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang singhalan siya ng babae. No one of his employees shouted at him like that. The nerve of this woman! "I am going to resign as your employee but I am willing to offer myself as your newest contract girlfriend in exchange of giving me a shot of being a model." Sandali siyang nanahimik at nang-uuyam na tinitigan ang babae. Saan naman niya nakuha ang ideyang kailangan niya ng panibagong contract girlfriend? Sa isip niya. Oo at iyon ang klase ng relasyong kanyang nakasanayan ngunit kahihiwalay pa lamang nila ng kanyang huling contract girlfriend. Naisip niyang huwag nang i-commit ang sarili sa ganoong relasyon dahil nakapag-isip-isip na siya na tama nga ang kanyang mga loko-lokong kaibigan. Wala siyang mapapala sa larong iyon at wala namang masama kong susubukan niyang pumasok sa isang matino at normal na relasyon. "Papayag ka ba o hindi? Natitiyak kong hindi ka magsisisi kung papatulan mo 'ko. You see, I have a body that women will envy.." He agreed. "I have a good-I-E boobi-E-S and I'm a very good kisser." Dagdag nito sabay angat ng kanyang dibdib. Napakurap naman si Dozier saka napatiim bagang. She talks weirdly and abnormally. "Obedient ako. Kaya kong sumunod sa ano mang patakaran mo basta tulungan mo rin ako nang sa ganoon ay maging patas tayo." "OUT!" "No! Pasensya ka na pero wala kang choice kung hindi ang tanggapin ako." Pagmamatigas ng babae. "I said get out!" He again shouted. Hanga siya sa taglay na tapang at kakapalan ng mukha ng dalaga. May natatangi pala siyang empleyado na hindi takot sa kanya. He didn't know that she exist until now. "Marunong akong magluto, maglaba, at tumuwad sa kama. Pagsisilbihan kita. Sige na naman oh! Pumayag ka na. Gusto ko lang talaga na tulungan mo akong maipasok sa modelling industry." So that is her purpose. Hmm. He wasn't happy with that. Mukhang katulad din ito ng dating contract girlfriend niya na matapos niyang ibigay ang gusto ay bigla na lang siyang isinantabi. Iyon ang mga uri ng babae na pinakaayaw niya. Manggagamit. "Aalis ka ba o ipapatapon pa kita sa guwardiya? Choose!" He warned. Nakita niyang bumagsak ang balikat ng dalaga. Sandali pa ay hinubad nito ang suot na coat at naiwan ang crop top, short shorts at ankle boots sa katawan nito. Napalunok siya. Her navel showed, so as the silver ring on it. Damn! He found that hot and sexy. "Are you trying to seduce me?" Nakita niya ang pagtikwas ng kilay ng dalaga. Tinupi nito ang hinubad na coat at isiniksik sa malaking bag na dala nito. "Seducing you? Of course not. Ang init lang naman kasi rito sa opisina mo. Sira ba ang AC dito?" Yeah. It's getting hot. s**t! "None of your business. Now, get the fѷck out!" He hissed. Her beautiful, teak wood eyes got scared. Finally, she shown fear. "Hindi ka ba talaga interesado sa akin?" "Not in my dreams." He remarked. He was about to call the guard to send her away pero nagkusa nang umalis ang dalaga. "Ang choosy mo! Guwapo ka lang at mukhang masarap pero mas type ko pa rin ang crush kong si Zurick de Souza! Tsee." Kumuyom ng husto ang kamao ni Dozier sa iniwang pahayag nito. How in the hell she knew his stupid friend de Souza? And he is her type? Be damned! Bumalik na muli ang atensyon niya sa mga paperworks na nasa desk niya. He tried to concentrate on his work but another specie disturbed him once again. "I told you to get lost already. I'll send you in jail if- Beatrice? How did you get inside?" Ganoon na lang ang gulat ni Dozier nang makita ang dati niyang contract girlfriend. Naitulos niya ang sarili sa kanyang upuan nang humugot ng baril ang babaeng nagngangalang Beatrice at itinutok iyon sa kanya. "Ngayong hiwalay na kayo ni Evalina, wala nang dahilan para hindi mo ako balikan, Dozier. Gusto kong pakasalan mo ako." "You're insane for desperately doing a s**t like this, Bea. Tapos na tayo and I am not into repeating history." Sunud-sunod na umiling ang babae kasabay ng pagtulo ng mga luha nito. "Ilang beses pa ba akong magmamakaawa saiyo na balikan mo ako? Alam mo namang mahal na mahal kita.." "Not my problem anymore. We both know since the very beginning that I have no time for that crappy thing called love. You deserve another man, Bea and that's not me." "f**k you! Kung hindi ka rin lang mapapasaakin muli, mas mabuti pang mawala ka na." Kinalabit nito ang gatilyo ng hawak nitong baril. Iniisip na ni Dozier ang magiging katapusan niya. Ito na siguro ang kabayaran sa mga ginawa niya sa mga past girlfriends niya. Akmang ipuputok na ni Beatrice ang hawak nitong baril nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Dozier, dahilan upang tumilapon ito at mabitawan ang dala nitong baril. "Ayaw mo ba talaga sa akin?" Anang boses ng babaeng walang awang tumulak sa pinto. "Holy s**t!" Naging alisto ang galaw ni Dozier at mabilis na pinulot ang tumilapong baril sa sahig. He smirked at Dorothea. "You were right on time, baby." ©MaribelleVerzosa

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
684.7K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.6K
bc

My Favorite Subject

read
217.6K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.4K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.6K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook